Chapter 39: Servant of Elements


AKMANG sisipain muli ako ni Vincent ngunit mabilis kong nasangga ang kanyang paa gamit ang dagger na hawak ko. Napansin ko na madalas gamitin ni Vincent ang kanyang paa sa pakikipaglaban, ngayong sinangga ko siya, naramdaman ko rin na para bang kasing tigas ng bakal ito.

Lumayo siya sa akin and he floated in the air once again. "Ikaw ang pinakamalakas na nakalaban ko ngayon, babae," nakangising sabi ni Vincent. Hindi naman talaga ako malakas, aminado naman ako sa bagay na iyon pero parang kapag gamit ko itong dagger (which is si Tom) na ito ay para bang mas lumalakas ako.

Ako naman ang sumugod sa kanya ngayon, malakas akong tumalon upang maabot siya, I tried to slash him in his body pero mabilis siyang nakaiwas dito. Habang nasa ere ako ay nagulat na lang ako na nasa likod ko na pala siya. "Tapos ka na," sabi niya sa akin at naramdaman ko na lang ang malakas niyang pagsipa sa aking likod. Napakasakit no'n at para bang nabalian ako ng buto. Bumagsak ako sa buhanginan at mas lalo kong naramdaman ang sakit.

"Jamie!" Malakas na sigaw ni Ace ang aking narinig, ilang metro rin ang laro niya sa akin dahil sa dami ng lawbreakers sa paligid. Isa pang dagdag isipin namin ay yung mga taong malapit dito sa gulo, maaaring maglaho sila kapag inatake sila ng Lawbreakers. "Damn these ugly creatures! Hindi ba kayo nauubos!?" Bulalas niya pa.

Dahan-dahan akong tumayo at ininda ko ang sakit sa aking likod, hindi yata naging maganda ang bagsak ko. "Noong ipinaliwanag sa amin ng Black Organization na malalakas ang Class zero ay na-excite akong makalaban kayo. Pero hindi ko inaakala na ang malakas na sinasabi ng Black Organization ay ganito lamang, para akong nakikipaglaban sa mga bata." Tumawa si Vincent at mas nainis ako. He's really strong.

Kung nandito lamang si Seven ay paniguradong may maiisip siyang plano para matalo ang lahat ng ito. Pero wala. He's not our leader. Ayoko rin naman dumepende lang kay Seven, gusto kong may mapatunayan din ako na kaya kong makipaglaban na wala ang gabay niya. I want to prove to everyone na hindi ako mahina.

"Jamie," isang clone ni Kiryu ang lumapit sa akin. "You're using the servant of fire. Ibig sabihin nito ay maaari mo rin makontrol ang apoy. Kailangan mo lang malaman kung paano gamitin ito ng maayos." Tumakbo na muli ang clone ni Kiryu at masama kong tiningnan si Vincent na nakalutang pa rin sa ere.

"Kaya mo pa ba?" Tanong niya sa akin.

"Ngayon pa lang magsisimula ang tunay na laban," Nakangisi kong sabi sa kanya. "Tom, mag-anyong pana ka." Utos ko. Mayamaya lamang ay nagliyab ang dagger na hawak ko at naging pana ito.

Inasinta ko si Vincent na nakalutang sa ere. Sunod-sunod na palaso ang pinakawalan ko at ang bawat palaso na iyon ay para bang isang bolang apoy na tumutungo sa kanyang direksyon. Kailangan ko lang mapababa si Vincent sa lupa, it's his advantage na nakakalutang siya sa ere.

Ilang beses ko rin sinusubukan na makipag eye contact sa kanya pero parang iniiwasan niya ang titig ko. Mukhang alam niya kung ano ang kapangyarihan ko. Noong mapagod si Vincent na lumipad ay bumaba ito sa buhanginan. Pagkakataon ko na.

Ginamit ko ang lakas ko para makatakbo. "Tom, mag-anyong dagger ka ulit!" Utos ko. Hindi na-predict ni Vincent ang sunod kong naging galaw at tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon. I tried to slice him once again pero nakaiwas siya... kahit papaano ay nagkaroon siya ng sugat sa kanyang braso.

He jumped few meters away from me. "Mukhang minaliit kita, binibini. Malakas ka sana ngunit sa maling tao mo ginagamit ang kapangyarihan mo. Black Organization have a better plan in our world!" Sabi niya sa akin. Mukhang tuluyan na siyang na-brainwash nung masamang grupo na iyon.

"Ang plano ng Black Organization ay ubusin ang lahat ng taong mahihina! Tayo-tayo na lang na may mga abilities ang mabubuhay sa mundong ito. Plano rin nilang buhayin si Deathevn at kapag nangyari iyon... wala na ang devil hour." Kapag nawalan ng devil hour ay mawawalan din kami nang pagkakataon na protektahan ang lahat ng inosenteng tao.

"Sa tingin mo ba ay magandang plano iyon para sa ating mundo!?" Ganti kong sigaw sa kanya.

Sa pagpikit ko ay wala na sa harap ko si Vincent, nasa likod ko na siya at akmang sisipain niya muli ako. I kinda expected this move dahil nagawa niya na ito kanina. Mabilis akong lumingon sa kanya at hinawakan siya sa kanyang paa. Mukhang hindi niya inasahan ang galaw kong iyon dahil bakas sa mukha niya ang pagkabigla.

I just hold his right foot para hindi siya makagalaw, sinubukan ko rin siyang tingnan sa mata ngunit iniiwas niya talaga ang kanyang tingin. "You underestimated us. We're not class zero for nothing." Pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa kanyang paa, para bang nagkaroon ng apoy sa aking kamay dahil habang humihigpit ang hawak ko ay may usok na lumalabas dito.

"A...ahhh!!" Sigaw ni Vincent na para bang napapaso siya.

Akmang mas didiinan ko pa ang hawak ko sa kanya kaso ay bigla nang dumating ang mga kasama ko. "Jamie," sabi ni Ace sa akin kung kaya't napalingon ako sa kanya. "Don't kill him." Sabi niya sa akin.

"Pero masamang tao ito!" Sigaw ko pabalik. "Sinaktan niya sila Girly at kakampi siya ng black organization."

"But he is not a lawbreaker, kagaya natin... may ability lang din siya." Ace stated. "Iyon ang utos sa atin ni sir Joseph, ang mga lawbreakers lang ang maaari nating saktan."

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ko kay Vincent at naging pagkakataon iyon para sa kanya upang masipa niya ako sa aking tiyan. Ramdam ko ang sakit nito at napasuka ako ng duho. "Hindi kayo ililigtas ng pagiging maaawain ninyo." Sabi niya sa akin.

Napaluhod ako sa buhanginan at ininda ang sakit, nahirapan din akong huminga dahil sa kanyang ginawa. Akmang lilipad na palayo si Vincent ngunit pinalaki ni Girly ang kanyang katawan at mabilis na ikinulong sa malaki niyang kamay si Vincent. "At hindi ka rin ililigtas ng yabang mo." Sagot naman sa kanya ni Girly.

Doon ko napansin na ubos na ang lawbreakers sa paligid. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Girly at iniharap ni Girly sa akin si Vincent, he tried to avoid my eyes pero sina Kiryu na ang nagpihit ng kanyang ulo para mapaharap sa akin. "Makatulog ka," utos ko sa kanya and in just a few minutes ay nawalan na nga ito ng malay.

Lahat kami ay bumalik sa hotel bago namin pahintuin ang devil hour, inihiga nila si Vincent sa couch, mahimbing itong natutulog at maigi na nakatali para hindi makatakas. Kasama naming bumalik sina John at Kean. Nag-anyong tao na si Tom ulit at doon ko mas naramdaman ang sakit. "You need to heal her as soon as possible. Dahil nga gamit ako ni Jamie kanina ay nababawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman niya but ngayon."

Wala ng sinayang na oras si Claire, agad niyang itinapat ang kanyang kamay sa aking tiyan. Nagkaroon ito ng puting liwanag at kahit papaano ay unti-unti akong nakaramdaman ng ginhawa. Habang ginagamot ako ni Claire ay nagkaroon na rin nang pag-uusap ang grupo nina Tom at sina Ace. Nakikinig lamang ako sa sinasabi nung dalawa. Akala ko talaga ay sina Tom ang masasamang tao na gumagawa ng gulo sa lugar na ito.

"Anong pakay ninyo at bakit nandito kayo sa La Union?" Diretsong tanong ni Ace kay Tom.

"Dude, sa tono nang pananalita mo, it looks like you're implying that we followed you guys here pero sa totoo lamang ay nauna kami sa inyong makarating sa La Union." Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Tom. "May balita kaming nalaman na maaaring manggulo dito ang mga lawbreakers at ang Black Organization kung kaya't pumunta kami rito. Nagkataon lamang na nandito rin kayong class zero kung kaya't kinausap namin kayo."

"So you're saying that you're the servant of fire?" Sabi ni Kiryu habang kumakain na naman ng gummy worms. Ano ba ang sinasabi nilang servant-servant na 'yan? Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa bagay na iyan. Sa bagay, hindi rin naman kasi ako nakikinig kapag nagdi-discuss si sir Joseph so it's also my fault.

"Yup, we're the protector of all elements. I am Tom, the servant of fire. Si John, the servant of Spirit. At etong si Kean, ang servant of lightning." Pagpapakilala niya sa grupo nila.

"Ano ba yung servant-servant na sinasabi nila?" Hindi ko na maiwasang magtanong kay Claire dahil naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. I thought na ang mundong pinasok namin ay binubuo lang ng mga taong may abilities, lawbreakers, at Black Organization. Ngayon ay may servant of elements ang biglang sumulpot.

"Are you familiar with the fusion of the servant of elements and the person with abilities?" Tanong sa akin ni Claire at mabilis akong umiling. "Iyon ang ginawa mo kanina, Jamie, the servant of fire lend you his power para mas lumakas ka. Ang mga servant of elements ay mas nagpapalakas sa ating mga taong may abilities. They are looking for ther specific master na pagsisilbihan nila."

"E'di ibig sabihin no'n ako na ang master ni Tom?" Tanong ko kay Claire at mukhang napalakas ang aming pag-uusap.

"Ha? Nagpapatawa ka ba!?" Tom laughed. Hindi ko alam kung nang-iinsulto siya o binibiro niya lang ako. "Hindi ikaw ang pwedeng maging master ko, I just lend you my power kanina kasi naiipit na tayo sa sitwasyon. No offense Jamie, pero hindi compatible ang kapangyarihan mo sa element na mayroon ako. Hindi ako sa'yo makikipag-compact." Sabi niya sa akin.

"Wow, yabang ah." Bigla kong nasabi.

"Ace," tawag ko kay Ace na kung kaya't napalingon sila sa akin. "Habang nakikipaglaban ako kay Vincent kanina ay may nasabi siyang Deathevn. Sa tingin ko ay iyon ang pinaka-main goal ng Black Organization kung bakit gumagawa sila nang gulo. Bukod sa gusto nilang pag-eksperimentuhan ang mga taong may abilities, they are aiming to revive him."

"And it will bring a lot of troubles kapag nangyari iyon," umupo si Kean sa isang bean bag sa malapit. "Tutal nandito na rin naman kayong Class zero, may alok kami sa inyo..."

Sumeryoso ang mukha ng lahat. "We, the servant of elements... payag ba kayong makipagtulungan sa amin. Hindi rin namin alam tatlo kung nasaan ang ibang servant pero hindi ba't mas maganda kung magtutulungan tayo. We can strengthen your abilities kung mapapatunayan ninyong karapat-dapat nga namin kayong maging master." Si Tom na ang nagsalita.

Ace sighed. "Mukhang hindi ako ang dapat magdesisyon ng bagay na iyan. Pwede ba kayong sumamang tatlo sa pagbalik namin sa Maynila? Sa Merton Academy, nandoon si sir Joseph at siya ang kausapin ninyo patungkol sa bagay na iyan."

"Naaaah! If you're asking us na sumabay sa inyo pauwi, sorry but no." Sabi naman ni John. "We have an exam tomorrow afternoon sa Northford kung kaya't kailangan na naming bumalik bukas ng umaga."

"Yeah, this fucking nerd is grade conscious." Bagot na sabi ni Tom at sinamaan siya nang tingin ni Tom. "Totoo naman." Dugtong niya pa.

"Kung gusto ninyo, we can visit your school pagkatapos ng mga exams namin." Suhestiyon ni Kean sa amin.

Nag-usap pa sila pero napagkasunduan na rin na doon na lang magkita sa school namin pagbalik sa Maynila. Totoo ngang marami pa 'kong hindi naiintindihan sa mundong ginagalawan namin. We're all glitches in our society at kung magtutulong-tulungan kami... matatalo namin ang Black Organization at maibabalik ang kapayapaan sa mundo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top