Chapter 32: Phoenix Necklace

MATAPOS ang ginawa naming pagre-review ni Seven ay maaga pa lang ay pina-excuse na kami ni sir Joseph sa mga klase namin para sa isang importanteng anunsyo. Alam ko na rin naman kung para saan iyon, tungkol iyon sa kuwintas na sinasabi niya na hinahanap ng Black Organization

"Good morning class," bati ni sir sa amin at pahikab-hikab akong bumati sa kanya. Wala pa akong masyadong tulong dahil anong oras na rin kami nakabalik ni Seven sa Merton Academy kagabi.

"May ilang bagay lang akong ipapaliwanag sa inyo. Matapos ang nangyaring misyon kahapon nila Seven, nabawasan na ng isa ang Black Organization. They managed to killed Lupin." Pumalakpak ang mga kaklase ko na parang natuwa sa anunsyo.

"Pero ibig sabihin lang no'n ay nagpasimula na tayo nang laban kontra sa Black Organization," dugtong pa ni sir Joseph at naging seryoso ang mukha ng bawat isa. "Sa nangyaring misyon ding iyon ay may mga natuklasan tayong bagay gaya na lamang nang naghahanap sila ng mga taong nakakagalaw din tuwing devil hour, they are seeking those people na may kakaiba ring abilities gaya ninyo."

Maaaring pinapagamit ng Black Organization sa masama ang mga kakayahan ng mga taong iyon o baka naman pag-eksperimentuhan din sila kagaya na lamang nang ginagawa nila sa mga lawbreakers. "At higit sa lahat, may hinahanap silang kwintas," may kinuhang maliit na box si sir Joseph sa kanyang bulsa na nakapukaw sa aming atensyon.

Sir Joseph slowly open the box at sumilay sa amin ang isang kwintas. Ang ganda nung disensyo nito, para itong may pakpak ng isang phoenix sa magkabilang gilid at may makinang na pulang bato sa gitna. "This is the Phoenix necklace, ang kaisa-isahang kwintas na natitira mula sa Altheria Academy."

Altheria Academy? Narinig ko na ang paaralang iyon, sinasabi nilang bago pa man din maging Merton Academy ang paaralang ito ay Altheria Academy ang unang tawag dito. Hindi ko alam na totoo pala ang sabi-sabi na iyon.

"Ang pula sa gitna nito ay naglalaman ng matinding enerhiya o kapangyarihan," paliwanag ni sir Joseph sa amin. "Na maaaring gamitin ng Black Organization laban sa atin. As of now, wala silang ideya na nasa atin ang kanilang hinahanap at wala tayong balak ipaalam ito dahil ang kwintas na ito ay bahagi ng kasaysayan ng ating paaralan." Mahabang litana ni sir Joseph sa amin at tumango-tango kaming lahat.

"Kapag nakuha nila 'yan sa atin, sir, anong mangyayari?" Halos sabay pang tanong ni Jessica at Minute. Maging ako ay naku-curious sa mangyayari.

"Hindi pa natin alam ang objective nila sa kwintas ngunit ang isa sa naiisip ko ay gagamitin nila ito para makalikha ng isang malakas na Lawbreaker lalo na't pinag-e-eksperimentuhan nila ito o kaya naman..."

Lahat kami ay naghihintay sa susunod na sasabihin ni sir Joseph. "Isa sa kanila ang gustong magsuot ng kwintas na ito upang mas lalong maging malakas. Ngunit iyan ang bagay na pipigilan nating mangyari. Hangga't nasa atin ang kwintas na ito ay nasa maayos itong pangangalaga."

Matapos magpaliwanag ni sir ay agad niya rin kaming ini-dismiss lalo na't may klase pa ang iba sa amin.

***

MABILIS na lumipas ang bawat araw, pansamantala rin kaming hindi binigyan ni sir Joseph nang activities sa Class zero para makapag-focus kaming lahat sa nalalapit na midterm. Nitong mga nakalipas na araw ay puro aral lang ang aking ginawa dahil baka kapag bumagsak ako sa exam ay tuluyan na akong tanggalin sa Class zero dahil sa hiling ng aming college dean.

"Matapos lang talaga 'to, magsasaya ako mga 'te," pabulong na reklamo sa amin ni Aris habang nag-re-review kami sa library.

"Oo nga," idinukdok ni Casey ang mukha niya sa lamesa. "Para bang puro codes at math formulas ang nasa utak ko ngayon."

"A-Ano bang hindi ninyo maintindihan?" Tanong ko sa kanila. Kahit papaano naman ay masasabi kong may alam na ako sa bawat topics sa midterm, tinutulungan din kasi akong Class zero na mag-review. They explained it to me in the way na mas madali ko itong maiintindihan.

"Talaga?" May ngiti na sa labi nilang tatlo.

Sinimulan na namin ang pagbubuklat sa mga textbooks at tinulungan ko sila. Kahit papaano naman ay nare-review ko ang sarili ko sa ginagawa kong pagtu-tutor sa kanila kung kay't hindi rin ako lugi. At isa pa, gusto kong pare-parehas kaming apat na pumasa sa midterm para wala kaming maging bagsak para sa susunod na sem.

Habang nagre-review kami ay napatigil ako sa pagtuturo nung may biglang tumabi sa kanang upuan ko. Napalingon ako kung sino ito... Si Ace. Ace smiled brightly to me and waved his hand.

"Hi, Jamie-girl," sabi niya sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Ace, kung plano mo na naman akong isama sa vlog mo, 'wag muna ngayon. Busy kami," sabi ko at itinuro ang mga notebook na nakakalat sa lamesa.

"Well, I can help." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Nakumpiska yung camera ko, wala akong magawa." Paniguradong sinubukan niya na namang mag-vlog sa loob ng classroom ng class zero kahit alam niyang bawal.

Napalingon ako kina Casey, Diana, at Aris. Para bang nangungusap ang mata nila kanina pa na ipakilala ko sila kay Ace, oo nga pala, crush nga pala nila si Ace.

"Ehem," I caught there attention. "Ace this are my friends, Casey, Diana, and Aris," I introduced. Kumaway si Ace at ngumiti, sa mga tao sa class zero ay masasabi ko naman talaga na isa si Ace sa pinaka-approachable. "And guys, this is Ace. Ang guwapong-guwapo sa sarili na member ng class zero." Pakilala ko.

"Wow, Jamie-girl, kailangan may pag-atake?" I chuckled.

Hindi naman ako binigo ni Ace dahil tinulungan niya akong review-hin yung tatlo. It is nice to see na nagiging magkaibigan din ang mga kaibigan mo. After an hour, Ace checked the wall clock in the library. "I gotta go, Jamie-girl. May klase pa 'ko," paalam niya at sinuot muli sa kanyang balikat ang bag.

"Ba-bye," paalam nung mga kasama ko at nagpaalam din sa kanila si Ace.

Pagkaalis na pagkaalis ni Ace ay naghampasan ang tatlo na para bang kilig na kilig. Pinatunog ng librarian ang bell kung kaya't napaayos muli sila. "Inspirado na 'kong mag-aral mga 'te." Sabi ni Aris at napabungisngis kami.

Ngayon, hindi ko na rin masyadong binabasa ang isip ng ibang tao. Natuto na kong kontrolin kung kailan lang ba dapat itong gamitin, I don't want to invade someone's mind dahil privacy nila iyon.

"Mag-bonding naman tayong apat pagkatapos ng exam," sabi ni Casey. "Ang tagal na nating hindi nakakapag-bonding simula nung naging busy si Jamie sa class zero." Um-agree naman ang dalawa.

"Karaoke tayo," suhestiyon ni Diana

"Pero plano kong umuwi sa amin pagkata--" naisip ko na tatlong araw naman ang ibibigay ng school na pahinga pagkatapos ng midterm exam, ano ba naman yung mag-stay ako rito ng isang araw, 'diba? "Okay lang sa'kin. Game ako."

Napagdesisyunan naming manuod ng movie at mag-karaoke pagkatapos ng exam.

***

Nag-unat-unat ako ng kamay atbraso matapos kong ma-solve ang huling equation sa aking papel. Sa wakas, tapos ko na rin ang lahat ng exam sa midterm. No more cramming nights at wala na ring pagpupuyat para sa pagre-review. "Are you sure about your answer, Jamie?" Tanong ni sir Pablo sa akin nung makita niyang magpapasa na ako. Si sir Pablo ang nagbabantay sa amin sa pag-e-exam.

"Yes, sir." Nakangiti kong sabi sa kanya at tinanggap ang pinapasa kong papel.

Iniligpit ko na ang mga gamit kong nakakalat sa lamesa at isinilid ito sa aking bag.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa room ay napasigaw ako. "Yes! Tapos na rin!" Malakas kong sigaw.

"Shhh! Jamie, may nag-e-exam pa," sermon sa akin ni sir Pablo.

"Sorry po." Pagpaumanhin ko at naglakad na ako papunta sa ground floor.

Pagkababa ko pa pang ay nadatnan ko am sina Casey, Aris, at Diana na nakaupos sa isang baitang ng hagdanan at hinihintay ako.

Nung makita nila ako ay ngumiti sila sa akin. "Tara na?" Tanong ni Diana sa akin.

Umangkla ako sa kanilang braso. "Let's go!"

———————

Just a fact, remember the necklace of Blade, Avery, and Parisa in Anti Hero? Melia combined all the necklace pieces para magawa ang phoenix necklace which contains a strong magic from all the members of Sol Invictus and Ixion.

Iyon din ang kuwintas na pinrotektahan ni Klein noong mapunta siya sa mundo ng mga tao sa Altheria: School of Alchemy. Sobrang inalagaan ni Mrs. evelyn ang kuwintas na iyon dahil galing pa ito sa mga ancestors nila (which is si Melia.)

The time line is: Anti Hero ▶️ Altheria: School of Alchemy▶️ Class Zero.

They are all stand-alone novel pero kapag binasa mo silang tatlo ay makikita mo ang connection.

Wala lang. skl. 😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top