Chapter 51: Jamie Vs. Evan
VINCENT and I immediately went back to the orphanage, noong biglang umandar ang devil hour ay natakot ako para sa kalagayan ng mga tao rito sa lugar na ito. Lalo na sa mga batang nakatira rito, I don't want them to disappear and maglaho rin ang mga pangarap nila.
"May kinalaman ka ba sa nangyayari ngayon, Vincent?" tanong ko sa kanya.
"What?" Kunot-noo niyang tanong sa akin. "We're together since yesterday. Pinaghihinalaan mo ba 'ko?" Huminto sa pagtakbo si Vincent.
"May kinalaman ka ba rito?" tanong ko.
"Wala!" mabilis niyang sagot.
"Then I trust you. Kapag sinabi mong wala kang kinalaman sa devil hour na ito ay maniniwala ako sa 'yo. We're friends afterall." nakangiti kong sagot sa kanya at pumasok ako sa orphanage. Nasa hallway pa lang ako ay nabigla na lamang ako nung masira ang malaking bahagi ng pader.
Napaupo ako sa sahig at tumalsik sa akin ang bubog ng basag na salamin. May lawbreaker na nakapasok na dito sa orphanage.
I looked at the lawbreaker's eye. "Kill yourself." utos ko at naglakad na palayo sa kanya.
Nakita ko pa ang pagkuha nung lawbreaker sa sarili niyang puso at pagbagsak ng katawan nito sa sahig. "Wow, that's brutal." komento ni Vincent habang nakasunod sa akin.
"Wala tayong dapat sayangin na oras, ang buhay ng mga batang nandito ang mas mahalaga." paliwanag ko sa kanya at nakarating kaming dalawa sa garden area. Nakita namin si Abby, she's holding a sword while fighting two lawbreakers.
Nabigla ako nung may maramdaman akong malakas na hangin na dumaan sa aking tabi, nakita ko na lamang si Vincent na nandoon na siya sa lokasyon ni Abby and he's holding a knife, hiniwa niya sa batok ang isa sa mga lawbreaker kung kaya't namatay ito.
"So you decided to help me?"
"Anong gusto mong gawin ko? Panuorin kang makipaglaban lang?" He avoided looking at my eyes pero napangiti ako. Pakipot pa, ngayon ko masasabing tama ang hinala ko na hindi masamang tao si Vincent. Sa tingin ko ay na-realize niya na rin na sa maling tao siya lumalaban.
"S-salamat sa pagdating ninyo," Abby said to us after she sliced the body of lawbreaker, nahati ito sa dalawa at tumalsik ang ilang dugo sa aming tatlo. "Hindi ko inaasahan na biglang susugod ang mga lawbreakers dito sa orphanage."
"Ngayon lang ba nangyari 'to?" tanong ko.
"No. May mga lawbreakers na rin na sumusugod dito pero mas madami ang bilang nila ngayon." she explained.
"Kumusta ang mga bata?" tanong ko. I am really worried with their situation, alam kong pinoprotektahan maigi ni Abby ang mga taong iyon at hindi ko hahayaang masaktan sila. Alam ko ang pakiramdam na mawalan ng isang malapit na kaibigan at ayokong maramdaman iyon ni Abby.
Wala rin naman akong galit kay Abby kahit hindi ito nakipag-compact sa akin si Abby, she's a selfless woman, ayaw niya lang din iwanan ang mga batang nagmamahal sa kanya.
"It's a good thing na umandar ang devil hour na nasa iisang kwarto silang lahat, it's easier to protect them." she explained to me. Mayamaya lamang ay may mga lawbreakers na nasa bubong ng orphanage, they all looking at us na para bang handang-handa sila na patayin kami. "Mamaya na tayo mag-usap, we need to finish this first."
"'wag kayong titingin sa akin," utos ko kanila Abby at Vincent.
"Ahhh!!!" malakas akong sumigaw at lahat ng lawbreakers ay tumingin sa akin. "Bingo." I smirked dahil lahat sila ay sabay-sabay na tumingin sa aking mata. Mas madali talagang mapukas ang atensyon ng ibang tao kapag gagawa ka ng unnecessary actions.
"Kill yourselves." utos ko at sa isang iglap ay nagpatayan na ang mga lawbreakers. Nasasanay na rin akong gamitin ang kapangyarihan ko, kaya kong lumaban ng hindi nadudumihan ang kamay ko. I can order and get some information ng hindi ako gumagamit ng kutsilyo.
"Your power is really scary, huh. Buti na lang talaga at hindi mo 'yan ginamit sa akin." Vincent said. I smiled to him. "Don't smile to me like that, you're creeping me out."
Mayamaya lamang ay isang slow clap ang narinig naming tatlo kung kaya't napabaling ang aming atensyon sa kung saan iyon nanggagaling. It's from a man wearing tuxedo na nakaupo sa gilid ng fountain.
Isang diamond mark ang nakita ko sa kanyang noo at tanda iyon na miyembro siya ng Black Organization. "Talaga naman na pinamangha mo ako sa pinakita mo, Jamie," he said habang hindi nawawala ang ngisi sa kanyang labi. Kinilabutan ako nung sinabi niya ang aking pangalan. "Allow me to introduce myself, I am Evan... one of the seven black organization members.
I just met him once at iyon ay noong na-encounter ko ang lahat ng miyembro ng Black Organization sa VPP. "Anong kailangan mo sa'kin?" tanong ko sa kanya. I am trying to looked at his eyes pero hindi siya tumitingin sa akin mata, instead, nakatingin siya sa aking damit para maiwasan niyang mautusan ko siya.
"Mukhang ang assuming mo naman, batang taga-Class zero." tumayo siya at unti-unting naglakad tungo sa aming direksyon, napaatras kaming tatlo sa kanyang ginawa. "I am looking for the servant of illusion and dreams." Kung gayon ay kagaya namin, si Abby din ang kanyang pakay.
Iniharang ko ang katawan ko para maprotektahan si Abby. "Hindi mo siya makukuha." Pigil ko.
Hindi ko man sigurado pero mukhang hinahanap din ng Black organization ang mga servant of elements para makipag-compact sa kanila. But in their case, gumagamit sila ng dahas para makuha ang kanilang gusto.
Nagulat ako nung may tatlong buntot na lumabas sa likod nitong si Evan. Those tails are all sharp na para bang kapag nadikit ka ay mahahati agad ang katawan mo sa talim. "Kung hindi mo siya ibibigay ng maayos, maaari ko naman siyang makuha sa madugong paraan." he explained to me. He took another step pero hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. I will protect Abby at all cost.
"Jamie, makipag-compact ka na sa akin," Abby said. "Hindi mo siya matatalo without using any powerful weapons, I am willing to sacrifice my--"
"No! Hindi ka makikipag-compact sa akin!" mabilis kong tutol at saglit ko siyang sinulyapan sa aking likod. "Sinabi mo sa akin na gusto mong protektahan ang mga bata. Your life is important kasi may mga taong nagmamahal sa 'yo. Ayokong maglaho ka at mawalan ng isang mahalagang tao ang mga batang iyon." paliwanag ko sa kanya.
Tumingin ako kay Evan. He's still avoiding my eyes, damn! How can I use my ability kung hindi naman siya tumitingin sa aking mata. Kung gayon, sapilitan ko siyang patitinginin sa akin.
Tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon, Evan's tail is about to hit me but I managed to roll out, muntik na ako roon. Lubhang napakabilis ng kilos nitong si Evan. Pagkalingon ko muli sa kanya ay pasugod muli ang isa niyang buntot sa akin na para bang may sarili itong buhay.
This time, it will be hard for me to dodge it. Napapikit ako ng aking mata at nakita ko si Vincent sa ere, hiniwa niya ang isa sa mga buntot ni Evan dahilan para maputol ito.
Afte he did it ay tinulungan niya akong makatayo pero hindi nawawala ang tingin niya kay Evan. Evan smirked as soon as he see Vincent. "Tingnan mo nga naman kung sino ang nasa harap ko ngayon. Isa sa mga batang iniligtas ko," sabi ni Evan.
Kahit pa lumalaban si Vincent, pansin ko pa rin ang panginginig ng kanyang tuhod. He's scared. Mukhang malaki ang takot niya rito kay Evan. "Halika na, Vincent. Tapusin mo na 'yang palabas na ginagawa mo. You should join us once again, bubuhayin natin si Deathevn. Royal blood na lang at kuwintas ang kailangan natin para mabuhay si Deathevn. Sa ganoong paraan, tayong mga malalakas na lang ang mabubuhay sa mundong ito." Sabi niya.
"Ayoko." Kumuyom ang kamao ni Vincent. "Hindi na ako muling sasama sa inyo." May diin sa kanyang binibitawang salita.
The smirked on Evan's face doesn't fade. "Baka nakakalimutan mo, Vincent, kami ang nagligtas sa 'yo mula sa kanay nang mapang-aping gobyerno."
Lumapit sa akin si Abby at tinulungan niya akong makatayo. Nakatingin lamang ako sa dalawa na animo'y nagpapatayan sa kanilang mga tingin.
"Oo, kayo ang nagligtas sa akin pero pinaniwala ninyo ako sa isang mundo na kung saan ang tanging malalakas lang ang dapat mabuhay at walang lugar ang mahihina," paliwanag niya. "Pero habang wala ako sa puder ninyo, napagtanto kong hindi iyon ang mundong kailangan ko. Kailangan ko ng mundo na punong-puno ng pagmamahal at pagtitiwala. Isang mundo na kung saan tutulungan ang mga mahihina upang maging malakas."
Sumugod si Vincent kay Evan, napakabilis ng kilos ni Vincent. Sinubukan niya muling hiwain ang buntot ni Evan ngunit mabilis siya nitong nasaksak sa tagiliran at rumagasa ang pulang likido mula sa katawan ni Vincent.
"Vincent!" Malakas kong sigaw.
Vincent managed to escape but when he's about to attack Evan ay mabilis itong naiwasan ni Evan.
"Baka nakalimutan mo, Vincent, kami ang nag-alaga sa 'yo, kung anong mayroon ka ngayon ay utang na loob mo iyon sa amin." sabi ni Evan. "At baka nakakalimutan mo... Hawak namin ang mga buhay ninyo."
Itinaas ng bahagya ni Evan ang kanyang kanang kanay and there's a dark aura ang biglang lumabas dito. Itim na itim ang kulay nito na parang isang apoy.
Unti-unting isinasara ni Evan ang kanyang kamao at doon ko napansin na napapaluhod si Vincent na para bang nahihirapan siyang huminga. "Vincent!" I shouted, Abby tried to stopped me pero tumakbo pa rin ako sa direksyon ni Vincent. "Anong nangyayari sa 'yo, Vincent?!" Malakas kong tanong habang pinagmamasdan maigi ang kanyang kundisyon.
I can see in his face that he is in hurt.
"Alam kong dadating ang araw na maaari ninyo kaming talikuran na mga walang kwentang lab rats. Mabuti na lang talaga at naglagay kami ng spell sa inyong katawan." Sabi ni Evan, mas itinikom niya ang kayang kamao at lalong napasigaw si Evan sa sakit.
"Tigilan mo na 'yan!" Sigaw ko.
Kumapit si Vincent sa aking braso kahit hirap siyang huminga. "T-thank you... you allowed me to fight on what's right this time..." Sabi niya sa pagitan ng kanyang paghinga.
"Salamat... Ate Jamie."
"Paalam." After Evan said it ay tuluyan niya nang isinara ang kanyang kamao. Kasabay nang pagtiklop nito ay ang unti-unting paglalaho ni Vincent.
"Hindi... H-hindi!" Malakas kong sigaw at sinusubukan kolektahin ang mga abo na tinatangay ng hangin. "Hindi ka naglaho... Hindi." May luhang namuo na mula sa aking mata.
"Dapat pala kanina ko pa pinatay ang walang kwentang iyon bago pa man niya maputol ang isa kong buntot." Sabi ni Evan.
Napakuyom ako ng aking palad. Punong-puno ng galit ang nararamdaman ng puso ko. Tiningnan ko siya pero katulad lamang kanina ay iniiwasan niya pa rin ang pagtingin sa aking mata.
"Magbabayad ka."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top