Chapter 40: Mission done
"LET me go! Hindi ako sasama sa inyo!" Reklamo ni Vincent habang nakatali siya. Lahat yata ng tao na madaanan namin ay napapalingon sa amin dahil sa ginagawa namin sa kanya at dahil na rin sa paulit-ulit niyang pagsigaw.
"Ano bang ginagawa ninyong mga bata kayo?" Tanong ni aling Sising na siyang may may-ari ng bahay na aming tinuluyan. Ngayon, babalik na rin kami sa Merton Academy dahil nagawa na rin naman ang aming pakay, nahuli na rin namin si Vincent na siyang nanggugulo rito sa La Union.
Masasabi ko talaga na kapag beach escape talaga ang hanap ng isang tao, they should consider La Union as one of their destination. The place is nice, at isa pa, hindi mo na kailangan man-airflight para makarating dito. The beach is nice, maraming adventures, dikit-dikit din ang establishments kung kaya't hindi mo na rin kailangan lumayo. It's fun actually.
"Natalo po siya sa dare na ginawa namin kung kaya't ganyan," dahilan ni Ace kay aling Sising at napatango-tango na lamang ang matanda. "Vincent, say hi to my vlog!" Itinapat niya ang kanyang camera sa mukha ni Vincent pero iniwas ni Vincent ang tingin niya rito. "Sungit."
Napailing-iling sa amin si aling Sising. "Hindi ko talaga maintindihan ang mga kabataan ngayon, mag-iingat kayo sa pag-alis ninyo." Bilin sa amin ng matanda pagkabayad namin.
Pasakay na ulit kami sa mini bus na sasakyan namin. Nakaalis na rin sina Tom kahapon, we exchanged contact numbers kahapon and they will text us na lang daw if ever na dumalaw sila sa Merton Academy. Excited din akong makabalik sa school dahil na rin gusto kong mag-research tungkol sa mga servant of elements, paniguradong may libro doon na tungkol doon.
"Oh my God! Ang laki ng initim ko," Girly hissed after she checked her skin on her mirror.
"Okay lang 'yan, Girly, pangit ka naman eh." Sabat ni Kiryu.
"Anong sinabi mo, Boyet!?" Natatawa talaga ako kapag tinatawag ni Girly na Boyet si Kiryu dahil parang may ganoon na ugali si Kiryu.
"Ako si Boyet!?" Sigaw ni Kiryu at tumayo. Tumayo na rin si Girly at naglaban sila nang tingin. "Ikaw naman si Aubrey. Pokpok ka Girly, pokpok." Doon na ako napatawa dahil ginaya talaga ni Kiryu yung paraan nang pagsasalita ni Boyet.
"Anong sinabi mo!?" At doon na nagsimula ang maingay nilang bangayan sa loob ng bus, well sanay naman ako dahil hilig naman talaga asarin ni Kiryu si Girly. Pikon din naman si Girly kung kaya't pinapatulan niya si Kiryu.
"Wala na kayong naiwan, guys?" Tanong ni Ace sa amin habang inilalagay ang mga gamit niya. "Tapos na rin pala sila Seven sa mission nila at paalis na rin sila sa Ilocos, let's meet them at a stopover sa Pampanga." Anunsyo niya, na-excite naman ako dahil kahit papaano ay na-miss ko rin sila Mild.
Napalingon ako kay Vincent na nakaupo sa likod na bahagi at nakatali pa rin siya, lahat kami ay natatakot siyang pakawalan dahil baka gumawa siya ng eksena o kaya naman ay tumakas siya. "Nagugutom ka ba?" Tanong ko kay Vincent.
Masama niya akong tiningnan. "Hindi ninyo ba alam na kidnapping 'tong ginagawa ninyo?" He asked.
"Hindi mo rin ba alam na attempted murder ang ginawa mo sa amin?" Hindi na siya nakapagsalita. "You have an awesome power pa naman kaso ay sa masama mo ginagamit, sayang ka."
"Ha! Baka kayo yung sa masama ninyo ginagamit ang kapangyarihan ninyo."
Sinubukan ko na kausapin pa si Vincent ngunit hindi niya na ako pinapansin at nakatanaw lang siya sa bintana. Ace started the engine and we started leaving the place. Buti na lang naging tahimik sa biyahe dahil nakatulog na ulit sa tabi ko si Kiryu.
***
KAGAYA nga nang sabi ni Ace, huminto kami sa isang gasoline station sa Pampanga para hintayin sina Mild. Pababa na sana kami ng bus nung biglang magsalita si Vincent. "T-Teka, iiwan ninyo ako rito!?" Reklamo niya sa amin.
"Hindi ka naman namin friend, duh!" Sagot ni Girly sa kanya. "At isa pa, baka tumakas ka lang so it's much better kung maiwan ka rito."
Vincent sighed. "Hindi ako tatakas." Sagot niya pero tiningnan lang namin siyang lahat. "Fuck, paano ako makakatakas, nakabantay kayong anim sa akin. At isa pa, dadating pa yung iba ninyong kasamahan, ang gago ko naman kung maiisipan kong tumakas."
Tumingin naman kaming lahat kay Ace, he's the leader at nasa kanya pa rin naman ang huling say. "Pakawalan ninyo na, ako na ang bahala tumingin-tingin sa kanya." Sabi pa ni Ace.
Tumambay kaming pito sa Starbucks para hintayin namin ang iba naming kasamahan, mabuti na lamang at hindi masyadong crowded. We ordered some drinks at nagkuwentuhan na rin.
Mayamaya lamang ay maingay na boses ang umalingawngaw sa buong coffee shop at maging ang mga barista ay napahinto sa kanilang ginagawa. "Jamieee!" Mild shouted at mahigpit na yumakap sa akin. "Na-miss kita!"
"We just had face time kagabi." I informed her.
"Iba pa rin ngayon kasi kaharap kita." Puro kumustahan ang nangyari at syempre pinagtawanan kami nila Mild dahil malalaki ang initim namin, siyempre in-enjoy kaya namin yung beach.
"Siya ba?" Seven asked to Ace habang nakatingin kay Vincent.
"Dude, bago mo man lang i-interrogate yung tao, um-order muna kayo." Natatawang sabi ni Ace. "Masyado kang seryoso, hindi naman tatakas 'yang mokong na 'yan."
Um-order sila Seven at pinagdugtong namin ang tatlong tables para magkasya kaming lahat, our meeting started. Wala man lang kwentuhan na experience na naganap dahil direkta na nilang pinag-usapan ang misyon. Well, that's Seven.
"Anong nalaman ninyo sa La Union?" He asked.
"Na-prove namin na may mga taong may abilities talaga na sa masama nila ginagamit ang kapangyarihan nila," sagot sa kanya ni Ace.
"Hindi kami masama!" Sabat naman ni Vincent.
"Yeah, may nakalaban din kami sa Vigan na katulad niya," sabi ni Kiran. Wala talagang pinagkaiba itong lalaki na ito sa kakambal niya, nakikita ko siya na parang seryosong version lang ni Kiryu. He's more responsible that Kiryu, well Kiryu always love to have fun.
"Isa rin sa mga bagay na nalaman namin is tungkol kay Deathevn, plano nilang buhayin ang taong iyon." Ako naman ang nagsalita.
"Ikaw, sino ang Deathevn na tinutukoy ninyo?" Tanong ni Seven kay Vincent.
"Wait, I am your enemy here, bakit ako makiki-cooperate sa inyo?" Prenteng umupo si Vincent. "Isa pa, hindi ninyo ko magagawang patayin dahil ako magiging sagot sa iba ninyong tanong. I will keep myself silent." He zipped his mouth.
"Sinasabi nilang si Deathevn daw ang taong nais na buhayin ng Black Organization, kapag nabuhay ang taong iyon ay mawawala ang devil hour, and that's a bad thing dahil magiging aware na ang mga normal na tao sa ating mga taong may abilities." Paliwanag ni Ace sa kanya. "And it will cause a lot of casualties, pare-parehas naman natin alam ang kayang gawin ng Black Organization."
"Isa rin sa mga nalaman namin ay existence ng Servant of elements," Parang nabigla sa balita sina Seven. So ako lang talaga ang hindi nakakaalam sa servant of elements? Dapat talaga ay makinig na ako sa klase ni sir Joseph next time, hindi na ako tatabi kay Kiryu dahil dinadaldal lang ako ng hinayupak na 'yon. "We just met the guardian of Fire, Spirit, and Lightning."
"may nakipag-compact na sa inyo?" Tanong ni Teddy.
"Wala, mga choosy," Sagot ni Girly. "Hindi naman mga gwapo."
"This battle is getting more serious and serious. Marami nang nasasangkot sa gulo," sabi ni Seven at sumeryoso naman kaming lahat. "I am glad na walang nasaktan na kahit isa sa atin." napangiti kaming lahat.
"We all did a great job, guys." Sabi naman ni Ace. "But of course, hindi rito natatapos ang lahat. Magsisimula pa lang ang isang malaking gulo laban sa Black Organization, we should continue to improve ourselves and protect all innocent people at all cost."
"Ire-report natin kay sir Joseph ang lahat ng 'to and sana mabigyan niya ng sagot ang mga tanong natin." Sabi naman ni Seven.
Nagkukuwentuhan na ang lahat at napatingin ako kay Vincent na parang manghang-mangha sa kung anong bond ang mayroon ang class zero. "Hindi ba kayo ganito?" Tanong ko sa kanya kung kaya't napalingon siya sa akin.
"Anong sinasabi mo diyan?" Seryosong sabi ni Vincent.
"Hindi kayo ganito ka-bonded ng mga kaibigan mo sa Black Organization." I explained.
"Hindi. Sa gulong nangyayari ngayon, hindi ka dapat makipagkaibigan," yumuko si Vincent. "Malaki ang tiyansa na maglaho ang mga tao sa gulong pinasok natin. Friendship can hurt you. You guys will understand that kapag may namatay sa inyo."
After naming uminom sa starbucks at mag-dessert. Nagkanya-kanya na kaming balik sa bus para umuwi na sa Maynila.
Babalik na sana ako sa bus namin nung biglang hinatak ni Seven ang kamay ko. "Huy, problema mo?" Tanong ko sa kanya. "Babalik na 'ko baka naghihintay sina Ace."
"Hindi mo man lang ako ina-update sa mga nangyayari sa inyo." Sabi ni Seven sa akin.
Kumunot ang noo ko. "Lagi akong nagkukwento kay Mild, hindi niya ba sinasabi sa inyo? At isa pa, ikaw kaya 'tong hindi nag-cha-chat."
"Hey Jamie, we need to leave na! Bilisan ninyo love birds!" Sigaw ni Kiryu at nahiya ako dahil ang daming nakarinig.
Babalik na sana ako sa bus namin pero hinatak ako ni Seven papunta sa bus nila. "Sa amin sasabay si Jamie pabalik sa Merton."
"Huy sira ka, paladesisyon ka."
"I am the class zero leader afterall," ngumisi siya sa akin. "Kailangan mong i-report lahat nang nangyari sa inyo sa La Union. That's your job after all-- to gather information."
Wala na nga akong nagawa kun'di sa kanila sumabay pabalik ng Merton Academy. Our mission in La Union and Ilocos is now done.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top