Chapter 54: Zero equals family

NAKATAYO na ako sa harap ng Merton Academy. Matapos ang ilang araw ay nakabalik na rin ako sa paaralan ko. Dala ko ang magandang balita na nagawa kong makipag-compact kay Abby na siyang servant of illusion and dreams, at isa pa, nagawa ko rin mapaslang si Evan na isa sa mga miyembro ng Black Organization.

As soon as I entered the school ay namataan ko agad si Kiryu at Mild na nag-uusap sa bench. Nagmamadali akong lumapit sa kanilang dalawa at nung mapansin nila ang prisensya ko ay bakas ang pagkagulat sa kanilang mukha.

I need to be okay, kailangan kong magpakatatag para sa class zero. "Nakabalik na 'ko, guys," I smiled brightly to them pero nawala ang ngiti sa labi ko nung mapansin ko ang ekspresyon nilang dalawa. "Are you guys not happy to see me?"

"M-masaya hehe. Welcome back, Jamie." they both said. Napakunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay may weird na nangyayari pero hindi ko na lang ito masyado binigyan ng pansin.

"Nagpunta ka na ba kay sir Joseph para mag-report sa nangyari sa misyon mo?" Mild asked.

"Papunta pa lang ako. By the way, I made it, nagawa kong makipag-compact." nakangiti kong sabi sa kanilang dalaw. I am really excited to tell them the good news dahil ang dami kong sakripisyo at pagod para lang magawa ito.

"We're so happy for you," mild said while there's a bug smile on her face.

"I knew that you can do it, Jamie." dugtong pa ni Kiryu.

"Nandito na ba sila Seven? Kumusta ang nangyari sa misyon nila? How about the birthday surprise that is planned for Teddy, okay na ba?" the smile on their face faded. Mas kinutuban ako lalo sa kanilang ikinikilos, they acted weirdly as soon that I asked it.

"Maybe, you should meet sir Joseph first." Kiryu avoided my eyes. "Maybe he needs your report ASAP."

Kagaya nang sinabi nila ay matapos kong makipag-usap sa kanilang dalawa ay tumungo ako sa office ni sir Joseph upang i-report ang nangyari sa aking misyon.

"Long time no see, Jamie." itinigil ni sir Joseph ang kanyang ginagawa at lumaput sa akin upang mapaupo ako sa isa sa mga couch dito sa office niya. "How's your mission? Nasaan si Vincent?"

Ako ang napatigil panandalian, sariwa pa sa aking isipan ang nangyari pero kailangan kong magpakatatag sa pagkakataong ito. Hindi ako pwedeng maging mahina dahil alam kong iyon din naman ang gusto ni Vincent, ang makita akong lumalaban at nagpapatuloy.

"He's dead," may kirot pa rin sa puso ko pero thank God dahil nasabi ko iyon nang hindi naiiyak. "Noong kinakausap namin ang servant of illusion and dreams ay bigla na lamang sumugod sa bahay-ampunan ang mga lawbreakers... Kasama na ro'n ang isa sa mga Black Organization-- si Evan."

Naalarma si sir Joseph sa aking sinabi at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Are you okay? May masakit sa 'yo?" he's really concerned about me as his student.

"A-ayos lang po ako, sir. I managed to eliminate Evan with the hell of Abby." muling kumalma si sir at itinuloy ko ang pag-uulat sa kanya. "Pero sir, sobrang gusto na po makuha ng Black Orgnization ang phoenix necklace upang mabuhay na nila si Deathevn."

"It won't happen, as long as nasa pangangalaga natin ang kwintas ay imposible nila itong makuha at magamit sa kasamaan." paliwanag ni sir sa akin. "You should take a rest, Jamie. Mukhang marami kang pinagdaanan ngayong araw. Bukasna bukas din ay kailangan mo nang bumalik sa klase at habulin ang mga lessons na na-miss mo." tumango-tango ako sa paliwang sa akin ni sir Joseph.

"Sir, may narinig ako kay Evan tungkol sa Royal blood. Is it related with the current war between class zero and black organization? Hawak din ba natin ang taong may royal blood?" sunod-sunod kong tnong dala nang kuryosidad. Gusto ko rin mabigyang linaw ang lahat bago ako lumabs ng silid na ito.

Umupo si sir Joseph sa kanyang swivel chair at tumalungko sa lamesa. "No one knows kung nasaan ang taong mag royal blood. We didn't even know kung kagaya natin siyang glitch ng society o isa lang siyang normal na tao," nagbuntong hininga si sir. "As long as we have the phoenix necklace, kahit hawak pa ng black organization ang may royal blood ay balewala lang ito dahil nasa sa atin ang isa sa mga mahalagang sangkap." he explained.

Lalabas na sana ako ngunit naalala ko ang misyon nila Seven. Kahit nung nasa misyon ako ay wala akong naging balita sa kanila lalo na't hindi naman sila nagsipag-reply sa mga chat ko. "Ano pong nangyari sa misyon nina Seven, sir? Nakauwi na po ba sila?"

Sir Steven stopped for a few seconds. Ganyan sin ang ekspresyon nina Kiryu at Mild kanina. "Hindi mo pa ba alam ang nangyari sa misyon nila?" he asked.

At that point, kinabahan na ako. Hindi magtatanong ng ganyan si sir para sa wala lang. May masamang nangyari sa misyon nila Seven. I took a deep breathe, kalma lang, Jamie. You need to relax yourself.

"Hindi po, sir." pag-amin ko.

"They successfully eliminated Hanzo, one of the Black Organization," napangiti ako sa aking narinig. "But Roger sacrificed himself in order to eliminate him." the smile on my face suddenly fade.

Bakit ang daming nawawala sa labang ito? Una si Josephine, pangalawa si Casey, pangatlo ay si Vincent, at ngayon naman ay si Roger. Gaano pa ba karami ang mawawala sa labang ito? Ilan ba ang dapat mawala para sa kapayapaan na hinahangad namin.

"They are successful with their mission but they considered it as a big failure. Lalo na si Seven, hanggang ngayon ay dala-dala niya ang bigat ng pagkawala ni Roger." sa sinabi iyon ni sir ay nagmamadali ako na lumabas ng office niya para tumungo sa Zero base. Kailangan ni Seven ngayon ng taong makakaintindi sa kanya.

Nagmamadali akong tumungo sa library ng CHE upang makapasok sa Zero base. Pagkarating ko sa lugar ay nadatnan ko sina Girly, Minute, at Claire na nag-uusap at si Ace naman ay nakaupo sa couch habang nanunuod ng TV.

"Nasaan... Si Seven," sabi ko sa pagitan nang aking aghinga. They all looked surprised as they saw me, well, matagal-tagal din naman ang araw na lumipas para makabalik ako rito sa Merton Academy.

"He still at his room, hindi pa rin siya lumalabas." si Ace na ang sumagot sa aking tanong. Mukhang at this point ay alam niya nang may alam na ako.

Hindi ako galit sa kanila kung bakit hindi nila agad ito sinabi sa akin dahil may misyon din ako nung mga panahong iyon. Kailangan naming mas maging matatag ngayon lalo na't isang pagsubok ang kinakaharap namin.

Lumabas ako ng zero base at pumunta rsa right wing ng building kung nasaan ang dormitory ng mga lalaking miyembro ng Class zero. Nagpaalam ako sa guard na may kukuhanin lang ako and luckily ay pumayag ito.

Noong makaakyat ako sa ikalawang palapag ng kanilang dormitory ay nakita ko pa si Kiran na nasa tapat ng kwarto ni Seven habang may hawak-hawak na isang pinggan na naglalaman ng pagkain.

"Dude, you need to eat. Ilang araw ka nang nagkukulong diyan." wika niya habang kaharap ang pinto. He sighed. "Iiwan ko rito yung pagkain sa tapat ng kwarto mo. I hoped kumain ka na. Tandaan mo Seven na walang sumisisi sa 'yo sa mga nangyari."

Paalis na sana si Kiran at nakita niya ako. He smiled pero alam kong pilit lang ito, he's not okay. They're not okay. "Nandito ka na ala, Jamie." he said, naglakad ako tungo sa kanyang direksyon.

"Kumusta na siya?"

"Since Roger died, sinisisi niya na talga ng kanyang sarili dahil bigo raw siyang maprotektahan ang isang kaklase niya as a leader. Tapos ayan, hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto niya." kwento ni Kiran sa akin. May luhang namuo samata ni Kiran na ngayon ko lang nakita. "Ako rin naman ay nasaktan. Nandoon din ako nung namatay si Roger. Kitang-kita ko kung paano siya patayin ni Hanzo at maglaho siya pero kinakailangan kong lumaban... We need to fight as one again, kailangan nating maging matatag."

"We need to fight as one again. Kakausapin ko si Seven." sabi ko sa kanya at tumango sa akin si Kiran.

Tuluyan nang bumaba sa ground floor si Kiran at ako naman ay naglakad tungo sa kwarto ni Seven. Itinapat ko ang tenga ko sa pinto and naririnig ko ang ingay mula sa TV.

"Seven," I said while looking at his door. "Ako 'to si Jamie. Don't you mind kung pumasok ako sa kwarto mo?" hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito pero nananatili pa rin itong lock. "Seven, magkukulong ka na lang ba diyan?"

Ilang minuto akong nakatayo sa kwarto niya pero wala akong nakuhang sagot. Sanay naman ako sa pagiging tahimik ni Seven pero iba rin kasi ngayon, may malaking problema siyang pinagdadaanan.

Nalungkot din naman ako sa pagkawala ni Roger pero hindi naman pwedeng idaan ko na lang sa iyak ang lahat. Hangga't maaari ay gusto kong tuparin ang ipinangako ko kay Vincent na hindi ako iiyak. I need to move forward kahit ang sakit-sakit na. Kailangan ay malampasan namin 'tong class zero.

Lumabas ako ng dormitory at pumunta sa likod nito. Sakto ay may malaking puno sa tapat ng veranda ng kwarto ni Seven.

"Jamie, kaya mong akyatin 'to." pagkausap ko sa aking sarili at nagsimula na akong umakyat.

Ilng minuto rin akong umakyat at tinalon ko ng veranda ni Seven. Wow, hindi ko akalaing makakaakyat ako ng isang puno, mukhang nagbubunga nga ang lahat ng practice at training na ginagawa namin.

Binuksan ko ang pinto ng kanyang veranda and then I saw Seven. Nakatingin lang siya sa TV at para ngang wala siyang pakialam kahit na nag-trespass ako sa kwarto niya.

"Seven," pagtawag ko sa kanya pero hindi niya inaalis ng tingin ni sa TV, there's also a lot of junk foods n nakkalat sa kwarto niya. "pasensya ka na kung dito ako sa veranda dumaan, ayaw mo kasi buksan yung pinto sa harap, eh." pagkausap ko pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

Well, I am not Jamie kung hindi ako makulit.

Umupo ako sa gilid niya at pinagmasdan siya, ang laki nang pinagbago ni Seven. Ansin ko rin ng pagpayat niya pero mas kapansin-pansin ang mata niya na para bang nawalan ng buhay.

"Seven, alam mo, nagawa ko yung misyon ko. I succesfully made a compact with Abby." I smiled pero para bang hindi pa rin ako pinapakinggan ni Seven. "Pero sa kabila ng success na iyon, mayroong sakit... May buhay na nawala para lang magawa ko ang misyon ko. Nawala si Vincent."

This time ay napalingon siya sa akin. I promised Vincent na hindi ako iiyak pero ang makita ng sitwasyon ngayon... Hindi ko mapigilang maiyak. "Alam mo, kahit ako ay sukong-suko na sa nangyayari. Bakit ako? Bakit tayo? Bakit tayo ang dapat maipit sa gulong 'to? Bakit kapag naglaho tayo wala namang makakaalala sa atin? Bakit kailangan tayo ang lumaban? Bakit ba glitch lang tayo sa mundong ito."

Pinahid ko ang luha ko. "Ang dami kong tanong pero nasagot na... Kasi napili tayo, Seven.We're not just a glitches in this world but we are the glitches who can save the world. We are class zero. Alam kong masakit na nawala si Roger, pero bakit tayo lumalaban, Seven? Para sa mundo. Ara sa mga mahal natin. Ara sa mga inosenteng tao na gusto nating protektahan."

"'Wag kang susuko, Seven." this time ay may luhang namuo sa kanyang mata at muli nang bumabalik ang emosyon sa mga ito. "Kailangan natin ang isa't isa. We're class zero, we're family."

"Wala na si Roger... Wala na..." At this time, umiyak si Seven. I just comforted him kasi iyon ang kailangan niya. He just need to remember kung bakit kami lumalaban, kailangan niya lang ng tao na magpapaintindi sa kanya.

"Wala na si Roger," I said it. "Let's accept it. Siguro naman ay hindi gugustuhin ni Roger na huminto tayo dahil wala na siya. No, he want us to fight, gusto niyang lumaban tayo na dala ang alaala natin sa kanya."

"Do I failed as a leader?" he asked.

"No, you are still our greatest leader." sabi ko habng nakangiti sa kanya.

I stayed with Seven for a couple of hours. Nagkwentuhan lang din kami hanggang maging okay siya.

"Ngayong okay ka na, oras na para pasayahin natin ang isang tao," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sino?" he asked curiously.

"I need to call Mild, we need to plan everything."

******

Nakapatay ang ilaw at tahimik ang lahat dito sa classroom namin. We are waiting for someone.

"Ayan na siya, ayan na siya!" Kiryu shouted as he entered the classroom since he's an accomplice for this plan.

"Shhh. Shhh. Wala nang maingay." Bilin ni Ace sa aming lahat at nanaig nga ang katahimikan sa buong lugar.

Pagkabukas ng pinto ay narinig agad namin ng boses niya. "Puta ang dilim." napangiti ako sa sinabi niya.

As soon as Claire turned on the lights. "Happy birthday, Teddy bear!" we all shouted in Unison kasabay nang malakas naming pagsigaw.

"Happy birthday, Teddy bear. Happy birthday Teddy bear..." we sang it all together at parang nagulat si Teddy sa nangyayari.

Pero mas nagulat kami nung bigla siyang maiyak. "Akala ko makakalimutan ninyo na yung birthday ko dahil sa nangyari, eh."

"We will never forget your birthday, Teddy." Yumakap kaming buong class zero sa kanya na puno ng ngiti at maging kami ay naluluha. Malalampasan din namin ang problemang ito.

"We're class zero..." Teddy said.

"We're family." we all answered and mas humigpit ang yakap namin sa isa't isa.

Noong una ay nako-corny-han ako sa tuwing sinasabi namin iyon. Ngayon, ang mg katagang iyon ang siyang nagpapalakas sa amin ngayon. Ramdam ko na isa kaming pamilya sa class zero.

Hindi ko masasabi kung mabubuhay nga ang bawat isa sa amin hanggang sa huli pero isa lang ang nakakasigurado... Hindi kami nagsisisi na isa lang kaming glitch sa mundong ito dahil nakilala ko ang mga kahanga-hangang mga tao na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top