Chapter 3: Different Treatment

Unang araw ko ngayon dito sa Merton Academy, suot-suot ko ang uniporme ng aming paaralan. Kulay puti ang sleeves nito na pinatungan na asul na coat, ang palda naman ay hindi lalagpas sa tuhod na para bang katulad sa mga anime na aking napapanuod.

Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, It's really cool, hindi ko akalain na matutupad ang pangarap ko na maisuot ang unipormeng ito. Ang huli sa lahat, isinuot ko na ang badge na patunay na kabilang ako sa class zero, parang phoenix ang korte nito na kulay ginto.

"Kailangan kong i-enjoy ang unang araw ko rito." sabi ko. Pinasadahan ko ang tingin ang aking kuwarto. Actually, malaki siya para sa iisang tao na nakatira lang dito. Pastel color na asul ang kulay ng dingding at naka-tiles na kulay puti ang sahig. May mini kitchen sa right side at may sarili rin itong banyo. Mayroon pang living room at malaki-laki rin ang kama.

Lumabas na ako ng dorm at naglakad papunta sa college of science. Ang first class ko is... Geometry. Hindi ko alam kung anong subject 'yon, pero ang astig pakinggan. Sana nga lang ay hindi masakit sa ulo.

Habang naglalakad ako sa hallway. Dito ko naramdaman na para bang kakaiba ako, lahat ng estudyante ay napapatingin sa akin kapag naglalakad ako. Hindi naman talaga sila sa akin nakatingin kun'di sa badge na nakakabit sa aking uniporme.

"Isa siya sa mga class zero. I bet she's smarter than us."

"Class zero, sabi nila mahirap daw makapasok sa special class na iyan."

Okay. Na-pressure ako bigla sa expectation sa akin ng ibang estudyante. Hindi naman ako matalino, baka nga nagkamali lang sila na nailagay ako sa class zero dahil kung tutuusin ay hinulaan ko lang naman talaga ang exam.

Pumunta ako sa college of science at sinalubong ako ni Nick. "Welcome to the college of science, Jamie. Ikaw lang ang kaisa-isang estudyante mula sa ating college ang nakapasok sa class zero." Puri niya sa akin.

"Ganito ba talaga ka-hot topic ang pagiging class zero?" Bulong ko sa kanya habang gina-guide niya ako patungo sa una kong klase.

"Of course, lahat ng privilege ay nasa class zero. All the foods that you will eat in cafeteria, it's free, mas mabilis din ang wifi connection ninyo kumpara sa amin, you have a big dorm room exclusively just for the class zero students, you can wear whatever you want. Lahat ng bagay na iyan ay magagawa o matatamasa ninyo for being part of class zero."

Hindi ko inaakala na ganito pala ka-espesyal ang mga estudyanteng kabilang sa class zero. "Wala namang espesyal sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit ako napabilang sa special class na ito. I am not smart, I am not athletic, ang plain-plain ko lang."

"But you just made it," ngumiti sa akin si Nick. "You know what; you should remove all your doubts. Magaling ka."

Parang ang bait-bait tuloy nang tingin ko ngayon kay Nick. Hindi ko inaakala na may mga tao pala talagang katulad niya. Mabait, matalino, humble, approachable, at may hitsura. He's one the proof that a perfect person do exist.

Nagpresenta si Nick na iikot niya ako sa college naming para maging familiar na ako sa lugar. Malaki-laki rin ang college of science dahil isa raw ito sa pinakamatatandang building sa aming university. Tatlong palapag ang building naming at sa harap nito ay may malalaking mga puno at mga upuan.

I checked my wristwatch. Halos alas-nueve na rin, male-late na ako sa first class ko. Masyado akong nag-enjoy sa pagtu-tour sa akin ni Nick. "Late na 'ko." I informed him.

He checked his watched. "Oh shit. I totally forgot that you still hasve a class." Sabi niya sa akin at napatawa naman ako. "Halika na, hatid na kita sa classroom mo. Basta if you need to ask something, nasa clubroom lang ako ng Math Society." Sabi niya sa akin.

Sa pagkasabi niya ng "Math" ay parang hindi ko na tatangkain na pumunta o madaan man lang sa lugar na iyon.

Pinagmasdan ko ang pinto na may nakalagay na 1-C. This is it, ito na talaga ang magiging simula ko rito sa Merton Academy. I am really looking forward for this day. "That's it. Pasok ka na." sabi sa akin ni Nick at naglakad na siya paalis.

Dahil nga late ako, may professor na nagtuturo sa akin pero sabi naman ni Nick ay huwag akong kabahan dahil may 15 minutes na allotted time para sa mga late. Kumatok ako ng ilang beses bago ko binuksan ang pinto.

Lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Humarap ang professor naming sa akin. "Bilang bago ka sa paaralang ito, you're late—" naputol ang sasabihin ng aking guro nung bumaba ang tingin niya sa badge na suot-suot ko. "Be seated. May bakante pang upuan sa dulo. I am Mrs. Perez, your Geometry teacher." Sabi niya sa akin.

"Sorry ma'am, hindi na po mauulit." sabi ko at yumuko. Naglakad ako patungo sa sinabing upuan ni Mrs. Perez.

"Siya 'yon! Kaklase natin yung nag-iisang estudyante sa CS na nakapasok sa class zero."

Marami pa akong mga bulong na narinig, for the first time, parang gusto kong tanggalin yung badge na nakalagay sa uniform ko. Hindi naman ganoon kasaya na nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko. I mean, yung followers ko sa twitter 72 lang, hindi ko naman ini-expect ng dahil lang sa badge na ito ay makakakuha ako ng maraming atensyon mula sa mga tao.

"You're Ms. Jamie Hernandez, right?" Tanong bigla ni mrs. Perez.

"Y-Yes ma'am."

"I have a high expectation to you. Be seated and I will now discuss the course syllabus." Sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung masasabi ko bang normal na araw 'to dahil kapag naglalakad ako sa hallway ay nasa akin ang atensyon ng lahat. Mabuti na lang ay in-orient pa lang kami ng mga teachers sa mga ita-tackle naming lesson, ang dami ngang ni-discuss na mga topic na pwede naming ma-tackle at ni-isa ay wala akong alam!

Mamaya pang alas-cuatro ang klase ko sa Class zero kung kaya't nakatambay ako mag-isa sa bench malapit sa fountain, buti na lang at may silong ito ng mataas na puno kung kaya't hindi masyadong mainit.

"Sabi ko ay maghahanap ako ng kaibigan dito sa Merton Academy pero sa maghapon ay si Nick pa lang ang nakakausap ko." Dahil siya lang naman ang nagtangkang kumausap sa akin. Nahihiya sa akin ang mga kaklase ko dahil pakiramdam daw nila ay hindi ko sila ka-level.

I sighed. "Miss may nakaupo sa tabi mo?" Tanong sa akin ng isang babae at nag-angat ako nang tingin sa kanya. She has a short hair na hanggang balikat lang at may malaking ribbon siya sa ulo na parang katulad kay Mini mouse, she also has a nice smile.

"W-Wala."

"Tabi tayo, ha!" sabi niya at umupo sa tabi ko. "I am Diana nga pala, freshie lang dito sa Merton Academy." Sabi niya sa akin, ang bubbly rin ng boses niya.

"Freshmen lang din ako." Sabi ko sa kanya.

"Wooow! Talaga?!" sabi niya. "Computer science?" Tumango muli ako at lumapad na naman ang ngiti sa kanya. "Anong section ka!?"

"1-C, ikaw?" Mukhang komportable siyang kausap ako.

"Sayang, akala ko pa naman ay magkaklase tayo, 1-A ako. But it's really nice meeting you." Sabi niya sa akin at bumaba ang tingin niya sa badge ko, sinubukan ko itong itago pero hinawakan niya ang badge sa dibdib ko at parang nahawakan niya na rin ang boobs ko kung kaya't medyo nailing ako.

"Wooow! Kasali ka pala sa special program? Class zero ka, ang astig mo!" sabi sa akin ni Diana. "By the way, wala kang boobs, parehas tayo."

"Mukha ngang malaki 'yang sa'yo eh."

"'Wag ka malinlang, girl, foam lang 'yan." Sabi niya sa akin at napatawa ako.

"Hindi ka naiilang sa akin, na kasali ako sa class 0? Sa klase kasi namin ay walang kumakausap sa akin, nahihiya raw sila sa akin." Kwento ko sa kanya.

"Naku! Kung magiging magkaklase tayo, tsi-chika-hin kita ng bongga. Tsaka ba't ako maiilang? Ang astig nga eh!" sabi niya sa akin.

Ang sarap kausap ni Diana, para siyang babaeng bakla na kausap at ang light niya kausap... sobra! Hindi ko napansin na malapit ng mag-alas-cuatro dahil sa kwentuhan namin dalawa. "Mag po-four na pala, kailangan ko nang pumunta sa klase ko sa Class zero." Sabi ko sa kanya.

"Ay sige, kailangan ko na rin umuwi, eh. By the way, add kita sa facebook. Accept mo 'ko baks, ha!" Bilin niya sa akin at sinukbit na niya ang bag niya sa kanyang balikat.

"Oo naman, chat-chat na rin tayo. Then compare natin schedule natin kung may parehas tayong vacant." Paalala ko sa kanya at nag-agree naman siya sa akin.

Naghiwalay na kaming dalawa at tumungo na ako sa classroom para sa class zero, nakabukod ang class zero sa mga building dito sa school. Nung nakaraang araw lang ay tinitingnan ko lang ang klaseng ito sa malayo dahil bawal akong lumapit that time, pero this time, kabilang na ako sa class zero.

I am really excited sa mga bagay na matututunan ko rito sa loob ng Class Zero.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top