Chapter 36: The twelve members

FOR the first time, gagawa ng misyon ang class zero ng magkakasama. Hindi naman siya totally magkakasama talaga ngunit pare-parehas na Norte ang direksyon namin kung kaya't magkakasama kaming aalis ngayon sa Merton Academy.

Nakatayo kaming labing dalawa sa harap ni sir Joseph at isa-isa niya kaming tiningnan. "Inuulit ko sa inyo..."

"Aalis kami para sa isang misyon at hindi para magbakasyon." Sabay-sabay naming sabi na magkakaklase kung kaya't nagtawanan kami. Kahapon pa lang ay iyon na paulit-ulit na bilin sa amin ni sir Joseph. Kinakabahan daw siya dahil baka hindi namin seryosohin ang misyong ito.

"'Wag kang mag-alala, sir. Alam namin kung kailan ang playtime at alam namin kung kailan kami dapat magseryoso sa misyon," sabi ni Kiran at tumango-tango kaming lahat.

"Malaki ang tiwala ko sa inyo, sa oras na may mangyaring hindi maganda ay tawagan ninyo ako," sabi ni sir Joseph. "Ace at Seven, lagi ninyo akong i-update sa mga nangyayari." Sabi pa ni sir sa dalawa. Si Ace kasi ang leader namin at si Seven naman ang leader sa kabilang grupo.

Alas-singko pa lang nang umaga at madilim pa ang paligid. Maaga kaming aalis dahil malayo rin ang La Union at Ilocos sa Maynila. Halos 8-10 hours din ang biyahe. Dalawang mini bus ang gagamitin namin for the Group A (which is nandoon ako) and group B. Kami kasi ay sa La Union lang ang aming misyon samantalang ang Group B naman ay sa Ilocos Sur. Sayang, gustong-gusto ko pa naman bisitahin ang Vigan.

"Mild, text-text na lang," bilin ko sa kaibigan ko habang nakadungaw ako sa bintana.

"Argh! Gusto ko sa grupo ninyo, Jamie!" Sabi niya na para bang bata na iiyak, palibhasa kasi ay magkasama kami ni Kiryu which is pinaka-close ni Mild sa class zero. "Nasa grupo namin ang panginoon ng lahat nang bugnutin." Napatawa ako sa kanyang sinabi.

"May sinasabi ka?" Biglang sumulpot sa kanyang likod si Seven at mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mild.

"W-Wala! Mauuna na 'ko sa bus." Nagmamadaling tumakbo si Mild para maiwasan niya si Seven.

Pagkaalis ni Mild ay nagkatinginan kami ni Seven. "Ingat kayo," I mouthed to him.

A little smile formed on his lips. "Kayo man." Sabi niya at naglakad na papasok sa bus nila.

Pagkalingon ko muli sa kabilang gilid ko ay nakatingin sa akin si Kiryu at may malaking ngisi sa kanyang mukha. "Nakita ko 'yon, ang lalandi ninyo." Dugtong niya pa.

"Siraulo." Sabi ko na lamang at sumalo sa kinakain ni Kiryu na pochi.

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko na sina Girly na natutulog habang may face mask sa kanyang mukha. Si Ace na nagba-vlog na naman at hindi ko alam kung anong kasiyahan ang nakukuha niya sa kanyang pinaggagawa. Si Claire naman ay nagbabasa ng libro, I don't know kung anong libro ang binabasa niya pero sigurado akong teen fiction ito based on the cover.

Before kaming umalis ay nagdasal muna kami since it will be a long drive. Speaking of drive, si Jessica ang magda-drive sa amin. Nagulat nga ako dahil marunong pa lang mag-drive ang babae na 'to, isa siya sa pinakatahimik na babae sa class zero at bihira lang kumibo.

Naging smooth lang ang biyahe namin since wala naman masyadong traffic sa Maynila pa ng ganitong kaaga.

***

HABANG nasa biyahe kami ay biglang nag-ring ang phone ko. Natutulog sa balikat ko si Kiryu at nakanganga pa ang siraulo. "Hello,"

"Jamie," si Teddy pala ang nasa kabilang linya. "Mag-i-stop over kami sa isang gas station around sa Pampanga, hinto na rin muna kayo, kain tayo."

"Wait lang sabihan ko sila," Inilayo ko muna sa tenga ko ang phone ko. "Guys kakain daw sila Teddy around sa Pampanga, gusto ninyo rin ba?"

"Gusto ko! Gusto ko!" Nabigla ako nung biglang nagising ang katabi ko. "Kanina pa rin ako naiihi, pinipigilan ko lang, eh." Dugtong pa ni Kiryu.

"Sabihin mo sa kanila, Jamie-girl, sundan na lang kamo natin sila." Nakangiting sabi ni Ace.

"Sundan na lang daw namin kayo," Sabi ko kay Teddy. Sabi ko pa sa kanya ay kakausapin ko si Mild kaso natutulog daw ang bruha kung kaya't in-end call ko muna.

Huminto kami sa isang gas station bago pa man din kami lumabas ng NLEX. Si Kiryu ang unang bumaba at nagmamadaling naghanap ng banyo. Pagkababa ko pa lang ng bus namin ay sinalubong na agad ako ni Mild.

"Jamie, I miss you," yumakap siya sa akin. "My groupmates is bunch of bugnutin guys! Nandoon si Kiran, si Seven, si Roger. Si Minute naman hindi kami masyadong close, si Teddy lang ang madalas kong kausap pero minsan sinusungitan na rin ako." Natawa ako sa pagsusumbong sa akin ni Mild.

"Okay lang 'yan, atleast kasama ka sa misyon ngayon. Tsaka ayaw mo no'n, Ilocos ang pupuntahan ninyo? Maraming adventure ang pwedeng gawin sa Ilocos." Inform ko sa kanya.

"Hello, mas masaya kaya sa La Union, Surfing Capital of the North 'yon and sobrang gusto ko pa naman mag-surfing." Nagtipon muna kaming lahat sa iisang lugar para pag-usapan kung saan kami kakain. Ang sarap lang sa mata na sa misyong ito ay nandito ang 12 members ng class zero.

"Saan ninyo gusto kumain?" Tanong ni Ace sa lahat. "Ang daming kainan dito. Shakeys, Mcdo, Jollibee, Chowking. Huwag na tayong mag-resto, it will eat a lot of time so mag-fastfood na lang tayo." Dugtong niya pa.

"Mcdo na lang!" Kiryu shouted.

"Jollibee," sabay-sabay naming sabi. I am not a hater of Mcdo pero wala, eh, the best talaga ang bubuyog na pula na 'to.

"Chill lang kayo," sabi ni Kiryu sa amin. "Isa lang ang kalaban ninyo, e'di mag-Jollibee tayo." Dugtong niya pa.

Papasok na sa sana kami sa Jollibee nung magsalita si Girly. "Hey guys, we will go to Starbucks, baka gusto ninyong magpasabay,"

"Pasabay ako. Dark Mocha, venti." Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sa kanila.

Pumasok na kami sa Jollibee, bilang pagmamagandang loob ay kami na ni Mild ang um-order ng pagkain. Mild is still ranting about her group mates na pare-parehas daw KJ. Gusto niya raw lumipat sa amin dahil halos lahat sa grupo namin ay game daw sa adventure, para kay Mild ay ang katumbas na kahulugan ng mission ay bakasyon.

While we're ordering ay may kakaiba akong naramdaman na parang hindi normal. "Naramdaman mo 'yon?" Bulong ko kay Mild. Tumango naman siya sa akin, ang hula namin ay may lawbreaker sa lugar na ito.

The next thing I knew is huminto na ang takbo ng oras. "Everyone! Hanapin ninyo kung nasaan ang lawbreaker!" Seven shouted at para kaming langgam na naghiwa-hiwalay. Malaki ang gas station na ito lalo na't maraming resto and fast food dito.

"Mild, stay here," Bilin ko sa kanya bago tumakbo palabas. Sa aming lahat sa class zero, si Mild na lang ang hindi pa nakakaalam ng kanyang ability.

"Argh! Maiiwan na naman ako sa aksyon!" Reklamo niya.

Pagkalabas ko pa lang ay may natanaw na agad akong lawbreaker na akmang aatake sa isang inosenteng tao, dali-dali kong kinuha ang isang pocket knife sa aking bulsa at hinagis ito sa kanya, tumama ito sa kanyang braso kung kaya't napalingon siya sa akin. Mabuti na lang talaga ay pinagpatuloy pa rin namin ni Seven ang pag-e-ensayo sa paggamit ng kutsilyo kung kaya't medyo hasa na ako sa pakikipaglaban.

Pagkatingin pa lang sa akin ng lawbreaker ay agad ko na itong inutusan. "Kill yourself." Utos ko sa kanya and in a snap, nagkalat na ang dugo sa paligid.

Tumatakbo ako upang maghanap pa ng lawbreaker sa paligid at nakit ko pang si Teddy na nakikipaglaban sa isang lawbreaker. "Need a help?" Tanong ko sa kanya.

"No thanks, I can manage." Nakangiti niyang sagot, nagpakain siya sa kanyang anino at lumabas siya sa anino ng lawbreaker at malakas niya itong sinipa sa mukha. "See, sabi ko sa'yo I can manage, eh."

Napatigil kaming dalawa nung biglang nabasag ang salamin sa second floor ng starbucks, nakita na lang namin na mabilis na bumabagsak si Girly mula rito. Tumakbo kami tungo sa kanyang direksyon. "Girly, are you ok--"

"You will pay for this, you creepy monster!" Biglang lumaki si Girly at may kinuha siyang lawbreaker sa second floor nung starbucks, sinubukan nitong kumawala ngunit humigpit na humigpit ang hawak dito ni Girly hanggang sa mapiga na ito at sumabog ang dugo sa buong paligid.

Naramdaman ko pa ang malapot na dugo na tumama sa aking pisngi. "Girls are really creepy." Sabi ni Teddy sa akin kung kaya't napatawa ako.

"Guys! May tumatakas na level 2 lawbreaker!" Sigaw ni Mild at natanaw nga namin ang isang lawbreaker na tumatakbo.

"Ako na ang bahala," sabi ni Seven at pinaggalaw niya ang mga basag na salamin sa paligid at bumubulusok niya itong pinagalaw patungo sa direksyon nung lawbreaker. Malayo man ito ngunit kita namin ang pagkahati ng katawan ng lawbreaker dahil sa nangyari.

As of now, tuluyan na namin natalo ang lawbreakers na nasa paligid. Iba talaga kapag kumpleto ang class zero, lahat nang mga gawain ay nagmumukhang madali dahil na rin nagtutulungan kami at maraming tao ang kumikilos. "May mga nasaktan ba?" Tanong ni Claire.

Kiryu raised his hand at may sugat siya sa kanyang pisngi. Ganoon din si Girly na may mga sugat sa kanyang braso.

Claire immediately go to there direction at ginamot sila. Hinintay muna namin na kahit papaano ay gumaling ang mga sugat nila bago ipagpatuloy ang oras. "May mga inosente bang nasaktan."

"Yes, isa," nalungkot naman ako sa sinabi ni Kiran. "Na-late ako ng dating kung kaya't nakita ko na lang na pinatay na ito ng lawbreaker." Isa na namang tao ang maglalaho at makakalimutan ng mga tao na parang bula.

"Atleast we managed to protect almost all the people here," sabi ni Seven. "Great job team!" Sigaw niya pa at napangiti ako.

Bumalik na kami sa mga posisyon namin kanina at umandar na muli ang oras, ang mga nasirang lugar ay muling naayos at nagkwentuhan muli ang mga tao sa paligid na para bang walang nangyari.

We just ate together at puro tawanan lang kami dahil na rin sa pagpapatawa nina Kiryu at Mild. "Wait may napansin ako," sabi ni Ace at nakangiting tumingin sa amin. Nagtaka naman kaming lahat kung ano iyon. "This is the first time na sama-sama tayong kumain." Nakangiti niyang dugtong at napangiti na rin kami.

"Picture tayo guys!" Sabi ni Kiryu and pumose naman kami. "Upload ko 'to sa IG ko." he declared.

Matapos naming kumain ay sumakay na kami ulit sa kanya-kanya naming bus upang ipagpatuloy ang aming paglalakbay.

Halos alas-dos na kami ng tanghali nakarating sa La Union, pa-stop-stop din kasi kami upang hindi uminit masyado ang makina nung bus. Sila Seven naman ay nagpatuloy sa paglalakbay tungo sa Ilocos. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang dagat at ang malakas nitong alon.

"Ready for the mission, Jamie-girl?" Tanong sa akin ni Ace at siya na ang nagbitbit ng mga gamit ko. Kaya rin naman palang maging gentle man nitong lalaki na ito.

"Ready." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top