Chapter 30: Seize the day
Jamie
MATAPOS ang devil hour at ginawa naming pakikipaglaban, muling bumalik sa ayos ang lahat na para bang walang nangyari. Ang mga taong nadamay sa labanan, as usual, they are forgotten.
Nakatipon kami sa iisang kuwarto habang ginagamot ni Claire ang mga sugat na tinamo ng aking kasama. By just looking at them, alam kong hindi naging madali ang ginawa nilang pakikipaglaban. "Kung hinayaan ninyo akong tumulong agad, e'di sana inutusan ko na lang siya na--"
"Sa tingin mo ba ay ganoon kadali iyon, Jamie?" Tanong sa akin ni Seven habang ginagamot siya ni Claire. "Minsan nga ay hindi mo makontrol ng maayos ang ability. Paano kung nagkataon na hindi iyon gumana sa gitna nang labanan? Naisip mo ba ang magiging consequence no'n?" Napatahimik ako sa sermon ni Seven. Tama siya, maaari akong mamatay kung una pa lang ay nangialam na ako.
"Chill lang tayo," sabi ni Mild. "Tapos na, natalo na natin si Lupin."
"Wow. Laki ng ambag mo, ha," pambabara ni Kiryu habang ngumangata naman ngayon ng isang balot ng gummy worms.
"Manahimik ka diyan, hindi kita kausap." Mabilis na pambabara ni Mild at napangiti naamn ako. Seems everything is going back to normal... For now. Alam kong hindi papayag ang Black organization na hindi makaganti sa amin lalo na't nabawasan sila ng isang miyembro.
"May hinahanap silang kuwintas, eh, at may kutob ako na ang kuwintas na hinahanap nila ay ang kuwintas na hawak ni sir Joseph," sabi ni Teddy.
"Hindi lang 'yon," sabat ko at napatingin silang lahat sa akin. "Nagre-recruit din sila ng mga kagaya natin, those kids who has special abilities na nakakagalaw din tuwinv devil hour." Paliwanag ko. Kung magtutuloy-tuloy ang ganitong pangyayari ay nakakakaba ang magiging sunod na hakbang ng Black Organization.
"Kailangan ipaliwanag sa atin ni sir Joseph ng mas malalim ang tungkol sa kuwintas. Kung hinahanap iyon ng Black Organization ay ibig sabihin na makapangyarihan masyado ang kuwintas na iyon." sabi ni Seven sa amin.
Malalim na bumuntong hininga si Kiryu. "Hindi man lang tayo nakapaglibot dito sa Bulacan, marami pa namang magagandang historical places dito." Sabi niya sa amin.
"Puwede naman tayong maglibot bukas ng umaga bago tayo umalis." umiwas nang tingin si Seven at lahat kami ay natuwa sa kanyang sinabi. Well, ganito naman talaga si Seven, pagkatapos ng paghihirap ay hahayaan niya kaming mag-enjoy kahit papaano. He's rude, normal na yata iyon sa ugali niya pero iniisip niya pa rin ang kalagayan ng mga kasama niya.
Matapos gamutin ni Claire ang mga sugatan naming kasamahan ay nagpahinga na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito. It's all tiring for us, and yet, masaya naman kami sa naging resulta.
Mahimbing nang natutulog sina Claire at Girly, mukhang napagod talaga sila sa araw na ito. Ako, gustuhin ko man makatulog pero hindi umaayon ang diwa ko. Parating sumasagi sa isip ko ang mga nabasa ko sa utak ni Lupin, imbes na masagot ang ilang mga bagay ay tila ba mas nadagdagan lang ng ilan pang mga tanong. Sana lang ay masagot ang mga tanong na ito balang araw.
"Jamie," nagsalita si Mild na katabi ko sa pagtulog. "Gising ka pa ba?"
"Hmm..." Sagot ko, nakatagilid ako sa pagtulog at hindi nakaharap sa kanya.
"Alam mo yung rason kung bakit ako sumasama sa mga misyon? Gusto ko na ring malaman ang ability ko," nabigla ako sa biglang pag-o-open ni Mild. "Pero nakailang laban na... Wala pa rin, pakiramdam ko sa Class zero ay ako ang pinaka napag-iiwanan."
Nalungkot naman ako para sa kanya, patawa-tawa at ngiti lang siya pero sa totoo lang pala ay mayroon na siyang inggit na lumalago sa puso niya. Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa kisame. "Soon, malalaman mo rin ang ability mo. Hindi ka naging parte ng class zero para sa wala." Sabi ko pa sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at natulog na kaming dalawa. I don't know kung napagaan ko ang loob niya, jeez, I am really suck at giving advices to other people.
***
KINABUKASAN, alas-siete pa lang ay nasa resto na kami ng Malolos club royale para mag-almusal. Mabuti na lang at may free breakfast meal sila rito. "Ano bang nangyari sa mga batang iyan?" Curious na tanong niya habang hindi nawawala ang tingin niya kanila Seven na puro benda sa katawan.
"Nag-club po kami last night, napaaway lang po." Pagpapalusot ko.
"Naku, mag-iingat kayo sa susunod. Marami-rami ring gago rito sa lugar namin na parating naghahanap ng gulo." Paliwanag niya sa akin matapos malagyan ng ulam ang pinggan ko.
Umupo ako sa tabi nila Mild para mag-almusal. Mamayang ala-una ng tanghali ay aalis na kami rito sa Bulacan at babalik na sa Merton Academy. Buong umaga ay binigyan kami ni Seven nang pagkakataon na makalibot sa buong lugar, iyon ang dahilan kung bakit maaga kami nagising lahat.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. "Nagre-review ka ba?" Seven said out of nowhere, magaktabi kasi kaming dalawa sa pagkain.
Ngayon ko lang ulit naalala na sa pagbabalik namin sa Merton ay midterm exam na namin, and yet, nandito ako sa misyon at wala pa akong nare-review. "B-bakit kayo? Hindi rin naman kayo nagre-review."
"Duh? We just need to scan all our notes and madali na naming matatandaan ang lahat. If you just pay attention to your class carefully, everything will be a lot more easier." Si Girly na ang nagsalita at nagbitaw na lang ako ng buntong-hininga. Siguro sa pagbalik namim sa Merton Academy ay magre-review agad ako para sa exam para naman kahit papaano ay may masagot.
"Jamie," ang mahinang tinig ni Claire ang narinig ko. "Try to eat nuts while reviewing or pakanta mong review-hin ang mga notes, it will be a lot of help." Dugtong pa niya.
"Guys, bilisan ninyo kumain, excited na ako mag-ikot!" Parang bat an sabi ni Kiryu. Naapiling kaming lahat at mabilis na tinapos ang aming almusal.
Sumakay kami sa mini bus at si Teddy ang mag-drive.
Today, para lang talaga kaming turista dahil tapos na ang mga gawain namin. Sa Bulacan, karamihan ng mga touristspots nila ay ang mga matatandang churches nila.
Una naming pinuntahan ang Barasoain Church na halos 15 minutes away mula sa tinutuluyan namin. Nung makita ko ang simbahan ay talaga namang namangha ako. Yung old style niya ay para bang ibinalik ako nito sa panahon ng Espanya.
"Picture!" Malakas na sigaw ni Kiryu at inangat ang kanyang cellphone upang makapag-groupie kami.
Kiryu looked at his phone. "Alam ninyo, perfect na sana kaso itong si Seven ay hindi nakatingin sa kamera. Isa pa! Isa pa!" Sigaw niya at pumose ulit kami. Parang normal na teenagers lang talaga kami ngayon na ini-enjoy ang lugar.
"Ngumiti ka naman," sabi ko kay Seven at nagbitaw siya ng malalim na buntong hininga.
"Bakit ba 'ko pumayag na gawin ang bagay na 'to," mahinang pagmo-monologue ni Seven.
"1... 2... 3!" Bilang ulit ni Kiryu at muli kaming nag-pose.
Nag-ikot pa kami sa lugar attalaga naman na namangha ako sa aking nakikita. Ang maganda sa mga misyon na ginagawa namin, nakakapaglibot kami sa iab't-ibang panig ng bansa. Nakikita namin ang ganda ng Pilipinas, each provinces have a good tourist spots to offer, sana nga lang ay mas ma-appreciate ng mga Filipino ang ganda ng bansa natin bago sila tumungo sa iba't-ibang bansa para magbakasyon.
"Jamie," saktong paglingon ko ay nag-flash ang kamera ni Teddy.
"Hala! Hindi mo man lang ako agad sinabihan, hindi man lang ako nakangiti," reklamo ko na ikinatawa niya
"Ganoon nga yung mga shots na gusto kong kuhanan, yung genuine reactions lang. Each photo can tell a story," mukhang mahilig itong si Teddy sa photography dahil maya't maya ang pagkuha niya ng mga litrato.
Habang nag-iikot kami ay may isang oulubi na lumapit sa akin at inabutan ko naman ito ng singkwenta pesos. "Ayan, ha, ipambili mong pagkain 'yan," nakangiti kong sabi habang hinihimas ang kanyang ulo.
"Wow naman si Jamie, malaki ang puso." Tukso ni Mild sa akin at tinunggo pa niya ako na parang nanunukso.
"Buti pa si Jamie malaki ang puso. Si Girly malaki lang ang suso." Biglang sabat ni Kiryu habang ngumangata na naman ng walang kamatayang pochi.
"Hoy, sinto-sinto, may sinasabi ka ba!" Naghabulan ang dalawa sa lugar na ikinatawa namin.
Napalingon ako kay Seven at nakangiti rin siya. I am glad that he's also enjoying our stay here. Tama 'yan, huwag lang sa misyon ang focus niya. He also deserved a break.
Matapos namin pumunta sa church ay dumaan kamis a Starbucks para saglit na tumambay matapos no'n ay bumalik na rin kami sa Merton. Masasabi ko naman na nag-enjoy ako kasama sila.
***
PAPASOK pa lang sa school gate ay natanaw na anmin si sir Joseph na nakatayo sa labas ng gate, naka-krus ang mga braso nito na para bang kanina niya pa kami hinihintay.
"Hala kayooo," sigaw ni Kiryu. "Patay na kayo, Mild at Jamie. You will face the consequences of your action after ninyong bumaba sa bus na 'to," nagtataka na 'ko minsan kung bakit hindi nauubusan ng sweet foods itong si Kiryu. Like right now, he was eating a gummy worms... Again.
Huminto ang bus sa tapat ng school. Bumaba na silang lahat at kinausap si sir samantalang naghihilahan pa kaming dalawa ni Mild kung sino ang unang bababa. "Mild, mauna ka, plano mo 'to. Ikaw may idea nito," hinahatak ko siya.
"Ba't ako?" Ganti ni Mild at hinatak niya rin ako. "I asked you if you wanted to do it and you say yes--"
Naputol ang aming pagtatalo dahil hindi na namin namalayan na parehas na pala kaming nakalabas at nakaharap kay sir Joseph na kanina pa kami tinitingnan. "G-Good afternoon, sir," napalagok ako sa sarili kong laway. Kinakabahan ako sa kung anong pwedeng iparusa na ipagawa sa amin ni sir. Huhu.
Nauna nang maglakad papasok ng school sina Seven at bitbit na nila ang kanilang mga gamit, mukhang magpapahinga na sila dahil sa ginawa naming misyon.
"So, kayo ang dalawang matapang na babae na sumuway sa utos ko," seryosong nakatingin sa amin si sir Joseph at alam ko sa pagkakataong ito ay hindi namin siya madadaan sa mga biro. "Lalo ka na, Jamie, hindi lang ako ang sinuway mo kun'di ang utos din ng college ninyo."
"Sorry na po, sir," halos sabay namin sabi ni Mild. Yeah, we're sorry na tumakas kami pero paniguradong hindi naman kami nagsisisi dalawa na sumama kami sa misyong ito dahil maganda naman ang naging bunga nito.
"One month community service and twenty laps na ikot sa field,"
"Ahhh!" We both groaned dahil sa hirap nang pinapagawa ni sir.
"Hindi pa 'ko tapos," sabi ni sir, hala! May ipapagawa ba siya? Isu-suspend niya kaya ang mga activities namin as a class zero? "But because of Seven wished, hindi kayo mapaparusahan sa pagkakataong ito."
Nagkatinginan kami ni Mild at nagyakapan dahil sa tuwa, sabi ko na nga ba may puso pa rin talaga si Seven. Siya yung tipo ng kaibigan na ubod ng sungit pero may pakialam talaga. "Thank you sir!"
"Ito lang ang una't huling beses na palalampasin ko ang ginawa ninyong kalokohan, Jamie. Sa oras na tumakas ulit kayo, mas mabigat ang magiging parusa ninyo." Naputol ang pagsasaya namin dahil may halong pagbabanta na sa boses ni sir.
Kinuha na namin ni Mild ang mga gamit namin. "Jamie, sumunod ka sa'kin sa faculty 'ko," utos ni sir. "Kailangan mong sabihin sa akin lahat ng impormasyong nakuha mo. Tandaan ninyo, hindi porke't nakapatay kayo ng miyembro ng Black Organization ay panalo na kayo... no, simula pa lang ang lahat ng ito. Ang sumisiklab na laban mula sa Black Organization at Class zero ay nagsisimula pa lang."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top