Chapter 34: Aftermath
PAGKABALIK namin sa Merton Academy ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante, siguro marahil ay dahil na rin sa mugto kong mata at walang tigil na paghikbi. Hindi ko talaga maiwasang maiyak lalo na't wala akong nagawa sa sitwasyon, wala akong nagawa para iligtas si Casey.
"Girl, siguro pagod lang 'yang si Jamie. Ibalik na natin sa dorm niya," sabi ni Aris habang akay-akay nila ako. "Baka na-stress lang sa exam."
Napatigil sila sa paglalakad nung nagmamadaling naglakad sa direksyon namin si Mild. She held me on my shoulder at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Anong nangyari? Are you okay? Bakit ka umiiyak?" Pagpapaulan niya nang tanong.
"Hindi ko nga maintindihan si Jamie, eh," napu-frustrate na sabi ni Diana. "May pangalan siyang paulit-ulit na binibigkas, eh. Hindi naman namin iyon kilala." Dugtong pa niya.
Mild looked into my eyes at napansin niyang naiiyak muli ako. She held my shoulder. "Ako na ang bahala sa kanya. Thank you sa paghatid ninyo sa kanya rito sa Merton. Mag-ingat kayo pag-uwi." Paalam niya sa dalawa kong kaibigan.
"Girl, tawag ka kapag okay ka na, ha?" Bilin naman sa akin ni Aris.
How can I be okay? Nawalan lang naman ako ng isang malapit na kaibigan. Ang mas masaklap pa ay ako lang ang nakakaalala sa buong existence niya. Hindi ko inaaahan na sa ganitong bagay gaganti ang Black Organization, ang sakit.
Pagdating namin sa kwarto ko ay agad akong pinagpalit ng damit ni Mild. After kong lumabas sa CR ay nakaabang siya sa akin na nakaupo sa kama.
"Jamie, ano bang nangyari? Nag-aalala na 'ko para sa'yo," halata nga sa mukha niya ang pag-a-alala at parang naluluha rin si Mild habang pinagmamasdan ako. "Kanina sa Devil hour ay sinubukan namin tukuyin kung nasaan ang lawbreaker kaso nga lang ay wala kaming nakita. Ikaw ba, Jamie, nakaharap mo ba?" Tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita dahil naalala ko ang mga pangyayari kanina. Nagsimulang manginig ang ibabang labi ko dahil sa takot. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip ko kung paano sinaksak ni Edel si Casey at naglaho ito na parang abo. Naalala ko pa kung paano nawala ang kaibigan ko at wala man langa kong nagawa.
"I guessed you're still not okay," sabi ni Mild. She held my hand at ramdam ko ang init ng palad ng aking kaibigan. "Kung kailangan mo nang mapagkukuwentuhan, nandito lang ako. Magpahinga ka na." Inayos ako ni Mild sa kama.
Nakakagaan nang pakiramdam dahil kahit papaano ay iniintindi ni Mild ang sitwasyon at hindi ako pinipilit na magsalita. Pagkalabas ni Mild ay doon na isa-isang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"A-Ang hina ko," mahina kong bulong habang nakakuyom ang aking kamao. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa. Naiinis ako dahil ang hina ko.
"Casey, Casey, Casey..." Paulit-ulit kong sabi. Hindi ko magagawang kalimutan si Casey kahit pa ako na lang ang taong nakakaalala sa kanya.
Ipinikit ko ang aking mata at nakatulog na lang dahil sa sakit at pagod.
Nagising ako na nakahiga sa sahig ng mall. Sira-sira ito at walang katao-tao. Dahan-dahan akong bumangon hanggang makita ko si Casey na nakatayo sa harap ko.
"Casey... I am sorry," bungad ko sa kanya at patuloy ang pag-iyak ko.
Casey looked at me, mukha siyang dismayado sa akin. "Pinabayaan mo 'ko, Jamie. Hinayaan mo akong mamatay." Sumbat niya sa akin at wala akong magawa kun'di ang umiyak.
"Sorry, Casey, sorry," paulit-ulit kong sabi.
"Kasalanan mo 'to, Jamie," unti-unting naglalaho ang katawan ni Casey na parang abo. Sinubukan ko itong hawakan at kuahnin ngunit para tiong dumadaan lang sa aking kamay.
***
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mata. As I woke up, I just realized na hindi mo pala talaga pwedeng itulog ang sakit.
Napaginipan ko pa si Casey dahil sa konsensya ko. I am pretty sure na galit nga ang nararamdaman niya sa akin. "Kasalanan ko," sabi ko habang nakatingin sa aking kamay.
"Anong kasalanan mo?" Mabilis akong napabalikwas at napaupo sa kama nung may marinig akong boses. Tumingin ako sa gilid ng aking kama at nakita ko si Seven na prenteng nakaupo sa isang monoblock.
"P-Paano ka nakapasok dito? Bakit ka nandito?" Mabilis kong tanong sa kanya pero poker face lang na nakatingin sa akin si Seven. Kung paano siya nakapasok dito? Hindi ko alam.
"Balcony, tinalon ko," tipid niyang sagot. Umayos siya nang pagkakaupo. "Sabi ni Mild ay hindi ka raw makakapasok sa Class zero ngayon dahil masama ang pakiramdam mo."
Dinadalaw niya ako? Itinalukbong ko ang kumot ko sa akin dahil baka mapansin niya amg mugto kong mata. Ayoko nang mag-alala ang ibang tao sa akin. Hinablot ni Seven ang kumot at mabilis niya itong natanggal. "I already saw your eyes, wala ng dahilan para magtago pa." Paliwanag niya pa.
"Akala ko ba maayos mo naman nasagutan yung exam kanina?" Tanong niya sa akin.
I looked on Seven's eye, "umalis ka ng kwart--" hindi ko na natapos ang aking sinasabi nung biglang ipinikit ni Seven ang kanyang mata. Bakit ba ang kulit niya sa pagkakataong ito?
"I know you well, Jamie, alam ko kung kailan mo gagamitin 'yang kapangyarihan mo." Muli nang idinilat ni Seven ang kanyang mata. Umayos ng upo si Seven ar pumangalumbaba. "So, Jamie, anong problema?"
He looked at me seriously na para bang nag-aalala talaga sa akin. Gusto kong maging matapang sa harap ni Seven dahil ayokong magmukhang mahina sa harap niya ngunit kusang tumutulo ang luha mula sa aking mata. I want to say I am okay... I want to say that there's no problem at all. Pero hindi kayang magsinungaling ng mata ko.
"Tungkol ba 'to ka kay Casey?" He asked at napatingin ako sa kanya muli. "You're whispering her name while you are sleeping."
Bumaba ang tingin ko sa aking kamay. "Wala na siya, Seven... Nabigo akong protektahan ang kaibigan ko." Pagkukwento ko at nagsimula na naman akong humikbi dahil malinaw na malinaw pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari kanina. "Wala man lang akong nagawa para protektahan siya."
Ang mas masakit pa? Ako lang ang nakakaalala sa kanya. All of our friends forget her, nawala na siya sa alaala ng lahat.
"Talagang sinisimulan na ng Black Organization ang laban sa pagitan natin," napansin ko ang pagkuyom ng kamay ni Seven. Seven is the leader of Class zero, alam kong maiinis siya kapag may mga tao siyang bigong maprotektahan. "Why did they killed her?"
"They want to know kung alam ko raw ba kung nasaan ang Phoenix necklace,"
"Anong sinabi mo? Did you tell them the truth?" He asked.
Umiling ako at pinahid ang aking luha. "Hindi. Ayokong ipahamak kayong lahat. Ayokong gumawa ng desisyon na maraming tao ang madadamay. Pero iyon ang naging dahilan para patayin nila si Casey, pinatay nila si Casey dahil sa pagiging tikom ng aking bibig." Mahaba kong paliwanag sa kanya. Right now
"You just made your bravest decision," ngumiti sa akin si Seven at hinawakan niya ang aking buhok at ginulo. "Hindi ko masasabing tama ang naging desisyon mo dahil nawalan ka ng kaibigan pero gumawa ka ng desisyon na umaayon sa kaligtasan ng nakararami." Paliwanag pa sa akin ni Seven.
Did I made a right decision? I don't know, kung tama ang naging desisyon ko ay dapat masaya ako ngayon... pero hindi. Puro sakit ang nararamdaman ko lalo na't naaalala ko ang mga pangyayari kanina.
"Seven, gusto ko muna mapag--" naputol muli ang aking sasabihin.
Seven spread his arms na para bang hinihintay akong lumapit sa kanya. "Alam kong kailangan mo ngayon 'to, you don't need to act brave this time. Hindi ko alam kung mawawala ang kalungkutan mo rito pero this is the best possible way na alam ko para kahit papaano ay gumaan ang iyong pakiramdam."
Tumingin lang ako sa kanya, his warm smile, his smiling eyes, his comforting words... talagang nakakagaan ng loob.
Mabilis akong tumayo sa kama at yumakap sa kanya, doon ko iniyak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Thank you, Seven.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top