Chapter 26: Suspended

BAGO ako matulog ay napagdesisyunan kong i-chat si Seven dahil nakalimutan kong magpasalamat sa kanya. Kung hindi dahil kay Seven ay hindi ko naman malalaman na kapag ginamit ko ang kapangyarihan ko sa mas mautak na paraan ay mananalo ako.

Jamie:
Seven, thank you kanina.

Seven:
?

Jamie:
Sa kanina, sa pagbibigay mo ng tips.

Seven:
Like what I think na nabasa mo, may maganda kang ability hindi mo lang alam ang tamang paggamit. Dumbass.

Jamie:
Malay ko ba! Tigilan mo nga pagtawag sa akin ng dumbass! 🙄

Seven:
Idiot.

Uso kasi pumunta sa library at magbasa-basa ka ro'n para naman mas lumalim ang kaalaman mo sa ability mo.

Jamie:
Hindi ka ba excited bukas? bukas na ang second mission natin!

Seven:
At sana hindi ka kasama.

Jamie:
Buwisit ka! Napakasama mo sakin hayup ka.

Inilagay ko na sa gilid ng kama ang cellphone ko at ibinagsak ang aking katawan sa kama. Nakakapagod 'yong araw na 'to pero at the same time ay maraming bagay akong natutunan. I learned that I can order someone to do something, kailangan ko lang practice-in para mas ma-perform ko nang maayos.

***

KINABUKASAN, naghahanda na ako para sa pagpasok ko sa school. Back to normal na ang lahat at nagkaklase na ulit kami. Umagang-umaga ay binulabog agad ni Mild at dito na nakikain. "I am so excited for the next mission!" As expected, gustong-gusto ni Mild yung mga ganyan. Yung adventure.

"Saan naman kaya tayo makakarating para mapuksa ang lawbreakers na 'yan?" She asked bago sumubo ng cereals na kinakain namin.

"Sa tingin mo talaga isasama ka ni sir sa mission?" Tanong ko sa kanya. "Hindi mo pa nga nalalaman ang ability mo, eh." Paliwanag ko pa sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa lumalabas ang ability ni Mild. Mas matapang pa nga sa akin ang babaeng ito at mas physically fit.

"Isasama ako ni sir," kampante niyang sabi. "Wala man akong powers, maabilidad ako, mautak ako, pwede akong gawing pain sa mga mission dahil wala akong kinatatakutan. Ang dami kong bagay na kayang gawin!" Umakto pa siya na parang macho na akala mo naman talaga ay may msucle. Halos magkasingpayat lang naman kaming dalawa.

Hindi na lang ako nagsalita but I am really hoping na sana ay hindi kasama si Mild sa misyong ito. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, ayoko lang siyang mapahamak. Hindi biro kalabanin ang mga lawbreakers and ayokong may mangyaring masama kay Mild lalo na't hindi niya pa nalalaman ang ability niya.

Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa kama. "Papasok ka na?" Tanong ni.Mild habang nakaupo at kumakain. Nakataas pa ang kanyang paa at parang at home na at home.

"Oo. Terror prof namin ngayon, bawal ma-late," I informed her at napatango-tango siya. "Ikaw na ang magsara ng pinto, Mild. Lock mo na lang." Bilin ko sa kanya at nag-okay sign naman siya.

Pagkalabas ko ng dormitory ay ang dami kong estudyante na nakakasalubong. Back to normal na ang mga estudyante rito sa Merton Academy lalo na't tapos na ang foundation week.

Habang naglalakad ako ay maraming mga estudyante ang bumabati sa amin lalo na't nanalo ang Class zero sa foundation week. Nginingitian ko sila pero sa totoo lang ay hindi ko magawang maging masaya sa pagkapanalo namin lalo na't hindi naman kami lumaban ng patas. That trophy doesn't have value at all.

Papalapit na ako sa college namin nung makita ko si Diana. "Diana," tawag ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin. Humabol ako sa kanya para masabayan siya sa kanyang paglalakad.

"Ang aga mo naman yatang pumasok ngayon, 'di ba mamayang tanghali pa ang klase ninyo?" Alam ko ang schedule nila dahil nagpalitan kami.

"May meeting kami sa club, eh," napakunot ako ng noo dahil hindi ko alam na may club pala siyang sinasalihan. "Ay oo nga pala, hindi ko pa naikukuwento sa'yo, sumali ako sa isang club last week. Maybe you should join dahil bagay ka rin doon." She happily said. Mukha naman nag-e-enjoy siya sa sinalihan niyang clun

"Ano namang klaseng club 'yan? Academic? Sports? About music? Or about art?" Tanong ko sa kanya.

"Samahan ng mga flat. Flaternity." Pagmamayabang niya sa akin ay nawala ang ngiti sa aking labi. "Basta hindi tataas sa cap B ang size ng bra mo. Pasok ka sa club na 'to!" Kwento niya pa at naaptawa naman ako. Hindi ko inakala na may ganoong klaseng club na mag-e-exist sa school namin.

Kaya pala niya sinabing bagay ako sa club na 'to. Flatchested din ako.

Nagkuwento lang si Diana sa club na sinalihan niya at mukhang nag-e-enjoy naman siya doon kung kaya't masaya rin ako para sa kanya. Pero wala akong balak sumali sa flaternity kahit pa pilitin niya ako.

Naghiwalay na kami ni Diana pagkaakyat namin sa second floor ng college namin upang pumasok sa kanya-kanya naming classroom. Pagpasok ko pa lang sa classroom ay nabigla ako sa biglaang pagpalakpak ng mga kaklase ko.

"Congrats, Jamie!"

"Ang galing mo sa quizbee!"

They are all happy with my achievements at napangiti ako. Hindi ko man lang magawa na maging proud na nanalo ako sa quizbee dahil kung wala naman si Seven doon ay hindi naman talaga ako mananalo.

Naputol ang aming pagkukwentuhan nung pumasok na sa classroom si Ms. Madrigal-- ang pinaka-terror na teacher dito sa college namin. She just transferred here last year pero kinatatakutan na siya ng mga estudyante. Napaayos kami nang pagkakaupo at katahimikan ang bumalot sa paligid.

"Good morning class," bati ni Ms Masrigal sa amin. "Good morning, pipe ba ang tinuturuan ko?"

"G-Good morning ma'am." Hindi namin sabay-sabay na tugon.

"Next week na ang midterm exam ninyo After ninyong magsaya sa Foundation week, you have a week preparation para maghanda sa mga exams ninyo. You guys better study well, mukhang madaming babagsak sa section ninyo," Napakagat ako sa ibabang labi ko. Well, ang bababa ng score ko kay miss Madrigal lalo na't hindi ko naman ginagamit ang ability ko para mangopya.

"Lalo ka na, Jamie, hindi porke't nasa Class zero ka ay hindi mo na seseryosohin ang subject na tinuturo ko. I know that you are smart, ipakita mo." Hamon niya sa akin at kinakabahan talaga ako kapag magkadikit na ang kilay ni miss Madrigal dahil parang anytime ay magbubuga na ito ng apoy.

"Okay, I will now discuss the last topic, get your handouts. Kasama 'to sa magiging exam."

Sobrang nakinig talaga ako sa klase ni miss Madrigal pero sadyang walang pumapasok sa isipan ko. This is the reason wht I hate Math! Dahil ayaw niya rin sa'kin. Nagliligoit na ako ng gamit ko at handa na ako pumunta sa Class zero, excited na 'ko sa next mission na ibibigay ni sir Joseph. I am hoping na kasama ako sa mga estudyanteng makakasama sa misyon.

"Jamie," tawag sa akin ni miss Madrigal habang naglalabasan na ang mga kaklase ko. "Can I talk to you for a minute?"

Napakagat ako sa ibabang labi ko at may kung anong tumakbo sa isipan ko habang naglalakad ako tungo sa direksyon ni ma'am.

"Ang bobo-bobo mo! Class 0 ka pa naman!" Tapos iuuntog ako ni miss Madrigal sa Whiteboard.

Napailing ako. Mag-aaral na talaga ko next time. huhu.

"Y-Yes po, ma'am?" Magalang kong tanong.

She sighed. "Honestly, I am not happy with you performance in my class. Ang bababa ng mga scores mo. Tell me, do you have any problem? Nabu-bully ka ba?" Tila naging malumanay ang boses ni ma'am at naging malambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Umiling-iling ang ulo ko kasama ang kamay ko. "H-Hindi po ma'am, nahihirapan lang po ako sa lesson. Hindi ko naman po sinasabing hindi kayo magaling magturo, medyo mabagal po talaga ang utak ko sa pagso-solve ng problems analytically. Ako po yung may pagkukulang." Pag-amin ko.

"Jamie, I know that you are a smart student. I just hope na mahatak mo ang score mo pataas sa midterm and finals." Paliwanag sa akin ni miss Madrigal. "Ipinaliwanag ko na rin kay Dean ang naging sitwasyon mo and he decided na hindi ka muna magpapa-participate sa kahit anong activity sa class zero para makapag-focus ka sa academics mo."

Tila nabingi ako sa sinabi ni ma'am. "P-Po? Hanggang kailan po?"

"If you manage to get a high score in midterms, magko-continue na ulit ang activity mo as a member of that special program. Maliwanag ba?" She explained at wala na akong nagawa kun'di tumango.

Lumong-lumo ako lumabas ng classroom. Kasalanan ko rin naman pero ibig sabihin nito ay hindi ako makakasama sa misyon ngayon.

Seven:
Sir Joseph sent us the news.

Told yah, di ka makakasama. 😃

Jamie:
Saya mo ah. 🙄

Seen.

"Buwisit ka, Seven. Buwisit ka." Para akong tanga na sinisigawan ang aking phone. Papasok na lang din ako sa class zero para malaman ang magiging misyon.

***

PAGDATING ko sa classroom ay nandito na silang lahat. Ako na lang ang wala. "Sayang Jamie, hindi ka na makakasama. Bagsak pa more." Hindi ko alam kung naaawa si Kiryu o nang-aasar.

Pumasok si sir Joseph sa room. Inayos niya na agad ang projector at ikinabit ang HDMI sa kanyang laptop. "I will now explain your second mission, Class zero. And Jamie, as your college request, hindi ka muna makakasama sa mga activities ng Class zero."

Sige lang sir, i-announce mo pa. Hindi nakakahiya.

"Yes sir." Lumo kong sagot.

"Our second mission is sa Bulacan. Malolos, Bulacan. There are some reports about weird incidences in the place katulad na lamang na pagkasunog ng isang establisyimento malapit sa municipal hall nito. Mayroong ding mga taong nawawala. We don't have any concrete evidence kung may kinalaman ang Black organization dito but I want you guys to check out." Tuloy-tuloy na paliwanag ni sir Joseph.

Nagja-jot down notes ang mga kaklase ko habang mas maiging ipinapaliwanag ni sir ang tungkol sa misyon.

Bigla-biglang nasusunog na establisyimento? Hindi kaya may pyrokinesis ability rin ang gumagawa no'n kagaya ni Kiran?

Ba't ba ako naku-curious? Maiiwan naman ako sa Merton Academy para mag-aral.

"Ang mga estudyanteng kasama sa misyong ito is si Girly, Claire, Teddy, Seven, and Kiryu."

"Sir, isama ninyo na 'ko!" Nagtaas ng kamay si Mild.

"No." Mabilis na tanggi ni sir.

Natapos ang pagpapaliwanag ni sir at naglabasan na ang lahat. Lumapit sa akin si Mild at sabay akming naglakad pabalik sa dormitory.

Pagbalik ko sa kwarto ko ay katakot-takot na bilang ng math textbooks ang babasahin ko. Goodluck to myself. Mukhang math formula ang magiging cause of death ko.

"Jamie," tawag sa akin ni Mild. "Gusto mo bang sumama sa misyon?" She asked at tumaas-baba ang kilay nuya habang may ngisi sa kanyang labi.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni sir? Bawal ka then suspended naman ako sa mga activities ng class zero." Paliwanag ko sa kanya.

"Sagutin mo na lang. Oo o hindi?"

"Syempre gusto pero--"

"I have plan. Magtiwala ka sa'kin." Mild tapped my back at palukso-luksong bumalik sa kanyang kwarto. This girl, ano na naman kaya ang kalokohan na binabalak niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top