Chapter 19: Urgent Meeting

"WHY are you staring at me?" Tanong sa akin ni Seven dahil katabi ko siya sa biyahe.

Pabalik na kami sa Merton Academy at excited na talaga ko dahil na-miss ko rin ang mga kaibigan ko doon at pakiramdam ko ay ang daming nangyari rito sa Pampanga. Si Mild ay mahimbing na natutulog sa likod, si Ace naman ay tulog din dahil masakit ang kanyang katawan, samantalang si Kiran ang nasa shotgun seat katabi ni sir Joseph na nagmamaneho.

"Masama bang tumingin sa'yo?" Tanong ko. I am trying kung gagana ba kay Seven yung ginawa ko kanina para mapasunod ang lawbreaker.

"Yup," wala niyang alinlangang sagot. Badtrip. "If you're trying to read my mind right now, wala kang makukuhang kahit anong impormasyon."

"I don't read it," alam kong sa lahat ng taong nandito ay ikaw ang bukod-tanging hindi ko nababasa ang isipan. Nag-focus ako sa pagtigin sa kanyang mata, kailangan magawa ko ulit yung nagawa ko.

Bumuntong hininga ako. "Ikuha mo ako ng tubig." Utos ko sa kanya.

Ilang segundong naging tahimik si Seven at hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa akin. Gumana ba? Did my power works?

"Gago ka ba?" mura sa akin ni Seven kung kaya't nawala ang ngiti sa aking labi. "Ba't naman kita ikukuha ng tubig, wala ka bang kamay?" Dugtong pa niya.

Hindi gumana yung ability ko. "Bakit kaya hindi gumana," mahina kong bulong sa aking sarili. Baka naman hindi ko talaga napasunod yung lawbreaker kanina at sinaksak niya na lamang ang sarili niya kanina? Or baka naman kinakailangan talaga ng matinding konsentrasyon o bugso ng damdamin para magawa ko ito?

I don't know. Pagbalik ko sa school ay iyon ang una kong sasanayin.

Halos hating gabi na kami nakabalik sa school at nakatulog na rin ako sa biyahe. Grabe! Na-miss ko itong Merton Academy, tatlong araw lang akong nawala rito pero pakiramdam ko ay ilang linggo kaming nasa misyon dahil sa dami ng nangyari.

"Mild, gising na," mahina kong inalog-alog ang balikat ng kaibigan ko hanggang sa unti-unti siyang naalimpungatan. Buong biyahe yata tulog 'tong babaeng ito kung kaya't naging tahimik ang biyahe namin.

"I badly miss my bed." sabi niya habang bumababa ng van. Tinulungan kami nila Kiran na ibaba ang mga gamit namin.

This is a long day, maraming nangyari at sa wakas ay makakapagpahinga na kami sa kanya-kanya naming kwarto. Siguro naman ay babalik na sa normal ang lahat bukas... wala nga pa lang normal na araw sa class zero. Everything is extraordinary.

We're about to walk towards our dorm. "Class, gisingin ninyo ang iba ninyong kaklase, we will have a meeting at our classroom." Announce ni sir Joseph na nakapagpatigil sa amin.

"Sir," humikab ng pagkalaki-laki si Ace. "Wala man lang bang pahinga, we're all tired with this mission. Dadami tigyawat ko nito at mababawasan ang fans ko." Napatango-tango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Hindi dapat tayo nag-aaksaya ng oras. Jamie, i-discuss mo sa amin lahat ng impormasyong nakuha mo kanina," sir Joseph looked at his wristwatch. "Magkita-kita tayo sa classroom ng ala-una." Tuluyan nang nakaalis si sir.

Mabuti sana kung ala-una nang tanghali magaganap ang meeting, but no! Ala-una nang madaling-araw. For pete's sake! Sino ang magmi-meeting ng ganoong oras? Kami. Kami lang.

***

HALOS lahat ng mga kaklase kong pumapasok sa classroom ay panay ang hikab dahil sobra pa silang inaantok. Lahat sila ay nakasuot ng mga pabtulog nila. Napansin ko naman na nandito na rin si Minute at mukhang bumalik na rin siya sa Class zero.

"Welcome back, Jamie!" Malakas na bati sa akin ni Kiryu at hyper na umupo sa tabi ko. Siya lang 'tong punong-puno ng energy nang ganitong oras.

Huling pumasok si sir Joseph, he's looking on us seriously. This time, napaayos kaming lahat ng upo dahil ang mga titig niya ay parang sinasabi na hindi ito ang tamang oras para magkumustahan. "I know na biglaan ang ginawa kong pagtatawag para sa meeting, pero dumarami na ang cases o problema na nagiging involve ang mga lawbreakers. They continuously attacking sa iba't ibang panig ng Pilipinas."

"That's true, kahapon ay nasa Trinoma kami dahil may balitang may lawbreaker na nanggugulo doon," bulong sa akin ni Kiryu.

This time, nag-sink in sa akin na parte ako ng isang malaking problema. Isa ako sa mga taong pumupuksa sa lawbreakers at siyang magbibigay tuldok sa mga gulong ito.

"Jamie, anong nalaman mo nung nasa misyon ka?" Tanong sa akin ni sir.

Tumayo ako at nagsimulang magpaliwanag. "Sir, eto ang impormasyon na nabasa ko kahapon sa isang lawbreaker. May mga taong nag-uutos sa kanila para gawin ang lahat ng mga bagay na iyon, may mga nagpapasunod sa kanila."

Kumunot ang noo ng lahat na para bang focus na nakikinig sa akin. "The Black Organization, may pitong tao na bumubuo sa organisasyon na ito. They are the one who's responsible sa mga nangyayari," bumaling ang tingin ko kay Seven. "We already met one,"

"Lupin." Seven said. He's not asking, he's stating. Tumango-tango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

"Who's that? Kailan ninyo siya na-encounter?" Curious na tanong ni Jessica sa amin.

"Matagal-tagal na. He's a lot stronger than us," naalala ko pa ang mga pangyayari noon sa mall at kung gaano nakakatakot ang kanyang awra. "Ginagamit ng Black organization ang mga tao sa kanilang experiment..."

They all looked at my eyes na parang hinihintay ang sunod kong sasabihin."Ginagawa nilang lawbreakers ang mga normal na tao. Iyon ang pinaplano nilang gawin sa mga babaeng na-kidnap sa Pampanga, but luckily, nagawa namin itong pigilan." mahaba kong paliwanag.

Matapos kong ipaliwanag ang lahat ng aking nalalaman ay pinaupo rin ako nisir Joseph. "Since the Black Organization is making their moves para masira ang mundo natin, I will now discuss to you kung ano nga bang klase ng mga lawbreakers ang nag-e-exist sa mundo natin. Para na rin alam ninyo kung sino ang mga dapat iwasan at kung sino ang kaya ninyong tapatan ang lakas."

Para bang nawala ang antok naming lahat. We're all focus kay sir Joseph. Ang lawbreaker ang numero uno naming kalaban dito kung kaya't mas maganda na may matututunan pa kami patungkol sa kanila.

"Okay," inayos ni sir ang projector upang mas ma-visualize namin ang kanyang idi-discuss. "The level 1 lawbreaker, sila ang ang mga lawbreaker na madalas ninyong nae-encounter tuwing devil hour. They have an abnormalities with their body parts. It's either na may parte sila ng katawan na para bang galing sa hayop,"

Naalala ko lahat ng mga na-encounter ko at karamihan sa kanila ay ganoon. "Sila ang masasabi kong mga lawbreakers na kaya ninyong tapatan ang kakayahan at mapupuksa ninyo ng walang kahirap-hirap." Walang kahirap-hirap? Duh! They are all strong kahit pa sabihin mong level 1 lang sila, they are still a lawbreaker... Kayang-kaya pa rin nilang pumatay.

"The next one is the level 2 lawbreaker. Dito ko masasabi na halos ka-level ninyo ang mga lawbreaker mula sa kategoryang ito dahil kagaya ninyo ay may ability rin sila. Nakakakontrol sila ng element, lawbreakers are still humans so masasabi kong matatalino ang mga level 2 lawbreakers. If you can't fight with this lawbreakers... Run. Mas priority natin ang buhay ng bawat isa, as a class zero, we're family here." Paliwanag ni sir sa amin.

"The last one, the level 3 lawbreakers. Naiiba ang lawbreakers dito dahil may diamong tattoo sila sa kanilang noo," bigla kong naalala si Lupin, he has a diamond tattoo... Ibig sabihin ay malakas nga talaga siya dahil level 3 lawbreaker siya. "Masasabi kong hindi pa kayo handang kalabanin ang mga ganitong klase na lawbreaker, hindi ninyo pa gamay ang paggamit sa kanya-kanya ninyong abilities and risky na makaharap nibyo sila sa ganyang estado. If you ever meet one level 3 lawbreaker, tumakbo na kayo paalis sa area. Hindi iyon pakiusap, utos 'yon."

"But why do Black Organization doing all this stuff?" tanong ni Ace sabay hikab. "Sorry. Attentive talaga ako, inaantok lang."

Bumuntong hininga si sir Joseph. "Because they want someone to be alive again. Isang nilalang na kayang tanggalin ang devil hour sa mundong ito and do you guys know what it means? Our society will be expose. Our powers will be expose. And the people that we loved will be in danger. That's the reason kung bakit kailangan natin silang pigilan."

Madami pang sinabi sa amin si sir Joseph, halos mag-a-alas tres na nung matapos siya sa kanyang nidi-discuss. The good thing naman is lahat kami ay nakinig at walang nagreklamo. Kailangan kong magsanay para sa susunod na may makaharap akong lawbreaker ay kaya ko na silang tapatan, ayokong maging mind reader lamang. I can kill lawbreaker.

"That's it for today." Sabi ni sir Joseph at nagsitayuan na kaming lahat. Kahit pa sabihin mong magkakaiba ang ugali naming 12 students na nasa Class zero, masasabi ko pa rin na mas strong ang bond namin dahil napagkakaisa kami ng iisang layunin. Dati, I consider this kind of mission na parang suicide pero kapag naiisip ko na makakapagligtas kami ng maraming buhay ay isa iyon sa mga bagay na ikinapa-proud ko sa pagiging part ng klaseng ito.

We're about to leave pero pinigil kami ni sir nung may biglang kumausap sa kanya sa phone. There's a shocked expression on his face na agad din namang nawala.

Matapos niyang kausapin ang taong kausap niya sa phone ay tumingin siya sa aming lahat, especially sa amin na nakasama sa misyon sa Pampanga.

"Josephine is dead."

And this is when I realized that everything is getting more serious.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top