Chapter 14: Investigating
HUMINTO ang sasakyan sa tapat ng isang villa. Pinatay ni Kiran ang engine at isa-isa kaming bumaba ng mini bus. Ang plano talaga namin ay maghanap ng place na mapag-i-i-stay-an pero nakapagpa-book na pala si sir Joseph sa Villa na ito na tutuluyan daw namin for a couple of days.
"Ang ganda rito," sabi ni Ace habang inililibot ang paningin niya sa buong paligid. We are at Villa Kapuwang that's located at San Fernando, Pampanga.
Totoo naman ang sinabi ni Ace dahil kahit ako ay napapahanga sa ganda nung place. Parang 1960's na Pilipinas ang style ng buong place, there are some street lights before you enter at there rooms at may mga vintage na gamit na ngayon ko na lang ulit nakita.
"Jamie," bigla akong tinawag ni Mild at saktong paglingon ko sa kanya ay nag-flash ang camera na kanyang hawak.
"What the... Mild! Hindi ako prepare!" Reklamo ko na ikinatawa niya. Tiningnan niya ang photo at tumawa ng malakas. Tiningnan ko na rin ang litrato, nung una ay naiinis pa ako pero natawa na lang din ako dahil sa epic na hitsura ko.
Bitbit namin ang aming mga gamit habang naglalakad papasok sa Villa, may isang lalaking um-approach sa amin at mukhang tauhan siya ng resort. He guided us sa kung saan ang room namin, magkabukod ang room ng babae't lalaki para na rin sa seguridad.
There are 3 big pools in this villa at sobrang ganda nilang lahat. Ngayon ay pakiramdam ko ay nagbabakasyon lang kami at wala sa isang misyon. Kung ganito lang din naman ang titirahan namin kapag may misyon, aba! Lagi na akong sasama.
"Guys, after ninyong maayos ang mga gamit ninyo... Let's have a meeting." sabi ni Seven sa amin at narinig ko ang mahinang reklamo ni Mild at Ace. Wala silang magawa dahil si Seven ang tumatayong leader sa misyong ito.
Unexpectedly ay napatingin ako sa mata ni Kiran at nabasa ang kanyang iniisip.
'Ngayon lang ako ulit nakapunta sa ganito, gusto ko mag-swimming.'
Napangiti ako. "Ikaw, Kiran, gusto mo mag-swimming?" Tanong ko sa kanya at hindi ko na pinaalam na nabasa ko ang kanyang isipan dahil paniguradong magagalit ito.
"H-ha?" He crossed his arms at nag-iwas nang tingin. "Hindi na tayo bata para mag-enjoy pa sa mga pool. At isa pa, we're here for a mission at hindi para sa bakasyon." Sabi niya at nauna ng maglakad sa rooms nila bitbit ang kanyang maleta.
Hindi ko ini-expect na may ganitong side din pala si Kiran, cute din siya kagaya ni Kiryu pero hindi siya showy sa nararamdaman niya.
Nagpunta na kami ni Mild sa room namin at sobrang napahanga ako sa ganda nito, maliit lang ang kwarto na ito at double-deck ang kama. Tanaw na tanaw ang ganda ng kabuuan ng Villa kapag tumingin ka sa bintana. Cream white ang kulay ng pader kung kaya't ang lamig din nito sa mata.
Inayos namin ni Mild ang gamit namin. Panay nga ang reklamo ni Mild dahil gusto niya raw kumuha ng maraming pictures pero hindi niya magawa dahil kay Seven. Pagkatapos naming mag-ayos ay nagpalit ako ng simpleng puting T-shirt at shorts.
Nagtungo na kaming dalawa ni Mild sa lobby kung saan nandoon na sila Ace. Ace smirked at me when he looked at me, as usual, he's being flirty again. I am used to it, he's flirty with everyone. Talagang buhat na buhat niya ang sarili niyang bangko sa pagsasabi niya na gwapo siya.
"Ang tagal ninyo," reklamo ni Seven.
"Hindi kami matagal, mabilis lang kayo." Sagot sa kanya ni Mild.
Umupo kami sa isang couch lahat habang si Seven lang ang nakatayo. Mukhang nakuha ko naman kung bakit seryoso siya sa misyong ito, naiintindihan ko ang eagerness niya na magawa namin ito. He want to save other people lives na hindi niya nagawa sa mismo niyang ina.
"The first thing na gagawin natin ngayong araw ay mag-ikot-ikot dito sa San Fernando. We will ask some residents here kung may kakaiba ba silang nararanasan in this past few days--"
"Pass ako diyan," sabi ni Mild at nagsimulang maglakad palabas. "I will enjoy my first day here at Pampanga."
Bago pa man makalabas si Mild ay may isang malaking cabinet ang biglang humarang sa pinto. Napalingon ako kay Seven and he used his powers para hindi makalabas si Mild. "This is OUR mission, hindi ka isinama rito para magsaya."
"Seven is right," pagsang-ayon ko. "We're here para mahuli ang lawbreakers na namiminsala sa lugar at para makakuha tayo ng impormasyon tungkol sa kanila. Maybe, if we finish our job here ay ma-enjoy pa natin ang mga natitirang araw."
Mild raised her both hands as a forfeit. "Okay talo na 'ko, misyon muna bago laro."
Seven discussed to us kung ano ang dapat naming gawin. We're just here in Pampanga for three days at sa maiksing panahong iyon, kailangan talaga naming malaman kung totoong may lawbreakers na gumagala sa lugar.
"We need to split into two groups para mas mapabilis ang paghahanap," sabi ni Kiran sa amin. "We need to decide kung sino ang magiging magkasama."
Ace smirked, "let's have a jack en poy, mas convenient at mas madali."
***
"ANG bagal mo," reklamo ni Seven sa akin nung medyo nahuhuli ako sa paglalakad, kung mamalasin ka nga naman! Si Seven pa ang nakagrupo ko samantalang sila Mild, Ace, at Kiran ang magkakasama. Nakakainis, sobrang bugnutin pa naman nitong si Seven.
Nandito kaming dalawa sa SM Pampanga para magtanong-tanong sa mga tao. We chose this place dahil crowded dito, ito ang paboritong lugar ng mga lawbreakers-- mga lugar na matao.
"Sorry naman, ha! Ang laki kasi ng mga hakbang mo." Reklamo ko. We entered the mall at nagsimulang magtanong-tanong.
"Ate, may kakaiba ba kayong na-e-experience sa lugar ninyo these past few days?" Tanong ko sa babaeng nakaupo sa food court area. Mabilis na umiling ang babae sa akin. "Kahit po kakaibang kuwento na kumakalat dito these past few days?" Muli siyang umiling kung kaya't bigo ako na makakuha ng impormasyon.
Napatingin ako kay Seven, halos pagkaguluhan siya ng mga babae from different schools. "Ano ba! Bitawan ninyo nga ako! Stop pestering me!" Sigaw ni Seven.
Bumuntong hininga ako at hinayaan ko lang siyang pagkaguluhan, kabayaran niya 'yan sa hindi niya magandang pagtrato sa akin kanina. Minsan hindi rin talaga maganda na gwapo ka, eh. Minsan nakakaperwisyo rin.
Naglakad-lakad pa ako sa mall at pumunta sa bookstore para doon naman magtanong. Nakaka-fascinate talaga ang mga librong nandito, kung may pera lang ako ay bibilhin ko itong lahat. Lumapit ako s isang babae na nasa late-30's at bumibili ng ilang school supplies.
"Ate, pwede magtanong?" Tanong ko sa kanya.
"Ano 'yon, hija?" she smiled on me at nilagay ang tatlong notebook sa basket na kanyang hawak.
"Lately po ba, may kakaiba kayong nae-experience? Or kahit bali-balitang may kakaibang nangyayari sa lugar ninyo?" Tanong ko, I grabbed my notebook parang handa na akong isulat kung ano ang lalabas sa kanyang bibig.
Napahawak siya sa kanyang baba na parang nag-iisip. "Pasensya na, hija, wala akong kakaibang nararanasan this past few days,"
Napabuntong hininga ako, akala ko ba naman ay makakakuha na ako ng impormasyon this time, hindi pa pala.
Biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa kung kaya't kinuha ko ito; isang text message galing kay Seven.
From: Seven
Get. Back. Here. Save me from these fucking leeches.
Napatawa ako dahil sa sinabi niya. He's still the same hot-headed guy na nakilala ko nung first day. "Sige po, 'nay, salamat po sa kaunting time na binigay ninyo." Nakangiti kong sabi.
Akmang aalis na ako nung may isa pa siyang sinabi. "Pero may bali-balita na marami raw nawawalang babae sa Apalit, Pampanga. Hindi ko alam kung totoo ang kumakalat na balitang iyon pero marami sa kababaihan sa lugar namin ang umiiwas na mapunta doon." Sabi niya sa akin.
I smiled, that's a big help. Saglit akong napatigil sa paglalakad, someone's looking at me. Umikot ang paningin ko sa paligid para hanapin ito ngunit wala akong nakita.
Hindi ko alam kung imagination ko lang pero pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akon, gumapang ang kilabot sa buo kong katawan 'coz I find it creepy.
Sa muli kong pagharap ay nakatayo na si Seven sa mismong harapan ko. "Hindi ko alam kung tumutulong ka sa misyon o naggagala ka lang." Sabi niya na may bagot na hitsura sa kanyang mukha.
Napatingin ako sa kanyang mata at muli kong binasa ang kanyang iniisip.
'If you're trying to read my mind again, wala kang mababasa diyan. Dumbass.'
He smirked at napairap ako sa ere. Ang imposible talagang mabasa nang nilalaman ng kanyang isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top