Chapter 55: Shaken Trust

Guys baka matagalan ang mga susunod na update.

Kailangan ko lang talaga ng Hinga sa pagsusulat. Hindi po ako titigil, hihinga lang po ako. I hope you understand ang please, be patient.


I managed to dodge Seven's attack on me gamit ang mga kutsilyong pinalutang niya sa ere. Nagawa kong makadaan sa pagitan ng mga kutsilyo and that's it, chance na iyon para sa akin. Tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon and it caught him off guard.

"Sword." As soon as I said it ay nagbagong anyo ang aking sandata at naging isang matalim na itim na espada ito.

Sinubukan ni Seven na iwasan ang gagawin kong atake pero it's too late, kahit anong depensa ang kanyang gawin ay kakapusin siya sa oras. Nasa tapat niya na ako at itinutok ko ang espada sa kanyang leeg. Hindi gumalaw si Seven bagkus ay may malaking ngisi sa kanyang mukha at nakita ko pa ang paghangin ng kanyang buhok dahil na rin sa bilis nang pangyayari.

"Talo ka na," humihingal kong sabi at ibinaba ko na ang espada. Wow, ngayon lang ako napagod ng ganito sa practice. I gave my hundred percent sa bawat ginagawa naming pagsasanay dahil na rin gusto kong i-improve ang sarili ko, I don't want to be a weakling and helpless girl in front of Black Organization. At isa pa, may pinaglalaban na rin ako ngayon, may mga kaibigan akong nagsakripisyo para sa gulong ito kung kaya't dapat lang na gawin ko ang lahat ng aking makakaya. I need to give them justice.

"You improved a lot," he said. He snapped his fingers at natapos na ang devil hour, naglaho na rin ang espada ko. Gladly, nagagawa kong ma-control ang kapangyarihan ko ng maayos. Naglakad si Seven patungo sa bleachers at kinuha ang inumin niyang nakapatong dito.

Well, masasabi kong unti-unti nang bumabalik ang dating sigla ni Seven. Apektado pa rin naman siya dahil sa nangyari kay Roger, pero mabuti na lang at nandito ang class zero... sama-sama kaming nagmu-move on dahil sa nangyari sa kanya.

"Sabi ko sa 'yo, hindi na lang pagbabasa nang isip at pagkontrol sa lawbreakers ang kaya kong gawin, eh. I know how to fight now." My proud smile doesn't fade. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na napantayan ko si Seven sa pakikipaglaban.

He smiled. "Yeah, hindi na ako mangangamba parati sa 'yo tuwing misyon. Pabigat ka, eh." He laughed at sinamaan ko siya nang tingin.

"Hoy! Never akong naging pabigat, ha!" Ganti ko sa kanya.

"Don't get me wrong, Jamie. In every mission, I am kind of worried about you since hindi naman nakakapanakit physically ang ability mo. But now, kaya mo nang protektahan ang sarili mo. Nagawa mo ngang matalo ang isang miyembro ng Black Organization without our help, eh." Sabi niya pero nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Samantalang kami..."

"Oops! Stopped right there. 'Di ba ang usapan natin ay hindi na natin pag-uusapan ang tungkol doon? Stop blaming yourself."

Naputol ang aming pag-uusap nung biglang tumakbo sa aming direksyon si Mild. She watched our battle from far away.

"Wow, Jamie, napahanga mo naman ako dahil sa pinakita mo kanina. Fist bump nga!" Napaikot ang aking mata, same old Mild. Ang jologs pa rin ng ugali niya, well, she's not Mild kung hindi siya ganyan ka-carefree.

Speaking of Mild, naikwento niya rin sa akin kagabi ang tungkol kay Ace. Well, habang wala lang naman ako ay nagawa rin naman ni Ace na makipag-compact kay Kean. Nagawa niyang matalo si Kean sa isang labanan at nung nangyari iyon ay nakipag-compact na sa kanya si Kean. Nakakatawa nga si Mild dahil may action pa siya habang kinukwento ang tungkol doon.

After naming magsanay ni Seven ay nagpaalam na kami ni Mild sa kanya. Mild and I headed in our dorm, kailangan ko ring maligo dahil na rin pinagpawisan ako sa aming ginawa.

"Napapadalas yata ang pagsasanay ninyong dalawa ni Seven, ha!" she said while we're walking. Ayan na naman siya sa makahulugang ngisi niya na parang nang-aasar.

"Of course, we need to practice. Alam mo namang mas lumalakas na ang mga kalaban natin kung kaya't kailangan naming mag-improve." Paliwanag ko sa kanya. She always gave a meaning sa kung ano mang ginagawa namin ni Seven.

"Wow, training buddy kayo, ganoon? Bakit nung inaya ka ni Girly na mag-practice umayaw ka?" Ayan na naman siya. Kaya umayaw akong makipag-practice that time, una, napakareklamador ni Girly... gusto niyang mag-practice pero ayaw niyang nasusugatan siya dahil magkakapeklat daw siya. Pangalawa, Hello! Nakakatakot kaya kalaban si Girly, she can be ten times bigger than you! Parang isang pitik niya lang ay tumba ka na. Pangatlo, masakit ang ulo ko that time.

"Because I have headache that time!"

"Hay naku, Jamie, magri-reason ka na nga lang hindi pa mabenta!" tumawa si Mild. "Don't worry, OTP ko naman kayo ni Seven."

"Mild!" reklamo ko.

"Okay-okay, hindi na kita aasarin. Maligo ka na nga, amoy araw ka girl!" naglakad na si Mild patungo sa kanyang kwarto samantalang pumasok naman ako sa aking kwarto.

Ilang araw na rin ang lumipas magmula nung mangyari ang mabibigat na pangyayari sa amin ng class zero. Hindi ko naman masasabi na okay na kaming lahat dahil madalas ay nalulungkot pa rin kami sa tuwing napag-uusapan namin ang mga naglaho naming kaibigan pero sinusubukan naming malampasan iyon. Hindi na kami iiyak sa pagkakataong ito, we will improve ourselves para malabanan namin ang Black organization at wala nang mawala sa aming magkakaklase.

Sa ilang araw na iyon, nagkaroon naman kami kahit papaano ng mga misyon pero around Metro Manila lang. Kahit hindi man sabihin ni sir Joseph ay alam kong natatakot din siya para sa amin, he is scared na may mawala na naman sa mga estudyanteng kanyang hawak. Hindi ko naman siya masisisi, it's really traumatic for him since ilang beses na rin siyang nawalan.

Naligo lang ako panandalian sa aking kwarto at matapos 'yon ay gumawa na ako ng essay para sa isa kong subject. I still need to study as a student here at Merton Academy, hindi naman pwedeng puro misyon lang ang tutukan ko. I still need to graduate at panigurado akong magagalit ang magulang ko sa oras na magkaroon ako ng fail this semester.

Matapos kong maligo ay ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at minasahe ko ang aking braso dahil sa sakit nito.

Naputol ang aking pagmumuni nung marinig ko ang pag-vibrate ng phone ko na naka-charge. Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone.

From: Sir Joseph
Go to classroom, now. EMERGENCY.

Napakunot ako ng noo dahil kahit binasa ko lang ang text ni sir ay ramdam na ramdam ko ang pagiging urgent nito. Nagmadali kong sinuklay ang basa kong buhok at tumakbo palabas ng kwarto ko. Sakto naman na naabutan ko sina Minute at Mild na tumatakbo paalis ng dormitory.

"Bakit kaya minamadali tayo ni sir ngayon? May grupo na naman ba nang lawbreakers ang nanggugulo?" Minute asked to us.

"Or baka naman may misyon na tayo sa malayong lugar? Yes! Adventure na naman 'to!" Mild excitedly shout at nauna na siyang tumakbo sa aming dalawa.

Pagkarating naming tatlo sa classroom ay may ilan-ilan na kaming classmate ang nandoon. Umupo kami sa kanya-kanya naming upuan hanggang sa makumpleto na kami. Well, nakakapanibago pa rin na bakante ang upuan ni Roger. We used to be 12.

"Sir, bakit ninyo ba kami—"

"Sinong kumuha sa inyo!?" Lahat kami ay napaayos ng upo nung biglang sumigaw sa classroom si sir at pinutol ang magalang na pagtatanong ni Kiran. This is the first time na Makita namin si sir na ganito kagalit.

"What do you mean, sir?" Girly asked.

"Don't play dumb this time, kids! Sinong kumuha sa inyo!?" Hindi ko na magawa magsalita dahil natatakot na rin akong mapagalitan ni sir Joseph. I don't know what does he mean, may bagay bang nawawala? Is that important at ganyan siya kagalit?

"Sir, it's much better if you will explain it to us first kaysa pinapagalitan ninyo kami ng wala kaming ideya." Sabi ni Ace, pinatay niya na rin ang camera na kanyang hawak at hindi na nag-vlog. Mukhang naramdaman niyang wala sa mood si sir.

Hinilot ni sir Joseph ang kanyang sentido para maikalma ang kanyang sarili.

"The phoenix necklace is missing."

As soon as sir Joseph said it. Naalarma kaming lahat, alam naman namin ang halaga ng kwintas na iyon. It's a necklace that Black Organization needs para mabuhay si Deathevn and in a snapped, nawala ito sa aming kamay.

"Kung sino man ang kumuha sa inyo ay umamin na, this is not a good joke or prank. You knew how important that necklace is. It's our card against Black Organization." Sinusubukan pa rin ni sir Joseph na ikalma ang kanyang sarili.

Walang nagsasalita sa aming lahat. Tumingin ako sa kanilang lahat at mukhang walang gustong umamin... or wala naman talaga sa amin ang kumuha.

"Sir, kapag may nawalang bagay, kami agad ang may kasalanan?" There's a sign of annoyance in Girly's tone. "Malay mo naman ay nasulutan tayo ng Lawbreakers or Black Organization. Alam naming class zero ang importansya ng kwintas na iyon kung kaya't hindi nga namin iyon hinahawakan."

"Baka naman si Vincent ang kumuha bago pa man siya maglaho?" Sabi ni Teddy.

Nagpantig ang tenga ko at napatayo ako. "Bakit biglang napasok si Vincent dito!? Pati yung nanahimik na tao ay dinamay mo sa gulong 'to!"

Teddy stood up. "Kaya nga gumamit ako ng salitang 'baka' hindi rin sure. Bakit ba galit na galit ka diyan!?"

"Baka!? You sounded like you're blaming him! Walang ginagawang masama si Vincent!"

"Shut up." Mahinang sabi ni sir at pinipigil ang tension sa pagitan namin ni Teddy.

"Anong wala? Sa Black Organization naman talaga siya nagtatra—"

"Shut up!!" Ibinagsak ni sir ang isang libro sa lamesa at naputol ang pagtatalo namin ni Teddy. "Ano, mag-aaway na lang kayo diyan!? Umupo kayo!" In a second ay umupo agad ako.

Nanaig ang katahimikan sa loob ng classroom. We all try to calm ourselves.

"Walang kumuha sa inyo?" sir Joseph asked at walang sumagot sa amin, that's silence means yes... walang kumuha sa amin. "If that's the case, we're in a big trouble. Nasa Black Organization na ang phoenix necklace. And you know what it means? Ang taong may royal blood na lang ang kailangan nila at mabubuhay na nila si Deathevn."

"Paano tayo napasok naman ng Black organization or lawbreakers sa school? Alam naman nilang this is our base. Ang tanga nila kung bigla silang sumugod dito." Sabi naman ni Ace.

"Have you checked the CCTV, sir?" Seven politely asked.

"Yes, and walang nakita na lumapit sa pinaglalagyan ng kwintas. Pero bigla na lang ang kwintas sa kamera nung Sunday."

"Sunday? There's a lawbreakers na sumugod sa school that day." Kiryu said while he's eating his pochi. Siya lang ang pinaka-relax sa aming lahat. "Ibig sabihin lang nito, it happened during Devil hour dahil hindi nga ito makukuhanan ng CCTV dahil nakahinto ang oras that time."

"Pero saglit lang 'yon, mabilis din naman natin napuksa ang mga lawbreakers sa school." Sabi naman ni Claire.

"And they can't easily find the phoenix necklace dahil tayo-tayo lang naman ang nakakaalam ng lokasyon kung nasaan ang kwintas." Dugtong pa ni Teddy.

And as of the moment, confirmed. Wala na nga sa puder namin ang phoenix necklace. Walang nagpa-prank na itinago nila ito dahil ang natural ng mga reaksyon ng mga kasamahan ko. Dito ako naalarma dahil ang nakakatakot ay may tendency na nasa Black Organization na ang kwintas. It will be a dangerous for us if that's the case.

"Baka naman isa sa mga servant of elements ang kumuha?" tanong ni Mild.

"No, that's impossible, wala sila sa school that day since it's Sunday." Paliwanag naman ni Ace.

We all sighed, napipiga na ang utak ko sa kung paano nakuha ng lawbreakers or black organization ang kwintas sa amin? Nalusutan ba kami?

"Baka naman na-setup tayo? Black Organization just used the lawbreakers as a decoy para sa original plan nila." Paliwanag ni Ace sa amin. "Ang original na plano talaga nila ay kuhanin ang kwintas that day pero busy tayong lahat sa pagpuksa sa mga lawbreakers that day."

May posibilidad nga na ganoon ang nangyari kung kaya't napatango-tango ako.

"May mararamdaman naman tayong lahat na strong presence sa oras na may pumasok na Black Organization sa school, eh." Tama rin ang sinabi ni Jessica. Wala kaming naramdaman that day.

"Let's face it." Seven stand up at tumayo sa tabi ni sir Joseph.

"There's a traitor among us."

Sa sinabing iyon ni Seven, my trust in my comrades shaken. May isang nagsisinungaling sa aming class zero at nakikipagtulungan sa Black Organization.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top