Chapter 49: Knowing Vincent


JAMIE

"VINCENT, ang bagal mo," nakangiti kong sabi habang naglalakad kami palabas ng school, pinagmamasdan ko ang lamp post na nadadaanan na. "Are you not excited about this mission?" tanong ko sa kanya.

"Gusto mo ba talagang sagutin ko yung tanong mong 'yan," bagot na bagot ang ekspresyon ng mukha ni Vincent habang naglalakad kami. "Hindi ko alam kung bakit dapat pa kitang samahan sa misyon mo. This is your mission ALONE."

Hindi ko pinansin ang kanyang reklamo, sumusunod naman sa akin si Vincent sa paglalakad. Honestly speaking, excited talaga akong gawin itong mission na ito dahil na rin ito ang kauna-unahang mission na gagawin ko mag-isa, there's a tendency na makapag-compact ako sa servant of illusion and dreams. Kailangan din naming makabalik bago pa man din ang birthday ni Teddy. Sabi ni Mild ay kailangan namin itong i-celebrate na magkakasama.

"You know what, ginawan na kita nang pabor. Sabi mo bored ka na sa zero base kung kaya't tinulungan lang kita na makalabas." sabi ko sa kanya. Nakalabas na kaming dalawa sa school at naglalakad na patungo sa bus stop.

"Wow, utang na loob ko pa ngayon sa 'yo na isama mo 'ko, ha. First of all, hindi ko 'to hiniling sa 'yo." reklamo niya muli, wala na akong ibang narinig sa bibig ni Vincent kun'di puro reklamo pero sumusunod naman siya sa akin.

"And hindi ka ba natatakot? Ngayong nakalabas na ako sa school at ikaw lang ang class zero na kasama ko... pwedeng-pwede kitang takasan."

"Kung tatakasan mo 'ko, e'di sana kanina mo pa ginawa," bumaling ang tingin ko sa kanya at ngumiti. Mabilis na umiwas nang tingin si Vincent. "Gusto ko rin ipakita sa 'yo, Vincent, hindi kami masama. Ipinaglalaban naming class zero ang mga bagay na tama."

"E-ewan ko sa 'yo." Nauna siyang maglakad sa akin. "Bilisan mo, baka maiwan pa tayo ng bus."

I smiled when I saw him acted like that. Mabait naman pala si Vincent, he just need direction. Kailangan niya lang ng tao na magpapa-realize sa kanya na gawin ang tamang bagay. "Hintayin mo ako!" sigaw ko.

Pagkarating namin sa bus stop ay saktong may biyahe na bus paalis. Huling biyahe na raw ito ngayong gabi at mabuti na lang talaga at umabot kaming dalawa.

Habang nakaupo kami sa bus ay kinukulit ko pa rin si Vincent. "So, Vincent, kwentuhan mo naman ako tungkol sa 'yo."

"Alam mo, sa lahat ng class zero... ikaw ang maraming tanong. Si tito boy ka ba? Fast talk ba 'to?" Inilagay niya ang kanyang earphone sa kanyang tenga pero hinila ko ito. "Ano ba!"

"Kausapin mo kasi ako, mahaba-habang biyahe 'to."

"E'di matulog ka."

"Hindi ako inaantok. Kwentuhan mo na lang ako tungkol sa 'yo, Ilang taon ka na ba?" tanong ko.

"Kulit," sabi niya sabay kamot sa kanyang tenga. "Fifteen pa lang ako."

"Three years younger ka pala sa akin. Little bro!" I raised my hand na parang nakikipag-apir sa kanya pero tiningnan niya lang ang kamay ko.

"I'm not your brother, we're not even friends." sagot niya sa akin at bumaling ang tingin niya sa bintana pero pinihit ko muli ang ulo niya paharap sa akin. "Ang kulit mo. It's  wrong idea talaga na samahan ka sa kagaguhang ito."

"Hey! fifteen ka pa lang, huwag kang nagmumura!"

"Gago."

"Huwag ka sabing nagmumur--"

"Gago."

I sighed as a sign of forfeit, baka kapag pinagsabihan ko lang ulit siya ay baka magmura lang ulit siya. He smirked  nung nakita niyang naiinis na ako sa kanya. Somehow, may pagka-childish pa rin pala itong si Vincent.

"Seryoso na nga, kwentuhan mo ako tungkol sa 'yo. Ganito na lang, sagutin mo na lang itong itatanong ko sa 'yo then hindi na kita kukulitin." Sabi ko sa kanya. I raised my right hand. "Promise."

"Shoot it, isang tanong lang. Kapag may follow question 'yan pipitikin kita." umayos nang pagkakaupo si Vincent at humarap sa akin.

"Bakit mas pinili mong kumampi sa Black Organization?" tanong ko sa kanya.

Mukhang hindi niya inasahan na iyon ang itatanong ko sa kanya. Napansin kong hindi komportable si Vincent sa tanong ko dahil nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Maybe, hindi pa kami ganoon ka-close para itanong ang ganoong kapersonal na bagay.

"Hindi mo naman kailangan sagutin, kunwari hindi mo na lang narinig."

Bumaling ang tingin ko sa TV ng bus. Wrong move, Jamie, medyo FC ka rin kasi talaga minsan, eh.

"Because Black Organization saved us." nabigla ako nung bigla pa ring sinagot ni Vincent ang tanong ko. "Bata pa lamang kami ay kinuha na kami ng gobyerno nung nalaman nilang may mga abilities kami. They killed our parents para sapilitang sumama sa kanila," Nanginginig ang kamay ni Vincent habang nagkukwento.

"Ang sabi nila... poprotektahan nila kami. Pero hindi. We all became lab rats, pinag-eksperimentuhan, hindi nila kami pinrotektahan... sila mismo ang nananakit sa amin kapag hindi kami sumusunod sa gusto nila. May mga bata rin silang pinatay, tanda ko pa ang pagpatay nila na para bang wala lang ito para sa kanila." May luha nang tumutulo galing sa mata ni Vincent.

I held his hand. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kapait ang nakaraan ni Vincent.

"But one day, Black Organization saved us, ang sabi nila ay gagawa sila ng mundo na walang nabubuhay na mahihina. They are fighting against the government kaya kami sumama sa kanila. This is the reason why I hate your group, you're working under the government."

"We're not working under the government," humigpit ang hawak ko sa kamay ni Vincent. "Ginagawa namin kung ano ang tama, Vincent. Kung sino man ang mga taong may gawa no'n sa inyo, wala silang puso. Pinapangako ko sa 'yo, hindi ko ulit hahayaan na mangyari sa 'yo ang ganoong bagay."

Nakatulog si Vincent sa aking balikat habang ako naman ay nanatiling gising, tiningnan ko kung magkakaroon ng text sa akin si Seven pero ni-isang text ay wala akong nakuha ngayong araw. Nakakapanibago lamang. Sana lang ay nagawa nila ng maayos ang kanilang misyon.

Halos dalawang oras lang ang biyahe papuntang Tagaytay since wala naman masyadong traffic dahil gabi na. Ginising ko si Vincent na natutulog sa aking balikat. "Nandito na tayo, tulo laway ka pa."

Mabilis na pinahid ni Vincent ang kanyang labi. "Wala naman." natawa ako, isinuot ni Vincent ang bag sa kanyang balikat at naunang maglakad pababa.

Malalim na rin ang gabi, naisipan namin na mag-stay sa isang hotel at mabuti na lang talaga at tumatanggap sila ng walk-ins at may vacant room pa sila. Bukas na lamang namin dalawa ipagpapatuloy ang aming misyon, excited na rin akong makita ang servant of illusion and dreams.

***

MILD

JAMIE, Roger is dead...

Mabilis kong binura ang dapat na text ko kay Jamie, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kaibigan kong iyon na nalagasan na kami ng isa. "Nasabi mo na kanya?" tanong sa akin ni Kiryu, kahit si Kiryu na pinakamasayahin sa amin sa class zero ay hindi rin magawa na tumawa ngayon.

Well, parang wala naman kaming karapatan na magsaya sa pagkakataong ito lalo na't kakamatay lang ng isa sa mga kasamahan namin.

"Hindi pa," Ibinagsak ko ang cellphone ko sa lamesa. "Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko nga sure kung ako ba dapat ang magsabi sa kanya ng bagay na iyon."

"Huwag muna," sabi ni Kiryu at yumakap sa kanyang tuhod. "I know Jamie need to know this thing pero hayaan muna natin siyang mag-focus sa kanyang misyon. Baka kapag nalaman niya ngayon, mawala siya sa focus at mabigo siya sa pakikipag-compact sa servant of illusion and dreams."

"Pero..." nagi-guilty rin ako.

"Sasabihin din naman natin sa kanya pagkabalik na pagkabalik niya. Huwag lang muna ngayon dahil baka biglang bumalik dito si Jamie-girl," biglang sumabat si Ace na kakapasok lang sa zero base. "She's stubborn, baka sa oras na malaman niya ay bumalik agad iyon dito sa Merton Academy."

Ayoko man magsikreto kay Jamie dahil siya ang pinakamalapit kong kaibigan sa class zero pero baka tama sila... huwag muna ngayon, gusto ko rin naman na magawa ni Jamie ang kanyang misyon.

"Kumusta na si Seven?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa rin lumalabas ng kwarto niya simula nung nakauwi sila."

Nalulungkot ako sa nangyayari. Malaki ang naging impact sa amin nang pagkawala ni Roger, para bang lugmok na lugmok ang buong klase sa kalungkutan. Pinagmamasdan ko ang group picture namin sa cellphone ko... wala na dito si Roger.

Napansin ko ang paglalagay ni Ace ng hand wraps sa kanyang kamay. "Anong gagawin mo, kakalabanin mo ulit si Kean?" tanong ko sa kanya.

Tango lamang ang isinagot sa akin ni Ace.

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna 'yan? Look, wala sa kundisyon ang lahat--"

"Guys, wala na si Roger. It doesn't mean na dapat huminto na tayo sa dapat nating gawin, hindi sagot ang pagiging lugmok para mabigyang katarungan ang pagkawala ni Roger. Instead of crying, I will make myself more stronger para maipaghiganti siya."

"Ace, wala ka bang puso?!" Inis na tanong sa kanya ni Girly. "Hindi ka naman namin pinipigilan, ang amin lang, bigyan mo ng time yung pagkawala ni Roger--"

"Walang puso!? Sa tingin mo ba ay hindi ako nasasaktan? Malapit kong kaibigan si Roger, hindi lang kayo ang nawalan... ako rin. Hindi porke't umaakto akong matigas ay hindi na ako nasasaktan. Umaakto akong ganito para naman hindi rin kayo sumuko," may namuong luha sa mata ni Ace.

Pati ako ay naiyak, tama siya. We need to be stronger, ipaghihiganti naming lahat si Roger. Sana lang ay malaman ko na ang ability ko.

Tumayo ako. "Saan ka pupunta?"

"Kay Seven, he needs someone who will comfort him. Sa panahon ngayon, kailangan natin ang isa't-isa, guys."

"We're class zero, we're family." sabi ni Kiryu at lumambot ang ekspresyon ng bawat isa.

"We're class zero, we're family."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top