Chapter 100: Fight until the End
THANK YOU CLASS ZERO
Twitter Party: November 07 (Saturday 1PM onwards)
Twitter hashtag for this chapter: #ClassZero100
you can mention me in your tweets: @Reynald_20

JAMIE
TUMATAKBO kami patungo sa direksyon nila Seven habang isa-isang pinapatay ang mga lawbreakers na aming nadadaanan. Kailangan naming masigurado na safe na dito sa loob ng Merton Academy bago namin planuhin ang paglabas at pagkuha sa Phoenix Necklace.
The good thing, nagawa na nila Kiryu at Kiran na matalo si Hugo kung kaya't si Tasha at si Tristan na lamang ang poproblemahin namin. Pero hindi ko minamaliit ang kakayahan noong dalawang Black Organization na iyon lalo na't nasaksihan na namin kung gaano sila kalakas.
"Jamie, yuko!" Malakas na sigaw ni Ace at pagkalingon ko sa aking likod ay may bumubulusok na palaso ang lumilipad patungo sa isang lawbreaker. Mabilis akong yumuko upang iwasan ito ngunit nadaplisan pa rin nito ang aking buhok at bumagsak ang ilang hibla ng aking buhok sa sahig.
"Ace!" Reklamo ko sa kanya.
"Sorry, Jamie-girl!" He said at mabuti na lamang at nagawa niyang mapatay ang lawbreaker.
Sa hindi kalayuan ay nakita namin sina Seven, Jessica, at Claire na nakikipaglaban sa mga lawbreakers. Nakalutang sa ere si Seven habang nakikipaglaban sa mga lawbreakers. Ginamit niya ang kanyang mga baraha upang mahati sa ilang piraso ang lawbreaker.
"Seven!" Tawag ko sa kanyang pangalan at mabilis naman siyang lumingon sa aking direksyon.
Mabilis siyang bumaba at mahigpit akong niyakap. "Damn, I am glad that you are okay." May bakas nang pag-aalala ang kanyang boses. Ilang araw din kaming hindi nagkita ni Seven dahil naging busy nga siya sa pakikipag-compact sa servant of element.
"Hey, love birds, save your hugs and kisses later. Ang dami pang lawbreakers, oh!" Reklamo sa amin ni Kiryu.
"Seven, pinapasa ko na ulit sa 'yo ang trono. Puta, ka-pressure, eh." Reklamo ni Ace at nag-fist bump silang dalawa.
Nakaikot kami sa isang lugar habang pinagmamasdan ang mga lawbreakers sa paligid. Unti-unti nang nauubos ang lawbreakers dito sa loob ng school which is good dahil mase-secure na namin ang lugar na ito.
"You will fight without your adviser?" Biglang sumulpot si Sir Joseph habang may hawak na sibat. Umaliwalas angmukha naming lahat dahil ito ang unang beses na makikipaglaban kaming magkakasama na Class Zero.
"Listen, kids, ang kailangan nating gawin ay mapatay ang lahat ng Lawbreakers na nandito sa loob ng school bago tayo lumabas upang tumungo sa kuta ng Black Organization," napapatango kami sa paliwanag ni Sir Joseph. "We will plan everything after we save Merton."
"Yes, sir!" Isa-isa na kaming tumakbo tungo sa iba't ibang direksyon ng school para patayin ang mga lawbreakers.
Nilabas ko ang dagger ko at hiniwa ang isang lawbreaker na humarang sa aking dinadaanan. Tumalsik ang dugo nito sa akin bago ito tuluyang maglaho.
Malakas akong sumigaw para makuha ang atensyon ng tatlong lawbreakers at noong mapatingin sila sa akin ay may malaking ngisi sa aking mukha. "Kill yourselves." Utos ko na kanila namang ginawa.
Dati ay akala ko ay mahinang klaseng ability ang mayroon ako ngunit ngayong bihasa na ako sa paggamit nito, masasabi kong isang malakas na ability ang mayroon ako lalo na't utak ng mga kalaban ang inaatake ko dahilan upang madali silang mapatay.
Kataka-taka naman na wala rito sa labanan sina Tasha at Tristan. They are the one who's leading the Black Organization... sila dapat ang nandito para kuhanin si Mild ngunit parehas silang wala. Are they planning anything?
"Jamie! Sa itaas mo!" Sigaw ni Jessica ang aking narinig at pagtingala ko ay isang lawbreaker ang akmang sasaksak sa akin.
Bago pa man ito makadikit sa akin ay biglang sumulpot si Claire at malakas na tumalon, hiniwa niya ang lawbreaker gamit ang kanyang dual edge sword. Naglaho ang lawbreaker. "J-Jamie, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Tanong niya na puno nang pag-aalala.
"Ayos lang ako. Salamat sa pagtulong mo, Claire."
"Wala 'yon." She answered at nagpatuloy sa pagpatay sa mga lawbreakers.
"T-Tulungan ninyo ako!" Malakas na sigaw ang aking narinig at mabilis ko itong hinanap. Nakita ko isang glitch na gumagapang papalayo sa isang lawbreaker.
Hindi lang naman kaming Class Zero amg mandito sa Merton Academy at nakikipaglaban, maraming glitches ang tumutulong sa amin na kabilang sa Asosasyon. Hindi na ito laban ng Class Zero lamang kung hindi laban na nang buong glitch sa Pilipinas. Gagawin namin ang lahat upang hindi magawang buhayin ng Black Organization si Deathevn.
"Claire, gamitan mo ako ng spell!" Sigaw ko at tumakbo tungo sa taong humihingi ng tulong.
Ilang segundo lang ang lumipas ay mas bumilis ang aking takbo at mas magaan ang aking naging hakbang. When the lawbreaker is about to slice hin... sakto akong dumating at sinangga ang atake nito. This lawbreaker is pretty strong. "U-Umalis ka na." Wika ko sa glitch na aking tinulungan. Gumapang siya papalayo hanggang sa tumakbo na siya papaalis.
Bumaling ang atensyon ko sa lawbreaker na aking kaharap. Malakas kong sinipa ang tiyan nito at ibinaon ang aking dagger sa dibdib nito. Ilang segundo itong nangisay bago tuluyang maglaho. Nakahinga ako ng maluwag noong nailigtas ko ang isang glitch. Hangga't kaya ko ay sisiguraduhin kong walang glitch na maglalaho sa labanang ito. Ililigtas ko sila sa abot ng aking makakaya.
Ilang minuto rin ang itinagal namin sa pakikipaglaban hanggang sa maubos na namin ang mga pawbreakers dito sa Merton Academy. Ayon nga lang, malaking pinsala ang iniwan nito sa aming paaralan at karamihan ng mga building ay warak na o kaya naman ay nasusunog na sa malakas na apoy. Maging ang matataas na pader ng Merton Academy ay nagiba na rin.
Mabuti na lang talaga at bumabalik ang lahat sa ayos pagkapatapos ng devil hour.
Humihingal kami habang nakaupo sa quadrangle upang panandaliang magpahinga.
"May nasugatan ba sa inyo?" Sigaw ni Claire at inililibot niya ang kanyang mata sa paligid.
May mga ibang tao na nagtaas ng kanilang kamay na mabilis naman tinulungan ni Claire. "Sir, may mga naglaho po ba?" Tanong ni Seven kay Sir Joseph.
"Tatlong glitches ang namatay ngayon sa labanan sa Merton Academy." nalungkot kaming lahat sa sinabing iyon ni Sir. Kahit anong klaseng pakikipaglaban talaga ang gawin namin ay hindi maiiwasan ang kamatayan para sa isang tao.
Ito na ang pinakamatagal na devil hour na na-experience ko sa buong buhay ko at hindi pa rin ito tapos dahil maya-maya lamang ay lalabas naman kami ng school para kalabanin ang mga lawbreakers sa buong Manila.
"May iba pang nasugatan?" Sigaw ni Claire.
"Ako. May maliit akong sugat sa braso," Teddy said at napatingin kaming lahat sa kanya.
"Akala ko ba ikaw ang strongest? Ba't ikaw lang ang may sugat?" Tanong ni Mild.
"Ganoon talaga ang mga bida, tanga. Nagpapabugbog muna sa umpisa. Utak patis ka talaga, eh." Napailing na lang ako sa sinabi ni Teddy.
Mabilis naman siyang nilapitan ni Claire upang gamutin ang sugat niya. Napatigil kami noong tumawa si Kiryu.
"Anong tinatawa mo diyan, boy diabetes?" Maangas na tanog ni Teddy.
"Wala lang, demonyo ka tapos ginagamot ka ni Claire... road to heal ka na talaga."
"Tanginamo."
Our conversation was interrupted when Sir Joseph clapped to caught our attention. "Ngayon ay isasagawa na natin ang paglabas sa Merton Academy at pagpunta sa Arrocerros Forest Park." Sumeryoso ang mukha naming lahat.
"Teddy, Claire, Jamie, at Seven... kayo ang bahala sa pagbukas ng lagusan papasok sa kuta ng Black Organization. Teddy, Jamie and Seven, protektahan ninyo si Claire habang isinasagawa niya ang purificaion dito, maliwanag ba?"
"Yes sir."
"Kiryu at Ace... protektahan ninyo pa rin si Mild. The rest of Class Zero, clear the lanes na madadaanan natin patungo sa Arroceros Forest Park. Maliwanag ba?" Utos ni Sir Joseph.
Isa-isa kaming tumayo at pinagmasdan ang labas ng Merton Academy na nababalutan ngayon ng makapal na usok dahil sa tindi ng gulong nangyayari sa labas. "Yes sir!" We answered in Unison.
"Mission start!" Malakas na sugaw ni Sir Joseph at mabilis kaming tumakbo palabas ng Merton Academy.
Sa paglabas namin ng Merton Academy ay dito ko na-realize na walang-wala ang nangyaring labanan sa loob ng aming school. Mas magulo sa buong Maynila, ramdam na ramdam namin ang pagyanig ng mga daan dahil sa mga pagsabog at kitang-kita ang pagbagsak ng mga matataas na gusali.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko kung paano mabagsakan ng malaking tipak ng bato ang dalawang tao na nakatigil sa daan. Napatakip ako ng bibig habang pinagmamasdan silang maglaho.
"Jamie, focus." Narinig kong sabi ni Kiran at mabilis akong tumuloy sa pagtakbo. "Mag-iingat kayo sa pagpunta ninyo sa kuta ng Black Organization." Nagkaroon ng apoy sa dalawang kamay ni Koran at sumugod sa direksyon ng isang lawbreaker na nasa gilid ng kanto.
"Jamie, halika na!" Aya ni Teddy sa akin at mabilis akong kumapit sa kanya kasama sina Seven at Claire.
Nilamon kami ng kanyang anino at palipat-lipat kami sa mga anino ng mga gusali habang papunta sa Arrocerros Forest.
As we moved forward, hindi ko maiwasan na maiyak sa aking mga nakikita. Alam kong marami na ang lumikas sa Maynila bago pa man ang gulong ito pero may mga tao pa rin na piniling manatili rito. Ngayon ay nadadamay sila sa giyera at isa-isang naglalaho at nakakalimutan ng mga mahal nila sa buhay.
Iba't ibang senaryo ang nakikita ko sa bawat pag-teleport na aming ginagawa. May mga tao akong nakikita na nakatigil na nakangiti pero parang sumisigaw ito ng tulong. May mga glitches naman na nahihirapan na rin sa pakikipaglaban. This war between glitches is really scary, maraming tao ang nadadamay.
"Hindi mo kasalanan kung bakit sila naglalaho, Jamie," biglang nagsalita si Seven. "Hindi natin magagawang mailigtas ang buhay ng lahat ng tao."
Sa biglaang paglabas namin sa anino ng isang bulduing ay isang malaking piraso ng bato ang biglang tumama sa amin. Hindi namin ito inasahan kung kaya't tumama ito sa amin at tumilapon sa iba't ibang parte ng kalsada.
Mabilis akong napalingon-lingon sa paligid at nakita ko si Tristan na naglalakad palabas ng isang mall at malakas na tumatawa. Hinanda ko ang aking dagger para sa pakikipaglaban.
"Nakakatawa talaga kayong Class Zero." He said at iniangat ang kanyang kamay at may mga ugat na sumulpot sa lupa na nasa kanyang likod.
"Umalis na kayo. Ako na ang bahala rito." Sabi ni Seven habang seryosong nakatingin kay Tristan.
"H-Ha? Hindi ka namin iiwan dito Seven!" Reklamo ko sa kanya.
Seryoso lamang siya nakatingin kay Tristan. "Teddy. Ikaw na ang bahala kanila Jamie at Claire. Buksan ninyo ang lagusan papasok sa kuta ng Black Organization at kuhanin ang Phoenix Necklace."
Palapit nang palapit sa amin si Tristan.
"Paniguradong nandito si Tristan para pigilan tayo samantalang si Tasha naman ang naghahanap kay Mild. Walang ibang tao sa Arroceros ngayon. This is an order as the leader of Class Zero." Sabi ni Seven at tumakbo na papalapit kay Tristan upang labanan ito.
Akmang tatakbo ako para sundan siya ngunit kumapit si Teddy sa aking tiyan at nilamon kami ng kanyang anino.
"T-Teddy! Sigurado ka bang hahayaan mo lang si Seven na makipaglaban kay Tristan mag-isa?!" Kumakawala ako sa pagkakahawak ni Teddy ngunit mahigpit ang pagkakapit niya sa akin.
"Jamie, isantabi mo ang personal mong nararamdaman sa misyon ngayon," seryosong sabi ni Teddy habang palipat-lipat kami ng puwesto. "Mas importanteng mabawi natin ang Phoenix Necklace ngayon. Magtiwala ka lang kay Seven. Alam kong gusto mong protektahan natin ang isa't isa ngunit kailangan mo rin magtiwala sa bawat isa."
"Binibigyan tayo ni Seven ng oras para maisagawa ko ang pag-purify sa lagusan." Sabi naman ni Claire. "Huwag natin sayangin ang oportunidad na ibinigay sa atin ni Seven." Sabi ni Claire.
Pinagmasdan ko si Seven na nakikipaglaban kay Tristan habang papalayo kami. Huwag kang maglalaho, Seven.
We reached the place at nagmamadali kaming pumasok sa lugar. Maraming lawbreakers sa loob ng Arroceros na animo'y pinoprotektahan ang buong lugar.
"Teddy!" Malakas kong sigaw at nilamon ako ng sarili kong anino. Lumabas ako sa likod ng isangblawbreaker at hiniwa ito sa kanyang ulo.
Pagkalingon ko ay may dalawang lawbreaker na nakatingin sa akin. "Patayin ninyo ang ibang lawbreakers." Utos ko at nagpatuloy sa pakikipaglaban.
Mabilis na hinanap ni Claire ang lagusan papunta sa tunnel kung saan itinatago ng Black Organization si Deathevn.
Hinawakan ni Teddy ang anino noong limang lawbreakers, hindi to mga nakakilos at mabilis ko silang sinaksak.
"Jamie! Ikaw muna ang bahala, I should save my magic for later." He shouted at tumulong siya sa paghahanap ng lagusan.
Nagpatuloy ako sa pakikipaglaban. I sloced those lawbreakers na sinusubukang lapitan si Claire. Si Claire ang isa sa importanteng tao sa misyong ito lalo na't siya ang makakapagbukas ng lagusan patungo sa kuta ng Black Organization.
Kailangan lang naming bawiin ang Phoenix Necklace.
"N-Nakita ko na!" Sigaw ni Claire at sa gilid ng isang puno ay may isang bahagi ng lugar na walang damo at noong itinapat ni Claire ang kanyang kamay ay un-unti itong nagkakaroon ng pinto.
"Jamie! Aabutin si Claire ng ilang minuto sa pagtanggal ng spell sa may pinto. Tangina, kaunting tiis lang!" Sigaw ni Teddy.
Our conversation was interrupted noong makarinig kami ng malakas na pagsabog sa 'di kalayuan at nakita namin na bumagsak ang katawan ni Ace sa malaking bahagi nitong Forest Park. Nabitak ang mga lupa at puro sugat ang buong katawan ni Ace.
Napatakip ako sa aking bibig noong makita ang sitwasyon ni Ace. Naglalakad si Tasha papasok dito sa Forest Park habang nakatingin kay Ace. "Wow, Ang hina pala talaga ng Class Zero kapag mag-isa lang sila." Wika niya.
Akmang ititigil ni Claire ang pag-purify sa pinto ngunit pinigilan siya ni Teddy. "Just focus on opening the door Claire." Seryosong utos ni Teddy at humawak siya sa lupa. "Kami na ang bahala rito."
"Jamie... kuhanin mo si Ace bago pa siya masaksak ni Tasha." Utos ni Teddy sa akin.
Mabilis na tumatakbo si Tasha sa direksyon ni Ace at mabilis din akong nilamon ng aking anino.
I grabbed Ace at sinama na magpalamon sa anino. Muntik na siyang masaksak ni Tasha ngunit mabuti na lamang at mas mabilis ang naging pagkilos ni Teddy.
Lumabas kaming dalawa sa anino ni Teddy at inihiga ko si Ace sa madamong sahig habang naghahabol siya ng kanyang paghinga.
"D-Don't mind me... focus on the mission. H-Huwag ninyong pabayaan si Mild." He said.
"Ang samang damo mo gago, ilang beses ka nang kinukuha ni Lord." Napangisi si Ace sa sinabi ni Teddy. Bumaling ang tingin ni Teddy kay Tasha. "Jamie, I can transport you in different places here. Maraming anino dito. Kailangan lang natin protektahan si Claire sa pagbubukas ng lagusan." Utos ni Teddy.
Napalingon ako kay Claire na pinagpapawisan na dahil sa dami ng mahika na inilalabas ng kanyang katawan. Ilang araw na pinaghandaan ni Claire ang senaryo na ito at alam kong magagawa niya ito.
"Ikaw na ang bahala sa akin, Teddy." Seryoso kong sabi at humigpit ang hawak ko sa dagger ko.
Dati ay nanginginig ang tuhod ko noong una kong makaharap si Tasha pero ngayon... pakiramdam ko na siyang kalabanin, hindi ko siya hahayaan na maisagawa ang kanyang balak.
Nilamon ako ng anino ko at sumulpot ako sa anino ng isang mataas na puno.
Bumuwelo ako at malakas na tumalon pababa sa saktong lokasyon ni Tasha. Mabilis niyang binunot ang kanyang hawak na espada.
Nagtama ang dalawang armas namin na dinig na dinig sa buong paligid at nabitak ang lupa dahil sa impact nito. Mabilis akong napatalon paatras at sinugod siyang muli.
Ang bawat atake ko ay nagagawang masangga ni Tasha ngunt hindi ako susuko. I must save this world. I must protect my friends and family.
"A-Ano bang kasiyahan ang makukuha mo kung sakaling mabuhay mo si Deathevn?!" Wika ko sa pagitan nang akig paghinga. Akmang sasaksakin niya ako sa braso ngunit mabilis akong nakaikot pa-kanan kung kaya't naiwasan ko ito.
"Our abilities will be expose in this world." She laughed at sinipa ang aking tiyan.
Tumilapon ako papaatras at gamit ang aking kanang kamay ay pinangtukod ko ito para maibalik sa balanse ang aking katawan at makatayo.
"Sa bagay, kayo ang mga glitches sa panahon ngayon na napaliliguan ng suporta at papuri," nilaro ni Tasha ang espada sa kanyang kamay. Hinawakan niya ang talim nito at may dugong lumabas dito. Pinagmasdan niya ang dugo na bumababa mula sa kanyang daliri pabagsak sa damo. "Hindi ninyo naranasan na pag-ekspermintuhan ng mga halimaw na taong 'yon. Hindi ninyo naranasan na mapahirapan para lamang makuha ang kapangyarihan ninyo. You are not fighting for the peace... ipinagtatanggol ninyo lang ang taong mga may kapangyarihan habang tayong mga glitches ay tinatratong halimaw sa mundong ito."
Akmang susugod siya sa akin ngunit nilamon ako ng aking anino at inilipat ako ni Teddy sa mas ligtas na lugar.
Tasha just smiled when she's looking in our direction. Isang nakakakilabot na ngiti na animo'y handang-handa siyang pumatay upang makuha niya lang ang kanyang gusto.
Kung gusto naming makuha ang Phoenix Necklace... ganoon din si Tasha, gusto niyang mabuhay si Deathevn.
"Jamie!" Malakas na sigaw Kiryu at nagbato ng isang matulis na kutsilyo sa direksyon ni Tasha. Using her sword ay mabilis niya itong napigil at dire-diretsong tumakbo sa aming direksyon sina Mild, Jessica, ar Kiryu.
"Tangina Kiryu! Bakit mo dinala rito si Mild?!" Malakas na reklamo ni Teddy.
"Nag-aalala siya sa kundisyon ni Ace at tumakbo siya tungo rito. H-Hindi na namin siya nagawang pigilan ni Jessica. Si Seven at kambal naman ang nakikipaglaban kay Tristan." Paliwanag ni Kiryu.
Lumapit si Mild kay Ace na kasalukuyang nagpapahinga.
"Ang babaeng may Royal blood!" Tasha clapped her hand. "Mukhang hindi na kinakailangan na hanapin dahil ikaw na mismo ang pumunta rito! Come with me, ialay mo ang buhay mo kay Deathevn! I-expose natin ang mga glitches sa buong mundo! We should rule this world!" Tasha laughed hysterically.
"Mild bakit ka nan—"
"Jamie. Anong gusto mong gawin ko?! Panoorin kayong maglaho isa-isa dahil sa akin? Alam kong ako ang taong may royal blood pero moyembro din ako ng Class Zero. Don't dismiss my ability dahil kaya ko rin lumaban." She said to me at pinahid ang kanyang luha.
Dito ko na-realize na mahirap para sa amin ang lahat ng ito pero mas mahirap ang bagay na ito para kay Mild.
Tasha stepped forward at malalakas na pagsabog ang maririnig sa paligid dahil sa nangyayaring gulo.
"Jamie, Mild, Jessica, at Kiryu. Maghanda kayo." Sabi ni Teddy at muling humawak sa lupa. "Kayo na ang bahala makipaglaban. Claire, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo."
"Hindi pa rin kayo susuko sa pagprotekta sa taong may royal blood? How funny! Handa kayong mamatay para lang protektahan ang isang tao. Too bad, mamamatay lang kayo sa pakikipaglaban sa akin." Tasha declared at nagkaroon ng mga kutsilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri.
Isa-isa kaming nilamon na apat ng aming anino at sumugod ako tungo sa direksyon ni Tasha. I tried to looked into her eyes ngunit iniiwasan niya talagang magkaroon na eye-contact kaming dalawa. Wala akong choice kung hindi ang labanan siya gamit ang aking dagger.
Tasha managed to dodge my attack. Nag-summon naman si Jessica ng maraming bangkay at maging si Kiryu ay pinarami ang kanyang sarili.
Lahat iyon ay pinakikilos ni Teddy at nililipat sa iba't ibang lugar. He is controlling everything.
Pansin kong nahihirapan si Tasha sa pakikipaglaban dahil sa dami ng tao na sumusugod sa kanya at the same time. Mild transformed and controlled the lawbreakers around this area.
Lahat ng nandito ngayon sa Forest Park ay tanging si Tasha na lamang ang kalaban. Disadvantage ito sa kanya dahil mag-isa lang siya.
Tumayo ako sa isang gilid at tiningnan sa mata si Teddy.
'Teddy ilipat mo ako ang posisyon ko sa anino ni Tasha.'
He nodded at mabilis itong ginawa ni Teddy. All people here are attacking at the same time na parang walang kawala na si Tasha. Humigpit ang hawak ko sa dagger ko at paglabas ko sa anino Tasha ay ipinadyak niya ang kanyang paa at tumigil ang pagkilos ng lahat ng tao rito... lahat kaming glitches.
"Nakakalimutan ninyo yata ang ability ko?" Tasha said habang nakatingin sa aking noo. She's really avoiding an eyes contact. Magkasalubong lang talaga ang aming mata ay walang kawala sa akin 'tong tao na 'to. "Kaya kong patigilin ang paggalaw ng mga glitches na malapit sa akin kapag devil hour sa loob ng ilang minuto.
Naglakad siya papaalis patungo sa direksyon ni Mild na ngayo'y nasa anyong Qilin.
"Game over, guys. Tanggapin ninyo nang sa laban na ito ay kayo ang talo." Wika ni Tasha at naglakad papaalis.
Lahat kami ay nakatingin sa kanya habang papalapit kay Mild. May binunot itong isang maliit na kahon mula sa kanyang bulsa at binuksan ito— naglalaman ito ng isang injection.
"Itigil mo 'yan!" Malakas na sigaw ni Teddy at nanginginig ang buong katawan niya dahil sinusubukan niyang gumalaw.
Parang kanina lamang ay lamang kami kay Tasha pero sa isang iglap lamang ay bigla na niyang hawak ang laro. We all can't move at kaharap niya na ngayon ang Qilin.
Akmang maglalakad na si Tasha papalapit sa Qilin ngunit mabilis na ginamit ni Teddy ang kanyang ability, pinagalaw niya ang kanyang anino at ikinonekta sa anino ni Tasha dahilan upang mahirapan na makagalaw si Tasha. Nakagagalaw ito sa kinayatayuan niya ngunit hindi niya maihakbang ang kanyang paa dahil pinioigilan siya ni Teddy.
"B-Bago mo makuha sa amin si Mild... k-kailangan mo muna akong patayin." Nanghihinang sabi ni Teddy habang may ngisi sa kanyang mukha.
Sinubukan ko rin gumalaw ngunit masyadong malakas ang mahika na ginagamit sa amin ni Tasha. Lahat kami ay nakatingin lang sa nangyayari habang may namumuong luha sa aking mata. Kung nandito lamang si Seven o kaya naman ay may malay man lang si Ace ay paniguradong makakaisip sila ng ideya kung paano kami makalulusot sa sitwasyon na ito.
"Okay." Biglang may binunot na patalim si Tasha sa kanyang bulsa at inihagis ito tungo sa direksyon ni Teddy.
Napasinghap ako sa pangyayari at mahinang napasigaw. Mula sa direksyon ko ay kitang-kita ko kung paano bumaon ang kutsilyo sa noo ni Teddy at unti-unti siyang naghabol nang paghinga.
"Teddy!" Sigaw ni Claire ngunit patuloy lamang siya sa paggamit ng mahika upang mabuksan ang lagusan. She's still prioritizing the mission kahit isang taong malapit sa kanya ang nag-aagaw buhay.
Baon na baon ang kutsilyo sa noo ni Teddy at gumapang ang pulang likido mula sa kanyang noo pababa sa kanyang buong mukha.
Bumitaw ang anino ni Teddy sa anino ni Tasha at nakalakad na muli ng maayos si Tasha.
"H-Hayop ka, Tasha!" Malakas kong sigaw habang pinagmamasdan si Teddy na naghihingalo at pinipilit huminga. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang noo. Lahat kami rito ay napaiyak dahil sa nangyari.
H-Hindi... hindi ito puwedeng mangyari.
"Sabi niya ay kinakailangan ko siyang patayin bago ko makuha si Mild," itinurok ni Tasha ang injection sa katawan ng Qilin at bumalik si Mild sa dati nitong anyonna walang malay. "Ginawa ko lang ang kanyang hiling. At isa pa, siya ang pinakamalaking sagabal sa plano ko dahil na rin sa ability niya. He can make you guys stronger at nakadepende kayo sa kanya. Killing him will makes my job more easier." Kaswal na paliwanag ni Tasha.
Malakas siyang tumawa at binuhat si Mild na para bang wala lang sa kanya ang ginawa.
Teddy looked into my eyes.
Jamie... iligtas ninyo ang buong mundo. Kayo na ang bahala kay Claire.
Kitang-kita namin lahat kung paano unti-unting maglaho si Teddy at hinangin ang kanyang abo. W-Wala na si Teddy, he fight 'till the end na sinusubukang iligtas at protektahan si Mild. He sacrificed his life for this fucking mission.
"T-Teddy! Teddy!" Malakas na sigaw ni Kiryu at maging ako ay wala akong magawa kung hindi umiyak sa aking kinatatayuan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makagalaw dahil sa kapangyarihan ni Tasha.
"T-Tapos na..." umiiyak na sabi ni Claire at nawala ang liwanag sa kanyang kamay at bumukas ang lagusan papasok sa tunnel na kuta ng Black Organization.
"Thank you, Dear." Wika ni Tasha at dire-diretso siyang pumasok papasok habang naiwan kaming lahat dito sa Arroceros na nakatayo at ilang minuto pang hindi makagalaw.
Noong nawalan na nang bisa ang kapangyarihan ni Tasha ay mabilis kong hinawakan ang aking dagger at tumakbo papasok sa tunnel.
"Tasha! Magbabayad ka!" Malakas kong sigaw.
Hindi ako makapapayag na patayin niya si Mild. Hindi ko sasayangin ang pagkamatay ni Teddy para sa labang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top