Chapter 38: Servant of Fire

THE next day, halos alas-onse na ako nang umaga nagising. Masakit din ang ulo ko dahil sa pagiging tipsy ko kagabi. Napatingin ako sa girls bedroom at mukhang bagsak pa rin hanggang ngayon sina Claire. Hindi ko na sila ginising dahil baka mayamaya lang din ay bumangon na iyan dahil mainit na.

Pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong naabutan si Ace na nagluluto. Gising na rin si Kiryu pero nakatulala lang siya at kumakain na naman ng pochi. Hindi ko nga alam kung saan kumukuha ng stock 'yang lalaki na 'yan.

"Yow, Jamie-girl!" Bati sa akin ni Ace, " Gumawa ako ng lugaw tsaka kape pampatanggal ng amats. Pwede rin namang mag-rice ka na agad since nagluluto na ako ng breakfast." He's the most hyper kagabi kaya kataka-takang ang aga niya pa ring nagising, tinapos niya yung buong event samantalang ako ay pagkatapos ng ilang banda ay bumalik na ako sa hotel.

"Lugaw na lang muna ako," he prepared our breakfast already. Mukhang responsable naman pala talaga itong si Ace. He has this caring side na ngayon ko lang nakikita kasi madalas naman ay kaharutan ko lang siya o kaya naman ay nakikita ko lang siyang nagba-vlog sa Merton.

Habang kumakain ako ay isa-isa na ring lumabas sa room ang mga girls. "Wala na akong maalala kagabi," sabi ni Girly habang hawak-hawak ang kanyang ulo. "Did I make a scene?" She asked.

"No. Tumakbo ka lang naman paakyat ng stage and you dance like you are mother Sitang. Hindi naman siya nakakahiya, hindi big deal." Paliwanag ni Kiryu at napakagat si Girly sa kanyang ibabang labi dahil sa hiya. Natatawa ako sa tuwing naaalala ko ang pinaggagawa ni Girly, iba rin talaga ang tama ng alcohol sa babaeng ito.

"Really!? Hindi totoo 'yan!" She defensed. "Pinagkakaisahan ninyo lang ako kasi wala akong maalala kagabi."

"I got a video, gusto mo bang mapanuod?" Nagpipigil nang tawa si Kiryu habang nag-i-scroll sa kanyang phone.

"No thanks, I don't want to see it. Dapat talaga tinigilan ko nang uminom nung tipsy na 'ko, eh." paliwanag ni Girly.

Kumakain lang kaming magkakasama pero ipinaliwanag na rin ni Ace ang mangyayari. "Since kilala na natin ang tatlong target natin, we will keep our eyes on them... pero huwag kayong magpahalata. Chill lang. If they do something wrong, doon tayo kikilos,"

"Pero kagabi, they don't make any scene naman," sabi ni Claire. "I mean, that's the perfect time para umatake since madaming tao ang nagtitipon sa iisang lugar."

"'Coz they knew that we are there. Alam nilang kumpleto tayong anim sa lugar na iyon," dugtong pa ni Ace. "I am observing them last night, kung tama ang hula ko... ang plano nila ay paghiwa-hiwalayin tayo this time bago sila gumawa ng pagkilos. In that way, we need to be extra careful." Bilin sa amin ni Ace.

Nagbihis na ako at pumunta sa seaside. As expected, ang busy nung mga tao dito dahil isa sa paboritong puntahan ang La Union pagdating sa beach. Ang daming nag-su-surfing sa malakas na alon, may mga nagbi-beach volleyball sa right side at marami rin namang nagsi-swimming.

Before I go to swim with Kiryu, nagkaroon ako nang pagkakataon na maka-chat si Mild (It's a good thing that Kiryu always bring his pocket wifi), hindi na ako naka-reply sa kanya kagabi dahil pagkabalik ko ng room namin ay bagsak agad ako sa kama.

Mild:
You didn't reply to my pm kagabi, ha!!!

Jamie:
Sorry naman, sobrang hilo ko na kagabi kaya bagsak agad ako. Balita?

Mild:
After we investigate kahapon, nagkaroon kami ng chance na kumain sa acoustic bar near Kalye Crisologo. Sobrang chill niya and ang sasarap nung foods!!!

Jamie:
Sabi ko sa'yo mag-e-enjoy ka rin diyan eh. Lol.

Mild:
Yah, I though na this is a boring place because historic place lang
naman siya. But no, sobrang ganda sa Kalye Crisologo, lalo na kapag gabi. 😍😍😍

Jamie:
Awww naiinggit tuloy ako.

"Jamie, wala ka bang planong mag-swimming?" Tanong sa akin ni Kiryu kung kaya't dali-dali kong nilagay sa bag ni Kiryu ang phone ko. Siya na lang ang nagdala ng bag sa aming dalawa para less hassle.

Hindi naman talaga ako nag-swimming, umupo lang ako sa buhanginan at hinaayan na tumama ang alon sa binti ko. Lumapit sa akin si Kiryu. "Jamie, 2'o clock from my direction."

"2'o clock?" Tanong ko sa kanya. "Wala pa ngang ala-una ta's sasabihin mo 2'o clock?"

"Seriously, Jamie? Hindi mo ba alam yung ganyang senyasan? If we're a spy, you're already failing." Naiiling niyang sabi sa akin. Malay ko ba sa sinasabi ni Kiryu! Pwede niya naman sabihin sa akin ng diretsahan ke'sa sumenyas pa.

"Ano nga? May nalalaman ka pang ganyan, wala na mang ibang tao na makakarinig, eh," reklamo ko sa kanya, totoo naman. Malayo ang ibang tao sa direksyon naming dalawa.

Inilublob ni Kiryu ang mukha niya sa dagat bago sumagot. "Sundan mo 'tong titingnan ko, nandoon ang target natin." His eyes fixed on one direction at doon ko nga nakita si Tom kasama sina John at Kean, naglalaro sila ng beach volleyball kasama ang ibang turista. It really looks thay they are having a fun time.

"Are we not going to attack them?" Tanong ko kay Kiryu.

"Sabi naman ni Ace ay obserbahan lang natin sila." Paliwanag sa akin ni Kiryu at napatango-tango ako.

Mukha talagang hindi gagawa ng masama. A few minutes later ay mukhang napansin nina Tom ang prisensya naming dalawa ni Kiryu. They ran towards our direction. "Yow!" Bati sa amin ni Tom. "Akala ko ay hindi na namin kayo makikita,"

"We're here for a couple of days pa. Kayo ba?" Tanong ko sa kanya. We need to act normal, iyon anf dapat naming gawin para maging successful ang misyon na ito. Hindi dapat ako malinlang ng mga pekeng ngiti na nasa kanilang labi.

"Hanggang bukas pa kami," sagot sa akim ni John. "Do you have any plans for today? Plano naming mag-surfing." Dugtong pa niya.

Napatigil kaming dalawa ni Kiryu nung biglang huminto ang galaw sa buong paligid. "Jamie!" Sigaw ni Kiryu at agad siyang nagpakawala ng maraming clone ng kanyang sarili na para bang pinoprotektahan niya ako sa tatlo.

Nakakagalaw sila sa devil hour, tama nga ang sinabi ni Ace na sila ang target namin. Tama rin siya na hahanap sila ng tiyempo na makalaban kami ng hindi sama-sama.

"Anong pakay ninyo sa'min?" Tanong ko sa kanila. I am looking into Tom's eyes para kung sakaling may gawin man sila ay nakahanda na rin akong utusan siya. We should not let our guard down lalo na't kaharap namin ngayon ang target namin.

"W-Whoah, chill lang," sabi ni Tom at iniling-iling ang kanyang kamay. "We're not your enemy here. Nandito lang din kami dahil nakarating sa amin ang balita na may gumagalang lawbreaker dito sa La Union." Paliwanag ni Tom sa akin.

Nakatingin pa rin ako sa kanila, binasa ko rin ang iniisip nila... wala man lang kahit katiting na pagsisinungaling. "They are saying the truth," sabi ko kay Kiryu.

Naputol ang aming pag-uusap nung isang malakas na pagsabog ang aming narinig na umalingawngaw sa paligid. Mayamaya lamang ay may mga lawbreakers nang dumadating sa paligid.

"Tom, pumunta na kayo kung saan nanggaling ang pagsabog." Sabi ni John at biglang naging matalim ang mga kuko niya na para bang katulad sa mababangis na hayop. "Kami na ang bahala ni Kean sa mga lawbreakers na ito."

Tumakbo si Tom pero napahinto rin at tumingin sa aming dalawa ni Kiryu. "Ano pang hinihintay ninyo? We should do our best para mabawasan ang casualty rito sa beach." Sabi niya, nagkatinginan kaming dalawa ni Kiryu pero sumunod din naman kami kay Tom.

"Wala pa rin akong tiwala sa'yo," prangkang sabi ni Kiryu habang tumatakbo kami.

"I don't care if you trust me or not. Gagawin ko ang bagay na alam kong tama," sabi niya sa akin. Pagdating namin sa lugar kung saan naganap ang pagsabog ay nakita namin si Girly na nakikipaglaban sa isang lalaki... like us, mukhang may ability rin siya.

"Girly!" Sigaw ko.

"Don't mind me," sabi niya sa akin habang nakasangga siya sa atake nung lalaki. "Ialis mo si Jessica dito, dalhin ninyo siya kay Claire." Utos niya sa akin.

"Ehhh, ang dami pang kagaya kong may ability ang nandito," sabi nung lalaki habang nakalutang siya sa ere. "Ako nga pala si Vincent at kung plano ninyong kalabanin kami ay pasensyahan tayo, magiging kalaban ninyo ako." Nakangiti niyang sabi.

"You're fighting for the wrong people," sabi ni Girly, akmang susuntukin niya si Vincent ngunit mabilis itong nakaiwas, Vincent can float in the air. Mabilis siyang tumungo sa likod ni Girly at sinipa ito, hindi ito basta-basta isang sipa dahil napaupo ang dambuhalang si Girly sa buhanginan.

"You guys are fighting for the wrong people," sabi ni Vincent sa amin. "Maganda ang plano ng Black Organization sa mundo natin. They are aiming to revive Deathevn that will save our world from any harm."

Deathevn? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon. Marami ring Lawbreakers ang lumalapit sa direksyon namin, If it will continue ay baka makulong kami rito. "Jamie, anong sandata ang kaya mong gamitin?" Tanong sa akin ni Tom.

"H-ha!?" Nagtataka kong tanong dahil bigla-bigla na lang siyang bumabanat ng ganoon. Napansin kong nahihirapan na rin si Girly na kalabanin si Vincent. "Dagger."

Nagulat na lamang ako nung biglang may mamuong apoy sa paligid ni Tom at ngumisi ito sa akin. "Jamie, I am Tom, The servant of fire."

Nabigla na lamang ako nung nagbagong anyo si Tom at naging isang dagger, The dagger looks awesome dahil para bang may lava ito sa gilid.

Marami akong tanong kay Tom ngunit mamaya na iyon, pakiramdam ko ay mas malakas ako at mas magaan ang katawan ko dahil sa dagger na hawak ko. Tumalon ako at akmang sasaksakin si Vincent ngunit mabilis niya itong nasangga.

"Girly, magpahinga ka na rin, ako na ang bahala rito." Bilin ko sa kanya.

humarap ako kay Vincent na nakangisi sa akin. "Ehhh, kasama ninyo na ngayon ang servant of fire? Mukhang mas magiging magandang laban ito." Sabi niya sa akin.

Dumating na sina Ace at Claire. Una nilang hinarap ang mga lawbreakers sa paligid.

Hindi nawawala ang tingin ko kay Vincent, he float in the air at sumugod sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top