Twitter: THANK YOU CLASS ZERO
MAHIRAP na para sa amin ang pakikipaglaban noong umiiral ang Devil hour sa buong Maynila pero ngayong nabasag ang Devil hour ay mas nahati ang atensyon naming lahat sa kung paano namin mapapatay si Deathevn at kung paano namin mapoprotektahan ang mga sibilyan na nasa paligid.
Nakatanaw ako kay Deathevn na lumilipad sa kalangitan habang nagbubuga ng apoy. Rinig na rinig ko sa paligid ang malakas na sigawan ng mga tao dahil sa takot. Gamit ang buntot nito ay hinampas ni Deathevn and isang mataas na establisyimento at nagsimulang bumagsak ang malalaking tipak ng bato sa kalsada.
"T-Tulong!" Malakas na sigaw ng isang mayandang babae at mabilis akong tumakbo tungo sa kanyang direksyon. Ikinulong ko siya sa aking bisig at nagpagulong-gulong kami sa daan. Gladly, we managed to dodge that big piece of stone.
Maya-maya pa ay napasigaw muli ito noong may isang lawbreaker ang tumatakbo tungo sa aming direksyon. Inilabas ko ang aking dagger at mabilis kong hiniwa ang kayawan ng lawbreaker. Tumalsik ang dugo nito sa buo kong katawan at unti-unti itong naglaho.
Bumalik ang tingin ko sa babaeng tinulungan ko. She look terrified. "A-Ayos lang po ba kayo? Mas maigi po kung pupunta kayo sa mas lig—"
Humakbang ako papalapit sa kanya at humakbang siya paatraa. "H-Huwag kang lalapit! Halimaw ka! Isa kang halimaw!" Sigaw niya sa akin at mabilis na tumakbo papaalis.
In normal circumstances, masasaktan ako sa kanyang sinabi pero iba ang sitwasyon ngayon. Biglaang na-expose sa buong mundo ang tungkol sa aming mga glitch at batid kong karamihan sa mga normal na tao ay takot ang unang magiging reaksyon.
May mga ibang estudyante na tumtulong sa pagpapalikas sq mga tao katulad ni Takinna namataan ko sa 'di kalayuan at marami ring glitches ang nakikipaglaban sa mga lawbreakers.
The whole place is in chaos.
"Jamie!" Malakas na sigaw ni Seven ang aking narinig habang kasunod niya si Kiran at Sir Joseph. "Where is everyone?" He asked.
"S-Si Kiryu at Jessica ay tumutulong sa paglilikas ng mga tao samantalang si Claire ay ginagamot panandalian si Ace..." paliwanag ko.
"Si Teddy?" He asked.
Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano matatanggap ni Seven ang sinapit ni Teddy. Teddy is his bestfriend. "W-Wala na si Teddy." Wika ko.
He's expression changed. "A-Ano?"
May luhang bumagsak mula sa aking mata. "Wala na si Teddy." Mas klaro ang pagkakasabi ko sa pagkakataong ito. "Nagawa siyang mapatay ni Tasha."
"Tangina naman!" Malakas na sigaw ni Seven.
Napatigil ang aming pag-uusap noong nagbuga muli ng isang malaking bolang apoy si Deathevn at umalingawngaw sa buong Maynila ang malakas na pagsabog at ramdam na ramdam namin ang pagyanig ng lupa dahil sa pangyayari. "L-Let's talk about that later." Pagputol ni Sir Joseoh pero maging siya ay nasaktan sa ibinalita ko.
This is painful for Sir Joseph, una, alam kong masakit para sa kanya na makita na ang mga naging estudyante niya at mga estudyante niya ngayon ay nagpatayan dahil sa magkaibang paniniwala. At pangalawa, pinoproblema din niya ang pagkabuhay ni Deathevn na nagdadala ng malaking pinsala sa buong Maynila ngayon.
Pinahid ni Seven ang luha niya. He heavily breathed in and breathed out. "Let's focus on the mission first." He said with authority.
"Kiran, huwag mong hayaang kumalat ang apoy sa paligid," utos ni Seven. "Jamie, tumuntong ka sa malaking tipak mg bato. Susubukan kitang palutangin hanggang sa maging kasing level mo si Deathevn sa himpapawid. Subukan mo kung gagana ang ability mo na mapasunod siya. We need to do everything that we can para maiwasan na madamay ang buong Luzon at mga pamilya natin sa gulong ito. Maliwanag ba?"
"Yes sir!" Sabay naming sagot ni Kiran.
"Titipunin ko ang Class Zero na magkita-kita kayo sa harap ng mall na iyon." Itinuro ni Sir Joseph ang lugar. "Mag-iingat kayo." Huling sabi ni Sir at tumakbo papaalis.
Naghanap ako ng makapal at malaking tipak na bato na nakabagsak sa kalsada at doon tumuntong. Seven is my boyfriend pero alam niyang hindi lang ako ang may kailangan sa kanya ngayon. Nasa kamay niya kung paano maililigtas ang buong Pilipinas sa gulong ito.
Unti-unting iniangat ni Seven ang bato at binalanse ko ang sarili ko sa ibabaw nito. "Are you comfortable with it?" Tanong niya.
Itinukod ko ang kanan kong kamay sa bato at tumango. Tumingala ako para pagmasdan ang dragon na nasa kalangitan ngayon. Malayo pa lang si Deathevn ay nasisindak na ako sa laki at hitsura nito ngunit ngayong lalapitan ko ito ay nanlalambot ang tuhod ko dahil sa takot.
Pero sa tuwing naiisip ko ang paglalaho ng mga kaibigan ko... naiisip ko na kailangan kong lumaban para sa kanila. Hindi lang ang sarili kong hiling ang dala-dala ko ngayon kung hindi kasama ang pangarap nina Teddy, Roger, Minute, Girly, at Mild— dala ko sa laban na ito ang kagustuhan nilang maging tahimik ang mundong ito para sa aming mga glitch.
"Huwag kang mag-alala, okay?" Seven gave me an assuring looked at kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko. "Poprotektahan kita. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa iyo." May diin sa bawat salitang binitawan niya na parang paninindigan niya talaga ang mga ito.
"N-Nagtitiwala ako sa 'yo." Unti-unti nang iniangat ni Seven ang batong aking tinutuntungan hanggang sa maging ka-level ko na ang matataas na building dito sa Maynila. Ramdam ko ang malamig na hangin ngunit diretso lang ang tingin ko kay Deathevn.
Naglabas ako ng pana at palaso at sinubukan kong panain ang kayawan nito ngunit balewala lamang ito sa katawan ni Deathevn. Ang balat nito ay para bang gawa sa makapal at matibay na shield.
Kaunting angat pa at magkasing-level na kami ni Deathevn. Sa posisyon ko ngayon ay kitang-kota ko ang hitsura ni Deathevn. Isang malaking dragon na may nanlilisik na mata, matatalim ang mga ngipin nito na parang isang kagat lamang ay mahahati ang katawan ko sa dalawa. Makapal ang itim na kaliskis na bumabalot dito at para bang matulis na espada ang buntot nito sa sobrang talim ng bawat gilid.
My knees trembled. Tiningnan ko ng mata sa mata si Deathevn at bumuntong-hininga ako. "Patayin mo ang sarili mo." Utos ko.
Lumipad lang ito para lagpasan ako na parang hindi narinig ang sinabi ko. Iginalaw muli ni Seven ang bato at sinundan ang paglipad ng malaking dragon na ito. Tiningnan ko muli ito nang mata sa mata. This time, tumingin ako sa kanya ng mas seryoso. "Itigil mo ang gulong ito." Utos ko.
Muli, hindi ako pinakinggan ni Deathevn. My ability doesn't work to him.
Muling iginalaw ni Seven ang batonng tinutuntungan ko at inilabas ko ang pana't palaso ko. I should aim for it's weak spot— ang mata nito.
Binanat ko ang palaso sa pana at handa na akong pakawalan ito. Nabigla na lamang ako noong tumingin sa akin si Deathevn. Gumapang ang takot sa aking katawan. Pinakawalan ko ang palaso at bumubulusok itong tumungo sa mata ni Deathevn. Ipinikit ni Deathevn ang kanyang mata. Deathevn right claws suddenly moved at ramdam ko ang hangin na nilikha nito. Bigla niya akong inatake at nagawa ko man itong maiwasan ay nagkasugat pa rin ako sa braso.
Nawalan ako ng balanse at unti-unti akong nahulog sa batong tinutuntungan ko.
Ramdam ko ang pagsampal ng malakas na hangin sa buo kong katawan habang pinagmamasdan ko si Deathevn.
Habang pababa ako sa lupa ay unti-unting bumagal ang bilis nang aking pagbagsak hanggang sa makaramdam ako ng kakaibang lakas na parang pinalukutang ako sa ere. Maingat akong ibinaba ni Seven sa kalsada.
"Ayos ka lang ba?" Tanog niya habang nakatingin sa nagdurugo kong braso. "Kailangan magamot ni Claire ang sugat mo."
"H-Hindi gumagana kay Deathevn ang kapangyarihan ko." Pag-amin ko sa kanya. "Hindi rin gumana ang normal na atake ko sa makapal nitong kaliskis."
"Kailangan nating gawin ang lahat para mapigilan sa Deathevn. Kailangan maiwasan natin na madamay ang mga pamilya natin sa gulo."
Napatigil kaming dalawa ni Seven sa paggalaw noong malakas na umangil si Deathevn. Ramdam ko ang pagyanig ng lupa at pagbagsak ng mga debris dahil sa lakas nang angil nito. Biglang nagbago ang panahon, natakpan ang liwanag ng araw ng kadiliman. Biglang nagpakita ang buwan at bilog na bilog ito. Nabalot sa kadiliman ang buong Maynila.
Bumaba si Deathevn at sunod-sunod na pagsabog ang narinig namin sa iisang lugar.
"Kailangan nating makipagkita kanila Kiryu para mapag-usapan ang magiging plano natin." Paliwanag ni Seven at tumakbo kaming dalawa tungo sa mall kung saan kami magtatagpo-tagpo.
Nabigla kaming dalawa noong may isang lalaki ang sumusunod sa amin na may hawak na mikropono at may camera man sa kanyang likod. "Ano pong masasabi ninyo—"
Media.
"We don't have time for this!" Sigaw sa kanya ni Seven. "Umalis na kayo rito! Delikado 'yang ginagawa ninyo."
"Sir, trabaho lang po!" Napatigil sa pagtakbo ang reporter noong may limang lawbreakers ang biglang humarang sa aming dinadaanan.
Pinalutang ni Seven ang kanyang mga baraha sa ere at inilabas ko ang dagger ko. "Ako na ang bahala sa dalawang nasa gilid." Wika ko. Hindi ko iniinda ang sakit ng aking braso at para bang namanhid na ito dahil mas nananaig sa akin ang mailigtas ang mundo kaysa ang sarili ko.
Akmang aatakihin ako ng isang lawbreaker gamit ang buntot nito ngunit mabilis akong nakaiwas pakanan at hiniwa ang buntot nito. Napasigaw ang lawbreaker at ipinasok ko sa bunganga nito ang talim ng dagger bago ito hiniwa papaangat.
Seven used his cards to eliminate easily those lawbreakers. Akmang tatakbo ang natitirang lawbreaker sa reporter ngunit mabilis ko itong tiningnan sa mata. "Saksakin mo ang sarili mo." Utos ko.
Tumalsik ang dugo nito sa reporter at malakas itong napasigaw sa takot. Of course, nakakatakot para sa normal na tao ang ganitong senaryo. Hindi normal ang makakita ng mga taong pumapatay ng ibang nilalang. At hindi normal makakita ng mga kakaibang halimaw na gumagala sa buong paligid.
Humarap ako sa kanila. "Tumakbo na kayo, hindi na kayo ligtas dito." Wika ko.
Nagmamadali silang tumakbo paalis.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Seven at nagpatuloy sa pagtakbo. Sa pagtakbo namin ay marami akong nakita, nakita ko kung paano mabagsakan ng mga bato ang ibang tao, nakita ko kung paano kumalat ang dugo nila sa paligid. Nakita ko rin maglaho ang ibang glitches na nakikipaglaban. It was a hard scenario for us. Sira na ang balanse ng mundong ito.
Pagkarating namin sa tapat ng mall ay mabilis na lumapit sa akin si Claire at ginamot ang sugat ko.
"Claire, ayos ka lang ba?" Tanog ko sa kanya.
Ako ang nasugatan pero pakiramdam ko ay si Claire ang nasasaktan.
She smiled weakly. "Hindi ako okay, Jamie." Pag-amin niya. "Pero hindi ito ang oras para mawalan ako ng pag-asa. Tayo na lang ang maaasahan ng mga tao rito kung kaya't gagawin ko ang lahat para mailigtas ang maraming buhay hanggang kaya ko."
Nakapaikot kaming pito sa iisang lugar habang pinagmamasdan ang sira-sirang Maynila.
"Is this gonna be the end for us?" Tanong ni Kiran habang nakatingin sa isang establisyimento na matinding nasusunog. "A-Ang sakit lang na matawag bilang isang halimaw ng mga taong tinutulungan ko kanina." Malungkot niyang sabi.
Sa puntong ito, na-realize ko na tama ang sinabi sa amin ng Black Organization... hindi kami tatratuhin ng mga normal na tao bilang bayani kung hindi tatratuhin kami na parang mga halimaw kagaya ng mga lawbreakers. Human can be mean sometimes.
"Lalaban tayo!" Malakas na sigaw ni Seven at napatingin kami sa kanya. Punong-puno ng determinasyon ang mukha ni Seven. "Hindi tayo lumalaban para sa opinyon ng ibang tao! So what if they call us monsters?! Ang importante ngayon ay matalo natin si Deathevn."
"Hindi tayo puwedeng mamatay dito." Tumayo si Ace sa tabi niya. Seeing our leaders standing for us... fighting ay parang nagkaroon ng unti-unting pag-asa sa puso ko. "Papayag ba kayo na dito tayo mauubos? Papayag ba kayong hindi natin mabibigyan ng katarungan ang mga taong nagsakripisyo para magpatuloy tayo sa labang ito?"
Tumayo ako at pinahid ang luha ko. "I... I refuse to die here." Seryoso kong sabi at isa-isang tumayo ang buong Class Zero. "Pupunta pa tayo sa La Union."
"Mag-i-star gazing pa tayo sa itaas ng bundok." Sabi naman ni Claire.
"Magte-training camp pa tayo ulit." Wika ni Kiryu.
"This is not the last time that we will laugh." Seven said while there smirked in his face. "We will finish Deathevn."
Inilapag ni Jessica ang kanyang kamay sa gitna namin lahat. Nagkatinginan kami isa-isa at ngumiti sa isa't isa.
"We are Class Zero..."
Isa-isa naming ipinatong ang aming kamay sa ibabaw ng kanyang kamay.
Together with Class Zero, I find a strength that we can win this battle.
"We are family." Sigaw naming lahat at seryosong naglakad tungo sa direksyon ni Deathevn.
"Nasa lupa si Deathevn ngayon at sa gitna ng siyudad, let's take this chance to finish him off bago siya muling lumipad sa himpapawid." Paliwanag ni Seven sa amin. "Ibuhos na natin ang buong lakas natin sa magiging laban na ito para matalo natin si Deathevn but let's be mindful sa mga taong nasa paligid. Kailangan nating masigurado ang kaligtasan nila bago tayo gumawa ng malalaking pag-atake. Maliwanag ba?"
"Yes, Sir!" Sabay-sabay naming sabi.
Claire casted a spell to us kung kaya't bumilis ang pagtakbo namin.
"Ako na ang bahala sa pagligtas sa mga sibilyan." Dumami ang Kiryu sa paligid at kumalat siya sa buong lugar.
"Ako na ang bahala sa pagkontrol sa pinsala. Hindi ko hahayaan na kunalat ang apoy." Wika naman ni Kiran at humiwalay na siya sa amin.
"Claire, Ace, Seven, Jamie... kayo na ang bahala kay Deathevn. Gagawin ko ang lahat para mapatay ang mga lawbreakers sa paligid." Wika ni Jessica at nagkaroon ng mga patay na sundalo sa paligid. "Please don't die." That's the last thing she said bago siya humiwalay sa amin.
Dire-diretso kaming tumakbo nila Claire hanggang sa mamataan namin si Deathevn sa gitna ng matataas na building sa Ortigas.
Akmang may malaking bato na babagsak sa aming direksyon ngunit mabilis itong kinontrol ni Seven upang ialis sa dadaanan namin.
Ilang metro na lamang ang layo namin kay Deathevn at tumatakbo kami sa pagitan ng mga building.
"I will do the first move!" Sigaw ni Ace at iniangat ang kanyang kamay at may malakas na kidlat na tumama kay Deathevn.
Malakas na umangil ang dragon at yumanig ang lupa dahil sa vibration at nabasag ang salamin ng mga nagtataasang building dito. Isa pang bagay na nagpahirap sa amin para makaatake kay Deathevn ay ang bugso ng mga tao na tumatakbo papaalis sa lugar.
Kung lumikas lamang sila... it will a lot easier for us.
May nakita akong tatlong Lawbreakers sa 'di kalayuan. "Gagawa ako ng destruction kay Deathevn. Ikaw na ang bahala Seven!"
Gumawa malaking barrier si Claire sa paligid upang hindi mabagsakan ang mga tao ng mga nagbabagsakang tipak na bato at salamin. Tumakbo ako tungo sa direksyon ng tatlong lawbreakers at inutusan ang mga ito. "Patayin ninyo si Deathevn." Utos ko.
Kailangan lang ma-distract si Deathevn upang hindi mapunta kay Seven ang atensyon nito.
Sumugod ang tatlong lawbreakers kay Deathevn at inatake ito. Deathevn immediately saw them at kinalmot ang mga ito gamit ang matatalim nitong kuko. Mabilis na naglaho ang tatlo lawbreakers.
Maya-maya lamang ay isang malaking piraso ng makapal na bakal ang lumulutang sa ere. Akmang lilipad si Deathevn.
"Tangina, hindi ka makakatakas!" Sigaw ni Seven at ibinaon ang bakal sa lupa at kumapit ang kabilang parte nito sa kamay ng dragon dahilan upang hindi ito makalipad papaalis.
"This is my chance!" Biglang tumalon si Topher mula sa ikatlong palapag ng isang mataas na building at nagbagsak ng makakapal na yelo sa paligid ni Deathevn. Malakas na umangil ang dragon at napangisi si Topher. "What's up, Class Zero?" He said.
Kaht sina Takinay nandito para tumulong sa pagpuksa sa mga lawbreakers at pagtulong sa paglikas ng mga tao. All our friends from different schools are here to help us.
I can really feel that we are all united.
"Focus!" Malakas na sigaw ni Seven at tumakbo kami nila Claire papalapit sa direksyon ni Deathevn.
"Aim for it's eyes!" Malakas kong sigaw at inilabas ang pana at palaso ko; gayundin si Ace.
Malakas na umangil si Deathevn at nagpakawala ng apoy at unti-unting natutunaw ang yelo na nakapalibot sa kanya.
"You can't escape me, big lizard." Sigaw ni Topher at mas kumapal ang yelo na nakabalot kay Deathevn.
Seven controlled more big metals at ipinalibot sa katawan ni Deathevn upang masiguradong hindi ito makakatakas.
Malakas na nagbuga ng apoy si Deathevn at imbes na tumungo ito sa aming direksyon ay umangat ito sa kalangitan upang walang mapinsala sa paligid o walang mga sibilyan na madamay. Tiningnan kong maigi at nakatayo si Kiran sa harap ni Deathevn. Pinaaangat niya ang apoy na nilikha ni Deathevn.
"Jamie, focus!" Sigaw ni Ace at inasinta ang mata ni Deathevn.
This is our chance.
"Kiran tabi!" Malakas na sigaw ni Ace at pinakawalan niya ang kanyang palaso. "Damn, I missed! Jamie!"
Seryoso kong tiningnan ang mata ni Deathevn at pinagmasdan ang paggalaw nito. "Wala mg mga glitches na madadamay sa gulong ito." Wika ko. Binitawan oo ang palaso at bumubulusok itong tumungo sa direksyon ni Deathevn.
I am wishing na sana ay magawa ko itong tamaan...
"Tumama!" Malakas kong sigaw at malakas na umangil si Deathevn muli at napaupo ako dahil sa lakas nang pagyanig ng lupa.
Bumagsak ang katawan ni Deathevn at animo'y nawalan ng malay.
Saglit na nagkaroon ng katahimikan at nagkatinginan kami nila Ace at Claire.
"T-Tapos na?" Tanong ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko si Deathevn at hindi na ito gumagalaw.
"N-Nagawa natin!" Malakas na sigaw ni Claire at napayakap sa akin.
Nakakalungkot lamang dahil hindi namin nagawang mailigtas ang maraming tao na nandito dahil nagkalat ang bangkay at dugo sa paligid.
"Nagawa natin?" Lumapit si Taki at Topher kay Deathevn at pinagmasdan ang palaso na nakatama sa mata ni Deathevn. "That was a nice shot, Jamie." Puri ni Taki.
Akmang tatakbo kami patungo sa direksyon ng dalawa ngunit iniharang ni Seven ang kanyang kamay. "G-Gumalaw ang kuko ni Deathevn." Wika niya.
"Topher! Taki! Umalis kayo diya—"
Hindi na natapos ang aking babala noong biglang gumalaw ang mga kuko ni Deathevn at mabilis na inatake sina Topher at Taki.
Nagawa ni Topher na makagawa ng yelo papataas para maiwasan ang atake ni Deathevn pero si Taki... we saw him sliced into pieces.
Nahati sa ilang piraso ang katawan ni Taki at nagtalsikan ang dugo sa paligid bago siya naglaho.
Malakas na umangil si Deathevn at mabilis na natanggal ang mga bagal na nakapalibot sa kanyang katawan at nabasag ang mga yelo na nakapalibot sa kanyang katawan.
Ipinagaspas ni Deathevn ang pakpak nito at akmang lilipad sa himpapawid. Topher made a slide made of ice papasok sa isang building upang maiwasan si Deathevn.
"W-Wala na si Taki..." mahina kong bulong sa aking sarili.
Nabigla kaming lahat noong hinampas ni Deathevn gamit ang kanyang buntot ang mga nagtataasang building dito sa Ortigas.
"Takbo!" Malakas na sigaw ni Seven.
Claire casted a spell at bumilis ang paggalaw naming mga glitches at kanya-kanya kaming pasok sa unang building na makita namin upang huwag lang tamaan ng mga nagbabagsakang bato at basag na salamin.
We, glitches manage to avoid that attack... pero iba ang kalagayan noong mga taong tumatakbo papaalis. They are failed to escape at marami sa kanila ang namatay.
Muling lumipad papaalis si Deathevn.
Napatingin ako sa mga taong natitirang buhay na nasa loob ng building na tinaguan ko. Punong-puno ng takot ang kanilang mukha at karamihan sila ay umiiyak sa takot.
Ito ang mga mukha na ayokong makita sa labanan... mukha ng takot at pangangamba.
"I-Iligtas ninyo kami. Parang awa ninyo na." Wika noong babae.
I want to say that everything will be okay pero alam kong hindi... habang tumatagal ay mas lumalala ang sitwasyon. "G-Gagawin po namin ang lahat." Paninigurado ko sa kanila. "Hanggang maaari po ay lumayo kayo sa dragon na lumilipad sa kalangitan upang hindi malagay sa panganib ang inyong buhay."
"It's better if you guys stay here." Claire said at seryoso silang tiningnan. "Dadating ang tulog sa inyo. Hindi namin kayo pababayaan." Seryoso niyang sabi.
Matapos ang pangyayari ay tumakbo kami nila Claire papalabas at nakita namin sina Seven na nakatayo habang nakatanaw kay Deathevn. "Shit. He managed to escape." Mura ni Seven.
"May iba bang nasaktan bukod kay Taki?" Tanong ni Claire sa mga glitches na nandito.
"Limang estudyante ang naglaho kabilang si Taki." Ulat ni Kiryu. "H-Hindi rin maganda ang kundisyon ni Topher."
Napatingin kami sa direksyon ni Topher na nakaupo sa isang sulok habang yakap-yakap ang kanyang sarili. Isang himala na ang maituturing na nagawang makaligtas ni Topher sa atakeng iyon ni Deathevn. He managed to have an escape plan on the spot pero iyon nga lang... ibang klaseng takot ang nararamdaman niya ngayon.
"Habang tumatagal ay nababawasan ang bilang ng mga glitches sa labang ito." Wika ni Seven. "We must think a better plan to kill Deathevn. Masyado nang malaking pinsala ang naidulot nito sa paligid."
"Marami ring sa mga glitches ang sinasakripisyo na ang kanilang mga sarili huwag lang makalabas sa Maynila si Deathevn." Sabi ni Jessica sa amin.
Pagod na pagod na kaming lahat at pakiramdam ko ay anumang oras ay mauubos na ang mahika sa katawan ko.
Kailangan naming makaisip ng mas maayos na plano—
"Ang Phoenix necklace." Sabi ni Claire. "Makatutulong ang Phoenix Necklace sa labanang ito."
"P-Pero ginamit ito para mabuhay si Deathevn." Sabi ko sa kanya.
"Oo, pero hindi ito naglaho. Puso lang ni Mild ang nawala pero bago kita matulungan ay nakita kong nandoon pa rin ang Phoenix Necklace... hindi ito naglaho!" Claire said na para bang desperado na ito na ang huling baraha na mayroon kami.
"Pero Claire, ibang klase ang mahika ang tinataglay ng kuwintas na iyon," sabi ni Ace.
"I am willing to wear it." Seven seriously said habang nakatingin kay Deathevn. "Sisiguraduhin ko na makokontrol ko ang mahika na mayroon ang Phoenix Necklace. Ililigtas ko ang mundong ito. Ilang libo na ang namamatay at nagsasakripisyo sa labanang ito. Kung iyon na lang ang natitirang paraan para mapatay natin si Deathevn ay gagawin ko. I am willing to sacrifice myself."
"S-Seven..." tumingin ako kay Seven at may luhang namuo sa aking mata. "H-Hindi... hindi ako makapapayag na gawin mo 'yan."
Ikinulong niya ako sa kanyang bisig at mas lalong lumakas ang iyak ko. "Jamie... iyon na lang ang natatanging paraan para mailigtas natin ang mga mahal natin sa buhay. I will offer my own life for peace."
"A-Ayoko..." umiling ako muli.
"Jamie," he cupped my face using his hand. "Mahal kita. Okay? Mahal na mahal kita. I will sacrifice myself for the world at wala kayong karapatan na umangal. I am saying this as the leader of Class Zero."
Hindi na ako nakapagsalita.
"M-May problema tayo Seven... nabaon sa ilalim ng tunnel ang kuwintas." Wika ni Claire. "Mahihirapan tayo na makuha iyon."
Pinahid ko ang luha ko. Hindi ito ang tamang oras para maging mahina. We must save the world. Kung handa si Seven na itaya ang kanyang buhay para sa mundong ito ay handa rin akong itaya ang sarili kong buhay dito.
Para kay Jason, para kay mama't papa, para sa ibang normal na tao. They deserve to live in peace.
"May paraan pa... may isang tao pa na makatutulong sa atin para makapunta ako sa tunnel." Diretso kong sabi sa kanila at napatingin sa akin ang buong Class Zero.
"Ano ang ibig mog sabihin, Jamie?" Ace asked.
"Teddy, hanggang kailan ka magtatago sa anino ko?" Tanong ko na ikinabigla nilang lahat.
"J-Jamie wala na si Tedd—"
Napatakip ng kanyang bibig si Claire noong lumabas si Teddy sa anino ko. "Akala ko ay nakalimutan mo nang buhay pa ako, Jamie." He said at mahigpit na yumakap sa kanya ang buong Class Zero.
"Paanong..." napaupo si Claire sa sahig at walang tigil ang kanyang pag-iyak. "Buhay ka talaga... Teddy... paano?"
"Mukhang minaliit ninyo ang teamwork naming dalawa ni Jamie. I managed to survived because of Jamie's ability. Tsaka na kami magpapaliwanag sa inyo. Mag-focus muna tayo kay Deathevn, mga gago. Kami ang bahala ni Jamie sa pagkuha ng kuwintas. Guluhin ninyo si Deathevn ng kahit ilang minuto lang." wika ni Seven.
"Let's do this." Seven said at tumakbo na sila papaalis.
Naiwan kaming dalawa ni Teddy at ngumisi ito sa akin. "Sabi ko sa 'yo, magagawa mo, eh."
***
"JAMIE, nagagawa mo na ang paggawa ng illusion?" Tanong ni Teddy sa akin na bigla na lang pumasok sa kuwarto ko. Bigla na lang siyang lumabas sa anino ko.
"Huy Teddy! Anong ginagawa mo rito?! Bawal ka rito!"
"Mama mo bawal. So ano nga, nagagawa mo na 'yong illusion skill mo?" Umupo siya sa kama.
"H-Hindi ko pa gamay, medyo mahirap gawin."
"Tangina, bagal."
"Alam mo Teddy, buwisit ka kahit kailan! Ang hirap kaya gumawa ng illusions. Hindi ko nga alam kung paano ko siya gagamitin sa labanan." Paliwanag ko sa kanya. I mean, instead of making an illusions ay uutusan ko na lang ang lawbreaker na patayin ang kanyang sarili o magpatayan na lang sila.
"Fake my death." Kaswal niyang sabi. "Kapag nalagay tayo sa alanganing sitwasyon. Fake my death."
"H-Ha?"
"On a serious note, hindi ako tanga para hindi ko malaman na isa ako sa mga uunahing patayin ng Black Organization. Aminin na natin, ako pinakamalakas dito," nawala ang ngiti sa aking labi sa pagmamayabang ni Teddy. "Tanginamo, Jamie, ako pinakamalakas, tanggapin mo na lang."
"Bakit ko naman gagawin iyon? At isa pa, hindi ko alam kung mae-execute ko 'yang gusto mong mangyari." Seryoso kong sabi. Sa simpleng mansanas na illusion nga ay nahihirapan pa ako, eh. "Alam ba nila Seven 'yan?"
"Hindi. This is just our secret plan. Kailangan mong gumawa ng illusion na kamukhang-kamukha ko. Kabisaduhin mo na ang facial features ko kapag nahihirapan. Isipin mo rin kung paano naglalaho ang mga kasamahan natin na parang abo sa oras na patayin ako ng Black Organization. Make it realistic as possible. Fake blood and fake death." He explained to me.
"Bakit ko naman gagawin iyan? Tsaka hindi ka mamamatay Ted—"
"Alam ko! Kaya kapag hindi ka makikipagtulungan sa akin ay mamamatay talaga ako. Ako ang shield ng Class Zero, I can make you guys stronger at aware ang Black Organization dito. They will kill me first para humina ang depensa natin." Not it makes sensed to me. "At isa pa, kapag namatay ako... maaapektuhan sina Kiryu, anger will drive them to kill the Black Organization o kahit si Deathevn."
"Paano si Claire?"
"Alam kong masasaktan si Claire pero... kailangan nating gawin 'to Jamie. Bukas ay kailangan na naming umalis para pumunta sa Northford Academy. I-master mo ang ability mo. This is just a backup plan kapag nagkanda-letse-letse ang sitwasyon, okay? Magbibigay naman ako ng signal sa 'yo kung gagawin natin, eh." Paliwanag ni Teddy.
"O-Okay. Gagawin ko ang makakaya ko."
"Good. And one more thing" Tumayo si Teddy.
"Ano 'yon?"
"Tangina ang baho ng kuwarto mo." Tuluyan ng nilamon ng anino niya si Teddy.
Buwisit kahit kailan.
***
'TEDDY ilipat mo ako ang posisyon ko sa anino ni Tasha.'
'Let's do this, Jamie.'
Sabay kaming nilamon ni Teddy ng anino at buhat noong mga oras na iyon ay pekeng Teddy na ang nakatayo at nakikipaglaban at nagtago siya sa anino noog illusion na ginawa ko upang magawa niya na makontrol ang anino noog illusion na maidikitbsa anino ni Tasha
Sa totoo lang ay nahirapan ako noong mga oras na iyon lalo na't malakas na mahika ang pinapakawalan ko noon upang magawa ang pagkontrol sa illusion mula sa facial features hanggang sa paglalaho nito. As much as I can, I made it realistic as possible just like how Teddy explained to me.
After the fake Teddy death scene ay lumipat na siya sa anino ko at doon na nagsimula ang pag-arte ko.
***
NILAMON kaming dalawa ni Teddy ng anino at napunta kaminsa tunnel sa Forest Park. Maraming nakahambalang sa daang ngunit wala kaming dapat sayangin na oras lalo na't buhay ng mga kasama sa itaas ang nakasalalay dito.
Palipat-lipat kami ni Teddy ng posisyon hanggang sa makita na namin ang pinto papasok sa silid. Pinihit ko ang pinto ngunit ayaw nito mabuksan.
"M-May nakaharang yata sa loob." Sabi ko kay Teddy.
"Ako na ang papasok. Abang ka lang diyan, kape ka muna." He said at nilamon siya ng kanyang anino.
Sa totoo lang ay masakit para sa akin na pumasok muli sa lugar na ito lalo na't dito naglaho si Mild. A couple of minutes later ay bumukas ang pinto at ang magulong malaling silid ang timambad sa amin dalawa.
Maraming bato ang nakaharang sa paligid at parehas kaming nahihirapan sa paggalaw dahil sa sikip ng lugar.
"Sa tingin mo, Teddy, magagawa nating matalo si Deathevn?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap kaming dalawa."
"Kailangan, Jamie. Kailangan nating matalo si Deathevn. Maraming tao ang nakadepende sa atin." Paliwanag ni Teddy sa akin. "Pero ikaw... kung sakaling suotin ni Seven ang kuwintas, makakaya mo ba?" Tanong niya pabalik at saglit akong napatigil. "Alam mo, sa sitwasyon natin ngayon... napatunayan ko na lahat ng tao ay kayang maging matapang basta buong-buo ang desisyon nila. Tinanggap ni Seven ang magiging kabayaran sa pagsuot sa Phoenix Necklace kahit pa buhay niya ang maging kapalit sa oras na hindi niya ito makontrol ng maayos."
"Kung sakaling mangyari man iyon... hinding-hindi ko makakalimutan si Seven." Wika ko kay Teddy. "Sabing the humanity is our priority."
Umakyat ako sa lugar kung saan namatay si Mild at may kirot sa puso ko noong makita pa ang bakas ng dugo niya sa paligid. Nakita ko ang Phoenix Necklace na may bahid ng dugo ni Mild at pinulot ito.
"Nahanap mo na?" Tanong ni Teddy at tumango ako sa kanya. Malaking ngisi ang puminta sa mukha ni Teddy. "Tapusin na natin si Deathevn." He said at nilamon na kaming dalawa ng kanyang anino.
Nabalik kami sa magulong Maynila at mabilis naming hinanap ang lokasyon ni Deathevn na lumilipad sa 'di kalayuan. "Kailangan natin magmadali." Sabi ni Teddy sa akin at mabilis kaming tumakbo na dalawa.
Mabilis kong pinapatay ang mga lawbreakers na humaharang sa aming dinadaanan at wala na rin akong pakialam sa kung anong iisipin ng ibang tao sa amin. They can see in their naked eyes that we are not normal.
We are not just glitches, we are the chosen people who can save this world. Mahigpit ang hawak ko sa Phoenix Necklace habang tumatakbo kami tungo sa direksyon ni Deathevn.
Pagkarating namin sa mismong lugar ay nakita ko si Claire na ginagamot ang sugatang si Kiran. "N-Nasaan si Seven?" Tanong ko.
Itinuro niya ang nanghihinang si Seven na may malaking kalmot sa kanyang tiyan. Lumalabas ang dugo mula rito. "H-Habang wala kayo ay sinubukan ni Deathevn na atakihin ang lugar kung saan ang maraming tao. Kiran and Seven protected them pero malalaki at malalalim na sugat ang tinamo nila." Paliwanag ni Claire sa amin.
Teddy immediately looked at the situation at marami sa mga glotches ang nanghihina na. "Kailangan ko nang tumulong." He said at kumapit na siya sa lupa para tulungan ang mga glitches na nandito. "Kiryu, Ace! Kailangan ko ang tulong ninyo!" He shouted at nilamon na ang dalawa ng kanilang mga anino at ginulo ni si Deathevn na nasa pagitan ng dalawang malaking establisyimento upang hindi ito makalipad papaalis.
"I will buy you some time, Jamie, tingnan mo kung magagawa ni Seven na lumaban habang suot ang Phoenix Necklace." Wika ni Teddy at nag-focus na siya sa laban.
Lumapit ako kay Seven at malalakas na pagsabog at pagyanig ang maririnig sa buong paligid. "A-Akin na ang kuwintas, Jamie..." Mabagal na itinaas ni Seven ang kanyang kamay na para bang hinang-hina na siya.
Kanina pa nakikipaglaban si Seven at alam kong malapit na niyang maabot ang rurok ng kanyang pagod. Pinoprotektahan niya ang mga sibilyan at tinutulungan niya ang mga glitches sa pakikipaglaban. At higit sa pahat, he is leading us para masigurado na maayos naming maisasagawa ang mga plano.
"Seven... hindi mo na kayang lumaban." Wika ko matapos makita ang kanyang kundisyon. Matapos gamutin ni Claire si Kiran ay mabilis siyang tumakbo para gamutin naman si Seven.
Maging si Claire ay napapansin ko na rin ang pagod niya sa labanang ito but she still fighting, inililigtas niya ang maraming tao hangga't kaya niya.
"Gagamutin ako ni Claire," unti-unting bumangon si Seven at napapikit siya sa sakin ng kanyang tagiliran.
"Seven, huwag ka munang gumalaw." Bilin ni Claire at napahiga muli ito. "H-Hindi na kaya ni Seven, mahihirapan siyang kontrolin ang Phoenix Necklace kapag isinuot niya ito." Sabi ni Claire ngunit sa sugat lamang siya ni Seven nakatingin.
"K-Kaya ko!" Seven insisted. "If wearing that fucking necklace can defeat Deathevn! Gagawin ko! As the leader of Class Zero, Ililigtas ko kayong lahat." Naiiyak na sabi ni Seven at itinakip niya ang kanyang kanang braso sa kanyang mata.
Napatingin ako sa paligid. Everyone is struggling. Hindi ko na rin mabilang sa kamay ko ang mga patay na tao na nadaanan ko at nadamay sa gulong ito. Maging si Kiryu at Ace ay napapagod na sa pakikipaglaban.
Si Jessica naman ay pansin ko na rin ang pagkapagod niya dahil sa dami ng mga pawbreakers na kinakalaban niya mag-isa.
Wala man si Jessica sa main battle, she handled all those level one lawbreakers alone para mas maging madali ang trabaho namin.
Napatingin ako kay Claire at nagdudugo na ang kanyang ilong sa pagod. "Claire 'yong ilong mo..." kinapa niya ito at doon niya lang napansin na may digo na lumalabas mula dito.
"W-Wala ito." She said at pinahid ang kanyang luha. "I can save myself later, hindi ko hahayaan na may maglaho pa sa inyo."
Sa aming lahat... ako na lang ang nasa maayos na kundisyon. Ako na lang ang may natitira pang lakas para lumaban.
"A-Ako ang magsusuot ng kuwintas." Deklara ko at tumayo.
Ako na ang tatapos ng gulong ito.
Para sa glitches, para sa mundo, para sa pamilya ko, at para sa Class Zero.
Hinawakan ni Seven ang kamay ko. "A-Ako na." Pagpupumilit niya. "M-May naghihintay pa sa 'yo, Jamie... hinihintay pa ng magulang mo ang pagbabalik mo maging si Jason. Sa akin... wala na, ako na." He said.
"Anong ibig—"
"N-Nabagsakan ng malaking bato ang bahay namin... patay na ang mga magulang ko, Jamie." Umiiyak na sabi ni Seven. "Wala nang naghihintay sa akin kung sakaling maglaho ako. You guys deserve to live."
"Anong w-wala na? Nandito pa ako Seven. Hinihintay kita." Pinahid ko ang luha ko.
Bumaling ang tingin ko kay Deathevn. Ako ang tatapos sa 'yo.
Bumaba ang tingin ko sa Phoenix Necklace at isusuot ko na dapat ito... nabigla ako noong may biglang umagaw nito sa akin— si Sir Joseph.
"Walang maglalaho sa inyo." Huling sinabi ni Sir sa amin at isinuot niya ang kuwintas.
Kumislap ang Phoenix Necklace sa katawan ni Sir Joseph at malakas itong napapasigaw dahil sa matinding kapangyarihan na bumabalot sa kanyang buong katawan. Napaupo ako habang pinagmamasdan ang nahihirapang si Sir Joseph. "S-Sir..."
Nabalot ng puting liwanag si Sir Joseph at lahat kami ay napatingin sa kanya. Maging sila Teddy ay napatigil sa pakikipaglaban.
Malakas na umangil si Deathevn at akmang aatakihin si Sir Joseph.
"Protektahan ninyo si Sir!" Malakas na sigaw ni Ace at nagpakawala siya ng malakas na kidlat upang mapigilan ito sa paglapit kay Sir Joseph.
Gumawa ng maraming clone si Kiryu at niyakap ang kamay at paa ni Deathevn.
"S-Sana ay makontrol ni Sir..." mahinang bulong ni Claire. Tumigil siya sa paggamot kay Seven at pinagdikit ang kanyang palad at nagdasal. Mas lumakas ang liwanag na bumabalot kay Sir. "T-Tulungan ko si Sir! Huwag ninyong palapitin si Deathevn sa kanya!" Sigaw ni Claire.
Tumakbo ako tungo sa direksyon ni Deathevn, hindi man gumagana ang ability ko sa kanya ay kaya kong gumawa ng mga illusions para mawala ang atensyon niya kay Sir Joseph.
Gumawa ako ng maraming maliliit na lawbreakers upang guluhin si Deathevn.
Sa tuwing sinusubukan umabange ni Deathevn ay nagpapakawala ng malakas na kidlat si Ace.
Napabaling ang tingin ko kay Sir Joseph at unti-unting may liwanag na nabubuo sa kanyang kamay.
"Lumayo kayo!" Sigaw ni Claire at nagmamadali kami umalis sa gitna ng labanan.
Isang kakaibang puting liwanag ang pinakawalan ni Sir Joseph mula sa kanyang kamay. Mabilis na tumungo ito sa direksyon ni Dethevn at nasugatan ang kamay ng dragon na ito... ito ang unang boses na makita kong nasugatan ang katawan ni Deathevn.
Hindi nga basta-basta ang kapangyarihan na nilalaman ng Phoenix Necklace. Nanindig ang balahibo ko sa ginawang atake ni Sir at ramdam na ramdam ko ang malakas na mahika na bumabalot dito.
"N-Nagawa ba ni, Sir?" Tanong ko kay Claire.
"H-Hindi pa... pero sinusubukan niyang kontrolin." Bumalik siya sa panggagamot sa sugat ni Seven. Pinahid ni Claire ang pawis sa kanyang noo. "Pero sa ngayon... na kay Deathevn ang atensyon niya. Take that as an opportunity para mapatay si Deathevn."
"Class Zero!" Malakas kong sigaw at sumunod sa akin sina Ace, Teddy, at Kiryu. Maging si Kiran ay bumangon na matapos makapagpahinga ng ilang minuto. "Sa pagkakataong ito... tayo naman ang aatake! Tayo ang mananalo sa labang ito!" Malakas kong sigaw.
Mabilis akong nilamon ng anino ko at inilabas ang pana at palaso ko. Kailangan ko lang asintahin ang mata ni Deathevn.
Nilabas na ni Sir Joseph ang sibat niya at sumugod sa direksyon ni Deathevn.
"Kiran! Ace! Sabayan ninyo ang atake ni Sir Joseph!" Malakas na sigaw ni Seven.
Sinubukan ni Deathevn na kagatin ito ngunt mabilis na nakakilos si Sir Joseph pakanan at inatake ang kanang kamay nito.
"Ngayon na!" Malakas na sigaw ni Ace at nagpakawala siya ng isang malakas na kidlat at bumubulusok din na apoy ang pinakawalan ni Kiran kasabay ng atake ni Sir Joseph.
Binitawan ko ang palaso at tinamaan ito sa kanang mata. Malaks na napaangil ang dragon. Naputol ang kanang kamay nito at lumabas ang masaganang digo mula sa katawan ni Deathevn.
"Tatakas siya!" Sigaw ni Teddy. Sinubukan ni Deathevn na ipagaspas ang pakpak nito ngunit nabalot ito sa yelo at hindi na niya ito magawang igalaw.
"Saan ka pupunta?" Biglang sumulpot si Topher at pinalibutan niya ng yelo si Deathevn. "Hindi na ako matatakot sa 'yo sa pagkakataong ito."
Tumayo si Seven at pinagalaw ang isang matulis na bakal at itonusok sa putol na kamay ni Deathevn.
Malakas na nagbuga ng apoy ang dragon ngunit dahil nandito si Teddy. Mabilis namin itong naiwasan lahat habang parang balewala lamang kay Sir Joseph ang atakeng ginawa ni Deathevn.
Tumakbo si Sir Joseph at itonusok ang sibat sa ulo ni Deathevn. Muling sinabayan nina Kiran at Ace ang atake ni Sir at malakas na napaangil ang dragon. Nawalan na ito ng malay at unti-unting bumagsak ang kayawan nito sa sahig.
"Don't let your guard down! Koryu kuhanin mo ang atensyon ni Sir para magawang atakihin ang kabilang kamay ni Deathevn!" Sigaw ni Seven.
Gumawa si Kiryu ng clone upang makuha ang atensyon ni Sir Joseph at tumayo sa may kanang kamay ng dragon.
Nabaling ang atensyon dito ni Sir Joseoh at inatake ang clone at kanang kamay ni Deathevn. Ginamit muli iyon na pagkakataon nila Ace para sabayan ang atake ni Sir Joseph. Wala man kontrol si Sir Joseph sa kakayahan niya ngayon pero sa ganitong paraan ay nagagawa naming matalo si Deathevn.
Gumawa ng maraming clone si Kiryu at pinalibutan ang katawan ni Deathevn na siyang inatake ni Sir Joseph. Malalakas na pagsirit ng dugo ang lumabas mula sa katawan ni Deathevn. Unti-unti nang naglaho ang katawan nito at muling umaliwalas na ang paligid.
N-Nagawa namin... natalo namin si Deathevn sa pagkakataong ito. Napaupo ako sa sahig at napaiyak dahil sa nangyari.
"T-Tapos na!" Malakas kong sigaw.
"Hindi pa!" Sigaw ni Seven at patuloy pa rin sa pag-atake si Sir Joseph. "Kailangan natin matanggal ang kuwintas kay Sir Joseph."
"H-Hindi makayang kontrolin ni Sir Joseph ang kuwintas... magiging lawbreaker siya." Naiiyak na sabi ni Claire.
Gusto naming lapitan si Sir Joseph ngunit baka kung ano ang magawa nito sa amin kapag sinubukan naming tanggalin sa kanyang leeg. Walang kontrol si Sir Joseph sa kanyang kapangyarihan.
"H-Hindi magiging lawbreaker si Sir!" Wika ko at sinubukan kong lumapit ngunit hinatak ako ni Ace papalayo.
"Magiging lawbreaker si Sir. Jamie, use your ability." Utos ni Ace.
"Ace... si Sir Joseph ang pinag-uusapan natin dito." Nakuha ko agad ang gusto ni Ace na gawin ko.
"Ang kaligtasan ng buong mundo ang pinag-uusapan natin dito, Jamie, kapag naginglawbreaker si Sir... panibagong malakas na halimaw na naman ang kalalabanin natin! Wala na siyang kontrol sa knyang sarili. He sacrificed himself for us!" Sigaw niya habang umiiyak. "Gawin mo na Jamie."
"Pero..." tiningnan ko isa-isa sa mata ang buong Class Zero. Isa-isa kaming umiiyak sa kundisyon ni Sir Joseph ngayon.
Para bang nag-flashback sa akin ang lahat ng ginawa ni Sir Joseph para sa amin. He is the one who formed the Class Zero, siya ang nagpakilala sa akin sa mga kabataang ito na naging pamilya ko na. H-Hindi ko magagawa na patayin ang isang tao na nagtitiwala sa aming lahat.
"Jamie..." sabi ni Teddy.
Nagbabagong anyo na si Sir Joseph.
"Jamie, we are Class Zero..." hinawakan ni Seven ang kamay ko at sumunod sina Ace.
Pinahid ko ang luha ko at tiningnan sa mata si Sir Joseph.
"Sir Joseph... kill yourself."
We are family.
Matapos noon ay naglaho na si Sir Joseph at naiwan na lamang ang Phoenix Necklace sa sahig.
Napatingin kaming walo sa kalangitan at muli nang nagpakita ang araw. Pinagmasdan namin ang paglalaho ni Sir na hinahangin sa kalangitan.
He saved us. He saved the Class Zero and the humanity.
The war of the glitches ended here.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top