Chapter 35: Getting better
ILANG araw na ang lumipas simula nung naglaho si Casey, saglit ko ring nakalimutan ang tungkol dito nung umuwi ako sa bahay dahil nakasama ko ang pamilya ko. That vacation after the midterm exam is a healing for me. Oo, masakit pa rin kapag naaalala ko ang pagkawala ni Casey pero igaganti ko siya sa Black Organization. Alam kong katarungan lang din ang gusto ni Casey para sa sarili niya.
Suot-suot ko ang school uniform namin at nagmamadaling pumunta sa college of science, ngayong araw kasi ira-rank ang mga estudyante na nag-excel sa exam. Every year level ay inira-rank ng school. Hindi ko nga alam kung bakit may ganito pa dahil parang discrimination lang pero at the same time, nakakadagdag din thrill sa pag-aaral dahil siyempre gugustuhin mong umangat ang rank mo dahil sa pagiging competitive.
Habang tumatakbo ako ay nakita ko sina Aris at Diana na naglalakad din papunta sa college namin. Umangkla ako sa magkabilang balikat nila na ikinagulat nila. "Jamie, te, ang bigat mo." Reklamo ni Aris. "Baka magka-muscle ang sexy body ko." Dugtong niya pa na ikinatawa naming dalawa ni
"Jamie, okay ka na ba?" Nakatingin sa mata ko si Diana at bakas ang pag-aalala rito. In the past few days, parati talaga nila akong sinasamahan maging ang class zero... siguro ay nakatulong na rin ito para mabilis akong maka-recover sa nangyari.
"Papunta na sa okay," pag-amin ko sa kanya at napangiti naman siya. "Uhm... yung Casey na sinasabi ko sa inyo, kahit hindi ninyo pa man din siya nakikita ay sana ituring ninyo siyang kaibigan." nakangiti kong sabi sa kanila.
"Oo naman girl! Kung sino ang kaibigan mo ay kaibigan na rin namin!" Magiliw na sabi ni Aris, nakalimutan man nila si Casey ay alam ko sa mga puso nila ay mananatili ang aming kaibigan.
Casey's existence may be forgotten but the memories that we cherished together, mananatili iyon lahat sa aking puso.
"Ngayon na pala ang posting ng ranking, 'no?" Pag-i-inform ni Diana sa amin. "Kinakabahan ako sa maaaring maging resulta." sabi niya sa amin.
"Let's go na?" Tanong ko sa kanilang dalawa, "Ang huling makapunta sa College of Science manlilibre ng turon!" Sigaw ko and nag-uunahan kaming makarating sa building. Mukhang bumabalik na sa dati ang lahat at masaya ako roon.
Ground floor pa lang ng college namin ay ang dami ng computer science students ang nagsisiksikan para makita ang resulta sa bulletin board, nagdadalawang isip pa kami nila Diana kung makikipagsiksikan kami pero in the end ay ginawa rin namin dahil curious din kami sa aming grades.
"Excuse me, Excuse me," sabi namin habang naglalakad papunta sa harap. This is the advantage of being maliit and mapayat, easy na easy lang ang pakikipagsiksikan.
Nung nasa harap na kami ng bulletin board ay agad kong hinanap ang first year na section at tiningnan ang pagkaka-rank nito. Confident naman ako na marami akong nasagot nung midterm pero hindi ko alam kung sapat na ito para mataas ang rank na makuha ko.
Kung ano man ang maging resulta sa pagkakataong ito ay maluwag ko itong tatanggapin. Talagang naghirap ako para sa exam na ito and this time ay walang bahid nang panduduga. Hindi ko ginamit ang ability ko para malaman ang sagot... well, na-tempt ako pero at the end of the day ay hindi ko pa rin naman ginawa.
"Jamie! You're rank 9!" Nangibabaw ang boses ni Aris sa buong paligid at yumakap silang dalawa sa akin ni Diana. Una pa nila itong nakita ke'sa sa akin. Napangiti ako nung makita na totoo ang sinasabi nila.
"I made it!" Masaya kong sigaw sa kanila.
"She's our college representative for our class zero pero rank 9 lang? How disappointing."
"Parang bumaba ang standards ng class zero this year. Pwede pa lang makapasok doon kahit na hindi ka ganoon katalino."
Naputol ang kasiyahan naming tatlo nung marinig namin ang bulungan nung dalawang babae. Napatingin kami sa direksyon nila at ngumisi lamang sila.
"Hoy mga kampon ni Annabelle sa kapal ng make up! Hindi kami bingi para hindi kayo marinig." Sabi ni Aris at akmang susugurin niya na ito pero pinigilan lamang siya ni Diana.
Tiningnan ko sa mata ang isang babae. "Sampalin mo ang katabi mo," mahina kong bulong and in a snapped, sinampal niya nga ang katabi niya.
Nabigla ang lahat pero naglakad na kami paalis nila Aris para lumayo sa nangyayaring gulo sa ground floor. "Bakit kaya biglang nagsampalan ang mga lokang 'yon?" Nagtatakang tanong ni Aris.
"Well bagay naman sa kanila 'yon! Nilait-lait kaya nila si Jamie," parang bata na naiinis na sabi ni Diana. "Mga wala na ngang ganda, wala pang utak. 'Di pa nagbigti."
Napangiti naman ako dahil sa pagiging concern nila sa akin. Naku, kung si Mild ang nakarinig nung panlalait na iyon ay baka nasa clinic na ang dalawang iyon. Knowing Mild, talagang mang-aaway siya kapag nilalait ang kaibigan niya.
Sabay-sabay kaming kumain nina Aris at Diana pero naghiwa-hiwalay din kami dahil may klase pa ang dalawa. Nakaka-miss lang dahil dati kasama namin si Casey kapag ginagawa ang mga bagay na ito pero mukhang kailangan ko na ngang masanay mamuhay na wala ang prisensya niya.
Tapos na ang midterms kung kaya't ibig sabihin ay magre-resume na ang klase namin sa Class zero. Grabe, na-miss ko silang lahat, I mean nagkakasama din naman kami nung mga nakaraang araw pero hindi kami nakukumpleto.
Umupo muna ako sa bleachers malapit sa activity area, pampatay oras lang. Habang nakaupo ako ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Seven na kailangan kong makapasok sa top 20 kung kaya't agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at chinat siya.
Jamie:
Made it to the rankiiing!
Seven:
What is your rank, then?
Jamie:
Rank 9! Akala ko ay hindi ako makakapasok sa top 20, eh.
Seven:
Magaling tutor mo, eh.
Jamie:
Wait lang, ha, damang-dama ko yung hangin mo dito sa Activity Center.
Seven:
Nagsasabi lang ng totoo.
Naputol ang pakikipag-chat ko nung biglang may humawak sa balikat ko. "Jamie!" Malakas na sigaw ang aking narinig kung kaya't napatakip ako ng tenga. Si Mild itong nandito sa aking tabi. She's really energetic, as always. Alam ninyo yung energy niya ay parang parati siyang naghahanap ng adventure, ganoong level.
"Mild, nasa tabi mo lang ako at wala sa kabilang building." Paalala ko sa kanya at umupo na siya sa aking tabi.
"Sorry naman, I am just excited to see you here, Jamie." sabi niya sa akin. "Ikaw, ha! Ka-chat mo na naman si Seven." Her eyebrows wiggled at may malapad na ngisi sa kanyang mukha.
"What's with that expression?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. "Kung makatingin ka ay parang may something."
"Wala bang something?" Tanong niya.
"Dapat bang magka-something?" Balik ko.
Umayos nang pagkakaupo si Mild, yung ayos niyang upo ay parang katulad sa mga lalaki, yung upong-hari, ganoon. "He likes you." sabi niya na ikinapula ng mukha, out of the blue ay bigla niya na lamang itong sasabihin. Well, hindi naman siya si Mild kung hindi siya direct to the point. Pero kahit na! Nakakabigla pa rin.
"Wala 'no," naiiling kong sabi sa kanya. "May pustahan lang kami kaya nagka-chat kami ngayon."
"He took care of you these past few days."
"Dahil alam niyang may problema 'ko." Bawi ko naman. "He just did it because he is the leader of class zero. He's just doing his job." Para bang sa sinasabi ni Mild ngayon ay parang sinasabi niya na dapat mag-assume na ako na may... wala!
"Doing his job!?" Humarap sa akin si Mild. "Sinabi ko kay Seven turuan niya ako sa midterm pero dinaanan niya lang ako! Then ikaw tinuturuan ka niya gabi-gabi. Hayop siya." Parang bata na nagrereklamo na sabi ni Mild.
Bumuntong hininga ako kay Mild. "'Wag mo nang bigyan ng malisya ang friendship namin ni Seven, please. Baka mamaya dahil sa panunukso ninyo ay magka-ilangan kami bigla na dalawa, ayoko namang mangyari 'yon." Hindi lang si Mild ang nanunukso sa amin kung hindi pati si Kiryu. Minsan si Ace din.
"Okay magpapanggap ako na walang alam." sabi niya sa akin.
Isang oras din kaming tumambay ni Mild sa activity center bago pumunta sa class zero, damn I missed this classroom. Sa isang oras na pagtambay namin na iyon ay na-interview ko si Mild. Tinanong ko ang tipo niya sa lalaki at sabi niya ay gusto niya lang yung adventurous kagaya niya. Gusto niya raw yung sasamahan siyang tumalon sa matataas na falls, skydiving, and extreme rides. Feeling ko tuloy ay tatandang dalaga itong si Mild dahil ang hirap ng gusto niya sa lalaki.
Pagkabalik namin sa class zero ay nakita ko na agad si Kiryu at Kiran na as usual ay magkatabing nakaupo. "Long time no see, Jamie-girl!" Sigaw ni Kiryu. Kasalanan 'to ni Ace dahil siya ang nagbigay palayaw sa akin na Jamie-girl, eh. Lahat tuloy ng lalaki sa class zero ay ganoon na ang tawag sakin except kay Seven. Malamang, pambansang KJ ang isang iyon.
"Magkasama tayong nag-bowling kahapon." Sabi ko sa kanya dahil ang OA ng 'long time no see' niya.
"Well, I just make things exaggerated." Sabi niya sa akin at dumukot na naman ng pochi sa kanyang bag. "Gusto mo?"
"'Wag na, alam ko namang labag sa loob 'yang pag-aalok mo." Ngumiti ako sa kanya.
Pumasok si sir Joseph sa class zero. "Good afternoon class, welcome back!" Nakangiting bati sa amin ni sir at sumigaw kaming lahat. Halos two weeks din ang nakakalipas simula nung huling klase namin dito.
"Let's do some mission na, sir! We're excited na!" Sigaw ni Teddy na ikinatawa namin.
Ibinaba ni sir Joseph ang white slides at itinapat doon ang projector. "Are you ready for your next mission?" Sir Joseph asked.
"Sir Joseph say hi to my vlo--"
"Ace! No vlogging!" Suway ni sir kay Ace at dali-daling pinatay ni Ace ang camera niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na pribadong bagay 'tong pinag-uusapan natin."
Imbes na matakot kay sir ay natawa na lang kaming lahat. Grabe, na-miss ko 'to.
Sir Joseph cleared his throat bago sinimulang ang pagpapaliwang. "Sa two weeks na natigil ang trabaho natin sa class zero ay maraming bagay ang na-report sa akin tungkol sa mga kakaibang pangyayari. Gustuhin ko man na respondihan agad iyon ngunit hindi ko muna ginawa dahil pinatapos muna natin ang kanya-kanya ninyong exam." Paliwanag ni sir sa amin.
"Is it about lawbreakers? Black Organization?" Tanong ni Seven na prenteng nakaupo at nakapatong ang paa niya sa table.
"Yes. Pero this time, may mga taong may ability na gumagala na sa Pinas kagaya ninyo. Mukhang nagtatagumpay ang Black Organization sa pag-recruit ng mga taong may mga abilities kagaya ninyo." Mahabang litana ni sir Joseph sa amin. "So for your next mission, I will divide this class into 2."
"Ang isang grupo ay pupunta sa La Union upang i-check ang lugar at ang isa naman ay sa Ilocos Sur." Wow, palayo nang palayo ang mga lugar na pinupuntahan namin.
Ipinaliwanag sa amin ni sir na lahat kami ay kasama sa misyong ito.
Group 0.1 (La Union)
Jessica, Girly, Kiryu, Ace, Claire, at ako
Group 0.2 (Ilocos)
Seven, Minute, Teddy, Kiran, Roger, Mild
Okay din naman ako sa naganap na grouping dahil ka-close ko rin naman ang mga nakasama ko pero gustong-gusto ko rin kasi talagang pumunta sa Ilocos. Sa bagay, hindi naman kami pupunta doon para magbakasyon kun'di para labanan ang mga nanggugulong lawbreakers at mga taong kagaya namin ay may ability.
Hindi ko alam ang magagawa ko sa oras na makaharap ko si Edel. Sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya sa aking kaibigan.
sir Joseph smiled.
"Your mission will start... tomorrow so prepare yourselves."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top