Chapter 60: Dressing Up
MAG-ISA akong umupo sa isang bench sa garden at pinagmasdan ko ang magandang view ng Burnham Park. Ang magaling na si Seven, talagang iniwan ako para gawin ang misyon namin. Okay lang naman iyon dahil iyon ang priority namin pero ang hindi ko matanggap ay iniwan niya ako na hindi ako kinukuhanan ng picture tapos ako ay nakailang shots sa kanya.
"He is a fan? Wow, kailan pa siya nagkaalam sa fashion?" Umirap ako sa ere habang nagrereklamo sa sarili ko. "Ang sungit-sungit niya sa lahat tapos kay Megan kung makangiti siya akala mo ay si Jesus na ang nakita niya." Dugtong ko pa.
Napatigil ako sa aking pagrereklamo noong biglang tumabi sa akin si Kiryu. "Oh akala ko ba nagde-date kayo ni Pinunong Pito?" He asked.
"Date? Asa! Bantayan niya si Megan maghapon."
"Jelly Ace?"
"Ako jelly? Bakit naman ako magseselos? Kahit itali niya pa ang sarili niya kay Megan ay wala akong pakialam." Reklamo ko, itong si Kiryu kung ano-ano din ang lumalabas sa bibig minsan.
"Hindi ko naman tinatanong kung nagseselos ka, eh. Inaalok kita ng jelly ace." Iwinagayway niya sa harap ko ang isang pakete ng Jelly Ace. Bigla akong nahiya sa sinabi ko. "Jamie, huwag ka nang magselos, ginagawa lang ni Seven ang trabaho niya. This is an important mission, royal blood ang pinag-uusapan natin dito. Kung mabubuhay si Deathevm ay mabubuko ang sikreto nating mga glitches ng society at mangyayati ang kinatatakutan natin." Kiryu explained and I nodded.
Tama siya, hindi ito ang panahon para maging self-centered ako at magmukmok lang dahil sa picture. Nasa misyon kami and we should do our task effectively.
Nag-usap pa kami ni Kiryu ng ilang minuto bago kami pumunta sa restaurant para mag-late breakfast. Habang kumakain kami ay buglang tumawag si Mild sa akin.
"Jamieee!" Reklamong bungad sa akin ni Mild. "Buryong-buryo na ako sa competition na 'to!"
Kasama kasi siya sa ipinadala para sa school competition. "Kumusta? Panalo naman ba?" Tanong ko.
"Yeah, easy win." She answered. "Kaso bukas pa ang awarding so kailangan ko pang mag-stay dito for a day. Sunod na sunod na ako diyan sa Baguio!"
"Baliw mapapagalitan ka ni sir Joseph."
"Okay pang. Kumusta na kayo diyan? Malamig sa Baguio ngayon?" She asked.
"Oo malamig," sasabihin ko sanang supt ko ang jacket ni Seven ngunit alam kong nalisyosa ang gaga na 'to kaya 'wag na lang. "Ginagawa naman namin 'yong task namin kahit papaano."
"Huy, autograph kay Megan, ha! 'Wag mo kakalimutan. Tapos ipaliwanag mo sa akin kung gaano ka-cool ang ability niya kung sakaling makita mo. Pinaghihinalaan siya bilang taong may royal blood kung kaya't paniguradong hindi basta-basta ang kapangyarihan niya!" Mild loudly explain. Hindi ko nga alam kung nasa public place pero walang preno ang bibig niya sa pagsasabi ng important informations.
Natapos kami sa pagkain at sumama ako kay Teddy na bantayan si Megan. Sa aming lima, si Seven ang madalas kasama ni Megan at mukhang nagkakasundo silang dalawa. Nakaupo kami ni Teddy sa isang bench habang pasulyap-sulyap kami sa dalawa.
"J-Jamie, kalma lang. Misyon lang 'to." Teddy bear explained in panic.
"Mukha ba akong badtrip? Masaya nga ako, eh." I tried to smile.
"Your face say it all. Huwag kang mag-alala, hindi interesado si Seven kay Megan." He assured me at napalitan ang ekspresyon ng mukha ko nang pagtataka. Sa aming apat ay si Teddy ang pinaka-close kay Seven dahil ilang misyon na ang pinagsamahan nilang dalawa.
"Bakit naman hindi siya interesado kay Megan? Ang ganda-ganda ni Megan tapos mukhang mabait pa."
"Ewan ko kay Seven, mai-inlove na lang, sa tanga pa."
"Ay bobo crush ni Seven?" Hindi naman nagkukuwento sa akin si Pinunong Pito sa love life niya! Matanong nga minsan.
"Oo napaka." Teddy chuckled. "Tomorrow will be a big day, Jamie. Prepare yourself. Alam kong si Eden ang pumatay sa kaibigan mo kung kaya't huwag ka sanang madadala ng galit. We must act as one upang maiwasan natin ang masamang pangyayari. Ayokong maulit ang nangyari kay Roger."
Maraming buhay na ang nawala sa gulong ito. Si Casey, si Roger, si Vincent, at iba pang inosenteng tao na nadamay lang sa gulo. Kaming Class Zero lang ang makapipigil sa Black Organization.
***
KINAGABIHAN ay sabay-sabay kaming nagdinner sa isang sikat na restaurant dito sa Burnham Park, and you know what? Napatunayan ko na masarap talaga ang Bulalo sa ganito kalamig na klima tapos sasabayan pa ng mainit na sabaw ng sinigang... ay heaven!
"Kumusta ang date ninyo ni Megan, Seven... maghapon kayo magkasama, ah." Sabi ni Ace habang bini-video-han niya ang buong lugar.
"Date my ass." He answered. "Kinausap ko si Megan para makakuha nito." May kinuha si Seven sa kanyang bulsa at tatlong VIP ticket ito para sa fashion show bukas.
Lahat kami ay napa-woah sa pagkamangha. Isa sa mga kilalang fashion show and Seven managed to get three VIP tickets sa pagkausap kay Megan. "Unluckily, hindi tayo lahat makakapasok sa mismong show kung kaya't ang dalawa ay magbabantay sa labas." Seven reminded us.
"Sa labas na lang ako," prisinta ni Teddy. "Wala akong hilig sa ganyang bagay."
"May swimsuit sa runway bukas," bulong ni Ace kay Teddy na narinig ko.
"Sige pala, sa loob na lang din ako." Nyeta 'tong si Teddy bear. Ang bilis magbago ng isip.
"So here is the plan, ako, si Ace, at si Jamie ang papasok sa loob to attend the fashion show," we all nodded as we agreed. "Kiryu at Teddy kayo ang magbabantay sa labas ng hall para magbantay kung may kakaibang pagkilos na nagaganap. Our main objective is to protect Megan Dela Fuente pero hangga't kaya natin ay poprotektahan natin ang buhay ng ibang tao. Malaki ang tiyansa na may sumugod na mga lawbreakers bukas and I want you guys to be prepared."
"Let's all remember na sa public place magaganap ang event... kung hindi man natin maprotektahan ang lahat ng tao, that's okay." Ace explained. I get his point pero kung ako ang tatanungin, hangga't kaya ko ay ililigtas ko ang lahat.
Ayoko na may maglaho na lang ulit at kalimutan na lang na para bang hindi siya nag-exist. I know it's maintaining the balance of the world pero ang sakit pa rin kapag nangyayari ang bagay na iyon.
Matapos kumain ay saglit akong naligo sa room namin ni Kiryu. Maagang natulog si Kiryu dahil napagod daw siya kaka-video kay Ace sa vlog nito. Ako naman ay pumunta sa garden para mag-ikot-ikot saglit.
Now I get it kung bakit tourist capital of the Philippines itong Baguio, napakalayo niya sa magulong pamumuhay sa Maynila. Ang peaceful sa Baguio, all you can see is the mountains, trees, at kahit gabi ay ang banayag pa rin sa pakiramdam.
Lalong nakaganda sa ganda nito ang streetlights dito sa garden. Ang enchanted ng lugar.
Pinicture-an ko ang lugar bago ako umupo sa isang bench. Tahimik akong nagmumuni-muni noong biglang may magdikit na mainit na coffee sa pisngi ko.
I looked up and Seven is standing habang nakangiti. "Coffee?" Alok niya at iniabot sa akin ang kape.
"Brewed coffee ba 'to?" Tanong ko.
"I know you hate brewed coffee. Latte 'yan, 'wag kang mag-alala." Umupo si Seven sa tabi ko tahimik lang kaming dalawa na nakatingin sa view.
"Sa tingin mo, matatapos kaya ang gulong 'to?" Tanong ni Seven, hindi siya sa akin nakatingin at nakatingin lang siya sa mga taong nagpapahangin din sa garden.
Humigop ako ng kape. "Naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay may katapusan. This war will end pretty soon." Paliwanag ko sa kanya.
"Natatakot ako na baka maulit ang mangyari kay Roger. Sumisiklab ang laban sa pagitan ng mga glitches ng mundong ito at hindi ko alam kung magagawa ko bang protektahan ang lahat," Seven explained to me.
Hindi parating sinasabi ni Seven na importante kami sa kanya. He always act snobbish and cold pero sa totoo lang ay mahal niya rin ang Class Zero katulad ng pagmamahal namin. Ang tagal na naming magkakasama at isang malaking pamilya na ang tingin naminsa isa't isa.
Noong una ay pakiramdam ko ay grupo pang kami ng estudyante na pinagsama-sana sa iisang special program ng school pero as the time goes by, napamahal na ako sa bawat isa.
Seven and I stayed there for a couple of minutes at nag-usap sa maraming bagay. Isa sa mga napag-usapan namin ang academics at ipinagyayabang niya sa akin na matalino talaga siya bwisit siya.
Naputol ang aming pag-uusap noong biglang dumating si Ace. "Oh, may night date pala kayo." tukso niya.
"Bakit?" Seven seriously asked.
"Tumawag si Sir Joseph... may pag-uusapan tayong tatlo." seryosong sabi ni Ace.
Seven stood up at seryosong naglakad paalis. "Jamie, magpahinga ka na rin. Maaga pa tayo bukas." huling sinabi niya sa akin.
Ang weird ng dalawa na 'to.
***
NAGISING na lamang ako sa alarm ni Kiryu habang siya ay mahimbing pa rin na natutulog. Napatingin ako sa orasan and it's already 8:13AM. "Holy Macaroni!" Sabi ko at dali-daling bumangon.
Usapan kasi namin nila Seven ay 10 kami magkikita-kita sa lobby para pumunta sa event. Binato ko ng unan si Kiryu. "Kiryu, gumising ka na! Magagalit si Seven kapag late tayo!"
"Five minutes pa." mahinang bulong niya.
"Kapag hindi ka pa bumangon diyan ay itatapon ko lahat ng pochi sa bag mo!"
"Eto na, babangon na!" He cutely said habang kumakamot ng ulo. "Badtrip ka Jamie, umagang-umaga. Subukan mong ihagis ang mga pochi ko. Gugulong ka pababa ng Baguio."
Parehas kaming naghanda ni Kiryu for the event. Una akong naligo since may katagalan at si Kiryu ang naghanda ng breakfast namin, akala ko nga ay kung gaano kabongga ang gagawin niyang almusal kasi proud na proiud siyang magprisinta pero paglabas ko ng banyo ay dalawang instant noodles lang naman ang nakahain sa lamesa.
"I just learned that last week." proud niyang sabi.
"Kiryu anong mahirap sa paglalagay ng mainit na tubig sa cup noodles?" tanong ko. "Sige na, maligo ka na."
Nakatapis lang ang tuwalya sa aking katawan (although may suot na akong undergarments) but Kiryu doesn't mind at all. He's a little boy who's not interested in woman. Sana ay hindi na lumaki si Kiryu kasi ang cutie-cutie ng ugali niya.
Napansin ko ang nakasabit na coat sa may kabinet. "Ano 'to?" tanong ko.
"Your dress for the event." He said proudly. "Pinadala ni Girly kagabi." sagot niya.
Binuksan ko ang coat and it is an A-line black dress na above the knee, may nakasukbit din sa hanger nito na gold na belt. It was a really beautiful dress pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang sticky note na nakadikit sa hanger.
You have a fashion show to attend tomorrow and you have a worst fashion taste. Let this bitch help you.
PS: Huwag mong dudumihan. Tatama 'tong palad ko sa ' yo
Napangiti ako sa nilagay ni Girly. Habang nasa banyo si Kiryu ay sinamantala ko na ito para magbihis. Actually complete set na ang ipinadala ni Girly dahil may nude heels na sa loob ng kabinet na aking sinuot.
Kinulot ko ang dulo ng itim kong buhok at naglagay ng kaunting make up. Grabe! Hindi ko naman in-expect na kapag a-attend ka ng fashion show ay dapat fashionable ka rin. Wala naman akong hilig sa mga ganito.
Para sa misyon. Para sa misyon.
Paglabas ni Kiryu ng banyo ay napatingin siya sa akin.
"Jamie mukha ka ng babae sa paningin ko ngayon." sabi ni Kiryu at binlower ang buhok niya para mabilis na matuyo.
"Grabe! Bakit ano ba ang tingin mo sa akin dati?" tanong ko.
"Tuta." sagot ni Kiryu. Buwisit, bakit ba ako nag-expect na makakakuha ako ng matinong sagot kay Kiryu.
Nakasuot si Kiryu ng itim na slacks at puting T-shirt na may minimal na design na pinatungan niya ng itim na coat tapos nakasuot siya ng puting sapatos and grabe ang gwapo ni Kiryu. Inayos niya rin ang kanyang buhok and first time kong nakita na nag-hair wax si kiryu and this is the first time he exposed his forehead.
"Jamie, abot mo nga yung pochi ko sa kama. Nagutom ako bigla." Ayon lang, sayang lang at hindi nai-i-style ang cutie na ugali niya.
Parehas kaming ready sa event noong makarinig ako ng katok mula sa pinto ng aming room.
Naglagay ako ng pulang lipstick sa aking labi at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin. Maaaring magkaharap kami ni Edel muli. Hindi ako dapat kabahan, naghanda ako para rito.
Naglakad na kaming dalawa ni Kiryu sa may pinto at tumambad sa akin ang tatlo pang lalaki na kaharap ko ngayon at hindi ko sila halos makilala dahil lahat sila ay nakasuot ng tux. Kulay puting tux ang suot ni Ace samantalang itim na tuxedo naman ang suot ni Seven.
Si Teddy bear, kagaya noong suot ni Kiryu ay semiformal lang din ang suot niya but he used black tux at ipinatong niya sa itim niyang damit.
I smiled when I saw them.
Seven smiled to my direction. "Let's go." Aya niya at naglakad na kami papalabas ng Azalea Hotel.
Our mission will start now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top