Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo

MAS mabilis pa sa hangin na sumusugod ang lalaking nakasuot ng Shinobi Shozoku habang hawak-hawak ang kanyang katana. Sinubukan ni Seven na sanggain ito gamit ang pagpapagalaw ng isang bakal na basurahan.

Nabigla na lamang si Seven nung bigla itong mahiwa nung lalaki sa ilang piraso at patuloy ang pagsugod sa kanya. "Shit this is bad," Sabi ni Seven. Hindi nawawala ang tingin niya sa lalaki na papasugod sa kanya.

Sa isang iglap ay nasa tabi niya na ito, nagawa naman na iwasan ni Seven ang pag-atake. Iyon nga lang ay nagkaroon siya ng malalim na galos sa kanyang kanang braso. Nagsimulang umagos ang malapot na pulang dugo mula rito.

Mahigpit na mapakapit si Seven sa kanyang braso. "Ayos ka la--" Hindi na natapos ni Kiran ang kanyang sinasabi nung may bumubulusok na palaso ang lumilipad tungo sa kanyang direksyon. Luckily, nagawa niya itong masunod agad habang nasa ere. "Damn this arrow dude." Sabi ni Kiran at sumugod sa direksyon nung taong namamana.

Naniniwala sila na kasama ito nung lalaking nakasuot ng Shinobi Shozoku, sila ay mga kagaya nila na mga taong may ability rin ngunit mas piniling kumampi sa Black Organization.

"Napahanga mo ako na nagawa mong maiwasan ang ginawa kong pag-atake," nakangiting sabi nung lalaki kay Seven. Masama siyang tinititigan ni Seven ngunit hindi niya maiwasang mapakagat sa kanyang ibabang labi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang braso.

"Black Organization," may matinding galit na nabubuhay sa puso ni Seven habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"It's a pleasure that you guys know us," Hindi nawawala ang ngisi sa mukha nung lalaki na para bang lalo niyang iniinis si Seven. "Let me introduce myself, I am Hanzo... one of the member of Black Organization."

"I don't fucking care about who you are," Inilabas ni Seven ang matatalim na kutsilyo na nakatago sa kanyang bulsa at pinalutang ito sa ere. Sinimulan niyang iwasiwas ang kanyang kamay upang mapagalaw ang mga ito.

Ang mga kutsilyo ni Seven ay mabilis na lumilipad tungo sa direksyon ni Hanzo pero nagawa niya itong iwasan lahat na para bang nakikita niya kung saan ito tutungo. "Iyan lang ba ang kaya mo? Tunay nga ang sinasabi nila na para ngang mga bata lamang ang class zero, you guys can't even scratch me." He said.

"Seven tabi!" Malakas na sigaw ni Minute na kakarating lamang, she had a hard time na mahanap kung saan nangyayari ang gulo dahil medyo malayo siya.

Pagkalingon ni Seven ay isang malaking bato ang bumubulusok sa kanyang direksyon, he immediately jumped into the right side para maiwasan ito. Nabigla rin si Hanzo sa malaking bato na bumubulusok sa kanyang direksyon pero nagawa niyang hugutin ang katana niya sa lalagyanan nito at nagawa itong mahiwa sa ilang piraso.

"Huwag mo kaming minamaliit na class zero," sabi pa ni Minute habang nagpalutang ng maliliit na piraso ng bato. Minute's ability is Terrakineses, ibig sabihin lamang nito ay kaya niyang kumontrol ng mga geologic materials kagaya ng lupa at mga bato.

Nung nawala kay Seven ang focus ni Hanzo ay ginamit niya itong pagkakataon para pagalawin ang isang kutsilyo, bumubulusok itong lumipad sa direksyon ni Hanzo, nagawa ni Hanzo na makita iyon pero huli na para maiwasan niya ito. Nagkaroon si Hanzo ng galos sa kanya ring braso.

"We don't train ourselves for a long time para lang maliitin mo," sabi ni Seven at sa pagkakataong ito ay siya naman ang ngumingisi kay Hanzo. Matagal ang hinintay ni Seven ang pagkakataon na may makaharap muling miyembro ng Black Organization. "Nagawa ko ngang patumbahin si Lupin, hindi malayong mapatay din kita."

"Huwag mo akong itulad kay Hanzo na isang mahinang nilalang," Nabigla na lamang si Seven na wala na si Hanzo sa kanyang harap. Naiisip ni Seven na super speed ang ability nito dahil mabilis itong nakakalipat sa isang lugar.

Hanzo's kunai is about to hit Seven pero bigla na lamang lumubog si Seven sa kanyang anino at napadpad sa isang ligtas na lugar.

"That was close," sabi ni Teddy nung magawa niyang mailigtas si Seven. "Shit, ang lalim nung sugat mo sa braso mo." Dugtong niya pa nung makita ang kalagayan ni Seven.

"Don't mind me, mas kailangan nating mapatay si Hanzo." Tinalian ni Seven ng bandana ang kanyang braso upang kahit papaano ay mapigilan ang pag-agos ng pulang dugo rito. "Ikaw na ang bahala sa mga lawbreakers na nakakalat sa paligid, make sure na maililigtas mo ang marami sa sibilyan. Avoid any casualties," bilin niya kay Teddy.

"Okay." Sagot ni Teddy at naglaho muli ito.

Seven stretch his feet and hand. "Nagsisimula pa lang tayo, Hanzo," sabi niya at muling tumungo sa kung saan nanggagaling ang gulo.

Agad niyang namataan si Minute na nakikipaglaban kay Hanzo. Gumagawa si Minute ng matataas na pader mula sa lupa upang kahit papaano masanggahan ang atake ni Hanzo.

Seven controlled one of the vehicle na nakaparada sa gilid, medyo nahirapan siya dahil na rin mabigat ito at nahihirapan pa rin siya itong pagalawin but luckily, nagawa niya naman. Mabilis na tumutungo ang isang kotse sa direksyon ni Hanzo at tinamaan ito sa kanyang tiyan.

"Nandito ang kalaban mo," sabi ni Seven. He grabbed the hunting knife from it's scabbard. Ngayon niya lang gagamitin ito, ito'y kutsilyo na ibinigay pa ni sir Joseph sa kanya bago pa man sila umalis.

Mabilis na naka-recover si Hanzo sa nangyari, sumugod siya sa direksyon ni Seven habang hawak-hawak ang kanyang Katana, They fight in one-on-one. Kahit gaano kabilis ang kilos ni Hanzo ay nagagawa ni Seven na masangga ang ilang pag-atake nito, pero kahit nasasangga niya ang atake nito ay hindi naman siya maka-atake.

"Huwag mong sayangin ang kakayahan mo, bata," sabi sa kanya ni Hanzo habang sila'y naglalaban. "May pagkakataon ka pang umanib sa Black Organization, huwag mo sayangin ang kakayahan na mayroon ka para ipagtanggol ang mga mahihinang tao. Maaari tayong gumawa ng mundo na tanging tayong mga taong may ability ang mamumuhay."

"Hindi ko kailangan ang mundong sinasabi mo," malakas na sinipa ni Seven sa tiyan si Hanzo at napaatras ito ngunit mabilis din nakabawi at sumugod ulit kay Seven. "Gusto kong gumawa ng mundo na pinoprotektahan ang mga taong mahalaga sa akin."

Hindi nabasa ni Seven ang susunod na pag-atake ni Hanzo, nagawa ni Hanzo na tisurin si Seven dahilan upang mawalan ito nang balanse. Napaupo si Seven sa sahig.

"Katapusan mo na." sabi ni Hanzo at isasaksak na sa kanya ang katana.

'Eto na ba ang katapusan ko?' Iyan ang mga salitang tumatakbo sa isip ni Seven. Ipinikit niya ang kanyang mata at hinintay na lamang na tumusok sa kanyang katawan ang matalimna katana ni Hanzo.

Seven

Isang sigaw ang narinig ko at mabilis kong idinilat ang aking mata. Mabilis na namilog ang mata ko at nanginig ang ibabang labi ko sa aking nasaksihan. Nakaharang si Roger sa akin, nakatusok sa kanyang katawan ang matalim na katana ni Hanzo.

The blood is rushing down from his body na para bang isa itong gripo. "R-Roger," tawag ko sa kanyang pangalan. "Roger!"

Lahat kami ay nagulat sa nangyari, hindi ko inaasahan na biglang susulpot si Roger dito. Mas lalo pang idiniin ni Hanzo ang kanyang katana at mas lalo itong bumaon. "Ahhh!" Malakas na sigaw ni Roger.

"Roger! Umalis ka na riyan!" I tried to control some objects pero hindi na nakikisama ang aking katawan, masyado na akong maraming galos and hindi ko na rin mapagana ng maayos ang aking ability.

Ipinihit ni Roger ang kanyang ulo sa akin, nakita ko na lamang ang nakangiting mukha ni Roger habang may dugo na lumalabas mula sa kanyang labi. "This is the easiest way to win this fight, Seven." Sabi ni Roger.

Mahigpit na niyakap ni Roger si Hanzo. From this point, alam ko na ang kanyang gagawin. Spike protrusion, iyon ang kakayahan ni Roger, may kakayahan siya na maglabas ng maraming tinik mula sa kanyang katawan.

"H-huwag." Akmang tatayo ako pero hindi ko na nagawa. Naramdaman ko na lang ang luha na dumadaloy sa aking mata.

"I am happy to be part of class zero." That's the last words that I heard on Roger's mouth. Mahigpit siyang nakayakap kay Hanzo at napakaraming tinik ang lumabas sa kanyang katawan. Hanzo didn't expect that attacked since he doesn't have an idea on what is Roger's ability.

Bumaon ang mga tinik sa katawan ni Hanzo. Malakas din siyang napasigaw dahil sa sakit. Tumalsik ang maraming dugo sa aming direksyon at malapot na dugo ang umaagos sa sahig.

This is the end, natalo na namin si Hanzo pero kapalit nito ay ang buhay ni Roger. Magkatabing bumagsak ang kanilang mga walang buhay na katawan. Parang nag-slowmotion ang lahat, there's a smile on Roger's face bago bumagsak.

"Rogeeeer!" Malakas akong napasigaw, sumulpot si Teddy sa aking tabi at tinulungan niya akong makatayo. Kahit siya, naririnig ko rin ang paghikbi niya. Hindi niya rin inaasahan ang nangyari, wala kaming ideya na isasakripisyo ni Roger ang kanyang buhay para sa misyong ito... para sa akin.

"G-gusto kong lumapit... gusto kong lumapit kay Roger," sabi ko kay Teddy. "Buhay pa siya, magagawa pa natin siyang iligtas," I know that it's impossible but right now, naniniwala akong may himala at mabubuhay si Roger.

Inalalayan ako ni Teddy na makalapit kay Roger. Nasa likod namin si Minute at Kiran na parehas ding hindi makapaniwala sa nangyari. I feel like I am a failure, hindi ko man lang nagawa iligtas ang mga taong mahalaga sa akin.

Nung makalapit kami sa direksyon ni Roger, he's having a hard time to breathe at nakatingin lang siya sa kalangitan. There's a tears that rushing down from his eyes pero hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mukha.

"Roger, tumayo ka diyan," umiiyak kong sabi habang pinagmamasdan ang dugo na lumalabas mula sa kanyang katawan. "Inuutusan kita, tumayo ka diyan... huwag kang mamamatay. This is an order."

Bumaling ang tingin sa amin ni Roger, he tried to laughed pero kasabay no'n ay ang pagsuka niya ng dugo.

"Huwag ninyo akong... kakalimutan."

Naglaho na nang parang abo ang katawan ni Roger kasabay nung kay Hanzo.

"Roger..." Hindi ako makapaniwala na pinagmamasdan ko na unti-unting naglalaho ang kaibigan ko. "Rogeeer!" I shouted habang hindi mapigilan ang pagdaloy ng luha mula sa aking mata.

Class zero lost one important member.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top