Chapter 2: Exam Result
"Oh ba't ganyan ang hitsura mo? Para kang pinagsukluban diyan ng langit at lupa?" Tanong ni mama na kasalukuyang nagsasampay.
Bumuntong hininga ako. Kapag nai-imagine ko talaga yung mga sinagot ko sa exam ay nawawalan na ako ng pag-asa. 80% yata nung laman nung exam ko ay ipinagpasa-Diyos ko na lang. Wala nga akong siguradong sagot.
"Alam mo, ma, feeling ko dapat na 'kong maghanap ng ibang school na papasukan." Sabi ko kay mama. "Punta tayong UST, UP, La Salle, AU para mag-exam o kaya naman, i-enroll mo na lang ako sa public."
"Ano bang pinagsasabi mo riyang bata ka? Kanina lang bago ka umalis ay ang sigla-sigla mo. Tapos ngayon ay aarte-arte ka riyan?" Tanong ni mama.
"'Ma, ang imposible masagutan nung exam nila. Exam yata 'yon para maging isang panginoon eh! Ang hirap!" Reklamo ko.
Bumuntong hininga si mama. "Hintayin mo muna yung result, kung bumagsak ka, maghahanap tayo ng ibang school diyan." Mabuti na lang talaga ay sobra-sobra ang suporta sa akin ni mama. Instead na pagalitan ay pinagaan niya na lang ang loob ko.
Pagkapasok ko sa bahay ay iniiwasan ko talagang Makita ang hinayupak kong kapatid. "Hoy! Ate kong bobo, anong napala mo?" Sigaw ni Jason at may ngisi pa sa mukha ng mokong, sarap hampasin ng martilyo ang ngipin eh.
"Hoy kapatid kong bobo rin naman! Wala kang pakialam. 'Wag mo nga akong kausapin muna," sabi ko at dire-diretsong umakyat sa kwarto upang maiwasang ang matindi-tinding pang-aasar ng kapatid ko. Kapag nang-asar talaga nang matindi 'tong mokong na 'to ay umaabot talaga sa point na napapaiyak ako.
Iginugol ko ang sumunod na linggo sa paghahanap ng school na maaaring pasukan. Pero sa totoo lang, wala akong ibang school na magustuhan dahil pangarap ko talagang makapasok sa Merton Academy. Iyon ang dream school ko bata pa lamang.
Kaso nga lang, mukhang tanging ang matatalinong mga tao nga lang ang maaaring makapasok sa paaralang iyon. You need to excel in a specific field bago ka nila matanggap. Eh ako, saan ako magaling? Magaling ako mag-marathon ng Kdramas, 24 hours. Kaya kong tumapos ng isang season ng anime in just a day. Kaya kong makatapos ng dalawang novels sa wattpad sa isang araw. Talent naman 'yon, 'diba?
Araw ng lunes, ngayong rin ipo-post sa Merton Academy kung sino-sino ang mga pumasa. Tamad na tamad ako gumalaw dahil sa kalungkutan. "Jamie, hindi ka ba pupunta sa Merton Academy ngayon? 'Diba ngayon nila ipo-post sa school nila yung mga pumasa?" tanong ni mama sa akin.
"Para saan pa, 'ma? Parang 100% naman ang chance na hindi ako makakapasok sa paaralang iyon, eh." Pagmamaktol ko. Itinalukbong ko ang kumot sa akin, hihiga lang ako rito sa kama maghapon at hihintaying matapos ang araw. Mukhang kinakailangan ko na nga talagang mag-apply sa ibang school.
Nagulat ako nung biglang hatakin ni mama ang kumot. "Bumangon ka riyang bata ka, tingnan mo na ang resulta doon. Malay mo naman pumasa ka, wala ka kasing bilib sa sarili mo, eh," Sabi ni mama sa akin. "Tingnan mo muna ang resulta. Kapag bagsak, marami pa namang school ang pwedeng pag-apply-an."
Bumuntong hininga ako, wala man sa loob ko pero gumayak ako para umalis. Muli akong bumalik sa Merton Academy this time.
Habang naglalakad ako ay dinala ako ng aking paa sa may Class zero, sinunod ko pa rin naman yung sinabi ni Nick sa akin na bawal akong lumapit sa classroom na iyon. Isa pang kinatataka ko ay ang liwanag na nakita ko sa loob ng silid. Hindi pangkaraniwang liwanag iyon. Pero baka may nag-e-experiment lang sa room na iyon? Baka nga.
Pumasok ako sa hallway at maraming bilang ng estudyante ang naririto. Marami-rami ring nag-entrance exam dito kung kaya't nandito rin sila para tingnan kung nakapasa sila o hindi.
Computer Science ang kinuha kong kurso kung kaya't tiningnan ko ang listahan ng mga estudyanteng pumasa sa course na iyon. Tinignan ko maigi ang listahan. Tiningnan ko ang listahan ng pangalan sa section A... as usual, wala ang pangalan ko.
Alam ko namang hindi ako papasa sa school na 'to pero mayroon pa ring hope sa puso ko. Syempre matagal-tagal ko rin 'tong pinangarap. Matagal ko ng gustong makapasok sa school na ito.
I scanned the section B, wala pa rin ang pangalan ko. Hay, wala na talagang pag-asa.
"Jamie," naputol ang paghahanap ko nung may isang boses na biglang tumawag sa akin—si Nick. Agaw pansin siya sa mga taong nandito dahil na rin sikat nga siya. "I don't know if I pronounced your name right. Naalala mo pa ba 'ko?" He asked on me.
"Oo naman. Sino naman ang makakalimot sa'yo." Sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng ngiti ang ibinibigay sa akin ngayon ni Nick pero base sa kung paano niya ako tingnan ay parang manghang-mangha siya sa akin... or baka assuming lang talaga ako?
Iniabot ni Nick ang kamay niya sa akin. Marami sa mga tao rito ang nakatingin sa amin. "Tumingin ka sa tarpaulin." Sabi niya sa akin at tiningnan ko ang malaking tarpaulin na nakadikit sa wall nitong Hallway.
Class Zero:
1. Seven Ramirez (Architect)
2. Jessica Santos (IT)
3. Ace Martin (Engineering)
4. Girly Tapang (Fine arts)
5. Teddy Agoncillo (IT)
6. Kiryu Santiago (Architect)
7. Kiran Santiago (Engineering)
8. Minute Castro (Psychology)
9. Roger Bartolome (IT)
10. Claire Reyes (Education)
11. Mild Mercado (Business administration)
12. Jamie Hernandez (Computer Science)
"Pinabasa mo pa sa'kin 'yang listahan na 'yan, paniguradong wala naman ako diyan." Reklamo ko sa kanya. Makapasok nga lang dito sa Merton Academy ay pahirapan na, paano pa kaya kapag sa class zero na. Mga panginoon na tuloy ang tingin ko sa mga estudyanteng pumasa sa class zero.
"Read it again," sabi niya sa akin kung kaya't inulit ko ang pagbabasa.
12.Jamie Hernandez
"Nakita mo na?" Tanong niya sa akin. Hindi ako makapaniwala, I mean, sigurado ako sa sarili ko na wala akong masyadong nasagot sa exam. Ibig sabihin ba nito magaling ako manghula? "Congratulations, Jamie, you are now part of the class zero." Sabi niya sa akin.
Bumalik ang tingin ko sa bulleting board at pumasa rin ako as a Computer Science at nasa section C ako. Totoo ba 'to? Hindi ba 'to joke time? Hindi ako makapaniwala na nakapasa ako ngayon.
***
BAGO ako umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa simbahan para magpasalamat, feeling ko tuloy ay ang lakas ko ngayon kay Lord. Dati ay gusto ko lang na makapasok sa Merton Academy, pero ngayon, parte na rin ako ng class zero.
Masaya kong ibinalita sa pamilya ko na pumasa ako at tuwang-tuwa naman sila sa akin. "Hoy, Jason, ano ka ngayon? Sinong bobo sa'ting dalawa? Malamang ikaw haha!" Pang-aasar ko sa kapatid ko at inismiran lang ako ng loko.
Kapalit ng pagiging class zero ko ay kinakailangan kong mag-dorm sa school dahil patakaran daw iyon kapag nakapasok ka sa ispesyal na klaseng iyon. Hindi naman talaga ang class 0 ang magiging klase ko dahil parang special program lang siya para sa mga napiling estudyante, parang dagdag subjects lang siya, ganoon.
"Anak, mag-iingat ka roon, ha? Kapag weekends siguraduhin mong uuwi ka rito sa bahay." Sabi ni mama habang hila-hila ko ang maleta palabas ng bahay.
"Oo, 'ma, uuwi ako, wala naman akong ibang pupuntahan." Sagot ko sa kanya.
"Hoy ate," bumaling ang tingin ko kay Jason. "Mag-iingat ka roon, kahit gaano pa kataas ang seguridad ng paaralang iyon, mag-ingat ka pa rin." Sabi niya nang hindi nakatingin sa aking mata. Sabi na, eh, madalas lang kaming mag-away na dalawa pero concern pa rin pala 'tong kapatid ko sa'kin.
Yumakap ako kay sa kanila isa-isa bago sumakay ng taxi papunta sa Merton Academy. Paghinto ng taxi sa harap ng gate ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng school. "Dito, magsisimula na ang lahat."
Sa pagpasok ko sa Merton Academy, doon na magbabago ang takbo ng normal kong buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top