Chapter 37: The party
"ARE we not going to investigate the place, Ace?" Tanong ko sa kanya habang binababa namin ang mga gamit namin sa isang hotel na tinutuluyan namin. The good thing about the hotel is malapit ito sa dagat kung kaya't tanaw na tanaw talaga ang view. The bad thing is... malapit ito sa dagat, paniguradong mas pipiliin ng iba na mag-enjoy ke'sa mag-ikot.
"We can do that tomorrow, Jamie-girl." Sabi sa akin ni Ace at chillax na umupo sa isang bean bag sa sala. We're staying in a big room kasi and may room for boys and girls lang pero may malaking sala.
"Tomorrow? mag-a-alas tres pa lang, we have time pa para magtanong-tanong," I informed him after I checked my wristwatch.
"Duh! Kung gusto mo ikaw mag-isa," sabi naman ni Girly na nagse-selfie katabi ang isang painting.
"Oo nga, Jamie, we're all tired sa biyahe. Can we call this a day?" Ipinatong ni Kiryu ang mukha niya sa lamesa at ngumuso.
"Jamie-girl listen," umupo sa tabi ko si Ace at hinarap ako. "Seven and I, we have a different leadership. Seven always think about the mission, ako? I think of my members condition, look at them..." sabi niya at napaharap ako kanila Claire at Kiryu na nakatulog na sa lamesa. "They are all dead-batt already. Yes, we're doing a mission but at the same time, gusto ko rin gumawa ng memories kasama ang class zero. Nage-gets mo ba ang point ko, Jamie-girl?"
Bumuntong hininga ako, siguro nga ay nasanay lang talaga ako sa pamumuno ni Seven na agad ginagawa ang mission pero at the same time, may reward na nakukuha. Ilang beses na rin namang namumuno si Ace sa mga mission, hindi nga lang ako napapabilang as his member. "Na-gets ko na yung point mo. Pero anong sasabihin mo kay sir Joseph if he ask an update?"
"Madali lang lusutan 'yan, Jamie-girl. Matulog ka na, mamayang gabi ay may beach party raw. Let's enjoy the night." Umalis na sa tabi ko si Ace. I bet gagawa na lang siya ng dahilan na sasabihin kay sir Joseph since hindi niya naman kami aktwal na namo-monitor.
Mild:
We're here na, we're staying at the heritage here at Vigan.
Oh my god! Hindi ko pa naibababa yung bag ko, inuutusan na agad kami ni Seven.
He wants us to wander around and ask some locals here
Jamie:
Go Mild! I'm glad na nakarating kayo ng safe
Seven is still Seven, mission is his top priority lol.
Mild:
Bakit? Kayo ba, Jamie?
Jamie:
Ace let us rest first.
Later we will attend in a beach party and bukas na lang daw namin asikasuhin yung mission since we have a plenty of time.
Mild:
What theeeee!!!!
Seryoso!?
Can you fetch me here? This bunch of boring students is suffocating me.
Beach party really sounds fun. huhu.
Ayan na, sumisigaw na ang hari ng bugnutin.
Later chat, Jamie, I'll update you later If I am still alive. lol.
Binaba ko na ang phone ko at chinarge sa isang vacant na plug. Kagaya nang sinabi ni Ace, hinayaan ko muna ang sarili ko na magpahinga for the day.
Kinagabihan, ginising na lang ako ni Kiryu at sinabihan na magpalit na ng damit dahil a-attend na kami sa beach party. Kahit papaano naman ay nawala na ang pagod ko mula sa biyahe dahil sa ginawa kong pag-idlip.
"Seryoso talaga kayo sa beach party?" tanong ko kay Ace.
He's cleaning the lense of his camera at mukhang plano na naman mag-vlog ng loko. "Oo naman, Jamie-girl. Live bands, loud music, sound of waves. Dude, it makes me excited!" Sabi niya sa akin.
Papasok na sana ako sa kuwarto ko pero nagsalita si Kiryu sa tabi ko. "Mukha lang walang pakialam si Ace sa misyong ito pero gagamitin niya lang na pagkakataon yung party para makakuha ng impormasyon, kung susuwertehin ay baka doon na natin makita ang lawbreakers na gumagala. Mukhang gago lang ang gago pero may pakialam sa misyon 'yan,"
Ngumuya si Kiryu ng pochi. "Gusto mo?" alok niya muli.
"Uhm, thanks for the offer but no." Pumasok ako sa girls bedroom at naabutan ko si Girly na nagpapalit na ng damit.
Atleast, sa paliwanag ni Kiryu ay naliwanagan ako kahit papaano na hindi lang pala puro pag-e-enjoy ang ginagawa ni Ace. May plano naman pala talaga siya pero hindi niya lang sinasabi kasi he wants us to seize the moment.
"Hey, Jamie, looked at this," Itinaas ni Girly ang dalawang swim wear, isang one piece at isang two piece. "Alin ang maganda sa dalawa, ikaw, anong bet mo?" She asked like her life is depending on my answer.
"Are you sure, you will wear that kind of..."
"Duh, alangan namang mag-skinny jeans ako at long sleeves? Beach party nga iyon at hindi misa." Nakita ko ang pag-irap ni Girly sa ere. "So ano nga? Anong bet mo?"
"The two piece." Turo ko rito at mukhang iyon na ang napagdesisyunan ni Girly na suotin.
Ako ay sinuot na lang din ang one-piece na kulay asul pero pinatungan ko ito ng short para less sexy at hindi takaw pansin. Nasa lobby na kaming lahat at hinihintay na lang si Claire, she's the last one na nagbihis.
Nakasuot si Ace ng brown na khaki short at sandong puti, ang buff din ng katawan ni Ace kung kaya't bumagay din ito. Si Kiryu naman ay naka-asul na board short na parang hawaiian ang design at naka-pulang polo na nakabukas ang dalawang butones.... ang cool niya sa paningin ko pero hindi niya talaga mabitaw-bitawan ang gummy worms na kinakain niya.
Jessica is wearing a black one piece pero may see through na nakaharang sa kanyang pambaba at suot naman ni Girly ang sinabi ko sa kanya, she's really proud of her body.
Lumabas si Claire sa girls room and she's wearing a Jersey shirt and a tokong short. Girly looked so dumbfounded and disappointed sa suot ni Claire. "Anong akala mo, a-attend tayo nang liga ng baranggay at ganyan ang suot mo?" Tanong ni Girly sa kanya.
"I am not comfortable wearing revealing clothes," hindi nakatingin sa amin si Claire at mukhang hiyang-hiya nga talaga siya. Claire is one of the most feminine member of class zero. She's really a shy type of person.
"Jessica," Girly said. "Let's do this." As soon as she said that word ay hinatak ulit nilang dalawa si Claire. Wala nang nagawa si Claire at napatingin ako kanila Kiryu at ngumiti.
Ilang minuto ang lumipas at lumabas na sina Claire sa kwarto. There's a wide grin on Girly's face like she was so proud on what she done. Suot na ni Claire ang spare one piece ni Girly and gaya ko, pinatungan niya rin ito ng short, naka-bun ang kanyang buhok na bumagay kay Claire since maliit ang kanyang mukha.
"Much better," anunsyo ni Ace ay nagsimula na naman siyang mag-vlog. At first, nawi-wirduhan ako sa pinaggagawa ng lalaking ito but as time goes by, nasanay na lang din ako dahil mukhang nag-e-enjoy naman siya sa ginagawa niya.
Naglakad na kami pababa at papunta na sa party area, there's a 500 pesos entrance fee but Ace handled it all. Siya na ang nagbayad.
"Ayos lang ba ang suot ko, Jamie?" Tanong sa akin ni Claire na para bang nahihiya pa rin siya dahil hindi siya sanay sa ganoong damit.
"It's good on you." Puri ko sa kanya. "Don't worry, mas marami sa party na nakasuot na mas sexy sa suot natin kaya hindi rin 'yan pansinin." Paninigurado ko sa kanya.
As we reached the event, a loud music is banging all over the place. Ramdam na ramdam ko ang pag-vibrate ng lupa dahil sa malakas na music. Nakakasilaw damg party lights pero ang ganda nito sa mata. The DJ is busy in playing music at the stage at marami na ring sumasayaw sa gitna.
"Mukhang we're late na," sabi ni Ace sa'min. "Kitakits later people, enjoy the party!" Umalis na si Ace at humalo na siya sa maraming tao.
Si Girly at Jessica man ay parehas nang nawala. Wow, they are all party animal, ngayon ko lang nalaman. It's not my first time in this kind of party naman kaso nga lang hindi talaga ako pam-party.
Naiwan kami ni Kiryu at Claire. The three of us stand sa mataas na round table. Um-order si Kiryu ng drinks. "Don't worry, 3% lang ang alcoholic content niyan. Pwede kayong ma-tipsy pero alam ko namang hindi kayo malalasing diyan." He assured.
Nagtatalon ako sa puwesto ko habang pinapakinggan ang magandang music, buti na lang at hindi kami iniiwan ni Kiryu.
"Hello," Three boys approached us, they are all smiling and sa tingin ko ay ka-age lang namin sila. "Nagbabakasyon din kayo?" He asked.
"Dude, you don't know them?" A man on the left asked. "They are all from Merton. Class zero." Sabi niya na para bang kilalang-kilala niya kami. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa class zero? Sila ang mukha ng Merton Academy.
"Oh fuck!" Mura nung lalaki sa gitna bago uminom ng kanyang drink. "So it's a privilege pala na makilala namin kayo. By the way, I am Tom. We're all from Northford University." Inalok niya ako nang pakikipagkamay.
Iga-grab ko na sana ang kamay niya pero nauna na si Kiryu. "I am Kiryu. This girl," itinuro ako ni Kiryu. "Off limits na 'yan. Magagalit si pinunong pito kapag nakita ka niya."
"Gago." Naiiling kong sabi sa kanya. "This girl is Claire." Turo ko kay Claire na nginitian sila.
Ilang minuto rin kaming nag-usap kasama sina Tom. His two friends ay sina John at Kean. Umalis na rin naman sila nung nagsimula nang mag-perform ang live bands.
"Naramdaman ninyo 'yon?" Tanong sa amin ni Kiryu pagkalayo nung tatlo. Tumango kaming dalawa ni Claire sa kanya. "May hiwagang nababalot sa tatlong 'yon, eh." Sabi pa ni Kiryu habang hindi inaalis ang tingin sa tatlo na naglalakad palayo.
"Devil hour?" Tanong ko kay Kiryu. "In that way, malalaman nga natin kung lawbreaker sila o hindi."
"Huwag muna," sabi ni Kiryu then he sipped on his drink. "Masyadong maraming tao rito sa party, baka magkaroon nang maraming casualties." Napatango-tango ako sa sinabi ni Kiryu.
"They are being friendly with us and alam nilang Class zero tayo. Hindi aalis 'yan dito sa beach dahil tayo rin ang pakay nila." Sabi ni Claire sa akin.
"Ang mahalaga tonight, alam na natin kung sino ang target natin." Sabi ni Kiryu.
Biglang may umakbay sa aking balikat at napalingon ako, si Ace. "You just talked to our target, guys." He said at tumango-tango kami. Naramdaman niya rin pala.
Tama nga si Kiryu, hindi pupunta rito si Ace para lang magsaya. He really knows kung saan namin makikita ang target.
"Tara sa gitna guys, December Avenue na ang tumutugtog." Aya ni Ace sa amin. I took my final sipped on my drink bago tumungo sa gitna.
Magkaiba man ng leadership sina Ace at Seven. They are aiming for one goal-- to finish our mission.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top