Chapter 53: Compact

NATAPOS man ang devil hour pero hindi natapos ang kalungkutan na nararamdaman ko. Kahit saglit lang kami na nagkasama ni Vincent ay itinuring ko siya na isang malapit na kaibigan... Isang kapatid. Natalo ko man si Evan, I can't be happy. Someone died again because of me.
"Jamie, eto ang lugaw. Kumain ka man lang." sabi sa akin ni Abby. Nandito ako sa iang kwarto rito sa ampunan.
"S-salamat." sagot ko sa kanya at pilit na ngumiti. I didn't expect na kahit pagngiti ng totoo ay mahihirapan ako. Dapat pala ay hindi ko na pinilit isama rito sa misyon si Vincent, sana pala ay hinayaan ko na lang siya maiwan sa zero base. E'di sana ay ligtas siya ngayon... Sana ay hindi siya naglaho.
"Umiiyak ka na naman, Jamie," yumakap sa akin si Abby at doon lang ako nabalik sa aking sarili. May luha ngang dumadaloy sa aking pisngi. "I am really sad with your situation, Jamie. Pasensya ka na at hindi rin ako gaanong nakatulong."
Hinarap ko siya sa akin. Umiling-iling ako kasabay nang pagpahid ko sa aking luha. "Hindi, sobrang laking tulong mo, Abby. Kung hindi mo ako tinulungan ay baka maging ako ay wala na rin."
May katok kaming narinig sa labas kung kaya't napalingon kaming dalawa-- si sister Anne, isa sa mga madreng nangangasiwa sa bahay-ampunan na ito. "Ayos lang ba kayong dalawa?"
"O-opo." nakangiti kong sabi. "May kinuwento lang po ako kay Abby na tungkol sa isang nakakaiyak na movie na napanuod ko." It's nonsense kung ipipilit ko lang na alalahanin nila si Vincent dahil hindi naman nila ito maalala.
We're all glitches of the society, kapag nawala kami ay tuloy lang ang takbo ng mundo.
"Ganoon ba? Pwede ko bang mahiram saglit si Abby?" tanong ni sister Anne at tumango-tango ako. "Abby, hinahanap ka na ng mga bata." tawag niya kay Abby.
"Puntahan mo na sila," sabi ko pa kay Abby.
She looked at me and I can see in her expression na nag-aalala siya sa kalagayan ko. Abby is so kind, I can feel the sincerity in her every action. "Sigurado ka? Kaya mo ba mag-isa?"
"Oo naman, ayos na rin 'yon. Baka kailangan ko rin ng oras para mapag-isa." nakangiti kong sabi.
"Don't smile to me like that, Jamie, mas lalo lang akong nalulungkot para sa'yo." she said to me at napayuko ako. Kahit anong pigil ko sa luha ko... Walang epekto, patuloy lanv itong lumalabas sa aking mata.
Bumaling ang tingin ni Abby kay sister Anne. "Susunod po ako, may sasabihin lang ako kay Jamie." ngumiti si sister Anne at naglakad na paalis. Naiwan muli kaming dalawa ni Abby sa silid.
She held my hand, naramdaman ko ang init ng kanyang kamay. "Jamie, makipag-compact ka na sa akin." sabi nuya na ikinabigla ko.
Mabilis akong umiling-iling. "Hindi pwede, Abby, kailangan ka ng mga tao rito. Kailangan ka ng mga bata rito sa ampunan. Ayokong masangkot ka pa sa gulo sa pagitan ng class zero at black organization." paliwanag ko sa kanya.
Ang plano ko naman talaga ay mapasama sa akin si Abby sa pagbalik ko sa Merton Academy at makipag-compact sa akin. Pero nakita ko kung gaano kaimportante para sa kanya ang ampunan na ito. Halos dito na rin siya lumaki at ate siya ng mga bata rito.
"Jamie, I am a guardian of element. Simula pa lang ay sangkot na ako sa gulong ito. Makipag-compact ka na sa akin. Hindi ako magagalit." she explained to me while there's a huge smile on her face.
"Ayoko."
"Jamie, nung una rin naman, ayokong makipag-compact lalo na't gusto kong protektahan ang nga bata rito sa ampunan. Pero kanina, habang nakikipaglaban ka ay may na-realize ako. Gusto kong protektahan ang mga to rito sa ampunan pero kapag nakipag-compact ako sa'yo ay hindi lang tao sa ampunan ang mapoprotektahan ko... Mapoprotektahan ko ang mga tao sa Pilipinas. I can be useful, I can protect everyone." the smile on ger face doesn't fade.
"Pero sinong mag-aalaga rito sa ampunan?" tanong ko sa kanya.
"Well, sa tingin ko naman ay wala nang gagawing masama ang Black Organization sa kanila lalo na't aalis ako. Hindi rin naman sila papabayaan ng iba pang taong nangangalaga rito. Let's compact today, Jamie. I promised you, hindi ka magsisisi na makipag-compact sa servant of illusion and dreams," paliwanag niya sa akin.
Napatango-tango na lamang ako sa sinabi ni Abby. I can't be weak this time. Marami ng buhay ang kinuha ng Black Organization. Kailangan kong maging malakas para sa mga kaibigan ko. I need to end this war between
"Let save those important people in our lives together." Nakangiti niyang sabi habang nakataas ang hinliliit niyang daliri na parang nakikioag-promise sa akin.
Pinahid ko ang aking luha at nakipag-promise sa kanya. "Let save them together."
Sa buong hapon ay tumulong ako kay Abby sa pag-aalaga sa mga bata. This is the last day that Abby will interact with them. Nakkalungkot man pagmasdan ang kanyang nguti pero para sa akin ay ang tapang-tapang ni Abby. Kaya niyang isakripisyo ang sarili niyang buhay para sa nakakarami.
"Hindi ka pwedeng sumuko ngayon, Jamie." mahina kong bulong sa aking sarili.
"Ate Jamie, 'wag ka na pong malungkot." nakangiti sa aking sabi ng batang si Jannah. She's a seven yer old kid, kwento sa akin ni Abby ay inabandona na siya ng knyang magulang and yet, heto si Jannah, nakakangiti na para bang walang mabigat na pinagdaanan
Umupo ako para mapantayan siya ng laki at mahigpit na yumakap sa akin ang bata. "Sabi sa akin ni sister Anne ay effective daw ang kiss para mawala ang lungkot ng isang tao."
She kissed me on my cheeks, hindi lang isang beses kun'di maraming beses kung kaya't napatawa na ako ng tuluyan. "Ayan, nakangiti ka na ate Jamie. 'Wag ka na ulit iiyak, ate, ha?"
I hugged her tightly and nakipaglaro kaming dalawa ni Abby sa mga bata rito sa ampunan.
***
ALAS-ONSE na nang gabi. Naiwan na kami ni Abby sa isang silid, tulog na rin ang mga bata at mukhang napagod sila sa kakalaro kanina.
"Oras na, Jamie." nakangiti niyang sabi habang hawak ang isang kutsilyo.
"Oras na, Abby. We will protect together all the innocent people here, tatapusin natin ang Black Organization, ibabalik natin ang kapayapaan sa mundo." nakangiti kong sabi sa kanya at ngumiti siya sa akin.
"We're not just a glitch in this world, Jamie. We are a glitch here in this world who will fight for what's right."
Hiniwa ni Abby ang kanyang palad, at nakita ko pa ang pagkagat niya sa ibabang labi niya upang mapigilan ang sakit. Nagsimulang umagos ang dugo mula sa kanyang palad at inabot niya ang kutsilyo sa akin.
She just nodded at me na parang sinasabi na nagtitiwala siya sa akin. Kinuha ko ang kutsilyo at gaya niya ay hiniwa ko rin ang aking palad at may dugo rin na lumabas dito.
Pinagdikit naming dalawa ni Abby ang aming palad. May sinasabi siya na kung anong enkantasyon at mayamaya lamang ay nakakasilaw na liwanag ang bunalot sa katawan naming dalawa.
She smiled to me and sa muli kong pagdilat... Wala na si Abby. Naiwan na lang ako mag-isa sa silid na ito. Abby and I compacted, we decided to save this world together.
Pinagmasdan ko ngayon ang aking palad. "Para kay Casey, para kay Vincent, para kay Abby, para sa class zero, para sa kapayaaan."
This time, masasabi ko na nagawa ko ang miayon ko rito sa Tagaytay. Nagawa ko ring patayin ang is sa mga miyembro ng Black Organization. The battle will continue, and we will make sure that we can end this war.
***
KINABUKASAN ay maaga pa lang ay nagpaalam na ako kanila sister Anne na babalik na ako ng Maynila. Sobrang bait nila sa akin kahit isang araw lang nila ako nakasama. Wala na rin silang alaala kasama si Abby dahil nga naglaho na ito, that's the most painful part para sa aming glitches lang ng society. Kinakalimutan lang kami ng mga tao. Ang alam nila sister Anne ay isa akong volunteer na ipinadala ng aking school.
"Mag-iingat ka sa iyong biyahe, hija," sabi ni sister Anne.
Nagba-bye na ako sa mga bata at maging sa mga tao sa ampunan. It was a short and sweet goodbye.
Pumunta ako sa sakayan ng bus pabalik ng Maynila at pumwesto ako sa dulo. Hindi pa ganoon karami ang tao sa bus kung kaya't naisipan kong kuhanin ang earphone ko sa bag pero instead na earphone ang makita ko ay isang sulat. Isang sulat galing ky Vincent na hindi ko alam kung kailan niya nagawa. Kinuha ko ito at binasa.
Jamie,
Ha! Akala mo siguro ay tatawagin kitang ate. Asa ka.
Siguro sa oras na basahin mo ang liham na ito ay... Wala na ako. Siguro ay naglaho na ako at ikaw na lang ang nakakaalala sa akin. Pagkagising ko pa lang ngayong umaga ay naramdaman ko na ang prisensya ng Black Organization kung kaya't habang tulog ka pa ay nagsulat na ako para makapagpaalam sa'yo ng maayos.
I don't have picture here kung kaya't siguradong hindi maglalaho ang liham na ito kasabay ko.
Gusto kong magpasalamat sa'yo, thank you for treating me as your brother. Hindi ko man nasabi sa'yo pero nag-enjoy akong kasama kita. Ngayong wala na ako, ayokong makita kita umiiyak dahil parati kitang babantayan. Hindi mo kasalanan kung maglaho ako dahil alam ko nang may ginawa ang black organization sa katawan ko noon pa man.
Thank you, Jamie. Don't lose your smile, keep fighting. Isang araw, mangyayari rin ang sinasabi mong mundo na kung saan magiging masaya ang lahat. Wala man ako kung mangyari iyon, tandaan mo, isa ako sa mga unang tao na magiging masaya.
PS. Wag ka nang umiyak. Ang pangit mo kapag umiiyak, mukha kang tanga.
Napangiti ako nung mabasa ko ang sulat sa akin ni Vincent at niyakap ko ito. "Bibigyan ko nang katarungan ang pagkawala mo. Pangako. Tutuparin ko ang mundong sinasabi mo."
Hindi na ako iiyak sa pagkakataong ito. I must continue to fight.
I will fight as a class zero member.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top