Chapter 52: Revenge

Happy 200,000 followers! Salamat guys, I know madami pa akong dapat i-improve but I will do my best para maging karapatdapat na i-follow ninyo. ☺️

WALANG takot kong kinaharap itong si Evan kahit pa mas malakas siya sa akin. Nababalot ng galit ang aking puso matapos ang ginawa niya kay Vincent. He is heartless, pinatay niya si Vincent na para bang wala lang sa kanya.

In a short period of time, mas nakilala ko si Vincent. He's just a confused teenager na kailangan lang ng direksyon para ipaglaban niya kung ano ang tama.

"Magbabayad ka!" malakas kong sigaw, I tried to attack him using a knife pero ginagamit niya ang dalawang buntot niya para masangga ang mga atake ko. Nakatingin lamang siya sa mga ginagawa kong atake at hindi sa aking mata. Mahuli lang kitang tumingin sa akin, you will be dead.

"Nagtataka ako kung paano ninyo napatay ang ilan sa mga miyembro ng aming grupo," nakangisi niyang sabi sa akin habang umiiwas sa aking atake. "Ito lang naman pala ang kayang gawin ng isang miyembro ng class zero."

Tumama sa aking pisngi ang isa niyang buntot, nagkaroon ito ng malaking sugat at nagsimulang umagos ang dugo mula rito. "Wala kayong puso." may diin sa aking bawat salita na aking binitawan habang pinapahid ang luha sa aking mata.

"Ano bang kasiyahan ang nakukuha ninyo sa inyong ginagawa!? Bakit... Bakit gusto ninyong maglaho ang mga tao sa mundo?" tanong ko kahit pa alam kong hindi niya naman ako sasagutin.

"Dahil gusto ng Black Organization ng isang mundo na tanging mga glitches sa society ang nabubuhay. Ako, kami tayo!" he laughed na para bang gustong-gusto niya ang ideyang iyon. "Sa tingin mo ba ay sa oras na malaman ng mga tao ang tungkol sa atin ay lalo nila tayong mamahalin? Will they treat us as a hero? No. They will treat us like a monster living in their society."

"Isang halimbawa na lang dito ay nung nalaman ng gobyerno ang tungkol kanila Vincent. They just experimented them like they are animals." paliwanag niya sa akin.

"But your using your ability against human... hindi ba't gawain iyon ng isang halimaw? You're already a monster even the society doesn't know about you." napansin ko ang pag-iiba ng hitsura ni Evan, his tail move once again towards my direction but I managed to roll-out para maiwasan ito.

Nagawa kong atakihin ang kanyang buntot kasabay nang aking paggulong.Nagkaroon ito ng hiwa at sumirit ang dugo mula rito. "Ang mga gaya mo ay dapat nang iligpit!" Sigaw ni Evan sa akin.

"Jamie!" malakas na sigaw ni Abby at humarang sa akin para hindi ako malapitan ni Evan.

"Umalis ka na rito, Abby! Hindi ka ligtas sa labanang ito." Utos ko sa kanya. Hindi na siya dapat ma-involve sa gulong ito. Nawala na si Vincent, baka hindi ko lang kayanin kung may isa pang buhay na mawawala dahil lang sa akin.

"The servant of illusion and dreams, hindi ba't mas maganda kung sa amin ka na lang aanib? Your power will be more useful if you will fight with us." Evan said as he walked towards our direction.

Nahihirapan man ako, tumayo pa rin ako. Hindi ko alintana ang napakaraming dugo na nawala sa akin. Hindi ko na kakayanin kung maging si Abby ay maglalaho rin kung kaya't gagawin ko ang lahat para lumaban.

"I will not fight with your side." May tigas sa bawat salita na binitawan ni Abby.

"Kung ayaw mo... Mas mabuti pang mamatay ka na lang din!" Sigaw ni Evan tapis ay mabilis na tumutungo sa direksyon ni Abby ang buntot nito.

Kitang-kita ko ang bilis nito. "Abby!!!" Malakas kong sigaw pero hindi gumalaw si Abby sa kanyang kinatatayuan.

Napapikit ako dahil ayokong makita ang kanyang pagkalaho. Pero sa muli kong pagdilat ng aking mata, nakatayo pa rin si Abby, halos isang sentimetro na lang ang layo nung talim ng buntot. Nakahinto si Evan at nakatingin lang siya kay Abby.

Hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha ni Abby ngayon dahil nakatalikod siya sa akin. "Hindi mo ako magagawang patayin. Ako ang pakay mo. Masasayang lang ang pagpunta mo rito kung papatayin mo lang din ako." Mahinahon man, ramdam ko ang tapang na ipinapakita ni Abby. She's willing to take risk of her own life.

"Abby..." mahina kong bulong. This time, I saw that she's strong. Hindi siya naging servant of element para sa wala.

Lumingon si Abby sa akin. "Jamie... Papayagan kita na gamitin mo 'ko ngayon. Use me as your element. Kailangan nating iligtas ang buhay ng mga batang nandito. Ipaghiganti mo rin ang kaibigan mong naglaho."

I looked at Abby, tumingin din ako kay Evan. Tumango ako kay Abby.

"This time, bibigyan kita ng isang totoong laban," Abby smiled to me at nagkaroon ng matinding itim na liwanag ang bumalot sa kanya at ang itim na liwanag na iyon ay pumasok sa aking katawan.

Kagaya nung naramdaman ko nung nagpagamit sa akin si Tom, I felt a lot of strength inside my body. Para bang nabalewala ang lahat ng sugat at galos na aking tinamo.

Naging itim na dual blade si Abby. I stretched my neck. "It's time to show you what Class zero got."

Tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon, this time, pakiramdam ko ay ang gaan-gaan ko. In just a split second ay nasa harap na niya ako. I kicked his face at napagulong si Evan at tumama ang likod niya sa isang bato.

"Para 'yan sa ginawa mo kay Evan." Akmang tatakbo ulit ako sa kanya ngunit mabilis na kumilos ang dalawa niyang buntot na para bang may sariling buhay. I used the dual blade para maiwasan at masangga ito.

"Masyado mo yatang minamaliit ang kakayahan ko, Jamie." sabi niya sa akin. "Oras na para seryosohin itong labanang ito."

Tumulis ang kuko ni Evan at nabigla rin ako nung biglang tumubo ulit ang pangatlo niyang buntot.

"Y-you're a monster." Bigkas ko habang patuloy pa rin akong umiiwas sa kanyang atake.

"Halimaw ka rin, Jamie. Glitch ka lang sa society na ito. Kahit mawala ka ay magpapatuloy pa rin ang takbo ng mundo at mananatili lang ang balanse nito." Paliwanag niya sa akin. I stepped back at nung sumugod sa akin ang isa niyang buntot at sinaksak ko ito gamit ang isa sa mga blade. There's a lot of blood na nanggaling sa buntot niya at nagtalsikan iyon sa akin.

He laughed like he's really enjoying ang bagay na nangyayari. Humakbang ako palayo sa kanya at humihingal na tumingin.

"It's been a long time simula nung may makalaban akong kagaya mo," sabi niya at hindi nawawala ang malaking ngisi sa kanyang mukha. "Dahil sa ipinapakita mo ngayon ay gusto ko tuloy makalaban ang iba pang class zero at makita ang kanilang kakayahan."

"Unluckily, hindi mo na makikita dahil dito ka na mamamatay." Ako naman ang nakangisi sa kanya ngayon.

I want to do this for myself, para sa mga batang nandito sa orphanage, para kay Abby, para kay Vincent... Para sa buong class zero. Sawa na akong maging pabigat sa ibang tao dahil lang hindi ganoon kalakas ang ability ko. Ngayon ay gusto kong maging malakas, Ayokong isipin ng ibang tao na magaling lang ako umiyak. Those tears will also be ny strength.

"Abby, lend me some of your power." Nagliwanag ang dual blade na aking hawak at mayamaya lamang ay nagkaroon ako ng maraming clone sa paligid. It's all an illusion.

Sumugod sa aming direksyon si Evan pero ganoon din ang ginawa ko. Naglaban kami and this time, may advantage ako dahil may mga clone ako. Nagkaroon ng sugat si Evan sa maraming bahagi ng kanyang katawan dahil hindi naman lahat ay nasasangga niya.

I continued to attack him.

"Ahhh!!!" Malakas na sigaw ni Evan at mayamaya lamang ay mas lalong bumilis abg kilos ng kanyang buntot at hindi ko namalayan na naglaho na pala ang ibang clone. Sinasangga ko na lang ang mga atake niya.

I kicked him in his stomach at napaatras siya. Humihingal kaming dalawa. Nakatingin ako sa kanyang mata ngunit hindi siya nakatingin sa akin. He really knew na kapag tumingin siya sa mata ko ay katapusan niya na.

"Hindi mo ba alam na it's rude when you're not looking with someone's eyes kapag kinakausap ka?" Nakangisi kong sabi sa kanya.

He just smirked na para bang walang narinig sa aking sinabi.

Nakita ko ang kutsilyong hawak aknina ni Vincent bago siya naglaho. Napakagat ako sa ibaba kong labi dahil sa inis. Pinulot ko ang kutsilyo, mabibigat na paghinga ang maririnig sa paligid dahil sa pagod. We're now both tired at halos nauubusan na kami ng lakas sa katawan.

Tunalikod ako sa kanya at tiningnan ko ang kutsilyo.

Mukhang nagtaka siya sa aking ginawa at tiningnan niya ang kutsilyo na aking hawak. In the reflection of the knife... Nagkatinginan kaming dalawa. "Bingo." Bulong ko habang hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. Sinubukan ko na ito dati sa mga estudyante sa Merton Academy at gumana naman. Gagana pa rin ang ability ko kahit sa repleksyon lang magtagpo ang mga mata namin.

"Kill yourself." Bigkas ko. Kahit pa reflection lang iyon ay alam kong gagana ito. Humarap na muli ako sa kanya at hindi nawawala ang ngisi sa aking labi. "Paano ba 'yan? I won."

"Y-you... B-bitch." Bakas sa mukha niya na pilit niyang nilalabanan ang pagkilos ng kanyang katawan.

"You dumb." Nakit ko na lang ang pagtusok ng matalim niyang kuko sa kanyang tiyan at nakita ko ang paglabas ng malapot na pulang likido mula rito at maging ilang lamang loob. It's a disgusting scene, pero kung tutuusin ay kulang pa iyan dahil sa dami ng kanilang pinatay. They are evil, deserve nilang maburyo sa impyerno.

Sunod-sunod na pagsaksak ang ginawa niya sa kanyang sarili, matapos no'n ay naglaho na siya na parang abo at tinangay na parang hangin. At last, wala na si Evan. Nabawasan na naman ang Black Organization.

May itim na liwanag ang umalis sa aking katawan at nagpigurang tao-- si Abby. She's smiling at mahigpit akong niyakap. "Salamat, Jamie... Salamat."

Tapos na. Tapos na ang labang ito.

May luhang namuo sa aking mata at napaupo ako sa sahig. "S-si Vincent... Wala na si Vincent." I cried out loud na ngayon ko lang nagawa.

Abby hugged me tightly, after a long battle, allow me to be weak this time. Isang malapit ko na namang kaibigan ang naglaho.

"Vinceeeent!" The devil hour ended pero wala pa rin akong tigil sa pag-iyak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top