Chapter 33: Forgotten

MATAPOS na matapos ang exam ay nagsaya ako kasama sina Casey, Aris, at Diana. Ngayon lang kami ulit nakapag-bonding apat na wala sa loob ng campus. Naging busy rin naman din kasi ako sa mga activities sa class zero.

Pumunta kaming apat sa malapit na mall. "Anong sagot ninyo sa number 32?" Tanong ni Aris. Kahit naman nag magkaiba kami ng section ay pare-parehas lang naman ang in-exam namin lalo na't departmentalize ito.

"C," sabay-sabay naming sabi nina Casey at Diana. Natatandaan ko iyon dahil isa rin iyon sa mga tanong na nahirapan akong sagutin.

Bumuntong hininga si Aris. "B ang sagot ko," umakto pa siya na parang umiiyak. "Babagsak na 'ko mga 'te!" Bulalas niya na nakapagpatawa sa amin. It's really good na makapag-release ng stress kasama ang aking mga kaibigan.

"Pasok tayo doon!" Turo ni Casey sa isang boutique kung kaya't amin namang ginawa.

Nagtitingin-tingin kami sa loob hanggang sa mapadako kami sa mga under garments. "Oy mga 'te! 'wag assuming wala kayong mga dede, doon lang tayo sa baby bra." Sabi ni Aris at sabay-sabay namin siyang sinamaan nang tingin. "Truth hurts."

"Gaga ikaw nga 'di magkakasuso." sagot ni Diana sa kanya kaya't napatawa muli kami ng malakas.

Pagkalabas namin ng boutique ay nagtingin-tignin din kami ng movie na magandabg panuorin. We decided to watched a horror film dahil mas maganda iyon kapag barkada. Nakakatawa nga, eh, panay ang sigaw nina Casey at Diana lalo na kapag may suspense na part.

Pagkalabas namin ng sinehan ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko kung kaya't ni-check ko muna ito. Busy rin naman kasia ng tatlo sa pagkukwentuhan tungkol sa pinanuod namin.

Seven:
How's the exam?

Jamie:

Seven:
Yabang.

Jamie:
Ahha mabilis ko naman nasagutan yung iba then kampante naman ako na kahit papaano lagpas kalahati magiging score ko hehe.

"Jamie!" Tawag sa akin nung tatlo kung kaya't mabilis kong itinago ang phone ko sa aking bulsa.

"Ikaw, pa-secret effect ka pa. Nasilip naman ni Diana na si Seven yung ka-chat mo," may ngisi sa labi ni Casey habang nakatingin sa akin. "Ikaw, ha! May itinatago kayo ni Seven."

"W-Wala," umakbay ako sa kanila at sumabay sa kanilang paglalakad. "Kinumusta lang ni Seven yung naging exam ko," paliwanag ko naman dahil iyon naman talaga ang totoo. I am pretty sure ayaw lang ni Seven na bumagsak ako lalo na't siya ang nagtuturo sa akin.

"Ayiiie, bakit may kumustahan ng exam na nagaganap?" Sabi ni Aris.

"Alam ninyo, kung ano-ano ang naiisip ninyo. Halika na sa videoke-han. Kumanta na lang tayo. Marami pw tayong time." Aya ko sa kanila at umakyat kamis a fourth floor ng mall kung saan nandoon ang karaoke bar.

"Hoy Diana, kakanta tayo, ha? Hindi yung parang gagawin mong mini concert yung videoke-han dahil sunod-sunod na kanta ang ilalagay mo," reklamo ni Aris na nakapagpatawa sa amin ni Casey. "Nakakatakot kapag ikaw may hawak nung mic, eh. Hanggang maubos ang oras sa videoke-han, nasa iyo lang hanggang matapos."

"Oo na! One song at a time na lang ako!" Sabi ni Diana.

Nagulat na lamang ako nung biglang huminto ang takbo ng paligid. The music fr the mall, ang mainagy na mga tao, ang tunog sa paligid ay lahat ay tumigil.

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon-lingon sa paligid. Devil hour.

"Sinong nandiyan!?" Matapang kong sigaw habang paikot-ikot ang tingin ko sa paligid. Kailangan kong protektahan ang sarili ko lalo na't mag-isa lang akong Class zero na nandito ngayon sa mall.

Naalala ko ang sinabi sa amin ni sir Joseph kanina na kailangan naming doblehin ang aming pag-iingat lalo na't mas magiging agresibo ang Black Organization dahil sa pagkawala ng kanilang isang miyembro.

Nabigla na lamang ako nung biglang mabasag ang glass na bahagi na bubong ng mall. Iniharang ko ang aking braso sa aking mukha upang kahit papaano ay hindi ako masugatan ng mga bubog.

Isang babae ang unti-unting bumababa hanggang makatayo na siya ng dalawang metro na layo sa akin. Nakasuot siya ng itim na balabal na bumabalot sa buo niyang katawan. Nakita ko na ang cloak na iyon, suot iyon ng halos lahat ng Black Organization nung makasagupa namin sila sa Valenzuela.

"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito. Ang lambot ng ekspresyon ng kanyang mukha at hindi mo maiisip na miyembro siya ng isang masamang grupo. "Sa tingin mo ba ay palalampasin namim ang ginawa ninyo kay Lupin?" Tanong niya. Humakbang siya papalapit sa aking direksyon.

Akmang tatakbo ako paalis ngunit may parang sinabi siyang spell at my kung anong makapangyarihang bilog ang kumulong sa buo kong katawan. Napahiga akos a sahig at pilit kumakawala sa kung ano mang ginawa niya sa akin.

Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko magawang basahin ang tumatakbo sa kanyang isipan. "Pakawalan mo ako," utos ko ngunit apra bang wala itong epekto.

Mabagal ang hakbang niya tungo sa aking direksyon ngunit habang naglalakad siya ay palakas nang palakas ang kanyang prisensya. Unti-unting nagtayuan ang lahat ng balahibo ko at kinakabahan sa bagay na maaari niyang gawin.

"B-bakit hindi gumagana ang kapangyarihan ko?" Reklamo ko.

"Hindi ba't gumagana ang kapangyarihan mo kapag tumitingin ka sa mata ng ibang tao?" She waved her right hand in front of her eyes. "Ako si Edel, Bulag ako."

At this time, napagtanto ko na wala nga akong laban sa kanya. Hindi ko rin magagawang tumakbo dahil may kakaibang force ang nagkukulong sa katawan, paa, at kamay ko upang hindi ako makagalaw.

"Papatayin mo rin ba ako?! You have all the advantage here!" Sigaw ko sa kanya. Pinipilit ko na lang na tapangan ang aking loob kahit na alam kong anytime sa mga oras na ito ay maaari niyang kitilin ang aking buhay. Sana lang ay may dumating na kahit sino sa Class zero upang tulungan ako.

"Kapag pinatay kita ay parang pinutol ko na rin ang kasiyahan," sabi niya at nakatayo na siya sa mismong harapan ko. Naglabas siya ng isang matalim na kutsilyo. "Bakit hindi tayo magtanungan?"

Pinadaan niya ang talim ng kutsilyo sa aking pisngi, napapikit ako sa hapdi hanggang sa maramdaman ko na lang ang pag-agos ng pulang likido mula rito. "Pero hindi buhay mo ang nakataya dito,"

Napasinghap ako nung biglang itutok niya ang kutsilyo kay Casey. "Huwag! Huwag mo silang idamay! Wala silang alam dito!" Nagpa-panic kong sigaw lalo na't buhay na ng kaibigan ko ang nakataya sa pagkakataong ito.

Hindi ako takot mamatay. Takot akong mawala sila. "So tatanungin kita, Jamie, tama ba?" Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang aking pangalan. "Kapag nasagot mo ng maayos at tama ang tanong ko ay papakawalan ko ang kaibigan mo na walang kagalos-galos ni-isa sa kanyang katawan.

Nagpumiglas ang nguniy malakas ang puwersa na bumabalot sa katawan ko. She's really strong.

Itinutok niya ang talim ng kutsilyo sa leeg ni Casey. How I wish na nakakagalaw silang tatlo upang magawa nilang makaalis sa lugar na ito. "Here's the question, Jamie... Nasaan ang kwintas?"

Alam kong ang Phoenix necklace ang tinutukoy nila. Sasabihin ko na dapat na nasa amin ito ngunit naalala ko ang mga salita ni sir Joseph nung mga nakaraang araw na hindi namin dapat ipagsabi na nasa amin ang kwintas na hinahanap nila. Mas magiging malaking gulo kung mangyayari iyon.

Pero buhay din ng kaibigan ko ang nakataya dito. Isang kaibigan na tinanggap ako nung mga panahong walang gustong kumaibigan sa akin. They all adored me at maraming tawa na ang pinagsaluhan naming magkakasama.

Misyon o pagkakaibigan?

Isang mabigat na tanong ang dumating sa puntong ito.

"Inuulit ko, Jamie, nasaan ang kwintas?" Mas lalo niyang inilapit ang talim ng kutsilyo sa leeg ni Casey.

Nanginginig na ang ibaba kong labi dahil sa kaba. Naramdaman ko na lang din na na parang nanlalambot ang aking tuhod sa takot at hindi ko ito maigalaw. Sa totoo lang ay hindi ako natatakot kay Edel, natatakot ako sa bagay na maaaring gawin niya sa tatlong kaibigan ko.

"H-hindi ko alam. Wala akong ideya sa sinasabi mong kwintas," pagsisinungaling ko. She's blind. Hindi niya rin naman siguro malalaman kung magsinungaking ako lalo na't hindi niya nakikita ang ekspresyon ko.

Kung paano siya nakakagalaw ng maayos kahit bulag siya? Hindi ko alam.

"Jamie, isa pang pagkakataon, nasaan ang kwintas?"

"Hindi ko alam! Wala akong ideya sa sinasabi mo!" Napaiyak na ako dahil sa takot. Mas pinili kong magsinungaling, hindi ko ipapahamak ang Class zero.

Hindi ako gagawa ng isang desisyon na madadamay ang buong klase. Ayokong maging sanhi ng mas malaking gulo.

"Okay." Nabigla ako nung biglang itusok niya ang kutsilyo sa leeg ni Casey.

"Casey!!" Malakas kong sigaw habang nakikita ko ang katawan niya na unti-unting naglalaho na parang abo. "Casey! Casey!" Paulit-ulit kong sigaw sa pagitan ng aking mga hikbi.

"Isang simpleng tanong lang ngunit hindi mo nagawang sagutin ng maayos, Jamie." Sabi niya sa akin.

"Hindi ko alam ang tinutukoy mo, oo alam kong may hinahanap kayong kwintas pero hindi ko alam kung saan ito matatagpuan. Please, huwag mo nang saktan ang dalawa kong kaibigan." Masakit man sa loob ko ngunit nagmakaawa na ako sa mismong kalaban ko dahil sa puntong ito ay wala akong kalaban-laban sa kanya. She's blind at hindi ko mapapasok ang isip niya ng dahil doon, nakakulong din ako at nahihirapang gumalaw.

Umupo siya sa harap ko at ngumiti sa akin. "Okay, pero sa susunod na tatanungin kita, Jamie ay dapat may sagot ka na." Hinimas niya ang aking ulo. "You'd done a great job. Bigo kang mailigtas ang buhay ng kaibigan mo."

Tumayo siya. She snapped her finger at nawala ang mga puwersang pumipigil sa akin para makagalaw. "Magbabayad ka!" Malakas kong sigaw ngunit sa pagtayo ko ay wala na siya at muli nang gumalaw ang mga tao sa mall.

"Jamie," inalalayan ako ni Diana at Aris na makatayo.

"Bakit ka may sugat sa pisngi, girl?" Tanong ni Aris. "Hala! Bakit hindi ka makatayo riyan? Huwag na tayong tumuloy sa videoke-han, umuwi na tayo dahil mukhang na-stress ka sa movie na pinanuod natin." Sabi pa ni Aris at inalalayan niya ako.

"Nasaan si Casey?" Tanong ko at parang nagkakarera ang mga luha ko sa pagbagsak. Inalog ko ang balikat ni Diana. "Nasaan si Casey, Diana?" Tanong ko.

Parehas silang nagulat sa sinabi ko at nagkatinginan. "S-Sino si Casey? Okay ka lang girl?"

Sa puntong ito ay dumating na ang kinatatakutan ko, nakalimutan na nila si Casey. Nagtuloy ang buhay ng mga tao na para bang hindi siya nag-exist sa mundo. "Guys si Casey! Kaibigan natin si Casey. Alalahanin ninyo si Casey... huwag ninyo siyang kalimutan!" Napaupo na ako sa sahig at patuloy ako sa paghikbi. Napapatingin ang mga tao sa mall sa amin ngunit wala akong pakialam. "Alalahanin ninyo si Casey."

"Halika na, Jamie, bumalik na tayo ng Merton Academy, mukhang stress ka na." Sabi ni Diana at mukhang nag-aalala siya sa akin. Pero mas nag-aalala ako sa kanila dahil hindi nila magawang maalala ang aming kaibigan.

Hinawakan ko sa balikat si Aris. "Si Casey, naaalala mo siya 'diba? Huwag ninyo nan siyang kalimutan." Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.

"Naalala ninyo nung foundation week? Uhm... Sama-sama tayong nag-ikot no'n, bumisita pa 'ko sa booth ninyo. Eh yung sabay-sabay tayong kumakain kapag free time? Tapos yung pagre-review natin sa library kapag may exam. Guys, kasama natin si Casey, naaalala ninyo na?" Tanong ko sa kanila at sinubukan kong ipaliwanag sa kanila ng malinaw.

"Jamie ano bang nangyayari sa'yo, sino ba 'yang Casey na 'yan? Simula nang pumasok tayo sa Merton Academy ay tayong tatlo lang ang parating magkakasama," paliwanag ni Diana at napatango-tango si Aris.

Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll ng picture. Marami kaming litrato rito na magkakasama. Ngunit sa lahat ng litratong iyon... Nawala si Casey. Kaming tatlo lang nila Diana at Aris ang nandoon sa picture at ang lalapad nang ngiti sa aming labi. Wala... Wala akong pruweba na nabuhay si Casey sa mundong ito.

"Huwag... Huwag ninyo siyang kalimutan." Para akong bata na sobrang lakas nang iyak. Dinig ito sa buong mall. Kahit pababa na kami sa ground floor ay hindi ako tumitigil sa pag-iyak.

Ganito pala ang pakiramdam, ngayon ay napatunayan kong magpapatuloy ang buhay ng tao sa oras na mamatay ka sa devil hour. Ganito pala ang pakiramdam na mawalan ng isang kaibigan.

Sa puntong ito. Ako na lang ang nakakaalala na nag-exist si Casey. Sa puntong ito, nalaman ko ang sakit kung paano mawalan ng isang malapit na kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top