Chapter 23: Winning without cheating


DUMATING ang araw ng Foundation week. Ang kulay ngayon ng paligid sa Merton Academy. May mga banderitas, stalls, mayroon ding marching band na nag-iikot sa paligid, may market area din sa may park. Open ngayon ang lugar sa mga taong gustong pumasok kahit hindi estudyante ng school kung kaya't ang dami talagang tao.

"Ang ganda ng school ngayon, 'no!" Sabi ni Mild habang nag-iikot kaming dalawa kasama si Kiryu. Parehas silang nakasuot ng 'Happy 110th anniversary' na headband. Ibig sabihin ay 110th years na ang nakakalipas simula nung maitayo ang Merton Academy.

"Sinabi mo pa!" Sabi naman ni kiryu. "'Diba ngayon na yung laro ng Volleyball nina Ace?"

"Oo nga! Tara sa activity center, panuorin natin yung mga taga-Class zero!" sabi naman ni Mild at hinatak na naman niya kaming dalawa.

Ngayon din kasi gianganap ang sport fest at nag-insist talaga si Ace na mag-participate kaming lahat sa mga activities. Isinalang ako nila Ace sa quiz bee na gaganapin mamayang alas-tres ng tanghali. Sinali nila si Girly sa punching machine game, at kung saan-saan pa sila sumali. Pero ang unang game ngayong araw ay Volleyball boys kung saan sina Ace, Seven, Kiran, Teddy, Roger, at Kiryu. Hindi ko nga alam kung bakit kasama namin si Kiryu sa paggagala, eh.

"Hoy Kiryu! Kasali ka sa volleyball doon, ha!" Bilin ko sa kanya. Paniguradong mabi-beastmode na naman ang kakambal niyang si Kiran dahil sa ginagawa nito.

"Ha? Nandoon naman ako," depensa niya sa kanyang sarili.

"Paanong nando--" naputol ang aking sinasabi nung bigla kong naalala kung ano ang ability ni Kiryo. "Huwag mo sabihing nag-send ka ng clone sa Activity center para makapaggala."

"Mismo!" He proudly said at piningot naman siya ni Mild. "Ah! Aray! Masakit ano ba!"

"Kailangan mong bilisan siraulo ka! Kapag may nakaalam nang ginagawa mong kalokohan ay paniguradong mayayari ka kay sir Joseph." Bilin sa kanya ni Mild.

Pagdating naman namin sa Activity center ay mabilis ding nawala ang clone an ginawa ni Kiryu kung kaya't walang nakapansin. Ang daming tao ngayon sa activity center. Engineering at Class zero ang maglalaban. Maraming tao ang nandito dahil gusto nilang makita kung paano maglaro ang Class zero.

"Excuse me... Excuse me..." Paulit-ulit naming sabi ni Mild ngunit anong try talaga namin ay hindi kami makapunta sa harap para makanuod.

"Mild, mukhang hindi tayo makakanuod dahil sa dami ng tao." Sabi ko sa kanya. Imposible nang makaupo kami

"Watch me, minsan talaga kailangan nating ipakita na superior tayo." Tumaas-baba ang kilay sa akin ni Mild and this time, batid ko nang may pinaplano siya.

"Tumabi kayo!" Malakas na sigaw ni Mild kung kaya't napabaling ang tingin sa kanya ng mga tao. "We're from class zero." Pagmamayabang niya at habang naglalakad kaming dalawa ay nahahawi ang mga tao sa dinadaanan namin.

"Hayop ka, Mild," mahina kong bulong sa kanya. Paniguradong magiging labas nito sa ibang tao ay mayayabang kaming mga taga-Class zero.

"It's okay na magyabang minsan. Tingnan mo naman, makakanuod tayo sa mismong tapat ng Class zero" sabi niya sa akin. May designated seats para sa class zero kung kaya't doon kami umupo.

Katabi ko si Girly sa upuan at may ilan-ilang sugat na lang siya at nakaramihan dito naman ay naghihilom na. Nakatulong din ang gabi-gabing paghi-heal ni Claire sa kanya kung kaya't hindi nagpepeklat ang mga sugat niya. "What are you looking at?" Iritableng sabi ni Girly sa akin.

"Nothing, ready ka na ba sa punching machine game mamaya?" Tanong ko.

"Of course!" She shouted at naglagay na naman ng foundation sa kanyang mukha. Hindi naman siya babansagan na pinakakikay sa section namin kung hindi siya parating ganyan.

Narinig na namin ang pito, hudyat na ito na magsisimula na ang game. Malakas na cheer ang dumagundong sa buong activity center. Maraming sumusuporta sa Engineering ngunit mas maraming sumusuporta sa Class zero... Isa na ako doon.

Naunang mag-serve ng bola ang mga taga-Engineering. Tinira niya ang bola at pumasok itos a side nila Seven. Mabilis na nahabol ni Ace ang bola at nung mapataas niya ang bola ay sumigaw siya. "Kiran, toss! toss!"

Itinaas ni Kiran ang bola papunta sa direksyon ni Teddy and Teddy spiked hard para maibalik sa side ng kalaban ang bola. Ang lakas no'n at walang nakahabol. As the ball fell down on the ground ay napatayo ako dahil puntos iyon para sa amin.

"Grabe ang teamwork ng nga mokong!" Puri ni Mild. "Hindi ko man lang sila nakitang nagpa-practice pero ang ganda nung ipinapakita nila."

Amaze na amaze ako ahbang pinapanuod sila dahil sunod-sunod na puntos ang kanilang nagagawa.

12-3

iyan ang standing nila sa first set ng game. Habang nanunuod ako ay napabaling ang tingin ko kay Seven. Nag-serve ng bola yung taga-Engineering habang ang mata ni Seven ay nakatingin lang sa bola, napansin ko ang pagkislap nito. Outside. Hindi pumasok ang bola.

Sabi na parang may mali, eh. Nag-time out ang mga taga-Engineering at naglakad tungo sa direksyon namin sina Kiryu. Tuwang-tuwa ang mga mokong dahil malaki ang chance na manalo kami at hindi na umabot ng third set.

"Seven," tawag ko sa kanya at tumingin naman siya sa'kin. "Ginagamit mo ang kapangyarihan mo, 'no?" Bulong ko sa kanya dahil may ibang estudyante na makarinig nito.

"It's for the team though." Sagot niya sa akin, tumunog muli ang pito at pumasok na ulit sila sa court. Nandadaya sila, pinaganda niya lang ang term. Well, nakakahiya naman talaga kung matalo ang class zero sa larong 'to lalo na't ilang taon ng overall champion ang Class zero pagdating sa foundation week.

Habang naglalaro sila ay nakita ko na ang kadayaan na ginagawa ni Seven kung kaya't ang ganda-ganda ng mga toss na ginagawa ni Kiran at ang lalakas ng mga spikes na nagagawa nila Teddy at Roger.

In the end, nanalo ang class zero sa second set pa lang kung kaya't panalo na kami. Bukas naman ang sunod nilang game which is laban naman sa mga IT.

"Nakita ninyo ba ako sa court kanina?" Pagmamayabang ni Kiryu, habang pinipiga ang braso niya para kunwaring magka-muscle.

"Magtigil ka nga!" Inis na sabi ni Mild sa kanya. "Sa buong game hindi ko man lang nakita na nadampian ng bola 'yang braso mo. Display ka lang yata sa court na 'yan." Which is totoo naman.

Matapos ang game na iyon ay pumunta ako sa Maid cafe panandalian nila Aris kasama sina Mild para doon mag-lunch. Mabenta ang maid cafe nila lalo na't maraming maganda sa section nila. Isa pa, masarap naman talaga ang mga pagkain dito.

Matapos no'n ay nagpaalam ako kanila Mild na pupunta muna ako sa booth namin para tumulong. The first day of our foundation week is fun, ang daming bagay na nagawa ko na hindi ko nagawa nung highschool.

After kong tumulong, pumunta ako sa punching machine game para panuorin si Girly. I want to support all the Class zero dahil alam kong susuportahan nila ako mamaya sa quiz bee.

"Go, Girly!" Malakas kong sigaw at napatingin naman siya sa direksyon ko. No'ng sinuntok niya na ang punching bag ay as usual, nakuha niya ang highscore dahil paniguradong ginamit niya ang super strength ability niya. Namangha sa kanya ang ibang kalalakihan at mukhang dumami ang nagka-crush sa kanya.

***

"KINAKABAHAN ako," bulong ko sa aking sarili habang nasa backstage na kami para sa quizbee. Sa isang hallroom gaganapin ang quizbee. First time kong mag-participate sa ganito dahil nga hindi naman talaga ako matalino.

Hindi ko nga alam kung bakit ako ang isinalang ng buong class zero sa ganitong event. Siguro gusto talaga nila akong mapahiya. Huhu.

"Jamie, ikaw pala 'yan," nakangiting approach sa akin ni Nick. "Are you representing Class zero for the quiz bee?" Tanong niya sa akin.

Naging mas awkward ito para sa akin dahil hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap namin lalo na't nagkaroon kami nang pagtatalo. "Uhm... Jamie, I just want to say sorry dahil sa mga sinabi ko sa'yo last time."

"N-No, it's okay. Mali rin naman na ginusto kong umalis sa Class zero noon. But now, okay na 'ko. And sorry rin dahil ang childish nung mga sinabi ko sa'yo that time." Mas mabuti na ayusin namin ang alitan naming dalawa lalo na't nasa iisang college lang kami. Ayoko rin nang may kaaway.

"Good luck!" Sabi niya sa akin habang nakangiti.

Pinapunta na ang lahat sa designated places nila para sa quizbee. Isa na sa mga nanunuod ay ang class zero, magkakasama sila sa front seat ngunit nakahiwalay sa kanila si Seven na nasa second balcony. Napatingin ako sa mata niya.

Just look into my eyes.

Ito yata ang unang beses na nabasa ko ang iniisip ni Seven. After all the introduction ay nagsimula na ang quiz bee at nagsimula iyon sa Science.

Napalunok ako ng laway dahil sa kaba. Favorite ko ang science nung highschool ako... Favorite ko ibagsak. Hirap kaya. Huhu.

"Here's the question," sigaw nung emcee kung kaya't nakinig naman kami. "If you mixed all the light colors, what color will you get?"

I pressed the buzzer without thinking dahil sa kaba. Umandar ang three seconds timer at napatingin ako sa mata ni Seven.

White.

Para bang idinikta niya sa utak ko ang sagot. "White."

"Correct! One point for Class zero." Maraming nagsigawan sa mga nanunuod. Akala yata nila matalino talaga ako. Isa lamang akong bobo na nagpapatulong sa matatalino. Huhu.

The game continues.

"What is the scientific name of Sydney blue gum?"

Kagaya kanina, pinindot ko ang buzzer at tumingin sa mata ni Seven na nasa second balcony.

Eucalyptus Saligna.

"Eucalyptus Saligna." Sagot ko.

"Correct!"

Nagtuloy-tuloy ang ganoong scenario and at the end of the quiz bee... Class zero ang nag-champion at tuwang-tuwa naman kaming lahat. Napaakyat sa stage ang kaibigan ko sa Class zero at nagyakap-yakap kami dahil sa tuwa. Paniguradong alam naman nila na may nangyayaring kadugaan throughout the game dahil pinlano na nila 'to.

At the same time, naging masaya naman ako dahil kung mayroon kaming napatunayan ay kaya rin naming magkaisa. Mas naging bonded kami dahil sa nangyari.

Ngayon ay napagtanto ko na dahil sa mga abilities namin, it's impossible for us to win without cheating.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top