Chapter 15: Pochi Monster
PAGKABALIK namin ni Seven sa Villa Kapuwang ay mabilis akong umupo sa isang couch, halos gabi na rin noong makarating kami dito ulit. Hinubad ko ang suot kong sapatos at minasahe ang aking paa. "Wala ka man lang patawad, Seven, hindi man lang ako nakaupo sa buong pag-iikot natin," reklamo ko sa kanya.
Tinanggal niya ang suot niyang Jacket at binuksan ang malapit na electricfan. "You deserved it. Hindi mo ako tinulungan sa mga lintang dumidikit sa akin."
"It's not even my fault na pinagkakaguluhan ka." Sabi ko sa kanya pero masama niya lang akong tiningnan. Itong lalaki na 'to, parang galit na galit sa mundo dahil parating nakasimalmal.
Ilang segundo lamang ang lumipas at bumukas ang pinto, iniluwa na nito sina Kiran. Nakasunod sa kanya si Ace at Mild na nagtatawanan. "Walang ginawa ang dalawang ito kung hindi magtawanan nang magtawanan." Reklamo agad ni Kiran sa amin.
Ramdam ko ang sakit sa ulo ni Kiran dahil itong dalawa na 'to ang isa sa pinaka-happy go lucky sa class zero.
Seven stood up at napatingin kaming lahat sa kanya. "Okay, guys, go back to your rooms. Maglinis na kayo we will have a meeting later after we eat our dinner. Pag-uusapan natin ang mga impormasyon na nakalap ninyo." sabi niya at naglakad na paalis.
Napabuntong hininga naman kami. Wala talaga kaming time na magsaya sa lugar na ito hangga't nandito si Seven. "When will I have a chance na makalangoy sa swimming pool? I am just a meters away with the pool pero ni-paa ko ay hindi ko man lang maibabad," Reklamo ni Mild.
"As long as the demon's here, hindi mo magagawa ang gusto mo." Sagot sa kanya ni Ace kung kaya't natawa ako.
"Hindi kasi laro ang numero unong ipinunta natin dito, mga isip bata!" Naglakad na rin paalis si Kiran. Pinangangatawanan niya talaga ang pagiging masungit niya. Hindi ko na nagawang basahin ang iniisip ni Kiran dahil nakatalikod na ito sa akin pero sa tingin ko ay gusto niya na rin lumangoy sa swimming pool at mag-relax.
"So paano ba 'yan? Kailangan ko nang bumalik sa room namin." Sabi ni Ace sa amin at naglakad na rin palayo. "I need to update my fans kung ano na ang nangyayari sa akin dito." Narinig ko pang kanyang sabi kung kaya't napairap ako sa ere. Bilib na bilib talaga siya sa kanyang sarili.
Umangkla si Mild sa braso ko at naglakad na kamong dalawa papasok sa room namin. "Hindi ba talaga natin pwedeng suwayin si Seven? Ang layo nga natin sa Manila pero hindi naman tayo makapagsaya,"
"He just doing his job as the leader, at isa pa, baka makagalitan tayo ni sir Joseph kung papalpak tayo sa unang mission na ibinigay niya. We only have a couple of days here, kailangan nating magawa ang pakay natin." Paliwanag ko kay Mild at napatango-tango siya. "Pero malay mo naman, matapos natin ng maaga ang misyon. If that happens, gagamitin natin ang natitirang oras para magsaya."
"I hope we can finish this mission already, swimming na swimming na ako."
Pumasok kaming dalawa ni Mild sa kwarto, si Mild ang unang naligo dahil pakiramdam niya raw ay ang baho niya na. Ako naman ay nakahiga muna sa kama at nakikipag-chat kay Kiryu.
Kiryu:
Hey! Just a while ago may na-encounter kaming Lawbreakers!
Jamie:
Malakas?
Kiryu:
Not really. I already knew my ability. 😛😛😛
Jamie:
Talaga?! Congrats, Kiryuuu
Anong ability mo?
Kiryu:
Ipapakita ko sayo kapag nakabalik na kayo hehe.
Kumusta misyon ninyo diyan?
Jamie:
Mas mahirap pa pala 'to kesa sa iniisip namin. Wala man lang kaming lead sa kung sino at ano ang lawbreaker na nandito.
Kiryu:
Seems like it's hard. Pero kaya ninyo 'yan! If magawa ninyo yung mission, bibigyan kita ng isang balot ng pochi.
Jamie:
Whoah, talagang pochi na naman ang ibibigay mo?
Kiryu:
Hey, masarap kaya yung Pochi, I will kill someone just to have a pochi!
Jamie:
You're a pochi monsteeer!
Kiryu:
I will eat every piece of pochi in the wooorld! Raaawr!
Napatawa naman ako sa sinabi ni Kiryu, he's still the little Kiryu that I know. Dapat talaga ay kasama na lang siya sa misyong ito para kahit papaano ay may stress-reliever kami e.
Natapos maligo si Mild at nagpaalam na ako kay Kiryu. Ako naman ang naligo at mabilis lang din akong gumayak dahil kumakatok na sa pinto namin si Kiran dahil ang bagal naming dalawa kumilos ni Mild. Hindi niya ba alam na matagal talaga maligo ang mga babae?
I just wear a shirt and a white T-shirt na may design na Hello Kitty, after naman kumain ay baka matulog na rin ako dahil sa pagod na nadadama ko sa buong katawan ko. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa amin ang bagot na mukha ni Kiran. "Bakit ba ang bagal ninyong kumilos na mga babae?" Reklamo niya.
"Bakit ba ang bibilis ninyong kumilos na mga lalaki, may hinahabol ba kayong oras?" Tanong naman ni Mild at natahimik na lang si Kiran. Naglakad na kaming tatlo papunta sa restaurant.
Kaunti lang ang tao ngayon dito sa Villa Kapuwang kung kaya't ang relaxing. Hindi crowded. Parang kubo style ang lugar at mga acoustic cover ang tumutugtog sa paligid. Inilibot ko ang aking paningin at itinaas ni Ace ang kanyang kamay para makita namin ang kanilang puwesto.
"Jamie, sanay ka kumuha ng litrato?" Tanong agad ni Ace sa akin pagkarating namin ni Mild.
"Kaunti."
"Okay na 'yon, picture-an mo nga ako ro'n," may itinuro siyang lugar. "Ang instagramable, eh. Ishe-share ko lang sa mga fans ko." Sabi niya. Umirap ako sa ere pero sinunod ko pa rin siya.
***
ILANG minutong kwentuhan pa ang aming ginawa bago dumating ang in-order na pagkain. Si Seven ang halos um-order ng pagkain at masasabi kong he has a good taste pagdating sa pagkain. Puro seafoods ang in-order niya dahil sabi nung isang staff dito ay iyon ang specialty ng kanilang restaurant.
Habang nilalantakan namin ang mga pagkain na nakahain ay nag-uusap na rin kami patungkol sa isinagawa naming paglilibot. "Any information, Ace?"
Sa Angeles, Pampanga nag-ikot sila Ace. "Well, wala naman masyado kaming information na nakuha pero may bali-balitang may mga nawawalang babae sa lugar. Napansin ko rin ang maraming missing post sa poste na nadadaanan namin." Sabi niya.
"Ganyan din yung sinabi nung babae sa akin, Seven. There's a lot of missing girls in the town. Ang sabi niya sa'kin ay sa Apalit ang pinakamaraming case na nawawalang babae. Sa tingin mo, may kinalaman ang mga lawbreakers sa nangyayari?" Tanong ko kay Seven.
"Kung pinapatay sila ng lawbreakers, dapat hindi na sila naaalala ng kanilang mga kapamilya dahil ang bawat napapatay ng lawbreakers ay nakakalimutan ng mga tao na parang hindi sila nag-exist." Paliwanag ni Seven sa amin at napatango-tango ako.
"So meaning to say, walang kinalaman ang mga lawbreakers sa nangyayari rito. O kaya naman..." Huminto si Ace at tiningnan kaming lahat sa mata. "Hindi pinapatay ng lawbreakers ang bawat babaeng dinudukot nila at tinatago lang nila sa kung saan."
"Iyon ang tatrabahuhin natin bukas, we need to go to Apalit, Pampanga." Sabi ni Seven sa amin.
"Ibig sabihin, action na 'tooo!" Mild excitedly shouted at napatingin sa amin ang ibang kumakain. "Sorry. Sorry." Sabi niya.
"Pwede kayong magsaya tonight, pero hanggang ala-una lang. Kailangan nating umalis nang maaga bukas." Biglang sabi ni Seven at napatingin kaming lahat sa kanya. Seryoso ba 'to? Bibigyan niya talaga kami nang time na magsaya. "What? Bakit ganyan kayo lahat makatitig?"
"May sakit ka ba?" Tanong bigla ni Ace.
"Consider it as a reward dahil nagbunga ang ginawa natin ngayong araw." Sabi niya at umiwas nang tingin.
Na-excite kaming dalawa ni Mild sa sinabi ni Seven, kahit papaano naman pala ay may kabaitan itong lalaki na ito. He's cold outside pero may puso rin naman pala itong si Seven.
Matapos namin kumain ay dali-dali kaming nagpalit ni Mild ng pang-swimming at tumalon sa pool. Nandoon din sina Ace at Kiran. Si Seven naman ay nakaupo lang sa duyan malapit sa pool at nagbabasa ng book. Duh! Boring.
Nagbabasaan kami nila Ace habang si Kiran ay nakaupo sa edge ng pool at nakasayad lamang ang kanyang paa sa tubig. "Kiran, sumama ka na dito!" Aya ko sa kanya.
He avoided my eyes. "Bakit naman ako magsi-swimming diyan? Ano ako? Bata? Grow up--" hindi niya na natapos ang kanyang sinasabi nung bigla siyang hatakin ni Mild pabagsak sa tubig. Napahilamos si Kiran sa kanyang mukha. "A-ano ba!"
"Ang dami mo pang sinasabi, don't be a responsible shit kagaya ni Seven. Enjoy mo lang," sabi sa kanya ni Mild.
Binasa ni Ace ng tubig sa mukha si Kiran at gumanti naman ito, ayon hanggang nagbasaan na kaming apat sa pool at sobrang nag-enjoy talaga kami.
Alas-dose na at nakaupo na lang kami sa gilid ng pool at nagkekwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Marami rin akong bagay na natutunan sa tatlo. Napahinto ako sa pagkekwento nung muli kong maramdaman ang naramdaman ko kanina sa mall. Pakiramdam ko ay may nakatitig sa bawat galaw ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top