Chapter 56: A New Mission

Chapter 56: A new mission
NAGPAGULONG-GULONG ako sa kama, ilang oras ko na rin pinilit na makatulog pero hindi talaga epektibo. There are a lot of things running in my mind right now. Gumugulo sa isipan ko ang nawawalang Phoenix necklace, alam naman naming lahat na importante ang bagay na iyon. It's our weapon against Black Organization ang yet, we lost it. Isa rin sa gumugulo sa akin ay sa kung paano ito nawala, nandito kaming lahat na class zero pero naisahan pa rin kami ng Black Organization at nakuha nila ito.
Isa pang gumugulo sa akin... ang sinabi ni Seven. Ayoko mang maniwala dito pero maaaring tama siya na isa sa amin ang kumuha ng kwintas at nakikipagtulungan sa Black organization.
Mabilis kong iniling-iling ang aking ulo. "No, no. Jamie, wala sa kasamahan mo ang kumuha ng kwintas. Pamilya kayo sa class zero." I am convincing myself na wala nga sa amin, pero sa mga oras na ito... hindid namin pwedeng balewalain ang lahat ng possibilities.
Naalala ko na naman ang mga pangyayari kanina sa kung paano namin hanapin ang kumuha ng kwintas. Hindi lang nagkaroon ng advantage ang Black Organization, nagkaroon din kami ng agam-agam sa isa't-isa.
"Isa sa atin? That's pathetic! Magkakasama tayo rito, imposibleng isa sa atin ang gumawa no'n." sabi ni Mild.
"W-we're class zero, we're family, right?" teddy asked on us pero nakatahimik lang ang lahat. I don't know kung paano ko mapapatunayan nga na pamilya kami kung walang umaamin sa isang matinding kasalanan. "This is bullshit!" he stood up and kicked the trashbin.
"Bakit hindi na lang natin gamitin ang kapangyarihan ni Jamie para malaman ang katotohanan?" suhestiyon ni Ace kung kaya't napatingin sa kanya ang lahat. "Jamie can use her ability to know the truth. Kung wala nga sa atin ang kumuha ng kwintas, then be confident." He explained.
"Using my ability? Pero ayokong maghinala sa inyo," mahina kong sabi. I trust them, I really do. Ayokong umabot sa ganitong point.
"Jamie, do it." Sir Joseph suddenly speaks. "Kung totoo man na isa sa inyo ang kumuha ng kwintas ay malalaman natin sa pamamagitan ng ability mo. Alam ninyo naman kung gaano ka-importante ang bagay na nawala sa atin."
I stood up at pumunta sa harap. I heavily sighed. Unang lumapit sa akin si Seven at tiningnan ako ng mata sa mata. "Ikaw ba ang kumuha ng kwintas?" tanong ko.
"Hindi." Seven replied without avoiding my eyes.
"Hindi si Seven," sagot ko sa kanilang lahat. He's saying the truth.
Isa-isa pang lumapit ang mga kasamahan ko sa akin upang hulaan ko kung sino nga ba sa kanila ang kumuha ng kwintas.
Matapos kong basahin ang kanilang isip ay iisa ang resulta na lumabas, wala. Wala sa class zero ang kumuha ng kwintas kung kaya't ang laki ng ginhawa nito para sa akin.
"See guys, wala sa atin ang kumuha nung kwintas. There's no need to doubt each and everyone. We're class zero, we're family." I answered them, may iba ring napangiti sa resulta pero may ilan ding hindi kumbinsido.
"One of us is still lying," Seven said na ikinagulat ng lahat. Hindi pa rin ba siya tapos sa mga hinala niya? Nagsisimula na akong mainis sa kanya dahil parang sinisira niya talaga ang pagkakaibigan na mayroon kami. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang siya sa resulta? Walang nagsisinungaling sa amin!
"Paano mangyayari 'yon? Ayan na nga, binasa na nga ni Jamie ang isipan natin. Let's be happy with the result." Jessica said.
"Madali lang naman 'yan," tumayo mula si Seven at nakipagtitigan sa akin. "Shoot a basic question that answerable by yes or no." sabi niya.
"H-ha?"
"Just do it, Jamie."
Basic question? "Do you like cheese cake?" I asked.
"Yes." He answered.
I looked into his eyes at isa lang ang lumabas dito. "He's saying the truth."
"But I hate cheesecake," Seven smirked and sitted to his seat. "Hindi ako kumakain ng cheesecake."
Nabigla ako sa sinabi ni Seven, ibig sabihin ba nito ay hindi ganoon ka-epektibo ang ability ko para malaman ang mga bagay-bagay. Ibig sabihin ba nito na hindi parating tama ang mind reading skill ko?
"Hindi ko sinasabing mali ang mga hula mo, Jamie, pero it just proved na hindi parating tama ang sinasabi mo. Pero gaya nga nang sabi ko, 'hula,'" he quoted that word. "Ibig sabihin lamang nito na hindi parating tama."
"Paano naman nangyari 'yon?" Girly curiously asked.
"Madali lang, pinaniwala ko lang ang sarili ko kanina na gusto ko ang cheesecake habang binabasa niya ang isipan ko. Madali lang naman baliin ang isang katotohanan basta kukumbinsihin mo ang sarili mo." Seven explained to us at doon kami naliwanagan lahat. "Ngayon tanungin mo ulit ako, Jamie kung ako ang kumuha ng Phoenix necklace."
Tumingin si Seven sa aking mata. "Ikaw ba ang kumuha ng kwintas?" tanong ko.
"Oo." He answered. And this time, nagsasabi siya ng totoo sa aking paningin. "See? I just make myself believed that I am the one who did it kung kaya't ang nabasa mo sa isip ko ay ako nga ang gumawa no'n."
Napatango-tango kaming lahat sa paliwanag ni Seven.
"Ibig sabihin lang nito..." saglit na huminto si Ace at tiningnan niya kaming lahat isa-isa. "Isa nga sa atin ang nagsisinungaling pa rin."
"No, this is not true! We're class zero, we're family." Sa sinabi kong iyon ay tumingin ako sa kanilang lahat pero walang sumang-ayon sa akin. This time, Black Organization successfully shaken our trust with each other.
Ayokong paghinalaan ang mga kasamahan ko dahil matagal na kaming magkakasama, we're friends for a couple of months at marami na kaming mission na pinagdaanan. Ayokong maniwala na isa sa amin ang nagsisinungaling para makipagtulungan sa Black Organization.
Sa ginawa rin kanina ni Seven, pinatunayan niya na hindi perpekto ang mga abilities namin. May mga butas ito at puwede rin ito magamit laban sa amin.
Naputol ang aking malalim na pag-iisip nung biglang may kumatok sa aking pinto. Napakunot ako ng noo dahil ala-una na nang madaling araw. "Sino 'yan?" I asked.
"Mild." Tipid niyang sagot, napabuntong hininga ako at bumangon. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ni Mild. She smiled to me as soon as I opened the door. "Sabi ko na nga ba, gaya ko ay hindi ka rin makatulog. Can I come in?" she asked.
I widely opened the door at pumasok si Mild sa loob. Umupo si Mild sa kama ko at niyakap ang kanyang tuhod. "Naniniwala ka ba sa mga pinag-usapan kanina... Jamie?" she asked on me.
Ito ang unang beses na nakita kong ganitong kalungkot ang kaibigan ko. Mild is very bubbly and happy-go-lucky type of person pero ngayon... nakita ko ang ibang side ni Mild. "Bakit ganoon lang para kanila Seven na sabihin na isa sa atin ang gumawa no'n? Hindi magagawa ng class zero 'yon! Magkakasama tayo since day one ng misyon na ito, magkakasama tayong nag-training, magkakasama tayo sa mga mission, magkakasama tayo sa napakaraming up's and down. Tapos ganoon-ganoon lang para sa kanila na sabihin na isa sa atin ang nakikipagtulungan sa Black Organization?! That's pathetic!"
Naiintindihan ko naman ang gustong iparating ni Mild. I sitted beside her. "Ganyan din ang iniisip ko. Pero iniisip ko na lang na ayaw lang nila Seven at Ace na balewalain ang possibility na iyon. Hindi lang naman isang kendi ang nawala sa atin Mild, it's the phoenix necklace... it's our card against Black Organization and yet we lost it."
"But come to think of it, Jamie. How can we work as one kung pinaghihinalaan natin ang isa't-isa?" napatahimik ako sa sinabi ni Mild.
I smiled to her. "No. Walang taksil sa atin. Marami na tayong pinagdaanan lahat, hindi ganoon-ganoon lang masisira ang tiwala natin sa isa't-isa. Maayos din natin 'to."
"Nakakainis naman kasi na katawan 'to! Bakit ba ayaw pang lumabas ng ability ko!? I am always a burden in every mission! Paano ako makakatulong nito!?" Mild suddenly shout.
I hugged her dahil ramdam ko ang pressure niya. Siya na lang sa amin ang hindi pa nalalaman ang ability. "Soon, Mild, soon..." I gave her a smile. "Malalaman mo rin ang ability mo."
Sa gabing ito ay dito na natulog si Mild sa kwarto which is a good idea dahil nahihirapan din naman ako makatulog mag-isa. Naniniwala ako na lilipas din ang araw na ito just like any other day. We should focus more on our training, dahil kung totoo man ang sinabi nila ay kailangan naming palakasin pa ang sarili para sa muling paghaharap namin ng Black organization.
***
NOONG hapon ng sumunod na araw ay pinatawag muli kami ni sir Joseph sa zero base. We will have an urgent meeting about the issue. Mabuti na nga lang at sa hapon naganap ang meeting dahil may klase ako sa umaga.
Noong makumpleto na kami sa zero base ay doon na nagsimulang magpaliwanag si sir sa amin.
"Okay, first let's calm ourselves at tanggapin na natin... wala na sa atin ang phoenix necklace," tama naman si sir, kahit anong galit ang gawin namin ay hindi naman nito mababawi ang phoenix necklace. "But let's not take it too lightly since sobrang importante ng kwintas na iyon, ilang taon ding pinrotektahan ng paaralan natin ang mahalagang kwintas na iyon."
"Instead of blaming each other. Hindi pa naman huli para mapigilan ang Black Organization, ang kwintas lang naman ang nakuha nila sa atin, kulang pa sila ng isang importanteng sangkap para mabuhay si Deathevn. Hindi pa tayo dapat mawalan ng pag-asa." Mahabang paliwanag sa amin ni sir at napatango-tango ako sa kanyang sinasabi. Ibig sabihin ay may iba pang way, mapipigilan pa namin ang pinaplanong masama ng Black Organization.
This is not a battle between class zero and Black organization anymore. This is a battle between all the glitches in this world.
"A person with a royal blood." Biglang nagsalita si Seven. "Siya na lang naman ang natitirang kasangkapan para mabuhay si Deathevn."
"That's right," sir Joseph smiled. "Instead na magturuan tayo sa kung sino ang kumuha ng kwintas, mas mag-focus na lang tayo sa paghahanap sa taong may royal blood. We need to find him or her para maprotektahan natin ito laban sa black organization at mga lawbreakers. I am pretty sure na iyon ang ginagawa ng Black Organization sa ngayon, they are now finding the person with a royal blood para mabuhay na si Deathevn." Paliwanag ni sir.
"Biglang bumukas ang pinto ng zero base at tumambad sa amin ang mukha nina John at tom. Nakakapanibago lang na wala na si Kean dahil nasanay ako na tatlo sila. "Don't forget about us, guys. We're here to help." Tom said to us.
"Paano kayo nakapasok dito? How did you guys know about the mission?" tanong ni Ace.
"Pinatawag ko sila." Sir Joseph answered. "Hindi na ito laban sa pagitan ng class zero at Black organization... kailangan nating makipagtulungan sa mga servant of elements kung gusto nating mapadali ang paghahanap sa royal blood at kung gusto natin na mas lumakas ang ating mga sarili."
Napatango-tango ako sa sinabi ni sir. He's right.
"Kami na ang bahala sa paghahanap sa ibang servant of elements at kayo na ang bahala sa paghahanap sa taong may royal blood." Sabi ni Tom sa amin.
At this day, a new mission was assigned to us. Isang misyon na alam ko na magdadala sa amin sa maraming kapahamakan pero handa na kami rito.
We need to find the person with a royal blood and protect it from the Black Organization at all cost... pero ang tanong, sino ang taong iyon? We don't even have any lead sa kung sino at saan siya matatagpuan. It will be a difficult mission.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top