"BAKIT bigla mo na lang naisip na umalis, ha?" Tanong sa akin ni Mild, nandito ako sa kuwarto niya at ginagamot ang sugat sa braso niya. Dumiin ang hawak ko sa bulak. "Ouch! Dahan-dahan naman."
"Hindi mo ba nakita? Napaka delikado nang ginagawa ng Class zero. I will not risk my own life para lang patayin ang mga lawbreakers na iyon," paliwanag ko sa kanya. Kinuha ko ang benda at sinimulang talian ang kanyang braso.
"Bakit? Are you scared?" Tanong niya.
"Ikaw ba, hindi ka natatakot?" Pagbabalik ko nang tanong kay Mild.
"I'm not. Ang cool nga dahil kailangan nating makipaglaban sa mga lawbreakers, we're all like a hero. A class of heroes!" Akmang papalakpak siya ngunit kumirot ng matindi ang kanyang braso kung kaya't napatigil siya.
"Ikaw 'yan, Mild. Ayokong mamatay, ayokong malungkot ang mga magulang ko." Paliwanag ko sa kanya.
"Don't waste your ability, Jamie. Gamitin mo 'yan para magligtas ng mas maraming buhay." Sabi niya sa akin. Poprotektahan mo ba ang buhay ng iba pero itataya mo ang sarili mong buhay? Heck no!
"No, buo na ang desisyon ko. Mamumuhay na lang ako rito sa Merton Academy na para bang isang normal na estudyante. Iisipin ko na lang na wala akong narinig o nakita tungkol sa class zero." paliwanag ko sa kanya at nagsimula na akong ligpitin ang mga ginamit ko at ibalik sa medical kit.
Tumayo na ako at akmang lalabas na pero may pahabol pa si Mild. "Hindi mo matatalikuran ang Class zero, trust me." Paliwanag niya. Nagbuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad paalis.
Pumasok ako sa dorm room ko at humiga sa kama. Nakatingin lamang ako sa kisame at naalala ang mga nangyari kanina. Ang mga dugo, muntik na rin mapahamak ang buhay ni Mild, Ace, at Seven. I don't want to do that dangerous mission.
Ilang minuto rin akong naktingin sa kisame bago ko ipinikit ko ang aking mata at natulog.
***
THE next week, hindi ako um-attend sa klase ng Class zero nitong monday at wednesday. Parang may kulang sa mga ginagawa ko pero dapat na rin akong masanay.
Nakaupo ako sa bleachers kasama sina Diana, Casey, at Aris. Pare-parehas kaming walang klase at nagpapaubos na lang ng oras. Habang nakaupo kami sa bleachers ay pinagmamasdan lamang namin ang mga estudyanteng lumalabas na sa school o kaya naman ay ang mga varsity players na nagpa-practice sa field.
"'te, ba't hindi na kita nakikita sa klase ng Class zero? Noong nakaraang nag-PE sila wala ka." Sabi sa akin ni Aris habang kumakain ng paborito niyang Bistro donut. Naisip ko na rin na baka magtanong sila tungkol dito at kailangan ko pa ring maging maingat dahil baka may masabi ako tungkol sa mga activities na ginagawa ng Class zero.
"I quitted," sagot ko na ikinabigla nila. "Ang OA naman nang mga reaksyon ninyo , 'te! Hindi naman kasi mandatory ang klaseng iyon kaya ida-drop ko na." Hindi pa ako pumupunta sa school's office para ipa-drop ang subject na iyon pero baka sa sabado ko na gawin.
"You quitted? Pinalampas mo ang pagkakataon na makita ang pinakagagwapong nilalang na nagh-e-exist dito sa Merton Academy." Sabi naman ni Casey sa akin.
"'Te, kung gano'n kagagwapo ang mga kaklase ko, baka hindi na ako umalis. Sa section A, sa amin, wala man lang ni-isang gwapo!" Paliwanag niya sa akin kung kaya't natawa naman ako.
"Korak! Mukhang mga unggoy na mag-e-evolve pa lang sa tao ang mga lalaki sa section namin." Dugtong pa ni Diana kung kaya't napatawa ako.
Instead na ipagpatuloy namin ang topic namin tungkol sa pag-alis ko sa class zero, inilipat ko na ang topic namin. "Balita ko may bagong bukas daw na korean restaurant malapit dito."
Na-excite naman sila nung sinabi ko iyon at sabi nila ay dapat i-visit namin ang lugar na iyon para makakain. Tama 'to, I shout get used in this normal life. Hindi ko dapat isinasali ang sarili ko sa mga gulong nangyayari sa class zero.
Bandang 4:30 nang hapon nung maisipan na nilang umuwi. Naiwan ako mag-isa sa bleachers at pinagmamasdan ko ang araw na unti-unting lumubog dahil pakagat na ang dilim.
"Puwedeng tumabi?" tanong ni Ace at hinintay niya muna ang pahintulot ko bago umupo sa tabi ko. May mga sugat pa rin siya sa pisngi at nakabenda pa rin ang kanyang braso.
"Okay na yung mga sugat mo?" tanong ko.
"Much better, mas dumami nga ang fans ko dahil ang cool ko raw kapag may mga sugat. Ano, bagay ba sa akin ang may sugat?" Tanong niya habang pinapakita ang kanyang pisngi. Napatawa ako at napailing, siya pa rin ang Ace na kilala ko na bilib na bilib sa kanyang sarili.
Saglit na nagkaroon ng katahimikan. "Jamie,"
"Hmm?"
"Wala ka na ba talagang plano na bumalik sa Class zero? Huwag mo sabihing pinanghinaan ka ng loob dahil sa nangyari nung nakaraan. Kung iniisip mo naman na kasalanan mo kung bakit ako nasugatan, you're wrong, it's my choice na protektahan ka." Naisip ko tuloy na baka nagi-guilty si Ace dahil iniisip niyang siya ang dahilan kung bakit ako umalis sa class zero.
"No, buo na ang desisyon ko." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"You will waste your ability, maraming buhay kang puwedeng mailigtas sa oras na makontrol mo na ang ability mo," paliwanag niya sa akin at sinusubukan niyang baguhin ang desisyon ko.
"Kapalit naman nung pagligtas ko sa buhay ng ibang tao ay ikakapahamak ko." Dugtong ko. "Hindi mo ako naiintindihan, Ace. Sikat ka, maraming nagmamahal sa'yo. Ako, pamilya ko lang ang mayroon ako kung kaya kapag nawala ako... Paano na sila?"
"Alam mo, kaya ko piniling mag-aral sa Merton dahil magandang paaralan ito at maraming work opportunities ang naghihintay sa akin. Gusto ko lang matulungan ang mga magulang ko, paano ko magagawa iyon kung mamamatay ako?" I tried to explain to him my side.
"Hindi ka ba naaastigan? Nakakapagligtas tayo ng buhay ng tao! We're like hero--"
"Heroes? I don't want to be one! Iyan lang ba ang mahalaga sa inyo? Gusto ninyong maging cool? Gusto ninyo nang kaastigan? Look at the bigger picture, Ace. Kapag namatay ka dahil sa kaastigan na 'yan, isipin mo ang mga taong maiiwan mo. Ang magulang mo, kaibigan mo, mga taong nagmamahal sa'yo. Your cool image can't save you once na nalagay na sa panganib ang buhay mo." Mahaba kong litana sa kanya. Gusto kong ipahayag sa kanya na hindi mali ang desisyon ko.
Ace raised both his hands as a sign of forfeiting. "Okay, talo na 'ko. Hindi na kita pipilitin na bumalik sa Class zero." Sabi niya at ngumiti sa akin.
"Ace..."
"Hmm?"
"May sinabi ba si sir Joseph tungkol sa ginawang pag-alis namin sa Class zero?" I am curious. Naging mabait sa amin si sir Joseph at masakit sa akin kung magagalit siya sa amin nila Teddy.
Umiling si Ace. "He's not angry, alam niyang babalik kayo." Tumayo si Ace at saglit na pinagpagan ang kanyang puwetan. "Mauna na ako, may practice pa kami. See you around, Jamie."
Naglakad na paalis si Ace at tumayo ma rin ako dahil malapit ng kumagat ang dilim. Bago ako bumalik sa dorm ay dumaan muna ako sa dorm dahil may iniutos sa akin si sir Santos. Akala ko ba naman ay importante ang kanyang sasabihin, inutusan niya lang pala ako na mamili ng mga decorations para sa orientation ng mga freshmen.
Pagkalabas ko ng faculty ay saktong nakita ko si Nick na maglalakad, he also noticed my presence so he waved his hand at naglakad tungo sa aking direksyon. "Hey, Jamie,"
I smiled on him. "Ikaw pala 'yan, Nick. Tagal din kitang hindi nakita, ha." Pabiro kong sabi.
"Nagpa-practice ako, may math competition ako sa Taiwan. Ano 'yang hawak mo?" Tanong niya at bumaba ang tingin niya sa papel na ibinigay sa akin ni sir Santos.
"Ahhh eto ba?" I raised it para makita niya. "Pinapabili ako ni sir ng mga gagamitin for orientation. It's not big deal dahil wala naman akong masyadong ginagawa." Nakangiti kong sabi.
"Ha? What about Class zero? 'Di bamarami kayong ginagawa ro'n?" Ngayong kausap ko si Nick, naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Ace. Sa tuwing kinakausap kasi ako ni Nick ay parati siyang nagtatanong tungkol sa Class zero.
Umiling ako. "I am not part of Class zero anymore, I leave. Hindi rin naman mandatory ang klaseng iyon." Sabi ko sa kanya.
Napansin kong napatigil saglit si Nick. "Sinayang mo ang opportunity, maraming tao ang gustong makasama sa klaseng iyon, and yet, you just leave na parang wala lang."
Napahigpit ang hawak ko sa papel dahil a bigla niyang sinabi. "May dahilan ako kung ba't hindi ko na itinuloy ang pagiging parte ko ng class zero." Sabi ko at naglakad na paalis.
Hindi niya ako maiintindihan. Wala siyang alam sa mga nangyayari pero mali ang ginawa niya sa akin na parang pibamumukha niya na may mali ako rito. Mukhang tama si Ace, may pakialam sa akin si Nick dahil parte ako ng Class zero.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top