Chapter 45: The search

Seven

IT'S our second day here at Dagupan, Pangasinan. Kahapon ay naglibot kami ng ilang oras ngunit bigo kaming makakuha ng impormasyon mula sa ibang tao. Masyadong malaki ang Dagupan, baka nga abutin pa nang ilang araw ang pananatili namin dito para lang mahanap ang aming target.

"Maglilibot ulit tayo?" Tanong sa akin ni Minute habang kumakain kaming almusal. We decided to eat in a karenderya malapit sa pinag-i-stay-an namin. Sabi kasi ni Teddy ay gusto niya rin daw matikman ang mga lutong pagkain dito sa Pangasinan.

"Yeah, we need to finish our mission here," sabi ko sa kanya at napatango-tango siya dahil parang naiindintihan niya naman ako. Gusto ko rin naman makabalik sa Merton Academy as soon as possible. "I-try naman natin pumunta sa mga beach area ng lugar at doon magtanong-tanong."

"Can we swim?" Teddy asked pero tiningnan ko lang siya ng masama. "Tangina, sabi ko nga hindi."

Matapos naming kumain ay mabilis lang kaming bumalik sa kanya-kanyang room para maligo at magpalit ng damit. Binilinan ko rin sila na alas-nueve nang umaga ay magkita-kita na lang kami sa lobby para maghanda sa pag-alis.

Matapos kong maligo ay pinupunasan ko ng tuwalya ang basa kong buhok. I grabbed my phone na nakapatong sa drawer at napangiti naman ako sa nabasa kong chat.

Jamie:
Anong balita riyan?

Seven:
Why? You missed me?

Jamie:
Kapal mo! Tse!

Ikaw na nga 'tong kinukumusta, eh.

Seven:
Wala kaming nakuhang impormasyon kahapon

Mukhang nagtatago maigi ang mga lawbreakers.

Kayo ba, kumusta riyan sa school?

Jamie:
Kahapon lumaban kami sa mga lawbreakers. Zero casualties naman :)

Seven:
That's good to know, balita ko nakikipag-compact daw si Ace kay Kean.

Jamie:
Yesxzzzz, second attempt niya kahapon.

Pero failed, hindi niya ulit natalo si Kean. Mahirap pa lang kalaban yung mga Servants, masyado silang malakas.

Magta-type na sana ako ng reply pero nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng aking room. "Seven, tara na raw." Boses ni Kiran.

"Susunod na 'ko," ganti kong sigaw sa kanya.

Seven:
Gotta go.

Jamie:
Oks-oks, galingan ninyo. I-hi mo 'ko kay Teddy. Sana makabalik kayo bago yung birthday niyaaaa

Muntik nang mawala sa isip ko na magbu-birthday nga pala ang loko na 'yon. Another reason para tapusin agad ang misyon dito. Kahit papaano naman ay alam kong gusto rin ni Teddy na ma-celebrate ang birthday niya kasama ang buong class zero.

Matapos ko ring ayusin ang sarili ko ay naglakad na ako pababa kung nasaan nandoon na rin ang lahat. "Tara na." Aya ko sa kanila at sumunod naman sila sa akin.

Si Roger ang nagda-drive. Sa Bonuan Blue Beach ang punta namin, that's one of the tourist attraction in this place. Hindi nga lang kami pumunta kahapon... knowing them, they will be excited kapag nakakita nang alon ng dagat at baka mawala sa focus sa mission. Pero ngayon ay parang iyon na lang din ang hindi namin napupuntahan.

"Malapit na birthday mo," sabi ko kay Teddy.

"Yeah three days from now." Sagot niya sa akin, he's looking on his phone at mukhang may pinapanuod siyang video.

"Do you have any plans?" Tanong naman ni Kiran. "I mean, it's nice to celebrate your birthday here,"

"Naaaah. I don't usually celebrate my birthday. Para ngang habang tumatanda na tayo ay parang ordinaryong araw na lang ang mga birthday natin," Totoo naman ang ipinaliwanag sa akin ni Teddy. "Kung may ganap, then good. Kung wala, ayos lang din."

"But it's nice to celebrate it this time, I mean, lumaki na ang pamilya mo," ngumiti sa amin si Minute. "Class zero is here."

"Hmm... maybe. Mukhang masaya ngang i-celebrate ang birthday ko kasama yung buong class zero. Isama mo na rin yung mga Servants." Napansin ko ang pagngiti ni Teddy sa idea na naiisip niya.

"Then we will finish this mission as soon as possible," Iniwas ko ang tingin sa kanila at ibinaling sa bintana. "We will celebrate your birthday kasama sila."

"Alam mo, ngayon ko napatunayan na tama yung sinasabi sa akin ni Jamie," napakunot ang noo ko sa sinabi ni Minute. "Na mukha ka lang masungit pero mabait ka. Hindi ko rin kasi alam dahil ngayon lang tayo nagkasama sa misyon."

"Ayiii, natuwa na 'yang hayop na 'yan," asar sa akin ni Teddy.

"Shut up." Suway ko sa kanya at narinig ko ang pagtawa nila.

I am aware that I'm not good on interacting with other people but it doesn't mean that I am a bad person. I also love the friendship that we have as much as they do. Hindi ko nga lang sinasabi since I am not really good with words.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa Bonuan Blue Beach. As expected, ang ganda nung lugar. Nakakapaso sa balat ang sinag ng araw at ayos lang din ang hampas ng alon. Kumikinang ang tubig kapag nasisinagan ng araw. Sakto lang din ang bilang ng tao na nandito, hindi masyadong marami.

Kung nagbabakasyon kami, this is the perfect time for a chill vacation.

Napansin ko ang pagka-amaze sa mukha ni Kiran nung makita niya ang beach. "Do you want to swim?" Tanong ko sa kanya.

Umubo siya. "H-hindi, 'no! Hindi na ako bata para ma-excite pa sa dagat. At isa pa, we're here for mission." Kagaya ng kakambal niya, madali lang din ma-amaze si Kiran sa mga bagay-bagay pero ang kaibahan niya nga lang kay Kiryu ay hindi niya ito pinapakita sa harap ng ibang tao.

Gaya nang napagplanuhan, nag-ikot-ikot kami sa lugar para mag-imbestiga. I am hoping na sana ngayon ay may makuha kaming impormasyon kahit papaano.

Naghiwa-hiwalay kami para mapabilis ang aming ginagawa but we make sure na hindi masyadong malayo ang pagitan namin sa isa't-isa. Gaya nga nang sabi ko, hindi basta-basta ang makakalaban namin dito... it's one of the Black Organization. Maaaring kasing lakas siya ni Lupin o mas malakas. We trained ourselves pero iniiwasan ko rin na mapahamak ang bawat isa sa amin.

Lumapit ako sa isang matanda at nagtanong. "Good morning po," I greeted him. He's wearing a jersey short and a brown longsleeve, mukhang tagarito lang din siya.

"Good morning, hijo," he smiled. "Nawawala ka ba? Gusto mong tulungan kita?" natuwa naman ako sa alok ni kuya, he just proved that Pangasinense are kind people.

"Hindi po, magtatanong lang po. I am conducting a research about this place, and I am criminology student po," I lied. I am an archi student, pero white lies naman ang sinabi ko para lang mabilis akong makakuha ng impormasyon.

"Ganoon ba? Ano ba ang kailangan mong malaman?" Tanong niya sa akin. Kumuha ako ng ballpen at notebook sa bag ko (props lang) para magmukha akong nagko-conduct talaga ng research.

"Gusto ko lang pong malaman kung may weird kayong nararanasan sa lugar ninyo, o kaya naman ay mga hindi pangkaraniwang aksidente?" Tanong ko sa kanya. "I know that it's a weird question po, pero medyo strict po kasi yung prof namin kaya kailangan ko rin malaman."

"Naiintindihan kita, hijo. Dati ring criminology ang anak ko, eh. Hindi nga lang nakapagtapos dahil na rin hindi kinaya ang pampaaral." Kwento niya pa. "Hindi pangkaraniwan..." saglit na nag-isip si tatay.

"Mayroong kumakalat na balita, pero hindi ko alam kung totoo ito. Kada-araw ay may namamatay daw na isang kabataan sa lugar namin ngayon na nasa edad desi-sais hanggang desi-otso.

"Salamat po, 'tay." sabi ko sa kanya. That's it, ibig sabihin nito ay nandito sa lugar na ito ang hinahanap namin.

Ayon sa impormasyong nabasa ko ay ang Bonuan Gueset ang pinaka-populated na baranggay dito sa Dagupan. There's a clue pero mahirap pa ring mahanap.

Tinext ko sila na malaki ang chance na nandito sa Bonuan ang hinahanap namin kung kaya't kinakailangan lang naming mag-ikot. At the same, kailangan din naming mag-doble ingat.

Pumunta ako sa mga eskinita ng lugar para doon mag-ikot-ikot. Kung isa akong kriminal, hindi ba't ito ang pinakatamang lugar na gumawa nang pagpatay? I mean, wala masyadong tao na dumadaan sa mga eskinita at kung minsan pa ay pundido ang mga streetlights dito.

Habang naglalakad ako ay isang sigaw ang narinig ko sa 'di kalayuan.

"Seven, sa likod mo!!" Malakas na sigaw ni Kiran.

Pagkaharap ko sa likod ko ay isang bumubulusok na matalim na bagay ang lumilipad sa aking direksyon. Mabuti na lamang at saktong napahinto ko ito pagkaharap ko, the advantage of having ability to control things. Halos ilang sentimetro na lamang ang layo nito sa akin. The beat of my heart suddenly became fast. Kung nahuli si Kiran ng kahit isang segundo ay baka nakatusok na siguro ito sa akin.

I examined that thing... isang kunai. Naglakad patungo sa aking direksyon si Kiran. "Kinabahan ako para sa'yo."

I snapped my finger and the time stopped. Pinaandar ko na ang devil hour dahil hindi maipagkakaila na nandito na ang kalaban namin.

"Gaya nang inaasahan, pupunta nga sa lugar na ito ang mga class zero," Isang boses ang aming narinig. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa matagpuan ito, isang tao ang nakatayo sa tuktok ng isang maliit na establisyimento. The diamond on his forehead, hindi maipagkakaila... miyembro nga ito ng Black Organization.

Nakakapanindig-balahibo ang tingin nito na para bang pinapatay ka na. May balat siya sa kanyang kanang pisngi and he's wearing a Shinobi Shozoku (Japanese ninja costume). May hawak din siyang Katana... siguro ay siya ang kinukwento ni Girly na naka-engkwentro nila sa VPP.

"Nagkita muli tayo, Class zero..." Kinuha niya mula sa lalagyanan niya ang Katana sa scabbard nito.

"Kiran, be prepare... hindi biro ang kalaban natin ngayon." Sabi ko sa kanya.

***

Jamie

KINAUMAGAHAN, nakatambay ako sa zero base kasama si Mild. Parehas kaming hapon pa ang pasok kung kaya't inuubos na lang namin ang oras namin dito. May isang lalaki ang pumasok sa loob kung kaya't napalingon kami ni Mild-- si Ace.

"Kumusta ang ginawa mong pakikipaglaban kay Kean?" Mild asked after she removed one block, naglalaro kaming tatlo ngayon nila Kiryu ng Jenga.

"As usual, talo na naman," umupo siya sa bean bag at hinilot ang kanyang sentido. "Hindi ko alam kung anong mali ang nagagawa ko kung bakit ako natatalo, para bang sa paulit-ulit na pakikipaglaban ko kay Kean ay pinapatunayan kong mahina ang sarili ko." He explained.

"Baka kulang ka lang sa practice," Sabi ni Kiryu. "Or try to change your tactics. Baka kasi nakabisado na ni Kean ang kilos mo kung kaya't paulit-ulit ka niyang natatalo."

Sobrang desidido talaga si Ace na makipag-compact kay Kean dahil pakiramdam niya raw ay ito ang tamang servant para sa kanya since parehas thunder ang kakayahan nila. Gusto ko rin naman na maging successful si Ace sa plano niya pero at the same time... ayoko rin siyang makipag-compact. I mean, sa oras na mangyari iyon ay maglalaho si Kean.

"Jamie, it's your turn na!" Sabi sa akin ni Mild at doon napabalik ang tingin ko sa Jenga.

"Speaking of you, Jamie-girl, hinahanap ka nga pala ni Tom. May sasabihin yata sa'yo, nasa office siya ni sir Joseph." sabi sa akin ni Ace. Mabuti na nga lang at binigyan na ng visitor pass ang tatlong servant na iyon kung kaya't malaya na silang nakakapaglabas-pasok sa school namin.

"Mamaya na lang guys." paalam ko sa dalawa at lumabas sa zero base.

Pumunta ako sa office ni sir Joseph pero sakto lang din na kakalabas lang ni Tom sa pinto. As soon as he saw me ay ngumiti ito. "Yow, Jamie." He greeted me.

"Hinahanap mo raw ako, Tom?" Tanong ko sa kanya. "Bakit ka nga pala galing sa office ni sir?" Dugtong ko pa.

"May mga sinabi lang akong ilang bagay. Private, bawal ko ikwento sa'yo," sabi niya sa akin at naintindihan ko naman iyon. Sa totoo lang ay pwede ko naman basahin ang isip ni Tom para malaman iyon pero hindi ko na rin ginawa. Respeto na lang din kay sir Joseph at sa kanya.

"Eh ako, bakit mo ako hinahanap?" Tanong ko ulit.

"I already knew the location of the servant of the illusion and dreams," sabi niya sa akin. "Well, base sa ability mo... that's the perfect servant para sa'yo."

"Talaga? Saan?" Tanong ko.

"Willing ka bang puntahan siya, Jamie? Her location is quite risky na puntahan." Sabi niya sa akin, sinasabayan ko siya sa paglalakad.

Kumuyom ang aking kamao. Desidido akong maging malakas, nangako ako sa sarili ko na poprotektahan ko ang mga taong mahalaga sa akin at bibigyan ko nang katarungan ang pagkamatay ni Casey.

"Willing akong puntahan siya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top