Chapter 4: Class Zero

If you are re-reading Class Zero, PLEASE avoid spoiling anyone. May mga new readers na ini-enjoy ang story. Please. :)

NAKATAYO na ako ngayon sa harap ng pinto papasok sa classroom ng class zero, pinag-iisipan ko kung dapat ba akong pumasok dahil pakiramdam ko pa rin hanggang ngayon ay hindi ko deserved na mapabilang dito.

Papasok ba ako o hindi?

Ini-imagine ko tuloy na baka kapag pumasok ako sa classroom ay titigan ako ng mga kaklase ko at sabihing. "Hoy bobo, ba't ka nandito?"

Kinabahan ako bigla sa na-imagine kung kaya't napagdesisyunan ko na huwag na lang pumasok sa unang klase ko sa class zero.

"Tatayo ka na lang ba diyan?" Isang lalaki ang nagsalita sa likod ko. "If you don't have any plan na pumasok, umalis ka. Nakaharang ka sa daan."

Ang sungit naman nung lalaking ito. Kinakailangan ko pa siyang tingalain dahil medyo mas matangkad siya sa akin. Nakataas ang kanyang buhok, makapal ang kanyang kilay, at ang lakas ng appeal ng kanyang mata, matangos ang kanyang ilong at mapula ang labi. Wait, what the fuck! Bakit na-observe ko mabuti ang facial features niya!?

He's wearing the same badge as mine, so he's also part of this special class. "You know what, by looking at you, wala namang espesyal sa'yo. You look... normal." sabi niya sa akin at naglakad na papasok.

Napasunod ako ng wala sa oras sa kanya. "Bakit? Normal ka lang din naman, ha!" Pagkakausap ko sa kanya pero hindi niya na ako kinausap. Anong gusto niya? Magkaroon ako ng mata sa noo para hindi ako maging normal? Siraulo yata 'to.

Pagkapasok ko sa class zero ay mas malaki ito kaysa sa normal na classroom, may projector din dito ay maraming books ang nasa likod ng classroom. Titingnan ko pa lang ang classroom ay parang aral na aral na ang mga taong kabilang dito.

"If a bone is navicular, it is shape like what?" narinig kong tanong nung isang kasama ko.

"An easy question, grade 6 pa lang ako alam ko na 'to eh. A boat." Sagot naman nung isa. Hala siya! Ako nga ngayon ko lang nalaman 'yon kung hindi niya pa sinabi, eh. Sabi na dapat hindi na ako pumasok dahil hindi talaga ako belong sa lugar na ito.

Umupo ako sa pangatlong row at pinakadulo dahil iyon na lang ang bakante, yung nakasabay kong lalaki ay umupo sa pinakadulo. Ayoko siyang maging seatmate, parang ang lakas maka-badtrip ng ugali niya. At higit sa lahat, pasmado ang dila, baka kung ano lang ang masabi niya tungkol sa akin.

May lalaking kumalabit sa likod ko kung kaya't napalingon ako sa kanya. He smile brightly on me at nagkorteng rainbow ang kanyang mata, ang cute niya dahil nakapusod din ang buhok niya pataas. "Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Jamie, ikaw?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"My name is Kiryu. It's nice meeting you, etong katabi ko naman," napabaling ang tingin ko sa lalaking katabi niya na halos kamukha lang ni Kiryu, nakabagsak lang ang buhok nito at nakasuot siya ng salamin. Hindi rin siya masyadong ngumingiti katulad ni Kiryu. "This is Kiran, my twin brother."

Tumingin lang sa akin si Kiran. "Ang ingay mo, Kiryu, lahat na lang ba ng papasok sa classroom na 'to ay babatiin mo?"

"I am just being friendly, hindi mo kasi alam 'yon. Bugnutin ka kasi." Reklamo ni Kiryu sa kanya. Napapa-smile ako habang pinagmamasdan silang dalawa dahil magkamukhang-magkamukha silang dalawa pero malaki ang pagkakaiba ng kanilang ugali.

"Jamie, may tanong ako sa'yo. Kilala mo ba kung sino ang emperor ng Japan during world war II?" What?! Ano raw? Ganito ba talaga ang normal conversation sa klaseng ito? Kailangan ba talaga ay palitan ng facts and trivias?

Nakipagtitigan ako kay Kiryu at ngiting-ngiti siyang naghihintay ng sagot ko. "Uhm... Uhm..."

"Jamie you don't need to answer that, that's a basic question. Kahit bata ay kayang sagutin 'yon." Sabi ni Kiran at sakto na ring dumating ang professor naming kung kaya't napaayos na ng upo ang lahat.

One word to describe this classroom. Weird.

"Good afternoon, class. I am sir Joseph, ang professor sa special class na ito." Sabi niya sa amin. OMG! Siya 'yong lalaki na nakita ko noong nag-e-exam ako! Wait, ibig sabihin ay hindi lang siya character sa panaginip ko noong nakatulog ako sa exam?

"Kayong labing dalawang estudyante ang masuwerteng nakapasok sa special program na ito, sisiguraduhin kong marami kayong matututunan sa klaseng ito," I don't know pero may kakaibang ngiti kay sir Joseph.

"But we have a rule here. Una, panatilihin nating malinis ang classroom. Ang klase natin dito sa class zero ay every Monday, Wednesday, and Friday." Paliwanag niya sa amin. "May isa pang rule na sobrang importante na kapag nilabag ninyo... matatanggal kayo sa class zero."

Napakunot ang noo ng lahat dahil sa pagtataka at kabilang ako doon.

"Lahat ng matututunan, makikita, at mararanasan mo sa class zero... ay hindi mo maaaring ipagsabi sa kung sino. Lahat ng bagay na malalaman ninyo at matutuklasan ay sa'tin-sa'tin lang, if you can't promise that to me, maluwag ang pinto, puwedeng-puwede ka nang umalis." Sabi ni sir Joseph.

Nagtaka tuloy ako kung ano ang mga bagay na pinag-aaralan sa class zero. Pero sa bagay, heto siguro ang sikreto ng Merton Academy kug bakit nakakapag-produce sila ng top students.

"Alam ninyo ba kung bakit kayo ang napili para maging parte ng klaseng ito?" Tanong ni sir Joseph sa amin.

"'Coz we're all smart." Sagot nung isang babae. Hindi yata ako kasali sa smart na sinasabi niya.

"Naalala ninyo pa ba 'yong nangyari sa exam day ninyo?" Tanong sa amin ni sir Joseph at naalala ko na naman 'yong biglang paghinto ng oras na ako lang ang bukod-tanging nakagagalaw.

"Maniniwala ba kayo na hindi kayo nananaginip that time noong tumigil ang oras? Totoong nakagagalaw kayo sa pagtigil ng oras o tinatawag kayong labing dalawa bilang glitch ng society."

Ha? Hindi lang pala ang mga kaklase ko ang weird sa klaseng ito. Maging ang magiging adviser namin. Tinanong ko 'yong ate na katabi ko during exam pero hindi naman nangyari sa kanya ang paghinto ng oras, sigurado akong nananaginip ako that time.

"That's impossible, Sobrang vivid sa isip ko ang mga nangyari pero sigurado akong panaginip o nagha-hallucinate lang ako that time." Sabi nung lalaki sa front row at um-agree sa kanya ang karamihan.

"Tanging mga kagaya lang natin ang makakagalaw sa oras na iyon." Sabi ni sir Joseph.

Pumikit si sir Joseph at sa muli niyang pagdilat ay kulay pula na ang kanyang mata at napasigaw kami sa gulat. Okay, this is really a weird class. Is this kind of prank!?

"Welcome to the class zero. This is a special class for the students who have special abilities."

What the shit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top