Chapter 48: Saying the truth

Jamie

"JAMIE, hindi recommendable na si Vincent ang isama mo sa misyong pinaplano mong gawin. Mas okay pa kung si Kiryu o kaya si Ace na lang ang isama mo," umayos nang upo si sir Joseph sa swivel chair. "Baka mapahamak ka lang." Dugtong niya pa.

Inaasahan ko na rin naman na ito ang mga salitang lalabas sa bibig ni sir Joseph. Well, minsan na rin naman naming nakalaban si Vincent kung kaya't wala na rin silang tiwala rito. He's on enemy's side.

"Sir, ako po ang magiging responsable kung sakali man pong makatakas si Vincent o kaya naman ay mapahamak ako," pagpupumilit ko pa rin kay sir Joseph. "I am believing that Vincent have a nice soul, kailangan niya lang ng tao na magpapaunawa sa kanya nang mga bagay-bagay."

"This is not a good idea, Jamie," nagbitaw nang malalim na buntong hininga si sir.

"Please, sir."

Ilang minuto ko rin pinilit si sir Joseph bago siya pumayag sa gusto ko. Mukhang napilitan nga lang dahil nagiging sobrang makulit ako.

"Jamie, if anything happen, tumawag ka. Sa oras na makatakas si Vincent o bumalik siya sa Black Organization, you will face your consequence pagbalik mo dito sa school. Maliwanag ba?" There's an authority in sir Joseoh's voice kung kaya't medyo natakot din ako.

"Yes sir!" I happily said.

Lalabas na sana ako ng kanyang office nung bigla kong maalala ang misyon nila Seven, simula kaninang umaga ay wala na akong naging balita kung ano ang nangyari sa kanila. "Sir, about sa misyon nila Seven, do you have any update po ba?"

May binasa si sir Joseph na mga papeles. "I don't have an update about those kids. Kanina ko pa rin sila kino-contact pero walang sumasagot sa kanila. If hindi pa rin sila sasagot sa tawag ko ay baka puntahan ko na sila doon." Paliwanag sa akin ni sir Joseph.

"Baka busy sila masyado, sir. Magtiwala ka lang sa mga 'yon. Magagaling naman yung mga 'yon. Tapos si Seven pa ang leader, they are in good hands." Paninigurado ko kay sir Joseph.

He looked at me. "Huwag ninyong iasa kay Seven lahat, hindi man halata pero paniguradong nape-pressure din ang taong iyon." Huling sabi sa akin ni sir bago ako naglakad palabas.

Mabilis akong bumalik sa dorm para ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Isang bag lang ang dadalhin ko and ilang pirasong dami dahil ilang araw lang din kami doon. I will also bring a jcket since malamig ang klima sa lugar na iyon.

Nasa kalagitnaan ako nang pag-aayos nung biglang bumuks ang pinto ng aking kwarto at nagmamartsang naglakad sa direksyon ko si Mild.

"Jamie, ano 'tong nakwento sa akin ni Claire na aalis ka raw?" Nag-indian sit siya sa ibabaw ng kama ko. "May misyon ka? Sama ko? Aksyon na naman 'to."

This is the reason kung bakit hindi ko ito sinasabi kay Mild kahit sobrang close naming dalawa... She will insist na isama ko siya.

Tumingin ako sa kanya habang tinitiklop ko ang aking damit. "Hindi pwede. This is my own mission, gusto ko rin gawin ito para sa sarili ko." Totoo naman, maaari ko naman isama ang buong class zero pero gusto ko rin naman may mapatunayan. Hindi lang ako yung babaeng kayang magbasa ng isip at magpasunod ng mga tao. Gusto ko rin naman patunayan na kahit papaano ay ako yung babaeng marunong lumaban at hindi pinoprotektahan ng lahat.

I am depending on everyone thesepast missions, this time, ako naman. I don't want to be a damsel in distress all the time.

Women is not just a princess, they can be a warrior if they want to.

"Kahit bestfriend mo ay hindi mo pwedeng isama. I will not be a burden," she smiled innocently na parang pinipilit niya talaga ako. "So ano? Mag-aayos na rin ba ako ng gamit ko?"

"Mild..."

"I get it, I am just teasing you. Nag-aalala lang ako para sa'yo, what if you failed sa pakikipag-compact? Baka may mangyari sa'yo habang paalis ka." Tumayo siya at yumakap sa akin. This is what I liked about Mild, she's getting clingy when she's worried. "I mean you'd been through a lot."

"Don't worry about me na." Ngumiti ako sa kanya. "Kasama ko si Vincent, he will accompany me hanggang makarating sa lokasyon ng Servant of the illusion and dreams." Paliwanag ko pa sa kanya upang kahit papaano ay mapanatag ang kanyang loob.

Bumitaw sa pagkakayakap si Mild. "Kasama mo si Vincent?" She asked at napatango-tango ako sa kanya. "Then that's another reason para isama mo ako, hindi pwedeng ipagkatiwala ka namin ng basta-basta doon."

"Vincent is a kind person, Mild." Paliwanag ko sa kanya.

"Yeah he's nice but you can't changed the fact that he's once our enemy. He can attack you if he want to."

"Trust me this time, guys. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko." Bumuntong hininga si Mild pero in the end, wala naman din siyang magagawa dahil ito ang gusto kong mangyari.

I get it kung bakit wala silang tiwala kay Vincent. But I believed that he is not a bad person. Kailangan niya lang ng tao na magpapakita sa kanya at magpapaintindi sa kanya na sa maling grupo siya sumasama.

After I fixed my things, pumunta agad ako sa Zero base para puntahan si Vincent, nadatnan ko pa siyang nanunuod sa netflix habang kumakain ng pop corn. "Bakit hindi ka pa gumagayak?" Tanong ko sa kanya.

"Because I have this strong feeling that hindi sila papayag na isama mo ako sa misyon na 'yan," sabi niya habang ngumunguya ng pop corn. Hindi rin umaalis ang tingin niya sa netflix series na pinapanuod niya.

"Pumayag si sir Joseph. Gumayak ka na," this time ay bumaling ang tingin niya sa akin.

"For real?" Tumango-tango naman ako. "Wow, hindi ko inaasahan na papayag nang basta-basta ang adviser ng class zero. Ipinagkatiwala niya ako sa'yo nang basta-basta."

"Hoy hindi basta-basta ang ginawa ko, 'no! Ilang minuto ko ring kinulit si sir Joseph para lang mapapayag siya na isama kita rito. He's really against with this idea kaya."

Ipinatong niya ang pop corn at tumayo, ipinagpag niya pa sa laylayan ng kanyang damit ang kanyang kamay dahil sa cheese powder. "Sigurado ka ba talagang isasama mo ako dito, Jamie?" He smirked.

"Oo naman!" Paninigurado ko.

"Pagsisihan mo rin ang desisyon na isama ako rito."

***

Seven

AROUND 9am ay nakabalik na kami sa Metro Manila. Ilang minutong biyahe na lang ay mararating na namin ang Merton Academy, nanlalamig ang kamay ko at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na si Roger.

Well, sa kahit anong paraan ko ito sabihin, it will end up in the same scenario... Masasaktan lang din sila.

Walang nagsasalita sa amin sa buong biyahe, lahat kami ay apektado sa pagkawala niya. I bet, pare-parehas kaming nagi-guilty dahil kami ang huling kasama ni Roger bago pa man siya maglaho.

I opened my phone and read all sir Joseph's text on me. He continuously asking for an update pero hindi ko naman alam kung paano sasabihin sa kanya. Alam kong magiging disappointed siya sa akin. Ipinagkatiwala niya sa akin ang misyong ito, and yet, I failed.

"Malapit na tayo sa Merton Academy, Seven." Sabi sa akin ni Minute. Hindi ko napansin na abot tanawna namin ang gate ng paaralan. "We should face this together. Kaya nating sabihin sa kanila ang bagay na ito."

Pagkapasok ng mini bus na sinasakyan namim ay para bang tambol na bumilis ang tibok ng puso ko. Kung kinakabahan ako kanina habang nasa biyahe ay mas lalo akong kinakabahan ngayong nandito na kami sa loob.Lahat sila ay pakiramdam kong magiging disappointed sa akin.

Teddy stopped the bus in front of Class zero classroom. All of my classmate were waiting for us to go down. Nakangiti sila na para bang magandang balita ang isasalubong ko sa kanila. Kataka-taka rin na wala si Jamie, maybe she have a class.

"Tandaan mo bro, wala kang kasalanan. The situation became so complicated kung kaya't nangyari iyon," Teddy tapped my back na para bang pinapakita niya na sinusuportahan niya ako.

Bumaba kami sa bus at lahat sila'y tuwang-tuwa na makita kami. "Nagawa ninyo ang misyon ninyo?" Tanong sa amin ni Kiryu.

Tumango ako bilang sagot.

"Ano ka ba! Syempre si Seven 'yan, magagawa niya ang misyon na iyon na wala masyadong problema." Sabi naman ni Mild at sa puntong iyon ay parang may kung anong sumuntok sa aking puso.

Ilang segundo lang ang lumipas nung may mapansin silang isang bagay. Si sir Joseph ang nakapansin no'n. "Teka, bakit parang kulang kayo? Nasaan si Roger?" He asked.

Tahimik kaming nagkatinginang apat. Tumango sila sa akin na para bang pinapakita nila ang kanilang suporta. Class zero deserves to know this. "S-Sir... Can we discuss this inside the classroom?"

Nauna akong maglakad papasok at sumunod naman silang lahat. Some of them already have an idea kung ano nga ba ang nangyari.

Pagkapasok sa classroom ay umupo sila sa kanya-kanyang upuan habang ako ay nakatayo sa gitna. Hindi ko rin magawang tumingin sa kanilang mata. Fuck that Black Organization, sila ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"Seven, umamin ka nga, ano ba talagang nangyari sa misyon ninyo?" Si Ace na ang nagtanong sa amin. "Sabi ninyo sa amin ay nagawa ninyo ang misyon pero ang tamlay ninyong lahat. At isa pa, nasaan si Roger?"

Ipinikit ko ang aking mata at lumuhod sa kanilang harapan. Maging ang luha na kanina ko pa pinipigilan ay isa-isa na ring naglabasan.

"I am sorry guys... I'm sorry. I am a failure as a leader..."

"H-huy, Seven, ano ba talagang nangyayari? Hindi magandang biro 'yan, ha!" Sabi ni Mild. May luha na rin na namumuo mula sa kanyang mata. "Ipakita ninyo na kung nasaan si Roger, if this is a prank, itigil ninyo na... Hindi nakakatuwa."

"Sana nga ay prank lang ito," Kiran said and avoided everyone's eyes.

"H-hindi naging madali ang pakikipaglaban namin kay Hanzo, we almost all died..." Sabi naman ni Minute.

"Guys... Wala na si Roger. Naglaho na si Roger." Finally, nasabi ko na rin. Hindi na nagulat ang class zero sa balita dahil kanina pa silang may hinala na baka ganoon ang nangyari pero nasaktan pa rin sila. It's painful for them to hear the truth.

After I said the truth. Nasa classroom lang kaming lahat at bumagsak ang luha ng bawat isa. At this point ay nag-sink in sa akin... Class zero is not 12 anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top