Chapter 61: Leaders plan



"MISS ano daw po number ninyo tinatanong ng tropa ko," sabi ni Teddy habang nandito kami sa loob ng Van. Papunta na kami ngayon sa event place at wala silang tigil sa pang-aasar sa akin. Poging-pogi ako kanina sa kanilang apat pero balasubas pa rin talaga ang mga ugali nila.

"Shut up." Nagsalita si Seven at siniko ang tiyan ni Teddy dahilan para indahin nito ang sakit.

"Miss single ka po? Etong tropa ko po single." Si Ace naman ang nagsalita at napairap ako sa ere.

"Jamie ang ganda mo daw sabi ni Seven noong nasa lobby tayo," biglang nagsalita si Kiryu na pumapapak naman ngayon ng Jelly worms.

Namula ang mukha ko sa sinabi ni Kiryu. Alam ko naman na nang-aasar lang sila pero hindi ko rin maipaliwanag ang naramdaman ko noong sinabi iyon ni Kiryu. "Oh 'di ba, namula si Jamie. Dami ninyo pang paligiy-ligoy, eh."

"Stop it already." Utos ni Seven at natahimik sa pagbibiruan ang mga animal. "I want you guys to focus on our mission for the meantime. Teddy at Kiryu, magmasid lang kayo sa mga pumapasok sa Event. Pakiramdaman ninyo kung may kakaibang enerhiya kayong mararamdaman, inform us right away para maging alerto kami."

"Yes sir." Sabay na sabi noong dalawa.

"Ace at Jamie. Just act normal pero huwag ninyong iaalis ang tingin ninyo kay Megan. Kailangan ay hanggang matapos ang event ay nandoon siya at ligtas na makakabalik sa hotel. Maliwanag ba?"

"Yes sir." Ace and I both answered.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa misyong ito, ilang buwan na ang nakalilipas noong huling sumabak ako sa misyon at hindi naging maganda ang naging resulta nito— nawala sa akin si Vincent na naging malapit na kaibigan ko. We trained so hard para mas maging malakas at ayoko na maulit ang mga pangyayari noon.

Akala ko ay sa SM Baguio gaganapin ang fashion show since sina Megan ang may-ari ng pinakamalalaking mall sa Pilipinas pero sabi ni Seven ay nagkaroon daw ng last minute changes at inilipat ang venue sa isang hall kung saan mas maraming tao ang ma-a-accommodate.

Narating namin ang lugar at ang una kong agad napansin ay napaka fashionable noong mga taong pumapasok sa venue. Mabuti na lang talaga at nagpadala ng damit si Girly dahil kung hindi ay naka-sweatshirt at pantalon lang ako ngayon. Pero nilalamig ako sa suot ko... heto na ba yung sinasabi nilang tiis-ganda?"

"Focus on the mission guys!" Seven shouted at sumigaw din kami sa loob ng van. "We are Class Zero..."

"We are family." We answered at bumaba na kami sa Van.

Nauna akong pumasok sa event at una kong event at umupo sa mismong gilid lang ng runway since it's a VIP ticket.

Agad kong nakita si Megan na nakikipag-usap sa ibang mga bigating tao sa Fashion industry.

Sunod na pumasok sa event si Ace and he is holdig his vloffig camera. Sa kabilang side umupo si Ace since ang misyon namin ay bantayan si Megan at hindi magchikahan buong event. Ace focused his camera to me at inirapan ko na lamang siya.

"Para kay Abby, para kay Vincent, para kay Roger, Para kay Casey..." bulong ko sa aking sarili. Hindi ko makakakimutan ang mga taong iyon since ang laki nang naitulong nila sa akin. Nakalimutan man ng buong mundo ang existence nila pero ako ay hindi ko magagawa iyon. They deserve to be remembered.

Pumasok si Seven sa loob ng event hall at lumapit siya kay Megan. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero ini-introduce siya ni Megan sa mga kaibigan niya. 

May focus on the mission pa siyang nalalaman. Mukhang nandito lang 'tong pinunong Pito na 'to para makipagtawanan kay Megan.

Habang naghihintay ako na mag-start ang event ay chinat ko muna si Girly.

Jamie:
Girly! Salamat sa pagpapahiram sa akin ng dress. Nagamit ko siya ngayong event.

Girly:
Don't thank me, duh! Si Seven ang nag-utos na magpadala ako ng dress diyan. At isa pa, knowing you... pupunta ka diyan na parang a-attend lang ng kids party.

Jamie:
Hindi kayaaa!

Kumusta ang pakikipag-compact mo?

Girly:
I made it.

Namatay ang lahat ng ilaw sa event at nagsibalik na ang mga tao sa kani-kanilang upuan. The emcee started talking at amaze na amaze ako kung paano niya hinandle ang event professionally. 

Napabaling ang tingin ko kay Megan at kay Seven na magkatabi sa upuan. Napasimalmal ako bigla, wala naman ginagawa sa akin si Megan pero naba-badtrip ako sa kanya.

Naputol ang aking pagbabantay kay Megan noong tumawag sa akin si Teddy Bear.

"Hello," pagkausap ko.

"May naramdaman kami ni Kiryu na isang malakas na enerhiya na pumasok sa event hall. Saglit lang namin ito naramdaman pero heads-up lang kita. Hindi na safe sa loob ngayon." he informed me

"Magagawa mo bang ilabas ang mga tao dito sa event kung sakaling mag-devil hour?" tanong ko sa kanya. Mabuti na lang at malakas ang music sa event habang naglalakad ang mga model kung kaya't walang nakakarinig sa akin.

"I can move them using my shadow pero hindi ko agad mailalabas ang lahat. Kaya kong iligtas ang ilan but I can't promise that I can save lahat ng tao na nasa loob ng fashion show na 'yan." Honest na sagot sa akin ni Teddy.

We became serious in this event. Puro man kalokohan ang mga kasama ko sa misyong ito pero ibang klase kapag nagseryoso na sila.

Tumingin ako kay Ace. I nodded and he get it right away. Isinara na niya ang camera niya at nag-focus sa event.

Kahit hindi ko naman sabihin kay Seven ay mukhang aware naman na siya at isa pa, katabi niya si Megan kung kaya't paniguradong safe ito.

I heavily breathed in. Sa loob ng ilang buwan ay ngayon lang muli ako makakasagupa ng Lawbreakers. Naramdaman kong nandito na sila sa loob. 

Ace snapped his finger at huminto na ang mga tao sa buong paligid. The event stopped, yung mga nagpapalakpakang tao at maging ang maingay na tugtog.

Tumayo ako at humarap sa likod. May isang lawbreaker ang akmang sasaksakin ako gamit ang matalim nitong kuko ngunit mabilis akong nakagawa ng espada dahil na rin sa pakikipag-compact sa akin ni Abby.

Sinipa ko ito sa tiyan dahilan para mapaatras ang lawbreaker at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para mahiwa ito sa tiyan at mabilis naman na naglaho ang lawbreaker.

"Ace sa likod mo!" sigaw ko at napansin naman iyon ni Ace, hinawakan niya sa mukha ang lawbreaker at may kidlat na gumapang sa kamay niya. Sumabog ang ulo noong lawbreaker.

Using Kiryu's cloning skill and Teddy's shadow moving skill... inilalabas nila ang mga inosenteng tao palabas ng event at nilalagay sa mas ligtas na lugar.

Napatigil ako sa pakikipaglaban noong makita si Seven na prenteng nakaupo habang may ngisi sa kanyang labi. Ano ang ibig sabihin nito?

Ang mas nakakagulat pa ay nakahinto si Megan sa event na ito. She have a power like us... pero bakit nakahinto lang siya?

Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at napatingin sa itaas, butas na ang kisame ng event hall at dahan-dahang bumababa si Edel habang nakaupo sa balikat ng isang malaking lalaki. Parehas silang may tattoo sa noo kung kaya't nakasisigurado ako na miyembro sila ng Black Organization.

Noong nakita ko ang nakangiting mukha ni Edel ay nanumbalik sa alaala ko ang nangyari kay Casey. She easily killed my friend dahil lamang hindi ko sinabi sa kanya ang isang importanteng impormasyon.

"Magbabayad ka, Edel!" sigaw ko at ginawa kong pana ang hawak kong espada. I aimed for her direction pero habang nasa ere ang palaso ay isang malaking leon na gawa sa bato ang biglang lumabas at kinagat ang palaso.

"Na-miss kita, Jamie," Edel giggled at bumaba sa balikat ng kanyang kasama. "Hindi ka ba masaya na makita ulit ako? Puwede ko naman ding patayin ang dalawa mong kaibigan para mas lalo mo akong matandaan."

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis. I can't use my ability kay Edel, hindi ko mababasa ang kanyang iniisip at hindi ko rin siya mauutusan. Lugi ako kung sakaling kalabanin niya ako.

"Calm down, Jamie girl. Huwag kang magpapadala sa galit. Don't do impulsive decision." Ace said while standing beside me.

"Ngayon, Jamie, kung ayaw mo maulit ang nangyari noon... nasaan si Megan?" Hindi nawawala ang ngiti ni Edel sa kanyang labi.

Habang naglalakad siya patungo sa aking direksyon ay may dalawan babae ang biglang sumulpot sa kanyang tabi. They are both underage at sa hula ko... katulad sila ni Vincent, they are being controlled by the Black Organization

"Nasaan muna ang kuwintas!?" Balik kong tanong ko kay Edel.

"Bakit hindi mo basahin ang iniisip ko, Jamie para malaman mo kung nasaan nga ba ang kuwintas." Tumawa si Edel. "Hindi mo nga pala mababasa ang isip ko. Ngayon lang ako naging thankful na bulag ako, hindi ako mauutusan ng mahinang nilalang na gaya mo."

"You are looking for Megan?" tanong ni Seven at kinontrol niya sa ere ang lahat ng upuan at pinalipad sa direksyon ni Edel. 

Hindi tinamaan si Edel bagkus ay sumigaw ang malaking tao na kasama niya at nawarak ang lahat ng upuan habang nasa ere.

"Salamat, Hugo." Edel said. "Oh, kayo ang sikat na Class Zero na pumatay kay Hanzo. Siya ang pumatay sa kapatid mo, Hugo." Itinuro ni Edel si Seven.

Akmang lalapit ako para tulungan si Seven ngunit nagulat ako noong nasa likod ko na ang isang batang babae at may patalim nang nakatutok sa aking leeg. "Subukan mong gumalaw, maglalaho ka agad-agad."

Napatingin ako kay Ace at ganoon din ang nangyari sa kanya, pinigilan din siya noong isang batang babae na gumalaw. May mga ilang lawbreakers pa rin sa paligid pero sina Teddy at Kiryu ang kumakalaban dito.

Nasa panganib ang buhay ni Seven... dalawang miyembro ng Black Organization. Wala siyang laban dito. 

Pero noong napatingin ako kay Seven ay hindi ko man lang ito nakikitaan ng katiting na takot sa kanyang mata. Nakaupo pa rin siya sa tabi ni Megan.

"Hindi ko alam na maloloko kayo sa ganitong klaseng palabas, Black Organization. Pinatunayan ninyo lang sa akin na hindi kayo ganoon kataas at kayang-kaya namin kayong utakan." sabi ni Seven.

"Nakuha namin ang Phoenix Necklace sa inyo nang walang kahirap-hirap. At wala na kayong pupuntahan sa pagkakataong ito... ngayon, sabihin mo kung nasaan si Megan upang mabuhay na namin si Deathevn. I-expose natin sa buong mundo kung gaano tayo kalakas na mga glitches ng society." Edel explained.

"If you are looking for Megan, heto siya sa tabi ko. Mukhang maling impormasyon ang nakarating sa Black Organization dahil walang kapangyarihan si Megan, she's not a glitch in the society kung kaya't hindi siya ang hinahanap ninyo na may Royal blood." paliwanag ni Seven at maging ako ay nagulat sa kanyang sinabi. All along ay akala ko ay may kapangyarihan din si Megan.

Napatingin ako kay Ace. He smirked noong nagpapaliwanag si Seven.

"This Baguio mission? Peke lang ito na pinlano namin ni Sir Joseph at ni Ace. Hindi totoong nandito sa Baguio ang taong may Royal Blood. Gusto lang namin malaman kung totoong may espiya ang Black Organization sa loob ng Class Zero... at ngayong nandito kayo, napatunayan namin na may taksil sa grupo namin." Tumay si Seven at nilaro-laro ang mga baraha sa kanyang kamay. 

Hinagis niya ito sa ere at pinalutang ang lahat ng baraha. "You guys are so fucking dumb to believe in that false information."

Edel slowly clapped. "Sa tagal na nating nagkakasagupa ay ngayon ninyo lang napansin ang bagay na iyan. Tumatalino na nga ang Class Zero."

"Jamie, ready ka na ba lumaban?" tanong sa akin ni Ace.

"Asa ka pang matakasan ninyo kami!" sigaw noong isang babae.

"Teddy!" malakas na sigaw ni Ace at nilamon ng anino si Ace at sa isang iglap ay nasa likod na siya noong dalawang babae at nakahawak siya sa magkabilang leeg nito.

May kuryenteng kumislap sa magkabilang kamay ni Ace at nawalan ng malay ang dalawang babae. Doon lang ako nakakilos ng maayos at seryosong humarap kanila Edel.

Pinalipad ni Seven ang mga baraha sa direksyon ni Edel at naglabas si edel ng isang malaking elepante na gawa sa bato to protect herself from the cards.

Tumakbo ako tungo sa direksyon ni Edel at naglabas ng espada.

We will win this war.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top