Chapter 27: Brilliant Plan
ANG init-init! Halos tumagaktak ang pawis ko dahil dito sa plani ni Mild, akala ko pa naman ay mayroon siyang iaang napakagandang ideya. But she is Mild, she have an idea... A weird idea.
"Sorry guys, late ako!" Malakas na sigaw ni Kiryu habang naglalakad siya papunta sa direksyon noong mini bus na gagamitin nila for the mission.
"Ang dami mo naman yatang dala, dalawang maleta pa. Magmi-mission ka ba o lalayas ka na sa Merton Academy?" Dinig kong sabi ni Teddy sa labas.
Kung tatanungin ninyo ako kung nasaan kami... Nasa loob ng dalawang malaking maleta, nasa kabila si Mild. Talaga namang isinali niya pa sa kalokohang ito si Kiryu na mabilis naman nauto ni Mild. Naalala ko tuloy ang pangyayari kanina...
"Mild seryoso ka ba? Papagalitan lang tayo ni sir Joseph. Huwag na lang tayo sumama," pagtanggi ko habang nakatingin sa dalawang maleta.
"Seryoso ka ba, Jamie? Papayag ka bang hindi tayo sumama sa mga aksyon? Mami-miss natin ang bawat detalye tungkol sa Black Organization kung hindi tayo sasama!" Ayan na, sinisimulan na akong demonyohin ng babae na 'to. "Or kung ayaw mong pumasok tayo sa loob ng maleta... Pwede naman na mag-drive ako papunta sa Bul--"
"Hindi! Hindi! Mas magandang ideya 'yang maleta mo." Mabilis kong tanggi, juskolord! Mahal ko ang buhay ko, noong huling beses na sumakay ako na si Mild ang nagda-drive ay nagdelikado ang buhay ko.
"Pero sino naman ang magdadala nung dalawang maleta na 'yan?" Tanong ko.
Mayamaya ay lumabas si Mild at hatak-hatak niya na si Kiryu pabalik. "Whoah! Bakit ba madaling-madali ka? Nag-aayos na ako ng gamit ko para sa misyon." Paliwanag ni Kiryu.
"Kiryu, we have plan," sabi ni Mild at nagsimula na siyang ipaliwanag kay Kiryu na gusto nga namin sumama sa misyon na ito at siya ang tutulong sa amin upang masakatuparan ang aming binabalak.
"Hala kayooo," parang bata na sabi ni Kiryu. "Hindi ako payag! Paniguradong magagalit si sir Joseph kapag nalaman niya ang plano ninyo,"
"Kaya nga isisikreto lang natin, eh!" Napairap si Mild. Pinapanuod ko na lang silang dalawa na mag-discuss. "Ganito, bibigyan kita ng pera pasamahin mo lang kami."
"Okay, magkano ba ibibigay ninyo?" Lumaki ang ngisi sa mukha ni Kiryu.
"1,000."
"Higher,"
"2,500." Sabi ulit ni Mild.
"Kulang pa." Tila natutuwang sabi ni Kiryu dahil nakikita niya rin na naiinis niya si Mild.
"Hoy ang kapal mo naman! Tutulungan mo lang naman kaming makasama sa misyon na 'to, ang laki naman ng talent fee mo!" Naiinis nang sabi ni Mild at umupo sa kanyang kama.
"Ayaw mo? Sayang," it looks like Kiryu is teasing Mild. "Ang dami pa namang adventure doon. Malay mo, may member kami ng Black Organization na makasagupa--"
"3,000! Huling tawad." Sabi na, hindi makakatiis si Mild. She loves doing activity na malalagay sa peligro ang buhay niya.
"3k? Anong akala mo sa'kin? Cheap?"
Hindi na ako nakatiis at nagsalita na ako. "Isang balot ng pochi."
"Deal." Mabilis pa sa alas-cuatro an sagot ni Kiryu. Parang siraulo talaga 'to, tinanggihan ang pera kapalit ay pochi. Kung saan talaga masisira ang ngipin niya, doon siya.
And that's the reason kung bakit natuloy ang plano naming dalawa ni Mild.
"Eh bakit ba! First time kong sasama sa mission, eh. Puro chips lang laman niyan, 'wag kang mag-alala." Dinig kong sabi ni Kiryu. Hindi ko alam kung kakagatin nila ang walang kwentang plano na ito dahil sobrang obvious. Matatalino ang mga tao sa Class zero, alam kong mapapansin nila ito.
"Aalis na tayo. Hayaan ninyo siya kung ano ang gusto niyang dalhin." Nadinig kong sabi ni Seven at muli kaming ipinagulong ni Kiryu.
Wow. Hindi ko alam na kakagatin nila yung sinabi ni Kiryu na chips ang laman nitong dalawang maleta. Dahil malaki-laki ang loob ng mini bus at lima lang naman silaz ipinwesto ni Kiryu sa likurang bahagi ang dalawang maleta.
Ang init na sa loob! Pinagpapawisan na 'ko. Naramdaman ko ang pag-andar ng mini bus at mukhang paalis na kami sa Merton Academy. Grabe,Jamie, ano ba 'tong pinasok mo? Pero siyempre, wala nang atrasan 'to!
Nahirapan man ako sa paggalaw pero nagawa kong kuhanin ang cellphone ko na nasa aking bulsa.
Jamie:
Ang init na dito Mild 😭
Mild:
Tiisin mo, baks.
Mamaya makakalabas din tayo.
Jamie:
I didn't exepct na gagana ang plano mo.
Mild:
Duh. Genius 'to.
Wala ngang ibang nakaisip ng brilliant idea ko, eh. 🤩
Naputol ang aming pag-uusap nung marinig namin ang boses ni Seven sa labas. Hooo! Ang init!
"As soon as we arrive at Malolos, Bulacan. The first thing we will do is ilagay ang mga gamit natin sa hotel na binook sa atin ni sir Joseph," parati namang si Seven ang nagiging leader kapag may ganitong klaseng misyon. He's cold and doesn't talk that much pero iba maging leader si Seven. He organize everything mula sa pagdating hanggang sa pag-uwi and minsan hinahayaan niya rin kami magsaya... Kapag nasa mood siya.
"We will observe the place first. Pupunta tayo sa matataong lugar ng Malolos dahil doon kalamitang pumupunta ang mga lawbreakers. Saan ba ang matataong lugar rito?" He asked everyone.
"Sa bayan ng Malolos." Sagot ni Girly.
"Bulacan State University, there's more than 20,000 students at that school." Sagot naman ni Teddy.
"At the malls." Dinig kong sabi ni Kiryu.
"Mismo, pupuntahan natin ang lahat ng lugar na sinabi ninyo. We will be divided into 3 groups na pupunta sa mga lugar na iyon," nagkaroon ng saglit na katahimikan at nagtaka naman ako. "Kayong dalawa, hanggang kailan ninyo balak magtago?"
Bigla akong kinabahan kung kami ba ang tinutukoy
"Did you guys think that we're dumb para hindi malaman na nasa maleta kayo?" Biglang sabi ni Girly and thats's the sign na alam na nila. Sana lang ay hindi nila kami isumbong kay sir Joseph. Huhu. "This plan is sooo obvious, sinong tanga ang magdadala ng dalawang maleta kung halos dalawang araw lang naman mag-i-stay sa Bulacan? Si Kiryu! Si Kiryu lang."
Binuksan ni Kiryu ang maleta kung kaya't nakalabas kaming dalawa ni Mild. Basang-basa kami ng pawis dahil sa init. Hooo! Fresh air! I need fresh air.
"So why did you guys join?" Sabi ni Seven habang iwinawagayway sa harap namin ang cellphone niyang naka-dial ang number ni sir Joseph at anytime ay matatawagan niya na ito.
"We want to dig more about Black Organization," ako na ang sumagot dahil baka kung ano pa ang sabihin ni Mild. Mahirap na.
"Jamie, as much as I remember ay suspended ka sa mga activities ng Class zero dahil sa mababang marka mo sa ilang subjects." Oo na, pabagsak na 'ko. Kailangan ipamukha?
"Uhm... I can manage? I can do a mission and study at the same time." Pagmamayabang ko.
"Okay. Hahayaan ko kayong dalawa na sumama sa misyong ito," napatalon-talon kami sa tuwa ni Mild. "Pero sasabihin ko pa rin ito kay sir Joseph. You just violated a rules at maghanda kayo sa punishment sa pagbalik natin ng Merton." Nawala ang ngiti sa labi namin ni Mild. Knowing sir Joseph, mukha lang siyang mabait pero mabigat siya magparusa.
"Okay." Malungkot na tugon namin ni Mild at umupo sa mga seats.
Muling nagpatuloy si Seven sa kanyang sinasabi. Sumatutal ay pito kaming kasama sa misyong ito. Ako, si Mild, Seven, Claire, Teddy, Kiryu, at si Girly.
After Seven discussed, uupo na sana ako ulit sa tabi ni Kiryu at Mild pero tinawag ako ni Seven. Knowing this man, paniguradong sesermunan niya na naman ako.
"Oo na," pinangunahan ko na siya. "Mali 'tong ginawa 'ko pero gusto ko talaga sumama sa misyong 'to." Dugtong ko pa. Nagmalungkot na boses talaga ako para hindi ako masyadong mapagalitan ni Seven.
Tiningnan niya ako. "Buti naman na alam mong mali ito. Paniguradong mapapagalitan ka ni sir dahil ini-request pa naman ng Dean ng College ninyo na ipatigil muna ang activities mo sa class zero." See? Na-guilty na nga ako, hindi pa rin siya nagpaawat sa sermon niya, eh.
"Notebook." Sabi niya sa'kin.
"H-Ha?" Naguguluhan kong tanong.
"Notebook. Rereview-hin kita habang nasa biyahe." Sabi niya pa sa akin at unti-unti ng sumilay ang ngiti sa aking labi. Sabi ko na nga ba, may puso pa rin itong si Seven, eh.
"W-Wala akong dalang gamit," sagot ko. Wala ako masyadong nadala na gamit buko dsa mga damit ko dahil pinagkasya nga namin ni Mild ang sarili namin sa maleta.
Seven sighed. "Kuhanin mo yung textbook sa bag 'ko. Idi-discuss ko sa'yo ang maaaring mga lumabas sa midterm exam." Mabilis naman akong kumilos para gawin iyon.
Umupo ako sa tabi niya. Ipinaliwanag nga sa akin ni Seven ang mga possible na tanong or similar questions na maaaring lumabas sa exam. He explained it to me in a way na maiintindihan ko siya agad. He used common words at hindi pinapahirap ang mga equation. Step-by-step niya rin itinuro ang kada-procedures and at the same time ay tinuruan niya ako ng mga shortcuts.
Hindi din naman naging ganoon katagal ang biyahe namin since malapit lang ang Bulacan sa Maynila. Sa Malolos Club Royale kami nag-stay. Pagkababa pa lang namin ng bus ay namangha na ako sa lugar.
Blue at white ang kulay halos ng lugar at may pool area din kagaya nung pinag-stay-an namin sa Pampanga. The best talaga si sir Joseph sa pagpapa-book ng lugar na mapagpapahingahan namin.
"You have an hour para mag-ayos ng mga gamit ninyo. Magkita-kita tayo sa baba after." Seven said at naglakad na kami patungo sa room nila Girly. Since sabit nga kami ni Mild dito, makiki-room kami kay Girly at Claire.
Our second mission will start here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top