Chapter 16: Missing Post
"MILD, wake up!" Ibinato ko na sa mukha ni Mild ang unan pero tulog-mantika talaga ang babaeng ito. Paano ba naman kasi ay halos alas-tres na siya nang madaling araw natulog kahit alam niyang kailangan naming bumangon ng alas-siete ngayon.
"Five minutes pa," request niya at itinalukbong niya ang kumot sa kanyang mukha.
From: Seven
Be at the lobby exactly 7:00am.
Nakatanggap na naman ako ng isang text galing kay Seven. Patay na naman kami nito kapag tinoyo ang lalaking ito, pinagbigyan niya na kami na magkaroon ng freetime kagabi kaya kailangan umayos kami ngayon. "Mild!" Sigaw ko dahil nape-pressure na ako. "Oh God, bahala ka mag-isang mapagalitan."
Kinuha ko na ang towel na nakasabi sa rack at nagmamadaling pumasok sa CR. This day, pupunta kami ngayon sa Apalit, Pampanga para mag-imbestiga and sana ay mapatunayan namin na may lawbreaker na gumagala sa lugar. Aalamin din namin ang sikreto sa pagkawala ng ilang babae dito sa lugar na ito.
Halos 20 minutes lang ako naligo at gumayak na ako. Pagkalabas ko ng CR ay saktong kakabangon lang ni Mild. Nakaupo siya sa kama habang kamot-kamot ang gusot niyang buhok. "Jamie, bakit hindi mo naman ako ginising?" Reklamo niya.
Napairap ako sa ere. "Ilang beses kitang sinubukang gisingin kanina pero ayaw mong magpatinag. Bilisan mong kumilos, baka umuusok na naman ang ilong nung dragon nating bossing." Paliwanag ko, nagsuklay ako ng buhok sa harap ng salamin at tumakbo palabas.
Bahala na si Mild, ayokong madamay sa kakagalitan ni Seven. Pagdating ko sa lobby ay nakaupo na sa couch sina Seven, Kiran, at Ace. "You're seven minutes late." Sabi niya sa'kin.
"Grabe ka! Sinubukan ko naman makarating on time. Ang layo kaya ng room namin dito sa Lobby," pagdadahilan ko pero ang totoo ay late nga ako ng kaunti.
"Late is still late, where is Mild?" Tanong niya sa akin.
"Naliligo pa." Umupo ako sa tabi ni Ace at ngumiti ng kay lapad ang loko.
"Good morning, Jamie," he said sabay kindat sa akin. If Ace will remove his flirty side, ang bait niya na siguro sa paningin ko. But no, walang pinipiling lugar at oras ang kalandian ng lalaking ito.
"Ang aga-aga, Ace, ha."
Humawak siya sa puso niya na parang nasasaktan. "Bakit ba hindi tumatalab ang charm ko sa kahit sinong babae sa class zero?"
"The first thing is... Kilala ka namin. Iyon ang tanging dahilan. Baka naman gusto mo i-elaborate ko pa kung gaano ka kabilib sa sarili mo?" Tanong ko sa kanya habang may ngisibsa aking labi.
"No thanks, baka masaktan lang ako." Sagot niya sa akin.
Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa dumating na si Mild. Humihingal siyang huminto sa aming tapat. "Sorry, I am late."
"Very late," pagtatama ni Seven dahil 7:46am na siya dumating. Hindi ko alam kung bakit na-late siya ng ganoong katagal. "As a punishment, ikaw ang magdadala ng lahat ng ito." Iniabot ni Ace ang isang malaking bag kay Mild.
"Ah! Ang bigat, ha!" Reklamo ni Mild.
"Nandiyan ang laptop, camera, tripod, at kung ano-ano pang gamit kung kaya't kailangan mong ingatan iyan," bilin ni Seven sa kanya at naglakad na siya palabas. Sumunod naman kaming lahat kay Seven.
"Jamie, kaway ka naman!" Itinapat na sa akin ni Ace ang kanyang cellphone at nagbi-video record ito.
"What're you doing?" Kunot noo kong tanong sa kanya.
"I am vlogging, naisip ko na ang mga ganitong klaseng pagmumukha ay dapat ipinapakita sa buong mundo," proud niyang sabi sa akin at kay Kiran naman siya lumapit. "Bro, say hi to my vlog."
"Fuck you," Kiran raised his middle finger amd waved it to Ace face. "Stop that video shit."
Sumakay kami sa van. As usual, si Kiran ulit ang magda-drive. Hindi talaga ako pumayag na si Mild ang mag-drive kahit anong pagpupumilit niya. Magkatabi kami ni Seven sa upuan, paano kasi ay inunahan ako ni Ace sa likod dahil ayaw niya raw katabi ang masungit na si Seven.
Dati ay manghang-mangha ako sa mga estudyante sa class zero, ngayon ay hindi ko na alam... They are bunch of weirdos na pinagsama-sama sa iisang classroom.
"Saan tayo?" Tanong ni Kiran at in-start ang engine. Binuksan niya rin ang kanyang cellphone at mukhang gagamit siya ng Waze App.
"Sa Apalit, Pampanga." Sabi ni Seven.
A loud Chainsmoker song is banging inside the car habang nasa biyahe kami pero hindi pa man din kami nakakalayo ay tumayo si Seven at pinatay ang kanta. "No music this time." Sabi niya.
Napairap ako sa ere. He's now the official KJ member of Class zero.
***
PAGDATING namin sa Apalit, Pampanga ay ipinarada ni Kiran ang sasakyan sa labas ng isang convenience store. Kataka-taka ang napakaraming missing post na nakadikit sa poste at pader. Lumapit ako sa isa at tinanggal ito sa pagkakadikit.
"Melody Santiago." Pagbasa ko sa kanyang pangalan at pinagmasdan ang kanyang hitsura. Last week pa siya nawawala at paniguradong nag-aalala na ang mga magulang niya sa kanya. Sana nga ay buhay pa siya pati na rin ang iba pang babae na nawawala.
"So ang nawawalang mga babae ay nagre-range ang edad from 16-20 years old," sabi ni Mild sa aking tabi habang kumakain ng ice cream. "Ang target ng taong gumagawa nito ay mga teenagers." sabi niya sa akin.
Tumingin si Mild sa akin at napatingin din ako sa kanya, she smiled on me. "Don't you think na ang saya nang ginagawa natin, Jamie? We're like detectives na nagso-solve ng isang mystery!"
She's a total weirdo, imbes na kabahan siya sa mga ganitong klaseng misyon ay nae-excite pa siya. Sa bagay, hindi siya si Mild kung hindi siya mahilig sa mga thrilling na bagay.
"So ayan po mga ka-tropa, nandito po tayo ngayon..." Napairap ako sa ere, paano ba naman kasi ay itinutuloy ni Ace ang pagiging vlogger niya raw. Ang sakit niya sa ulo kasama sa totoo lang, nasa van pa lang kami ay salita na siya nang salita mag-isa.
Naglakad-lakad kami sa paligid. Humiwalay ako sa kanila at nagpaalam ako kani Seven na magkita-kita na lang kami mamayang tanghali upang magbahagi ng mga impormasyon na nakuha namin. Habang naglalakad ako ay saglit akong napatigil dahil nakita ko ang isang babae na saktong nagdidikit ng isang missing poster sa isang pader.
"Miss..." pagtawag ko sa kanya at kita ko pa ang pagkamugto ng kanyang mata. "Ano pong nangyayari sa lugar ninyo? Bakit ang dami pong nawawalang tao rito?"
"Iyan din ang hindi namin malaman, sa nakalipas na linggo ay sunod-sunod ang pagkawala ng mga dalagang babae sa lugar namin. Kahapon lamang ay nawala na rin si Josephine na siyang aking anak," napahikbi siya at itinakip ang palad sa kanyang mukha dahil hindi niya na napigilan ang kanyang pag-iyak.
"B-bakit hindi kayo humingi ng tulong sa Pulis?"
"Ginawa na namin. Ngunit parang walang nangyayari dahil hanggang ngayon ay wala pang nakikita sa mga nawawalang dalaga kahit isa." paliwanag niya sa akin. Bakit hindi nababalita ang ganitong klaseng issue? Ganitong mga problema ang kailangan mabigyan ng solusyunan. "Mag-iingat ka hija, ang mga katulad mo... Ganyang edad ang karamihan sa mga nawawalang babae." Sabi niya sa akin at naglakad na ulit paalis upang magdikit ng mga missing poster ng kanyang anak.
Kinuha ko ang notebook ko sa bag at nagsulat. Lahat ng impormasyon na nakukuha ko ay sinusulat ko rito. Tama nga si Mild, para kaming mga detective sa ginagawa namin.
Babalik na sana ako kanila Seven ngunit napahinto ako nung may nakakaiba akong naramdaman. Eto na naman, pakiramdam ko ay parating may nakatitig at nakamasid sa akin. Tumalikod ako at tumingin sa aking likod ngunit ni-isang tao ay wala akong nakita.
"This is bad," sabi ko sa aking sarili at ang lakad na ginagawa ko kanina ay unti-unting naging takbo. Nagpa-panic kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa, I need Seven or Ace help.
Nabigla na lamang ako nung biglang may humila sa akin, iniipit niya ang ulo ko na parang sinasakal. Sinubukan kong manlaban ngunit masyadong malakas ang taong gumawa sa akin nito. "Sa wakas ay nadatnan din kitang mag-isa," sabi niya. Nakakapanindig balahibo ang kanyang boses.
May panyo siyang iniharang sa aking ilong at para bang unti-unti akong nawalan ng lakas. Napapikit ang aking mata hanggang sa nagdilim na ang aking paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top