Chapter 21: Warning

KAKARATING ko lang sa Valenzuela at pinuntahan ko mismo ang lugar na sinasabi ni sir Joseph sa amin. Hindi ko alam kung sino pa sa Class zero ang sasama sa misyong ito pero kailangan naming mapatay ang mga lawbreakers na gumagala sa lugar bago pa man din may mapahamak na ibang tao.

"Dapat talaga naglagay ako ng lotion, ang init, baka umitim ako," sa 'di kalayuan ay natanaw ko si Girly, may hawak siyang payong at nakasuot siya ng jacket upang hindi umitim. As expected sa babaeng ito, she's the most Kikay in our class.

Napabaling ang tingin sa akin ni Girly, "Oh my god, why the weak girl like you ang makakasama ko sa labanang ito?" Umirap siya sa ere, sa totoo lang ay hindi na ako naiinis kapag gumaganoon si Girly dahil nasanay na rin naman ako. Ang tagal na naming magkaklase kung kaya't basang-basa ko na ang kanyang ugali.

Ipinitik ko ang aking daliri at huminto na ang oras sa paligid. Huminto ang mga nagku-kuwentuhan sa mga bench, ang paggalaw ng ulap at maging ang tubig sa fountain... lahat ay huminto. Simula noongnapagana na namin ang aming mga abilities ay nagkaroon na rin kami nang kakayahan na patigilin ang takbo ng oras upang magsimula ang devil hour.

Saglit akong nag-ikot-ikot sa paligid hanggang sa mamataan ko na ang isang lawbreaker na gumagala. Pinagmasdan ko ang hitsura nito, a level 1 lawbreaker. Akmang susugurin ko siya ngunit naalala ko na hindi nga pala pang-front line ang kapangyarihan ko huhu. Gusto kong subukan ulit kung kaya ko nga bang magpasunod ng mga lawbreakers kaso ay mahirap mag-take ng risk lalo na't buhay ko ang nakataya rito.

Ang lawbreaker na ito ay may kamay na mabalbon at matatalim ang nga kuko nuto na para bang katulad sa mga leon at may pakpak siya na parang katulad sa ibon. Level 1 lawbreaker.

Aatakihin niya na sana ang isang babae. "Tabi!" Malakas na sigaw ni Girly at pagtingin ko sa aking likod ay unti-unti siayng lumalaki. Para bang kasing laki niya ang isang mataas na poste ng meralco. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang ability ni Girly.

Inipon niya ang kanyang lakas sa kanyang kamao at malakas na sinuntok ang sahig kung nasaan ang lawbreaker. Malakas ang naging impact nito, nawasak ang sahig at may mga alikabok na pumalibot sa paligid. Ginamit ko ang aking kamay upang maiwasang mapasukan ng mga debris ang aking mata.

This is Girly's ability, she can grow her body like a giant and a super strength.

Nabigla ako nung makitang may lumilipad sa himpapawid. "Girly, buhay pa siya!" Malakas kong sigaw at tumakbo palayo sa kanila.

"I know right. Gusto ko nang matapos ito, like duh!? Na-e-expose ang skin ko sa init," napasimalmal naman ako dahil hanggang ngayon ay ang 'beauty' niya pa rin ang iniisip niya. Para bang hindi bagay sa isang higante na mag-inarte ng ganoon.

Nakatingala ako at pinagmamasdan ang lawbreaker na lumilipad sa paligid. Mabilis itong lumipad tungo sa direksyon ni Girly at kinalmot ang braso nito, hindi na rin nagawang makaiwas ni Girly dahil sa laki niya. "Ahhh!" Malakas niyang sigaw at pinagmasdan ang sugat niya sa kanyang braso.

"Uh-oh. You will be dead," I am reffering to the lawbreaker, kung may bagay mang pinakamahalaga kay Girly ay iyon ang kanyang kutis.

"You, asshole!" Sinusundan ng mata ni Girly ang mabilis na paglipad nung lawbreaker. Itinikom niya ang kanyang kamao at ilang segundong paghihintay ang ginawa niya bago niya tuluyang suntukin ang lawbreaker at nasaktuhan niya naman ito.

Sa sobrang lakas nang pagkakasuntok ni Girly ay mabilis na lumipad pababa ang katawan ng lawbreaker. Maraming pasilidad ang nasira at halos mapaligiran ng alikabok ang buong paligid dahil sa lakas ng impact.

Pinaliit ni Girly ang kanyang katawan at tumakbo ako tungo sa kanyang direksyon. "Are you... Okay?" Tanong ko pero mukhang hindi siya okay dahil malalim ang naging sugat nito sa kanyang braso at walang tigil ang paglabas ng pulang dugo mula rito.

"Sa tingin mo... Ayos lang ako?! My skiiin!" Reklamo niya. Sumeryoso ang mukha ni Girly. "Hindi lang isa ang lawbreaker na nandito, Jamie, we need to find them as soon as possible bago pa man maraming tao ang mapahamak."

Tumango ako sa kanya at nagsimula na ulit akong maglibot sa paligid upang maghanap ng lawbreaker.

Hingal man ako pero patuloy ako sa pagtakbo, dapat talaga ay magpaturo na ako kay Seven sa kung paano makipaglaban. Pakiramdam ko tuloy ay ang walang silbi ko kapag ganitong klaseng misyon ang kinakaharap ng klase namin.

Napunta ako sa dulong bahagi at nandoon ang isang lawbreaker na inatake ang isang bata hanggang sa mamatay ito. Napapikit ako dahil hindi ko man lang nagawang protektahan ang ordinaryong tao na iyon. Katulad kanina, isang level 1 lawbreaker lang ang nandito.

Like what Seven and sir Joseph explained to us... Makakalimutan lang ang batang iyon na para bang hindi nag-exist.

"You jerk!" Malakas kong sigaw kung kaya't nakuha ko ang atensyon nung lawbreaker. Tumingin ito sa aking direksyon at ngumisi, ang ngiting iyon ay nagdala ng kaba sa buo kong katawan.

The lawbreaker is walking toward my direction pero hindi ako nagpasindak sa nakakatakot niyang hitsura. Tumayo ako at nag-focus maigi... Hinihiling ko na sana'y mapasunod ko ulit siya gamit lamang ang pagtingin sa kanyang mata.

Kill yourself.

Kill yourself.

Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ngunit halos makalapit na ang Lawbreaker sa akin ay walang nangyayari. Shit, mukhang sinuwerte nga lang ako nung nakaraan kung kaya't napagana ko siya.

"'W-Wag kang lalapit!" Sigaw ko sa lawbreaker.

"Tapos ka na." sabi nung lawbreaker at hinanda niya na ang matutulis niyang kuko upang ipangsaksak sa akin. Mabilis na kumilos ito patungo sa aking kinatatayuan.

Katapusan ko na ba? Ilang segundo rin nakapikit ang aking mata ngunit kahit isang dampi ng kuko ay wala man lang akong naramdaman. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko na lamang na nakahiga sa sahig ang lawbreaker.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Huwag mo nga raw siyang lalapitan," nakita ko si Kiryu na nakatayo sa tabi ko habang nakataas ang kanyang paa. Mukhang sinipa niya papalayo ang lawbreaker para hindi niya ako magalaw.

"Hello, Jamie." Nabigla ako nung may isa pang Kiryu na nagsalita na nakatayo malapit sa Lawbreaker. Napapikit ako ng ilang beses dahil baka si Kiran lang ito... But no, hindi ganyan ka-bubbly si Kiran. It's definitely Kiryu.

But how?

Mas lalong nanlaki ang mata ko nung may dalawang Kiryu na humawak sa Lawbreaker at ang Kiryu sa tabi ko ay naglakad patungo rito. "Ako na ang bahala rito, Jamie." Nakangiti niyang sabi at itinaas niya ang sleeves ng kanyang T-shirt.

Finally, nakita ko na rin ang ability ni Kiryu. Kung si Kiran ay kayang kumontrol ng apoy... Kiryu can clone himself. As in kamukhang-kamukha niya lahat ng Kiryu na nandito.

Malakas niyang sinuntok at sinipa ang Lawbreaker. Mayroon din siyang hawak na kutsilyo at iyon ang ginamit niya para mapuksa ang lawbreaker na kalaban namin. Matapos iyon ay bumaling ang tingin niya sa akin at ang dalawang Kiryu ay para bang bumalik sa katawan ng orihinal na si Kiryu.

"Salamat sa pagliligtas mo sa'kin," sabi ko sa kanya habang tinutulungan niya akong makatayo.

"Wala iyon. Ginawa ko lang ang trabaho ko bilang parte ng Class zero." Sabi niya sa akin at naglakad na kami patungo sa direksyon ni Girly na saktong kakatapos niya lang patayin ang pangatlong lawbreaker na gumagala.

Kiryu and Girly's ability is so cool. Bakit parang yung ability ko lang ang walang kuwenta sa klase namin. Gusto ko rin ng ability na nagagamit sa pakikipaglaban. All I can do is to read mind of other people. Ang unfair nga talaga ng buhay.

Pinaliit ni Girly ang katawan niya noong makita niyang papalapit na kami. Karamihan sa paligid ay sira-sira na at marami sa mga building o establisyimento ang nasira na.

"Now, we can back at Merton Aca--" naputol ang sinasabi ni Girly nung isang malakas na kidlat ang tumama sa lupa, halos taaman kami nito kung kaya't nagpagulong-gulong kami sa sahig.

Saan nanggaling ang kidlat? May panibago na naman ba kaming kalaban na lawbreaker? Dahan-daahn kaming napabangon nila Girly at pinagnasdan kung saan tumama ang kidlat.

There are seven people standing there. Unti-unting nawala ang makapal na usok na bumabalot sa paligid hanggang sa makita ko na ang hitsura nilang sampu. "S-Sino kayo?!" Tanong ko, nagdikit-dikit kami nila Kiryu at tinulungan ang isa't isa na makatayo.

"I will allow you to read what's running on my mind right now," sabi nung babaeng nasa gitna. Ang fierce ng hitsura niya. Singkit ang mata niya at pulang-pula ang labi nito dahil sa lipstick.

Kinabahan ako and at the same time dahil nalaman niya na makabasa ng isip ang ability ko. Dapat ko nga bang katakutan ang pitong tao na ito?

Tiningnan ko siya ng mata sa mata kagaya ng kanyang sinabi. Tuluyang gumapang ang kaba sa akin nung mabasa ko ang tumatakbo sa kanyang isipan. Mukhang napansin ni Kiryu ang aking pagkabahala. "Jamie, bakit? Sino sila?"

"Black Organization." Sabi ko sa kanya.

Doon ko napansin ang diamond na tattoo sa kanilang mga noo at sa kanang bahagi ay nakita ko na nakatayo si Lupin habang nakangisi sa amin. Nagkita muli kaming dalawa.

Tinitignan ko pa lang silang pito ay alam kong wala na kaming laban sa kanila. Their aura tells everything, tinitignan ko pa lang sila ay gumagapang na ang kaba sa katawan ko. "Mukhang natakot ka yata," nakangiting sabi sa akin nung babae.

"We need to run," mahina kong bulong pero sapat na iyon para marinig nila Girly at Kiryu. "We are no match to their skills."

"Run? Nagpapatawa ka ba?" Pinalaki ni Girly ang kanyang sarili.

"Girly!" Suway ko sa kanya.

"Hindi itinuturo sa Class zero ang pagtakbo sa mga kalaban." Sabi ni Girly. She's about to smashed the girl at the center pero bago pa man niya iyon magawa ay isang saksak na ang natanggap niya sa kanyang tagiliran. Sumirit ang dugo mula rito.

Isa sa mga lalaki sa Black Organization ang gumawa noon sa kanya. Nakasuot siya na para bang samurai outfit at may samurai sword siyang hawak na ginamit niya para masugatan si Girly

Lumiit si Girly at mabuti na lamang at tinulungan siya ni Kiryu. Walang tigil ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang katawan. "Sinabi ko naamn sa iyo, wala tayong laban sa kanila." Sabi ko kay Girly na patuloy sa pagsigaw dahil iniinda niya ang sakit.

"So totoo nga ang bali-balitang kumakalat na nay grupo ng mga estudyante na sinusubukang pigilan ang aming mga plano." Sabi nung babae ahbang hindi niya inaalis ang tingin niya sa amin. Sa tingin niya pa lang ay natatakot na ako.

"Jamie, Kiryu!" May narinig akong sigaw mula sa likod at doon ko nakita na ang lahat ng kaklase ko sa Class zero ay nandito. Kumpleto na kaming labing dalawa.

They are all in battle position na handa nang makipaglaban. "Guys, stop. Wala tayong laban sa kakayahan nila!" Pigil ko. Ayokong may mapahamak sa amin. Kung magsisimula ang labanan ay alam kong maramis a class zero ang mamamatay. I am not teaching them to be weak, gusto kong protektahan nila ang buhay nila.

"That girl is right," sagot nung babaeng nasa gitna sa Black Organization. "You, kids, have no match on us. Huwag kayong mag-alala, wala kaming balak na saktan kayo... Sa ngayon. We will just give you a warning na tigilan ninyo na ang pangingialam sa mga plano namin kung ayaw ninyong magaya doon sa Josephine na iyon,"

Kumuyom ang aking kamao. Ibig sabihin ay sila ang pumatay kay Josephine.

"Save your lives, kids. Kung patuloy kayong mangingialam sa mga plano namin," isang malakas na kidlat muli ang tumama sa lupa malapit sa aming direksyon at napakapit ako kay Ace at Seven upang hindi mawala ang balanse ko. "Mapipilitan kaming tapusin ang mga buhay ninyo."

Nagkaroon ng makapal na usok sa paligid at kasabay na pagkawala ng usok ay ang pagkawala ng pitong tao na nasa aming harap. Nawala na ang Black Organization.

"Girly!" Pinagkaguluhan ng lahat ang sugatan na si Girly.

"Claire, tulungan mo siya!" Malakas na sigaw ni Teddy at lumapit si Claire kay Girly. Nagkaroon ng liwanag ang kanyang kamay at pinipilit niyang gamutin ang mga sugat ni Girly.

"That shitty organization," sabi ni Seven habang nakatingin sa dating puwesto na kinatatayuan nila.

"Guys! Kailangan nating madala sa school agad-agad si Girly. Hindi kakayanin ng ability ko na hilumin ang lahat ng kanyang sugat!" Anunsyo ni Claire.

Nagmamadali naman kaming bumalik sa Merton Academy lahat. Nakatulala labg ako sa buong biyahe dahil nasaksihan ko na ang kakayahan ng Black Organization. Hindi sila basta-bastang kalaban, kaya nila kaming patayin kanina pero mabuti na lamang at hindi nila ginawa.

Isang warning. Isang warning ang ibinigay nila sa amin na maaaring pagsimulan nang gulo mula sa Black Organization laban sa aming Class zero.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top