Chapter 31: Review
MAG-isa lang sa faculty niya si sir Joseph, maliit lang ito pero masasabi kong organisado ang lahat ng mga bagay. May mga litrato ring nakasabit sa dingding, mga picture ng estudyante. Ang ibang litrato ay may drawing na mga stickman at may pangalan na nakalagay sa kanilang paanan.
"Sir, sino po sila?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga litrato.
Sir Joseph sighed. "Kagaya ninyo, dating batch sila ng special program..." Itinuro ni sir Joseph ang isang litrato na may tatlong estudyante at may limang drawing ng stickman na estudyante nakangiti, "this is my batch."
Doon ko napansin na kahawig nga ni sir Joseph ang isa sa mga estudyante. Naging miyembro rin pala si sir Joseph ng Class 0. Sa Merton Academy, every 5 years lang nagbubukas ang special program na ito... Kumbaga, hinihintay munang maka-graduate ang nga class zero members bago magbukas muli nang panibago.
"Nasaan na yung kasama ninyo, sir?" Tanong ko. Nagtutuloy-tuloy ang kuryosidad ko. "Bakit hindi rin sila nagtuturo dito?"
"Walo kaming nagsimula sa special program pero ang limang stickman sa litrato... they are all dead," ikinabigla ko ang sinabi ni sir. Hindi talaga madali ang buhay bilang Class Zero. "Ang limang iyon ay hindi na naka-graduate sa batch namin."
"Ibig sabihin no'n, sir..."
"Yes, namatay sila sa mga misyon." Nabakas ko ang lungkot sa boses ni sir Joseph. "That's the reason kung bakit may ilan sa inyong pinagbabawalan kong sumama sa mga misyon, hindi rin kakayanin ng konsensya ko kung may mawala sa inyo since I am your adviser."
Doon ko na-realize na baka natakot din si sir sa ginawa naming pagtakas ni Mild. Nakalimutan naming dalawa na may mga taong pwedeng maapektuhan sa mga magiging desisyon namin. "Sorry po, sir."
"It's okay, nakabalik naman kayo ng ligtas dito sa school." Dugtong niya pa at umupo na siya sa swivel chair niya at ako naman ay umupo sa upuan sa harap ng work desk niya.
Nagsimula na akong magpaliwanag kay sir kung ano nga ba ang nangyari sa misyon namin sa Bulacan. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa kwintas na hinahanap ng Black Organization at maging ang paghahanap nila ng ibang kagaya namin upang gamitin sa masama.
"Kuwintas?" Para bang nag-iisip si sir Joseph tungkol doon. At tumango ako bilang tugon.
"Nasa atin ang hinahanap nila." Sabi ni sir, hindi na ako nagulat dahil ipinakita na sa amin ni sir Joseph ang kuwintas na iyon at may kutob naman na talaga ako na iyon ang hinahanap ng Black Organization. Sir Joseph closed his notebook. "Bukas ko na ipapaliwanag sa inyo, Jamie, magpahinga na kayo."
Ang dami kong gustong itanong kay sir ngunit mas minabuti kong itikom na lang muna ang aking bibig. Alam kong balang araw ay magkakaroon ito ng kasagutan.
Tumayo ako. "Sige po, sir." Naglakad ako palabas ng kanyang faculty room.
Sumilip muna ako sa bintana ng hallway at pinagmamasdan ang mga estudyanteng nag-uuwian. "Buti pa sila, wala masyadong pinoproblema," mahina kong bulong sa aking sarili.
Akala ko dati, kapag miyembro ka ng Class zero ay nasa sa'yo ang lahat nang privilege, akala ko ay puro pasarap-buhay lang. Doon ako nagkamali, ibinibigay sa class zero ang mahihirap na gawain, and yet, kailangan pa nilang mag-aral mabuti.
"Hala, may exam pa nga pala!" Halos takbuhin ko ang hallway pabalik sa dorm room ko para mag-review, ilang araw na lang ang mayroon ako para makapag-review.
Kung tutuusin, pwede ko namang basahin ang isip ng matatalinong estudyante sa amin para malaman ang sagot, pero ayokong gawin. Tama si sir Joseph, mas masarap ang pagkapanalo kung pinaghirapan mo talaga ito. Mas masarap pumasa lalo na't alam mong nag-aral ka talaga.
Ilang oras din akong nag-review, hindi ko namalayan na alas-onse na pala ng gabi. Hindi pa ako kumakain. Hindi ko naman ponagsisihan dahil marami sa lesson ay naintindihan ko.
Naisipan kong review-hin ang isang math equation bago lumabas. Siguro ay pupunta na lang ako sa malapit na fastfood or convenience store para kumain.
Halos ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa isang equation na iyon pero hindi ko talaga siya maintindihan.
"Mukhang kailangan ko nang magpatulong," pagsuko ko. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung macha-chat pa 'ko ngayong gabi para pagtungan. Offline na ang kambal, hindi na rin online si Mild. Maging kanila Aris ay wala ng online.
Jamie:
Ace patulooong
Ace:
Sensya na Jamie-girl, nag-e-edit ako ng video for my next vlog.
Napabuntong hininga ako. Akala ko talaga nung una ay trip-trip lang ni Ace yung pagiging vlogger niya pero mukhang balak niya nang career-in ito.
Naghanap pa ako kung sino yung online pa and sakto! Online si Seven.
Jamie:
Seveeen
Seven:
?
Jamie:
Patulong naman, hindi ko ma-gets yung Harmonic na topic sa complex 😥
Seven:
Harmonic? It's easy.
You will just derive the given in repect of x and y and get the u(xx) and v(yy). Add mo yung dalawa, if the answer is equal to 0, then it's harmonic, if hindi 0 yung sagot ay not harmonic.
It's more on sentence construction since ipapaliwanag mo yung nakuha mong sagot. Tip lang, maayos na pag-construct ng sentence at mas malinaw, mas mataas ang points.
Jamie:
Ba't sa lecture ko nag-CRE pa?
Seven:
Harmonic conjugate?
Jamie:
Ano yon? 😭😭
Seven:
Nag-aaral ka ba talaga?
Jamie:
Nagle-lecture ako instead na makinig sa topic, eh. 'Hindi ko naman kaya mag-multi task. 😭
Seven:
Ganito pattern sa Harmonic Conjugate:
Kuhanin mo muna kung harmonic siya. Kapag na-prove mo na, i-CRE mo naman siya, then integrate mo with respect to x or y, depende sa gusto mo. Then equate. Makikita mo naman sa unang tingin kung mas madaling galawin yung X or Y, depende sa equation.
Jamie:
Ang gulo huhu.
Seven:
Ang hirap kasi magpaliwanag sa chat. 🙄
If you just listened to your profs, madali na lang pumasa, eh.
Jamie:
Pwede ka ba tonight? Plano ko kasi kumain, turuan mo na lang ako after.
Seven:
Sa chat mo pa lang mukhang desperado ka na, eh.
Where we will meet?
Jamie:
Yaaay!! 🎉
Sa main gate na lang
Seen.
Dali-dali kong kinuha ang jacket ko na nakasabit sa isang rack and lumabas ng dorm. Kinuha ko rin ang ilang notebook at textbook ko at isinilis sa isang maliit na bag. Pagkalabas ko pa lang ng dormitory ay naramdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin, napayakap ako sa sarili ko at itinuloy ang paglalakad.
Hindi ko alam pero tila ba naging habit ko na ang paglalakad ng gabi sa Merton Academy. Sobrang ganda lang sa gabi ng school namin lalo na't bukas na bukas ang ilaw ng bawat colleges. Malayo pa lang ako sa main gate ay namataan ko na ang isang lalaki na nakasandal sa pader at natatanglawan ng ilaw. He's wearing a black hoodie jacket and jogging pants.
"Ang tagal mo," reklamo ni Seven sa akin.
"Sorry naman, inayos ko pa yung gamit ko eh." Dahilan ko.
Nagpaalam kami sa tito boyet na siyang bantay na guard sa main gate. Ang sabi namin ay kakain lang kami at babalik din ng mga alas-dos ng madaling araw.
Naglalakad kaming dalawa papunta sa malapit na Jollibee dito sa amin. Tahimik lang kaming naglalakad, maririnig ang mga tahol ng aso sa paligid pati na rin ang mga maiingay na sasakyan na dumadaan.
"Ah, Seven," pagbasag ko sa katahimikan.
"Hmm?"
"Salamat nga pala dahil pinakiusapan mo si sir Joseph na huwag kaming parusahan this time. Akala ko talaga kanina ay mapapatakbo na kaming dalawa ni Mild sa field, eh." Paliwanag ko sa kanya.
"Malaki naman ang naiambag ninyo sa misyon, kung wala kayo ay baka wala kaming impormasyong nakuha," kung tutuusin, maliit na bagay lang iyon kaysa sa nagawa ni Seven na talaga namang nilabanan si Lupin. He outsmarted Lupin and in that way, natalo namin siya. "Ikaw, anong napag-usapan ninyo ni sir?"
Sumeryoso ang aking mukha. "Ang sabi ni sir ay nasa atin daw ang hinahanap ng Black Organization. Kapag nalaman ng Black Organization ito ay paniguradong tayo ang pupunteryahin nila."
Nakakatawang isipin na dati ay gusto ko lang makapasok sa Merton Academy para mag-aral... Ngayon, sangkot na 'ko sa isang malaking gulo.
"Nagsisimula pa lang ang gulo, Jamie, hindi papayag ang Black Organization na hindi makaganti sa atin lalo na't nabawasan sila ng isang miyembro. Kailangan nating doblehin ang ating pag-iingat." Paliwanag sa akin ni Seven at napatango-tango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
Nakarating kami sa malapit na Jollibee at kumain na dalawa. Dapat ay dito na lang kami magre-review pero nag-aya si Seven na sa Starbucks na lang daw namin gawin lalo na't hanggang dis-oras ng gabi naman iyong bukas. Isa pa, mas maganda rin ang ambiance doon kung kaya't pumayag ako.
Habang nagre-review ako ay bigla akong naisip kung kaya't napangiti ako.
"Paano mo maiintindihan ang mga tinuturo ko, parati kang lutang," reklamo ni Seven habang tina-tap sa lamesa ang kanyang ballpen. "Kapag ikaw ay bumagsak talaga, baka hindi ka lalo makasali sa mga activities sa class zero."
"May naalala lang ako," napakunot siya ng noo na para bang nagtataka kung ano yung naisip ko. "Napansin ko lang na ikaw parati ang nagliligtas sa akin sa tuwing nalalagay sa panganib ang buhay ko. Simula noong una nating nasagupa si Lupin, noong may sumugod na lawbreakers sa school, ngayon naman ay iniligtas mo ako mula sa parusa ni sir Joseph. Thank you, Seven."
"You should learn how to protect yourself, Jamie," nagbuntong hininga siya. "Hindi parating nasa tabi mo 'ko para paulit-ulit kang tulungan."
Ngumiti si Seven sa akin. "But I believe in your strength, ilang beses mo nang pinatunayan sa akin na malakas ka." Dugtong pa niya.
Ilang segundo ring nagtagal ang tinginan namin ni Seven hanggang siya na ang unang umiwas. "Iligpit mo na 'yang mga gamit, umalis na tayo. Dapat makita ko ang pangalan mo sa top 20 ng overall ranking sa CS para naman hindi masayang ang pag-uubos ko ng laway at tinta ng ballpen."
He stood up and putted his hands inside his jacket. Siguro iniisip ng iba na sobrang cold ni Seven. But no, he's really a warm type of person, kapag kasama ko siya ay kampante ako at komportable ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top