Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams

ALAS-NUWEBE na noong umaga nang magising kaming dalawa ni Vincent. Well, ako lang pala dahil kanina pa gising itong si Vincent, hindi niya man lang ako ginising. Talaga namang walang pakialam sa akin itong kasama ko.

Ngayon napatunayan ko na hindi naman ganoon kasama si Vincent. I mean, wala na siya sa Merton Academy, pwedeng-pwede niya akong takasan lalo na't mas malakas siya sa akin... pero hindi niya ginagawa. Sinasamahan niya pa rin ako. Maybe, hindi lang talaga maganda ang experience niya sa mga tao noon lalo na't pinag-eksperimentuhan siya.

"Ang tagal mong magising, kanina pa ako nagugutom," reklamo ni Vincent habang nakaupo sa lobby ng hotel na aming tinulugan.

"Kung ginising mo ako, e'di sana ay kanina pa tayo nakakain at naging productive ang araw natin," sabi ko sa kanya.

"Ba't kita gigisingin? Hindi naman tayo magkaibigan." Bumaling ang tingin niya sa bintana at pinagmasdan ang view kung saan natatanaw ang taal lake.

"Parang ang sarap mag-bulalo ngayon, 'no?" Sabi ko sa kanya at tumingin siya muli sa akin. I read his mind, his really craving for that food. "Kakain tayo ng Bulalo, tawagin mo muna akong ate Jamie."

"H-ha?" He crossed his arms. "Manigas ka. Hindi kita tatawaging ate. We're not even sibling." Napangiti ako sa sinabi ni Vincent, somehow, naaalala kos a kanya ang kapatid ko. He's also rude and pakipot madalas.

"Tara na." Aya ko sa kanya. "Kuha lang ako saglit ng sweatshirt sa room ko ta's gora na tayo." Paalam ko at nagmadali muling bumalik sa kwarto ko.

***

ME and Vincent ate in a famous bulaluhan which is Bulalo Capital. Kitang-kita rin ang taal volcano sa puwesto namin. Ang chill ng ambiance ng lugar at tamang-tama rin ang mga pagkain namin sa lamig ng panahon.

"May idea ka na ba?" Biglang tanong sa akin ni Vincent habang humihigop ng sabaw ng Bulalo, halatang-halata na gusto niya ang lahat ng mga pagkain na nakahain sa lamesa.

"I know the exact address, sinabi sa akin ni Tom," kwento ko sa kanya. "We should finish the mission today, kailangan pa rin nating bumalik sa Merton Academy. Remember, kailangan nating i-celebrate ang birthday ni Teddy bear."

"You really love your friends, huh?" He said habang pasulyap-sulyap na tumitingin sa akin dahil busy siya sa pagkain niya ng bulalo.

"Sobra. They're like my second family. Alam mo, madalang lang ako makauwi sa bahay namin since I am living in a dorm. Pero kahit ganoon ay wala akong pagkukulang na nararamdaman. Ang dami na rin naming pinagdaanan sa Class zero. Siguro at first, may hindi pagkakaintindihan pero kahit na magkakaib--" naputol ang aking pagkukwento nung mapansin kong nakatingin sa akin si Vincent. "Ang daldal ko ba? Sorry, ha."

"Don't get too attached, Jamie. Walang permanente sa mga katulad nating glitches lang sa society. Kung gaano mo kalalim pinahahalagahan ang samahan ninyo, maniwala ka, ganoon din kalalim ang sakit na mararamdaman mo sa oras na may 'di magandang mangyari." Pagsasabi niya nang kanyang opinyon at napangiti ako. Alam kong concerned din itong si Vincent pero naniniwala ako na walang mangyaayring masama sa kahit sino sa amin sa Class zero.

Mukhang ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganyan kalalim ang pinanghuhugutan ni Vincent, marami na siyang pinagdaanan. He saw his friends killed one by one dahil lang sa eksperimentong ginawa sa kanila ng gobyerno. Takot lang siya ma-attach ulit sa mga tao dahil natatakot lang siya maiwan ulit.

"Naiintindihan ko." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Bilisan mo na kumain para masimulan na natin 'tong araw na 'to." Dugtong ko pa.

After we just ate, pinuntahan na namin ang address na ibinigay sa akin ni Tom. Hindi ko alam kung totoo bang nag-e-exist ang address na ito pero siguro naman ay hindi ako dadalhin sa pahamak ng lalaking iyon. Naniniwala naman ako na mapagkakatiwalaan ang mga servant of elements.

"Are you sure na dito yung tinutukoy mong lugar, Jamie?" Vincent asked on me while looking at the gate of the house.

Maging ako ay napa-double check kung tama nga ba ang address na napuntahan namin. And yes, we're at the right place.

Little Angels Home Orphanage Tagaytay

Iyan ang pangalan na nakalagay sa bahay. I didn't know na dadalhin kami ng aming mga paa sa isang bahay-ampunan. "Yes we're at right place, ito mismo yung nakalagay sa address, eh." sabi ko kay Vincent.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa kanila?" tanong ng isang babae sa amin, I think she's in the mid-50's, pero ang approachable niya at ang warm ng ngiti na ibinibigay niya sa amin.

"Nandito po ba si Abby?" tanong ko sa kanya. "May nakapagsabi po kasi sa amin na dito raw po siya nakatira." I answered politely.

Binuksan ng matanda ang gate. "Mga kaibigan ba kayo ni Abby? Halika pasok kayo, tuloy kayo." Pagpapaunlak sa amin nung matandang babae at iyon naman ang ginawa naming dalawa ni Vincent, we walked inside the village.

Masasabi ko na ang ganda ng mga facilities sa orphanage na ito at halatang inaalagaan ng maayos. I can hear children voices inside the house. "Ako nga pala si Teresita, isa ako sa mga nag-aalaga sa mga bata rito sa ampunang ito." pagpapakilala niya sa akin.

"Ako naman po si Jamie at etong kasama ko naman po ay si Vincent." Napatango-tango si ate Teresita sa akin.

We headed inside the orphanage at pumunta sa isang room, doon namin nakita ang isang babae na abot-balikat ang kanyang buhk at may pagka-mestiza, maganda rin ang ngiti nito at mapungay ang kanyang mata. Kahit pa simple lang ang suot nitong damit ay mapapansin mo talaga siya dahil sa kanyang ganda.

"Abby, may naghahanap sa'yo," sabi ni aling Teresita kung kaya't naputol ang pakikipaglaro ng babae sa mga bata. Kung gayon ay siya pala si Abby. She looked confused when she saw us, hindi niya rin pala kami kilala.

Abby stand up and smiled to us. "Hello." sabi niya.

"Pwede ba kitang makausap?" tanong ko sa kanya. "I am Jamie nga pala," inabot ko ang aking kamay at tinanggap niya naman ito.

"Abby." She introduced herself. "Pwede mo naman akong makausap, kaso ay kailangan nang magbabantay sa mga batang ito." Turo niya sa mga batang naglalaro ng mga laruan.

Tumingin ako kay Vincent. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Please."

"I am not good with kids," he honestly said. "At isa pa, ang usapan lang nating dalawa ay sasamahan lang kita. Wala akong sinabi na magiging involve ako sa misyon mo."

"Please, saglit lang 'to, kahit 20 minutes lang." Pakiusap ko pa.

Vincent sighed and loked at his wristwatch. "Your 20 minutes starts now." Napangiti ako sa tinuran ni Vincent.

Pumunta kami ni Abby sa garden area ng orphanage at umupo sa isa sa mga bench. Her eyes were fixed on the fountain. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" She asked.

"I am just curious, ikaw ba ang servant of illusion and dreams?" I asked at mukhang nagulat siya sa aking tanong.

Ilang segundong nagkaroon nang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga si Abby. "Ako nga," pag-amin niya.

Kung gayon ay tama lang pala ang sinabi sa amin ni Tom na dito namin matatagpuan ang servant of illusion and dreams.

Napangiti ako sa tuwa dahil may chance na masagawa ko nang maayos ang misyong ito. "Kung gayon ay alam mo na ang nangyayaring gulo sa pagitan ng class zero at servants laban sa Black Organization."

"Alam ko. Pero kung pumunta ka para makipag-compact sa akin, pasensya na, hindi mangyayari iyon." Napalitan ng lungkot ang aking mukha.

"Hindi mo ba gustong tumulong sa nangyayaring gulo?" tanong ko sa kanya. "Maraming tao na ang namatay dahil sa ginagawa ng Black Organization, we need to do something para iligtas ang mundong ito at pigilan sila sa binabalak nilang pagbuhay kay Deathevn."

"Aware ako tungkol sa bagay na iyon," she smiled to me. "Pero gayon pa man, hindi ko gustong makisali sa gulo na nangyayari sa inyo."

"Pero..."

"Jamie, sa oras na maglaho ako, sinong mag-aalaga sa mga batang nandito sa ampunan?" she asked on me at ako naman ang walang masagot. Nawala sa isipan ko na isa pa lang malaking bagay ang hinihiling ko sa kanya. "Ayokong makipag-compact hindi dahil ayoko. Ayaw ko kasi may mga tao akong dapat protektahan at alagaan."

"Kapag nawala ako rito sa ampunang ito, sinong magpoprotekta sa kanila kung sakaling may sumugod na lawbreakers? Wala. Ayokong maglaho sila, Jamie. They are already abandoned by their parents... ayoko silang iwanan, they need someone who will protect them."

Mukhang nakuha ko na ang punto ni Abby sa akin. She don't want to be involve in this war because she's protecting some people. She's protecting those kids na sa tingin ko ay may mga pangarap din.

"Well, mukhang iko-consider ko na mission failed ako," eto ang misyon na kahit hindi ako nagtagumpay ay wala akong naramdamang inis o galit. Naiintindihan ko ang mga sinabi sa akin ni Abby.

"Sorry." she said.

Mabilis kong iniling-iling ang aking ulo. "Hindi, wala kang kasalanan. Naiintindihan kita. You're just protecting those people you love and isa pa, ako 'tong pumunta rito para humingi nang pabor." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Thank you. Sana ay matalo ninyo ang Blacl Organization at pigilan ang kasamaan na binabalak nila."

Bumalik na kami sa mga bata at naabutan ko si Vincent na siansabunutan ng dalawang bata kung kaya't napatawa ako. Ge stood up as he saw me. "Anong nangyari?" He asked.

"Halika na, uuwi na tayo." Nakangiti kong sagot sa kanya habang naglalakad na kami paalis bg orphanage.

"Uuwi na tayo? Hindi ka na makikipag-compact sa servant na iyon?" Tanong niya pa.

"Hindi na, naintindihan ko naman ang sitwasyon niya. Kaya niya ayaw makipag-compact ay dahil nag-aalala siya sa nga bata rito sa orphanage na ito. At isa pa, hindi naman ito ganoon ka-big deal. Alam ko ay magagawan ko pa rin nang paraan para matalo ang Black Organization." Paliwanag ko sa kanya nang may ngiti sa aking labi.

"So we just wasted our time here?"

"Not really, mas naintindihan at nakilala kita. Now, friends na tayo. Ate mo na 'ko." Nakangiti kong sabi kay Vincent.

Nag-iwas siya nang tingin. "A-asa ka! Kahit kailan ay hindi magiging ate ang tingin ko sa'yo." Paliwanag niya.

Nakakailang hakbang pa lamang kaming dalawa ni Vincent paalis sa bahay-ampuann ay biglang tumigil ang galaw ng mga tao sa paligid at nawala ang tunog ng maiingay na sasakyan.

Napaayos kaming dalawa ng tindig. "Devil hour." Sabi ni Vincent.

At this point, isa lang ang bagay na pumasok sa isip ko. "Ang mga bata!" Sigaw ko sa kanya at nagmamadali kaming bumalik sa Orphanage.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top