Chapter 47: Enemy in good term
Jamie
"SIGURADO ka ba sa gusto mong gawin, Jamie?" Sir Joseph asked me matapos kong sabihin sa kanya ang binabalak kong pagpunta sa lokasyon ng servant of the illusion and dreams. I don't want to waste any time, hindi ako pwedeng manatili sa school at walang gawin, if there's a way to become stronger... gagawin ko.
"Sigurado na po ako, sir," I smiled to sir Joseph to gave him an assurance that I will be okay. "Pinapangako ko po sa inyo na walang mangyayari sa aking masama."
"Okay, I will allow you to leave Merton Academy... but please, get back here safely." Sabi niya sa akin at mas lalong lumaki ang ngiti sa aking labi. Matapos talagang ibalita sa akin ni Tom ang balitang iyon ay mabilis akong nagpaalam kay sir at mabuti rin ay pumayag siya.
"Thank you, sir." sabi ko sa kanya at lumabas na ng kanyang office.
"Just make sure na babalik ka rin sa birthday ni Teddy, mukhang may binabalak na surprise ang mga kaklase mo sa araw na iyon," bilin sa akin ni sir. Oo nga pala, three days from now ay birthday na ni Teddy.
Pagkasara ko sa pinto ng office ni sir ay may ilang estudyante akong nakasalubong, they all greeted me at ngumiti ako sa kanila. Students here at Merton academy really acknowledged class zero, wala nga lang silang ideya sa mga bagay na ginagawa namin.
"Hi, Jamie!" sabi nung isang estudyante. "Kumusta na kayong eleven students ng class zero?" She asked.
Napakunot ang noo ko kung tama ba talaga ang dinig ko, eleven students? Maybe she just forgot that there are one dozen students in class zero. "We're good, thanks for asking by the way. Have a nice day." Nakangiti kong paalam sa kanila at naglakad na paalis.
Pumunta ako sa cafeteria para kumain, sakto naman at nadatnan ko si Claire na kumakain. Bumili muna ako ng pagkain bago ako tumungo sa kanyang direksyon. "Pwede ba 'kong tumabi sa'yo kumain?" Tanong ko sa kanya.
Inialis niya ang kanyang bag na nakapatong sa bakanteng upuan. "Sure, nakakalungkot din kumain mag-isa,"
"Claire, aalis nga pala ako mamayang gabi. Nagpaalam na ako kay sir." I informed her, she deserved to know about this thing since she's also part of class zero. Wala rin naman akong balak na isikreto ang tungkol dito.
"Where are you going? Makakabalik ka ba bago ang birthday ni Teddy?" She asked me.
"Sabi kasi sa akin ni Tom na nasa Tagaytay daw ang servant of the illusion and dreams, kailangan kong puntahan ito para subukang makipag-compact sa kanya. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong makakabalik ako bago ang birthday ni Teddy. We should celebrate that day na kumpleto tayo," nakangiti kong sabi sa kanya.
Claire smiled as a sign of relief. "Oo, we will celebrate that day na kumpleto tayo."
Habang kumakain kami ni Claire ay naisipan kong i-chat si Seven para kumustahin na sila doon.
Jamie:
Kumusta na kayo diyan sa misyon ninyo?
I bet you're not having a hard time kasi wala kang makulit na kasama.
Seen
Bwisit ka sineen mo lang ako!!!
Next time talaga hindi na kita kukumustahin.
"Ba't biglang bumusangot 'yang mukha mo?" Biglang nagsalita sa tabi ko si Claire at parang natutuwa pa siya sa nakikita niyang ekspresyon sa aking mukha.
"Wala 'to," I avoided her eyes.
"Wala ba talaga?"
"Chinat ko kasi si Seven, seenzone lang ako. Dati naman nagre-reply agad 'yon," pag-amin ko. "Hindi ako concern sa kanya, ha, clarify ko lang. Nanghihingi lang ako ng update sa kanya tungkol sa nangyayari sa kanila doon dahil part din naman tayo ng class zero." Mabilis ko pang depensa sa aking sarili.
"Baka pabalik na ang mga 'yon, 'wag ka na mag-alala diyan."
"Hindi nga ako nag-aalala," depensa ko pa muli dahilan para mapabungisngis si Claire.
"Okay, sabi mo, eh. Pero huwag mo munang i-chat si Seven, malay mo sobrang busy nila sa misyon ngayon. Knowing, Seven, paniguradong ipa-prioritize niya palagi ang misyon na ginagawa niya." napatango-tango ako dahil nakuha ko ang punto ni Claire.
Iniba ko na lang ang bagay na pinag-uusapan naming dalawa. Tinanong ko siya tungkol sa birthday ni Teddy at mukhang excited na nga siya tungkol dito. Claire is too pure in this world, parati lang siyang nakatingin sa brighter side. Sana ay hindi magbago ang katangian niyang iyon.
After we have a talk for a couple of minutes ay umalis na rin si Claire dahil may klase siya ng alas-tres. Since I didn't have an afternoon class, napag-isipan ko na lang na pumunta sa zero base at nadatnan ko agad si Vincent na nakahiga sa couch at nakatulalang nakatingin sa kisame.
"Ba't naman nakatulala ka riyan mag-isa?" Tanong ko at umupo sa sofa malapit sa kanya.
Mabilis siyang lumingon sa akin nung mapansin niya ang aking prisensya. "Bakit? Kailangan ba may groupings kapag tutulala ka?" He asked.
"Nice joke, ha, last mo na 'yan." Vincent smiled on my respond. "So bakit nga?"
"Nabo-bored na 'ko dito, I am doing the same shit over and over again. Nakakasawa na." Pag-amin niya sa akin.
Vincent is actually nice as our enemy. Makakausap mo siya ng maayos kapag kinausap mo rin ng maayos as long as hindi tungkol sa Black Organization ang pag-uusapan ninyo. I believe na pwede pang magbago ang taong ito.
"Samahan mo na lang ako mamayang gabi, may misyon ako." I informed him. "I need to go to Tagaytay to find the servant of the illusion and dreams."
"You know what, as my enemy, you're spilling a lot of information. Hindi mo ba alam na never trust your enemies?" Sabi niya at umayos siya nang pagkakahiga sa couch.
"Hindi naman enemy ang tingin ko sa'y--"
"Yes. We're enemy."
"Oh sige, we're enemy. We're enemy that is in good term." He sighed as a sign of forfeit.
"Wala ka na talagang pag-asa," sabi niya at ako naman ang natawa sa pagkakataong ito. "Hindi ka ba natatakot na kapag isinama mo 'ko sa misyon mong iyan ay baka takasan lang kita, or baka kalabanin kita. Sorry for the term but you're kinda bobo din, eh."
"Bilis na, samahan mo na 'ko. Para naman hindi ka nagkukulong dito sa zero base," pagpupumilit ko sa kanya.
He sitted and looked at me seriously. "Hindi ka ba natatakot na baka saktan kita?"
"Then I will be responsible kung sakaling tumakas ka and sasaluhin ko lahat ang sermon ni sir Joseph. Ano? Sasama ka na?"
"Bahala ka." Huli niyang sabi at napangiti naman ako.
"Yes! Ipapaalam na kita kay sir, mamayang gabi samahan mo ako and hopefully ay makabalik tayo rito bago ang birthday ni Teddy."
Naputol ang pag-uusap namin dalawa nung pumasok muli si Ace sa zerp base at may malaking sugat sa kanyang pisngi. Nakasunod sa kanya si Claire at agad niya itong ginamot. "Anong nangyari na naman? Claire, tapos na klase mo?" Tanong ko.
"Jamie-girl, sinong gusto mong unang sumagot sa 'min?" Tanong ni Ace habang nakangisi.
"Si Claire muna,"
"One and a half hour lang klase ko. Minor." Sabi niya sa akin at napatango-tango ako.
"Eh ikaw naman, Acie-boy?"
"Acie-boy?" He asked me. "Tangina ang pangit ng bansag mo sa'kin, Jamie-girl. Kasuka." Natawa ako sa sinabi ni Ace. Dapat may bansag din ako sa kanha sonce he's calling me 'Jamie-girl' para fair.
Malakas na hinampas ni Claire ang sugat ni Ace dahilan para mapaimpit ito sa sakit. "No cursing."
"Aray ko put--" naputol ang sasabihin ni Ace nung nakaamba na naman ang kamay ni Claire. "Putek. Claire, it's normal lang naman to curse. I mean we're teens, mag-ikot ka sa buong Merton Academy, tingnan mo karamihan sa mga lalaki diyan ay normal lang ang murahan." Dahilan pa ni Ace.
"Then be different, you can live without saying any bad words." Itinuloy na ni Claire ang panggagamot kay Ace.
"Hoy Acie-boy, hindi mo sinagot yung tanong ko. Napaano kako 'yang mga sugat mo?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ano pa ba? Sinubukan ko ulit makipag-compact kay Kean... Siguro naman sa dami kong sugat ay alam mo na ang naging resulta." Sabi ni Ace, siguradong sinubukan niya na naman makipag-compact dito.
Kaibigan namin si Kean kahit papaano so it's making me sad kapag naiisip kong maglalaho siya kapag nagawa na ni Ace na makipag-compact sa kanya.
"Bakit kaya ang lakas nung hayop na 'yon?" Tanong niya sa kanyang sarili.
Bumalik ang tingin ko kay Vincent. "Mamayang gabi, ha," tumayo na ako. "Ipaapalam na kita kay sir."
***
Seven
BUMALIK na kami sa hotel kung saan kami nag-i-stay. I am the who drove pabalik dito. Lahat kami ay tahimik sa biyahe. I am a big failute as a leader.
Nakaupo ako sa balkonahe at tinatanaw ang view.
Jamie:
Kumusta na kayo diyan sa misyon ninyo?
I bet you're not having a hard time kasi wala kang makulit na kasama.
Seen
Bwisit ka sineen mo lang ako!!!
Next time talaga hindi na kita kukumustahin.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari. Until now, kahit ako ay hindi ako makapaniwala na wala na si Roger. Natatakot din akong i-report kay sir Joseph ang tungkol sa misyong ito. Yeah, we succeed pero pakiramdam ko ay isang malaking failure ang misyong ito.
"Wala ka bang balak sabihin sa kanila ang nangyari? They deserved to know and malalaman din naman nila ito, soon," umupo sa tabi ko si Kiran.
"What will I say? That I am big failure? Na ang gago ko kasi hinayaan kong mamatay si Roger?" Pinipigilan ko man pero naipon ang luha mula sa aking mata at pumatak ito. "I can do better, kung mas maayos ko sana kayong pinamahalaan as a leader, hindi mangyayari ito. Roger is part of Class zero family pero naglaho siya sa isang iglap dahil sa kapalpakan ko."
Baka nga tama yung iba, Ace can do better than me since he prioritizedeach safety and condition of the members samantalang ako ay inuuna parati ang misyon. Maybe, my impulsive action is the reason why it all happened."
"It's Roger's choice to sacrificed himself para sa'yo. Para sa'tin." Sabi ni Kiran. Alam kong nasasaktan din si Kiran sa nangyari pero mas pinili niyang pagaanin ang aming loob. "He sacrificed himself to avoid a larger casualty. Isipin mo na lang, kung hindi niya iyon ginawa ay baka patay ka na, patay na tayo."
"Let's stay here for another night. Bukas na lang tayo nang umaga umalis," sabi ko kay Kiran. "Natatakot pa 'kong kaharapin ang lahat."
"Kung 'yan ang gusto mo." Tumayo si Kiran at naglakad paalis.
"Hindi ko hahayaang mapunta sa wala ang pagkamatay mo, Roger. Ang laban mo ay laban ng buong class zero." Wika ko sa aking sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top