Chapter 6: Real mission

MAAGA akong nagising ngayon dahil na rin sa ingay ng alarm ko, 8:00 AM ang klase ko ngayon at hindi ako pwedeng ma-late. Ang pangit naman ng magiging impression sa akin ng ibang tao kung parati akong late sa klase, baka sabihin ng mga kaklase ko na porke't kabilang ako sa Class Zero ay sinasamantala ko na.

Mabigat ang mata ko ngayon dahil na rin halos tatlong oras lang ang tulog ko. Nahirapan akong makatulog, sa tuwing naiisip ko ang weird na encounter ko kagabi ay parang bumibilis muli ang takbo ng puso ko.

Mabilis lang akong naligo at hindi na rin ako dito nag-breakfast, dadaan na lang ako sa cafeteria after class.

Pagkalabas ko ng aking kwarto ay saktong naglalakad din si Mild pababa ng dorm. "G-Good morning," bati ko sa kanya.

"Did you have a hard time in sleeping?" Tanong niya sa akin. "Baka naman naguguluhan pa tayo sa ngayon, but I am pretty sure, kapag nalaman natin kung ano nga ba ang ginagawa ng class Zero ay maliliwanagan din tayong dalawa." Tuloy niya pa.

"Baka nga. May klase ka?" tanong ko sa kanya.

"Nope, alas-dies pa ang klase ko. Dadaan ako sa library ng college namin para magbasa-basa." Sabi niya sa akin. Magbasa!? Kung wattpad books ang babasahin ay kaya kong magpuyat, pero kung mga textbooks naman ay baka wala pang 10 minutes ay tulog na ako.

"Pakiramdam ko talaga ako lang ang hindi pala-aral sa class zero, lahat kayo ay matatalino." Sabi ko, lumiko kami sa pasilyo at bumaba sa hagdan.

"Narinig mo naman ang sinabi ni sir Joseph sa atin, nasa class zero tayo dahil special DAW tayo. Hindi niya sinabing matalino tayo." Sabi niya sa akin and somehow ay napangiti ako dahil kahit papaano ay maintindihin din pala itong si Mild. "Any have plans for tonight?" Tanong niya sa akin.

"Wala naman, bakit?"

"Let's eat together, nakakalungkot kumain mag-isa sa dorm. Magkita na lang tayo sa convenience store mamaya." Sabi niya sa akin at nauna na siyang maglakad palabas ng dorm house. Hindi man lang niya hinintay ang sagot ko.

Pagkalabas ko ng dorm ay naglakad na ako patungo sa college of science. Sa ground floor pa lang ng college namin ay sumalubong na agad sa akin si Diana. "Jamieee!" Malakas niyang sigaw kaya naman napatingin sa amin ang ibang estudyanteng dumadaan.

Mas nakadagdag pa ng atensyon ang suot kong badge, sabi na nga ba, dapat ay hindi ko na lang sinusuot 'tong badge na 'to para naman kahit papaano ay makaiwas ako sa atensyon na ibinibigay ng mga kaklase ko.

"Ang lakas ng boses mo," sabi ko sa kanya. Maaga-aga pa naman kung kaya't may time pa kami para magkwentuhan na dalawa.

"Sorry naman. Ikaw naman kasi, nag-send ako sa'yo ng friend request kahapon ay hindi mo naman ako in-accept. Akala ko pa naman makakapag-chika-chika tayo thru chat." Sabi niya sa akin na may halong pagtatampo.

Nakalimutan ko na ang tungkol doon, marami ng bagay ang nangyari kagabi kung kaya naman hindi ako nakapag-open ng facebook kagabi. "Sorry naman, mabagal internet kagabi."

"Echosera ka! Mabilis ang internet ng mga class zero. 'Wag ako 'te." Sabi niya sa akin. "But anyway, highway, sabay tayo mag-lunch mamaya." Sabi niya sa akin at um-oo na lang ako bilang pambawi sa kanya.

***

MABILIS naman natapos ang klase ko ngayong umaga, bago ako pumasok sa room ay tinanggal ko na rin ang badge ko para naman kahit papaano ay malayo ako sa atensyon. May mga kaklase na akong kumakausap sa akin pero hindi ko pa masasabi na may kaibigan na ako.

Gaya nang napag-usapan namin ni Diana ay sabay kaming nag-lunch pero this time ay hindi siya mag-isa. May kasama siyang isang gay at isang babae na estudyante. "Jamie, this is my friend from section A. Eto si Aris," itinuro niya yung gay na student na namumutok ang labi dahil sa pula ng lipstick at pak na pak ang kilay niya. "And this is Casey," itinuro niya ang babae na may maiksing buhok at nakasuot ng salamin.

"It's nice meeting you," nakangiti kong sabi sa kanila.

"No need to be formal, 'te. Mag-usap tayo na parang mag-BFF's na tayo since kinder." Sabi ni Aris sa amin at napatawa naman ako. Actually, ganito yung mga gusto kong kasama, yung fun lang.

Sa main cafeteria kami kumain para raw makahanap kami ng gwapo sabi ni Diana. "Bakla, may gwapo sa gilid mo, yung may red na bag." Sabi ni Diana na para bang nagre-report kay Aris.

"'Te, 'di ko bet." Sagot naman ni Aris sa kanya.

"Nandito si Seven," pag-inform ni Casey sa dalawa at dali-dali naman silang kumuha ng Johnson's powder at naglagay sa kanilang mukha. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka kung sino si Seven, bakit kailangan nilang paghandaan ng ganoon 'yon?

"Who's Seven?" Tanong ko kay Diana at napatulala naman sila sa akin na para bang sinasabi na 'shunga ka 'te? Wala ka mata? 'Di ka sanay maghanap ng gwapo?'

Nawala ang ngiti sa kanilang mga labi at napabaling ang tingin sa akin. "Si Seven! Kasama mo siya sa Class Zero, he's an architect." Sabi ni Casey sa akin.

Napabaling ang tingin ko sa lalaking sinasabi nila at napakunot ako ng noo dahil yung lalaking tinutukoy nila ay yung lalaking masungit kahapon. Seven pala ang kanyang pangalan.

"Naiinggit ako sa'yo, Jamie," sabi ni Aris sa akin at hinawakan pa ang aking kamay. "Nakakasama mo yung pinakamatatalinong tao rito sa Merton Academy. Si Seven, si Ace, yung kambal..." daig pa nila ako, mas kilala pa nila ang mga kaklase ko kaysa sa akin.

Para naman hindi puro lalaki ang topic namin ay iniba ko ang usapan. "Narinig ninyo ba yung pagsabog kagabi?" Ang tinutukoy ko ay yung ingay na ginawa nung lalaki kagabi.

"Pagsabog? Mayroon ba?" Tanong ni Casey at tumingin siya kanila Diana, parehas naman silang umiling.

"Yung malakas na pagsabog malapit sa school! Yung lalaking may kakaibang kamay." Pagpapatuloy ko pa.

"May kakaibang kamay?" Napatawa silang tatlo na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "Alam mo, Jamie, kung mayroon mang pagsabog na naganap kagabi ay paniguradong malalagay sa news 'yan, helloooo! Sobrang sikat kaya ng school natin." Sabi ni Aris.

Saglit akong natahimik. Mukhang tama nga ang sinabi ni sir Joseph, walang ibang tao ang nakakaalam sa mga nangyari kagabi dahil huminto ang takbo ng oras. "Bakit, Jamie? May narinig ka bang pagsabog kagabi? Ikaw ang nakakaalam niyan dahil naka-dorm ka rito sa school." Sabi ni Diana sa akin.

Ikukuwentobko na dapat sa kanila ang mga nangyari nung naalala ko bigla ang mga sinabi ni sir Joseph.

"Lahat ng matututunan, makikita, at mararanasan mo sa class zero... ay hindi mo maaaring ipagsabi sa kung sino. Lahat ng bagay na malalaman ninyo at matutuklasan ay sa'tin-sa'tin lang, if you can't promise that to me, maluwag ang pinto, pwedeng-pwede ka nang umalis."

Hindi ko pwedeng ipagsabi ang mga nangyari kagabi. "Jamie," Pagtawag ulit sa akin ni Aris.

"W-Wala, baka sobrang realistic lang nung panaginip ko kagabi kung kaya't akala ko ay totoo ang naganap na pagsabog." Sabi ko.

Nagpatuloy ang Masaya naming kwentuhan at kinagabihan naman ay sabay kaming kumain ni Mild. So far, nagugustuhan ko na ang pananatili ko rito sa Merton Academy lalo na't dumarami ang aking nagiging kaibigan.

***

WEDNESDAY. Ibig sabihin lamang nito ay may klase ako ngayon sa Class Zero, hindi ko alam kung dapat ko bang pasukan pa 'tong special class na ito. Pakiramdam ko kasi ay dadalhin ako ng klase na ito sa kung saan-saang gulo.

Pero gaya ng sabi sa akin ni Mild nung nakaraang araw, may parte sa akin na gusto pa ring ipagpatuloy ang pag-attend sa klase ng class zero. Feeling ko ay sangkot ako sa hiwagang nababalot ng lugar.

Nakatayo muli ako sa harap ng classroom at nagdadalawang isip muli kung dapat ba akong pumasok. "Ilang beses mo ba kinakailangang humarang sa pinto?" Biglang may nagsalita sa likod ko—si Seven. Nakasuot lang siya ng itim na T-shirt na may design na bungo at maong na pants.

"Bakit hindi ka naka-uniform?" Tanong ko sa kanya.

"It's the privilege of being part of class zero. I can wear whatever I want," bored na bored niyang paliwanag sa akin. "Umalis ka na, ang laki mong harang."

Gumilid ako at naglakad na ako papasok sa loob ng class zero. Napabuntong hininga ako at sumunod na sa kanya papasok. Dapat pala ay nagbasa-basa na ako patungkol sa mga benefits kapag parte ng class zero.

Pagpasok ko sa classroom ay sumalubong sa akin si Kiryu. "Jamieee!" He shouted in a bubbly tone. Hindi ba nawawalan ng energy ang lalaking ito? "Ikukuwentob ko lang sa 'yo yung naimbento kong Math Theory at kung ano-anong obstacles ang nakaharap ko—"

Hinatak na siya ng kakambal niya pabalik sa upuan. "You don't need to listen to him. He's a total weirdo." Sabi ni Kiran sa akin.

Actually, ang cute nga nang tingin ko sa kambal na ito eh. Sobrang magkaiba kasi ang ugali nila.

"Good afternoon class," napaayos kami nang upu nung pumasok na sa classroom si sir Joseph. Nung nakita ko siya ay naalala ko ang ginawa niyang pagsaksak sa lalaki kagabi. Kung makangiti si sir ay akala mo ay hindi pumatay ng tao. "It makes me happy na hanggang ngayon ay 12 pa rin kayong nandito sa klase ko,"

Tumingin ako sa classroom at wala ngang absent sa amin. "Akala ko ay iisipin ninyong weird ang klaseng ito dahil na rin sa mga narinig ninyo nung lunes." Iniisip ko pa rin naman na weird ang klaseng ito.

Binuksan ni sir Joseph ang projector at pinatay niya ang ilaw na para bang sinasabi na handa na siyang mag-discuss.

Nag-flash sa board ang salitang "What is Class zero?"

"As you can see, Class zero is composed of talented students... iyon ang alam ng maraming tao. We hide the true agenda or mission of Class zero sa pamamagitan na pagpapalabas na ang Class zero ay binubuo ng pinakamatatalinong tao sa Merton Academy, well I believe that class zero is bunch of smart kids but... hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit nabuo ang class zero." habang nagdi-discuss si sir ay tutok na tutok kaming lahat, walang nagsasalita at nasa kanya ang atensyon namin.

"Ang class zero ay isang secret group na binubuo ng mga kabataang may kakaibang kapangyarihan o kakayahan. Ang mga kabataang iyon ay kayo. Tuturuan namin kayo upang mapalabas ang tunay ninyong kakayahan."

"Sir," biglang nagtaas ng kamay si Mild at napabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. "About the lawbreaker, ano 'yon? Yung devil hour, ano 'yon?"

"Lawbreaker ang tawag namin sa mga taong may kakaibang kapangyarihan ngunit ginagamit nila ito sa masamang paraan, they are also special childrens, pero bago pa man din nila makontrol ang kapangyarihan nila ay nakontrol na sila nito. Devil hour naman ang tawag namin sa kung saan humihinto ang takbo ng oras. Katulad nito," Sir Joseph snapped his finger at tumigil sa paggalaw ang orasan na nakasabit sa wall clock, tumigil din ang paglipad ng ibon na natatanaw ko sa bintana.

"Balang araw ay matututunan ninyo rin ang bagay na iyan. Ang devil hour ay pagpapahinto sa oras para mas medaling mahanap ang lawbreaker at maiwasan ang malawakang pinsala. Dahil kung ano man ang mangyari o masirang bagay habang nasa 'devil hour,' hindi iyon makakaapekto sa pagiging balanse ng mundo." Paliwanag pa ni sir.

"Those lawbreakers are after this necklace," may kinuha si sir na isang kuwintas mula sa kanyang bulsa, napakagabda ng kuwintas ito dahil may diyamante ito sa gitna at matingkad na puti ang kumikinang mula sa loob nito. "This is the last necklace from the magical school named Altheria Academy. Pinaniniwalaan na ang kuwintas na ito ang isa sa makatutulong para mabuhay ang isang malakas na halimaw."

Weird. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng school na iyon. Magic school? Weh? Baka naman chinacharot lang kami ni sir.

"Hindi taon-taon ay nagkakaroon ng Class Zero sa Merton Academy. We just accept special students every five years." totoo iyon, akala ko noon kaya ganoon para makapag-focus lang sila sa mga pinag-aaralan nila kaya hindi taon-taon nadadagdagan ang mga kasali sa special class. Merton Academy really wait all of them to graduate  bago ulit tumanggap ng estudyante sa special class na ito. "Hindi namin kaya na taon-taon na magdagdag ng mga bagong estudyante. Mas maraming nakakaalam... mas mahirap pangalagaab ang isang sikreto. Class zero is a secret group who kill the lawbreakers of our society."

Sa mga sinasabi ni sir ay unti-unti na akong naliliwanagan. Unti-unti ko nang natatanggap na parte ako nito. Marami pang ini-discuss si sir at pinaalala niya sa amin ulit na ang lahat ng bagay na nalalaman namin ay kailangan naming panatilihing sikreto.

"Let's call it a day," inayos ni sir ang mga libro sa kanyang desk at pinatay niya na ang projector. "Tapos na tayo sa briefing and in next meeting ay sasanayin ko na kayo. For your first assignment... you need to research about the basic principles of magi."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top