Chapter 22: Foundation Week
"KUMUSTA si Girly?" Tanong ko kay Claire na nakakalabas lang sa nurse office. May private room na nakalaan para sa Class zero at hindi namin pinaalam sa mga estudyante sa Merton Academy ang patungkol sa kalagayan ni Girly.
"She's okay now, kailangan niya lang nang pahinga," nakahinga naman ako ng maluwag nung marinig ang magandang balita. Sa wakas ay mapapanatagna kaming lahat. "Paniguradong sa oras na magising si Girly ay magrereklamo siya. Ang dami niyang sugat, eh." She giggled at napatawa rin ako. Most likely, mabi-beast mode ang babaeng iyon sa oras na magising siya.
Napalingon kami ni Claire kay Minute na naglalakad tungo sa aming direksyon. "Pinapatawag tayong lahat ni sir puwera kay Girly, emergency meeting." Sabi niya sa amin at sumunod naman kami sa kanya sa pagbalik sa aming classroom.
All the members of Class zero is here. "Mild, dahan-dahan naman!" Reklamo ni Kiryu dahil si Mild ang nanggagamot sa kanya.
"Padampi-dampi na nga lang ang ginagawa ko, ang arte mo." Umirap si Mild.
Nagamot na rin ako ni Claire dahil karamihan nang natamo ko ay puro galos lamang. Masaya ako na ayos lang ang lahat sa amin pero at the same time, natatakot ako sa kung anong kayang gawin sa amin ng Black Organization. Kahit kalabanin naming labing dalawa ang isa sa kanila ay paniguradong kami ang matatalo. It feels like na ayoko nang mag-interfere sa mga bagay an ginagawa't pinaplano nila.
"Class," pumasok sa classroom si sir Joseph, napaayos ang lahat at kanya-kanyang bumalik sa kanilang designated seats. "I just... want to say sorry na hindi ko kayo nagawang protektahan lahat," Panimula ni sir Joseph.
"You're all under my guidance but wala man lang akong nagawa para protektahan kayo nung nakaharap ninyo ang Black Organization. Muntik na rin mamatay si Girly dahil sa kapabayaan ko." Alam kong nasasaktan si sir ngayon dahil pakiramdam niya ay responsibilidad niya kaming lahat. Ito ang unang beses na nakita kong naging mahina si sir Joseph.
"S-Sir, okay naman kaming lahat. Wala kang dapat ikahingi ng tawad." Sabi ni Jessica kung kaya't napatango-tango kaming lahat.
"Walang may gusto ng nangyari, sir." Dugtong pa ni Roger.
"But still, I should be there. Hindi ko dapat hinayaan ang mga estudyante ko na kaharapin ang mga ganoong kalalakas na kalaban," sabi ni sir Joseph sa amin. "If may nagbabalak sa inyo ulit na umalis sa class zero dahil sa nangyaring gulo... Sabihin ninyo lang, I will allow you to leave. Risking your own lives for the sake of other people is not an easy job."
Naging tahimik kaming lahat, tila ba pinag-isipan kung dapat kaming umalis o hindi pero naputol iyon nung biglang magsalita si Kiryu.
"Bakit naman kami aalis, sir? Kung aalis kami ay sino pa ang pupuksa sa mga lawbreakers?" He started while there's a big smile on his face. Maraming sugat na tinamo si Kiryu but ang optimistic niya pa ring tao. "Bakit naman kami magpapasindak sa sinabi ng Black Organization na iyon? We're class zero. We're the chosen students of Merton Academy."
"We also have pride," dugtong pa ng kakambal niyang si Kiran. "Hindi ang Black Organization ang bubuwag sa samahang 'to."
Napangiti ako. Ngayon ay unti-unti ko nang nararamdaman na pamilya kami rito sa Class zero. Masyadong marami na kaming pinagsamahan para tumigil dahil lang sa paninindak ng Black Organization.
"We will admit it, Black Organization members are strong," sabi ni Ace habang diretsong nakatingin sa mata ni sir Joseph. "But we can be strong too. Kulang lang kami sa practice lahat kung kaya't madali kaming natalo ng Black Organization." Tama si Ace, iyon lang ang kulang sa amin.
We all looked at sir Joseph eyes and finally, ngumiti na rin siya. "You kids..." Nakangiti niyang sabi. "Tama kayo, you are all the chosen students of Merton Academy. Hindi nga sila nagkamali sa pagpili sa inyo. Hindi ang Black Organization ang makakasira sa inyo."
We all smiled on him. Para bang in a snap, nawala ang takot ko sa mga lawbreakers.
Tumingin ako sa mata ni Mild at ngumiti ito sa akin, napatingin ako sa mata ni Seven at ngumisi naman ito sa akin.
Nawala ang takot ko dahil alam ko na sa pagkakataong ito ay hindi ako nag-iisa. I have my friends, I have Class zero in my side.
"Okay class," mas masigla na ang boses ni sir Joseph ke'sa kanina. "Mas hihigpitan na natin ang practice sa inyo. I am gonna make sure na sa susunod ninyong makaharap ang Black Organization ay mapapantayan ninyo na ang lakas nila... No, hindi lang mapapantayan, sisiguraduhin kong matatalo ninyo sila. Maliwanag ba?"
"Yes sir!" Malakas na sigaw ng Class 0 at napatawa kaming lahat.
***
KINAGABIHAN, nakatingin ako kay Seven habang hawak ko ang matalim na kutsilyo. Nasa isang field kami kung saan wala masyadong makakakita. "Try to stab me using that knife." Sabi ni Seven sa akin.
"Ha? Paano kung masugatan kita?" Tanong ko sa kanya habang humigpit ang hawak ko sa kutsilyo.
Ngayong gabi ay napagdesisyunan kong magpatulong kay Seven na gumamit ng kutsilyo. Hindi naman pwedeng habambuhay na lang akong nasa likod ng mga kasamahan ko at nagpapaprotekta sa kanila. Kung sila ay gagawin nila ang best nila para i-improve ang kanilang kapangyarihan, ganoon din ang gagawin ko.
"Ba't ka ba natatakot na masugatan mo 'ko?" Kunot noo na tanong sa akin ni Seven. "Nakita mo naman ang ginawa ng Black Organization kay Girly, 'diba? Hindi man lang sila nagpakita ng kahit kaunting awa rito. Tandaan mo, Jamie, hindi maaawa sa iyo ang kalaban." Bilin sa akin ni Seven.
I breathed in and breathed out. I need to do this. Humigpit ang hawak ko sa kutsilyo at sinugod si Seven. Sinubukan ko siyang masugatan sa braso niya ngunit mabilis siyang nakaiwas. Ilang beses kong sinubukan na saksakin siya ngunit parati niya itong naiiwasan. Asar.
Humihingal akong napahawak sa aking tuhod upang hindi mawala ang aking balanse. "Iyon lang ba ang kaya mo?" Tanong sa akin ni Seven. Ang nakakainis pa ay poker face lang siya throughout the practice. "Jamie, madaling basahin ang mga kilos mo. Hindi porke't may kutsilyo ka ay ligtas ka na. You should learn to use it properly."
"Time out." Hirit ko at umupo sa damuhan. Tinulungan ako ni Seven na makatayo at inabot sa akin ang tumbler ko para makainom ako ng tubig. "Maduga."
He smiled. "Hindi ako maduga. Partida, I don't even use my ability para labanan ka. You should improve your physical body especially your agility if you're planning to battle in a short combat way."
Umupo kami sa isang trunk ng kahoy at nakatingin sa mga bituin. "Natakot ka ngayong araw?" Biglang pagtatanong ni Seven sa akin pero sa mga bituin lang siya nakatingin.
Mukhang ang tinutukoy niya ay ang nangyari kanina nung makasagupa namin ang Black Organization. Yumakap ako sa aking tuhod. "Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako natakot. Ang mga titig nila, ang kakayahan nila, ang awra nila... Tandang-tanda ko pa. Pagkakita ko pa lang sa kanila ay nagtaasan na ang aking balahibo dahil sa kaba,"
"If you're scared... Ba't hindi ka na lang umalis sa class zero?"
"Minamaliit mo ba 'ko?" dito ko na nakuha ang atensyon ni Seven. "Natakot ako pero pagkatapos no'n ay gusto kong i-improve ang sarili ko. I want to become a better version of myself. Gusto ko sa susunod naming paghaharap ay kaya ko na. Gusto ko ay malabanan ko na sila nang wala ang tulong ninyo. Ayokong parating pinoprotektahan ninyo lahat. Ayokong maging pabigat sa bawat--"
Naputol ang reklamo ko nung hinimas ni Seven ang ulo ko. Ramdam ko ang mainit na palad niya sa bawat haplos na kanyang ginagawa. "Nagbago ka na nga. You're right, we should improve ourselves para next time na makalaban natin ang Black Organization ay kaya na natin."
Tumingin muli kami sa kalangitan at ilang segundo nanaig ang katahimikan.
"Gusto mo pa bang mag-practice?" Tanong sa akin ni Seven.
Hinawakan ko ang kutsikyo at sinubukan ko ulit siyang saksakin ngunit mabilis siyang nakaiwas. "Tinatanong pa ba 'yan?"
***
ILANG araw ang lumipas. Karamihan sa Class zero ay nagpa-practice maigi ng kanilang mga abilities. Hindi rin muna kami gumawa ng mga misyon dahil sabi ni sir Joseph s aamin ay inaalis niya muna kami sa radar ng Black Organization.
"So, anong planong booth ng section ninyo, Jamie para sa nalalapit na foundation week?" Tanong sa akin ni Aris habang nakaangkla sina Casey at Diana sa magkabilang braso ko.
"Balak nilang mag-horror booth o kaya naman jail booth," Sabi ko sa kanila dahil iyon ang narinig kong usap-usapan sa section namin. "Kayo ba?" Tanong ko.
"Hulaan mooo!" Sabay-sabay nilang sabi sa akin at napabuntong hininga ako dahil sa pa-mysterious effect pa ang mga gaga.
Tumingin ako sa mata ni Aris at binasa ang kanyang isip.
Maid cafe
"You guys are planning to do a maid cafe? Wild guess lang naman." Nakangiti kong sabi at mukhang gulat na gulat sila.
Sa nakalipas na araw ay natutunan ko na rin kontrolin ang kapangyarihan ko at hindi na rin ako basta-basta nagbabasa ng isip ng ibang tao. I learned to respect their privacy pero minsan nagagamit ko pa rin ito lalo na kapag curious ako sa mga bagay-bagay.
"Halaaa! Hindi kaya!" Pagsisinungaling nilang tatlo pero obvious naman na iyon ang gagawin nila. "Secret pa yung gagawin ng section namin."
"Ay nga pala, Jamie, sasali ba ang Class zero sa mga contest?" Tanong sa akin ni Diana.
"Contest?"
"Yes. Quiz bee and sport games. I am pretty sure kapag sumali ang Class zero ay sila na naman ang mag-o-overall champion sa Merton Academy. Ang daming athletic at matalino sa class zero, eh." Sabi naman ni Casey sa akin.
"Mukhang masaya 'yan." nakangiti kong sabi sa kanila. Kung sasali man ang Class zero, mas na-excite tuloy ako para sa nalalapit na Foundation week.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top