Mystery 9 - Yanny Past Life

"Uy anong tinu tungo mo dyan" napa angat ako ng aking ulo para tingnan kung nasa harap ko pa ba siya. Wala na, kaya agad kong hinigit si sam paalis.

"Uy ano bang nangyayari sayo?" Nagtatakang sabi niya sa akin ng nasa classroom na kami.

Tinignan ko siya ng maigi, at tila nag iisip kung ano ang una kong ikwekwento sa kanya.

"S-si...crush na-nabangga ko siya nagkatinginan kami wahhhh!!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi mapasigaw dahil sa kilig. Napapikit ako habang kinikilig. Wahhhh!!! Grabe panaginip ba ito? Sana hindi, kung oo man ayoko nang magising pa.

"Shhh.." nakakunot ang aking ulo dahil sa sinabi niya at saka ko napagtanto na may nagkaklase na pala at may guro na sa unahan. Sobrang napahiya ako duon kaya napataklob nalang ako ng aking namumulang pisngi habang pumunta sa aking upuan. Sumunod naman si sam, na para bang hindi niya ako kilala at nadamay lang sa kalokohan ko.

Hala! Buti na nga at hindi ko nasabi ang pangalan niya. Tawa lang ng tawa ang aking mga kaklase ganon nadin ang guro na nasa unahan.

-------

"Sama ka?" Tanong niya sa akin nakatulala lang ako sa kanya habang nakangiti.

"Uy! ano hindi maka move on kahapon?" Agad naman akong umiling sa kanya. Ano tingin niya ganun na lang kadali makalimot? Hindi no lalo na at crush ko iyon.

"Uy teh! masama na iyan. Wag ganyan baka lamunin ka na niyang puso mo" tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

"Crush lang hanggang doon lang!" Pagpapaalala ko sa kanya. Na hanggang doon lang ang feelings ko at bawal lumagpas duon.

"Sabi mo eh. Anyways ano sama ka?" Tanong niya ulit sa akin.

"San ba?" Nagtatakang sabi ko sa kanya.

"Kakain libre ni mark" nakangiting sabi niya sa akin.

"Weh? Anong nakain niya?" Nagtatakang sabi ko sa kanya. Kasi isa siya sa taong napaka kuripot na naging kaibigan ko kaya isang himala kapag manlilibre siya.

"Sure di ko na palalampasin pa iyan. Isa yang malaking himala" nakangiting sabi ko sa kanya at bumalik na ako sa pagka katulala kanina. Nasan na ba ako hahahhahahahha

-------

Pagkatapos ng klase ay nag intay kami ni sam sa labas ng gate. Ang tagal naman ni mark eh!

"Ano ba? May balak ba yun magpakita. Magbabagyo na lahat lahat wala pa rin siya!?" Pagrereklamo ko kay sam na natataranta na ngayon sa pag contact kay mark. Habang ako naman ay abala sa paglalaro sa ulan. Syempre ako yung may hawak sa payong. Natataranta na nga si sam diba.

Natutuwa ako kahit makulimlim ang langit, hindi ko alam kung nababaliw ba ako o ano pero naalala ko lang crush ko grabe lang hahahahah. Malala na ata to eh!

Biglang naman bumilis ang tibok ng aking puso ng bigla siyang nagpakita sa unahan ko he's wait lang nakatalikod siya kaya hindi ko kita face niya but what the heck bat... bat may piapayungan siyang babae saglit lang, y-yung puso ko nadurog ata sa nakita.

Hindi ko alam kung ano ba ito biglang naramdaman ko. Nalulungkot ba ako o natutuwa? Wait nga lang san ko nakuha yung salitang natutuwa hindi ba dapat magselos ako hahahhahhaha

Pero wala naman akong karapatan dahil isa lang naman ako tao na nagkaroon ng pagtingin sa taong kahit kailan ay hindi mabibigyan halaga ang pagtingin ko.

"Uy okay ka lang?" Nagaalalang tanong ni sam. Dahil nakita niya din ang aking nakita.

"Hindi eh" syempre sinabi ko yung totoo. Magsisinungaling pa ba ako? Hindi na no! Halata naman nya eh.

"S-sorry nalate ako!" Hingal na hingal na biglang sumulpot sa unahan namin si mark, at nagpaulan pa si tanga eh. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Bat ka naman nag paulan?!" Sigaw ko sa kanya. Para mahalata niya na galit ako hahahahhaha

"Galit!" Ganti naman niya sa akin. Hindi, masakit lang.

------

"Ang bilis non ah"

"Ha alin?" Nag taka naman ako sa sinabi niya. At saka ko kinain ang nilutong karne ni mark para sa akin. Nag sasamgyup kami ngayon. Dapat nga mga tig 50 lang libre niya sa amin eh dahil pinagintay niya kami sa labas at maabutan na kami ng bagyo ay inilibre nalang kami sa samgyup, pagbawi daw.

"Mawala yung feelings hahahhahahaha" ang kapal, tumawa pa talaga si bruha. Tinignan ko lang siya ng masama at sabay tusok duon sa isa pang karne.

"Ano nanaman yang pinag uusapan ninyo?" Epal ni mark, na abala sa pagluluto.

"Wala! Eh ikaw ba kailan mo ba balak magpalit ha? Basang basa yang uniform mo oh!" Pagrereklamo ko sa kanya. Nako kapag nagkasakit lang siya, wag niya kaming sisihin at siya ang ipiprito ko dito.

"Mahirap masyadong mafall diyan sa crush yanny!" Wow yan na naman po ang isang guro ko sa pag ibig. Ano ba sila ni sam at pinagtutulungan nila ako! Grabe lang.

"Oo na alam ko. Kung makapagsalita ka naman mark, parang wala kang crush. Syempre meron ka, at nararamdaman mo din itong nararamdaman ko" makaganti naman sa kanya. Napatigil siya sandali sa ginagawa niya, at tumingin siya sa akin. Nako patay, may masama ba akong nasabi?

"Ba-bakit!?" Nagtatakang sabi ko sa kanya para tingnan niya ako ng ganan. Yung tingin na gusto kang patayin ng di oras.

"Oo tama ka, pero alam ko ang limits ko. Hindi tulad mo" ha? Napaha nalang ako sa sinabi niya.

"Gusto mo ba talagang ikaw yung iprito ko dito ha!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya. Tinignan naman niya ako ng masama at sabay tawa.

"Anong nakakatawa?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Kapal din kasi ng mukha mo, kita mong ako nga nagluluto nito para sa inyo tas ganan sasabihin mo" pagrereklamo niya sa akin. Ah!!! Kahit kailan hindi na kami nagkasundo ng isang ito eh!

"Tama na iyan, nakakakuha na kayo ng atensyon mula sa ibang tao na kumakain, nakakahiya naman" pang aawat sa amin ni sam. Parehas namin siyang tinignan ng masama. Kaya padabog kong ibinaba ang aking kutsara na nakaturo sa pagmumukha ni mark kanina.

Inerapan ko nalang si mark ng bigla naman siyang ngumisi sa akin na aking ikinainis. Kaya kinuha ko yung basahan na hindi gaano kalayo sa akin at ibinato sa kanya. Pero ang mokong nakailag kaya yun iba ang nasapul nito.

Isang lalaki na nakatalikod sa amin na nakain din. May kasama siyang isang babae, na mukhang familiar. Not sure.

Napalingon ito sa amin, habang ang kasama niyang babae ay gulat na gulat dahil sa nangyari.

Hindi ako nagulat dahil naiinis parin ako kay mark. Pero yung dalawa ang mukhang gulat na gulat sa nangyari.

"Pwede ba kung maglalandian lang kayo duon kayo sa labas wag dito, may nadadamay eh!" Sigaw niya sa amin. Wow kapal! Landian ba yun ha?

"Eh ikaw naman ata tong sira eh, for you're info hindi kami nag lalandian nag aaway kami. Kaya ikaw na tsismoso ayusin mo ha! Wag kang magkalat ng fake news!" Ganti ko naman sa sinabi niya. Nainis naman ito, dahil sa aking sinabi.

Napakunot nalang ang aking ulo dahil sa ilang beses na pag kulbit sa akin ni sam.

"Ano!" Sigaw ko sa kanya.

"Isa sila sa student ng mizteroz" bulong niya sa akin, na aking ikinagulat. Bakit pala familiar sa akin ang mukha ng babae.

Anong gagawin ko ngayon? Nanganganib na ba buhay ko?.

"Sorry pre hindi namin sinasadya" nagulat ako sa biglang pagsosorry ni mark. Bumalik na lang yung lalaki sa pagkain niya ganun din ang kasama niyang babae eh ang kaso humabol pa at inerapan pa niya ako. Aba't napakawalangya!

Tinignan lang ako ni mark, yung bang parang may gustong siyang iparating.

------------------

Today is sunday walang pasok, kaya nasa bahay lang ako.

Grabe nga ang boring eh. Parang gusto ko tuloy pumunta sa practice room. Ang totoo niyan singer ako and yup kasali ako sa isang club sa school namin. So napagdisyunan ko na mag practice. Nag paalam muna ako kay mommy, at saka ako umalis.

Hmmm... siguro naman walang gumagamit ngayon ng room namin? Or walang nag pra practice.

Malapit na ako sa club room namin ng may narinig akong tumutugtog ng piano kaya nagmadali na ako, dahil alam ko kung sino ang nag piapiano.

Nasa tapat na ako ng mapatigil ako dahil sa naalala ko na nangyari sa amin noong isang araw. Ang tae mo talaga yanny, paano ko kaya siya haharapin. Ay bahala na.

Laking gulat ko ng bigla ito magbukas kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin.

"Ma-mark?" Nagtatakang sabi ko sa kanya. Dahil ang akala ko yung crush ko ang nag pia piano. Pero siya pala, hindi ko nga alam na maalam pala siya.

"Nag piapiano ka?" Bigla naman siyang umiwas ng tingin na aking ikinagulat, at sabay lakad. Hindi ba niya nakita ako? Ha?! O narinig man lang yung sinabi ko!

Tsk! Walang kwenta! Padabog kong sinarado ang pintuan. Makapag practice na nga lang.

-----------

Palabas na ako ng school ng makasalubong ko yung lalaki na hagisan ko ng basahan duon sa sangyup na nakainan namin noong isang araw. Kaya agad kong tinakpan ng bag ang aking mukha para hindi niya ako makita.

Nag madali akong nag lakad hanggang sa makalabas na ako ng malaking gate. Why i am scared of him? Kasi nga mizteroz siya. So ano ba ang mizteroz?

Sabi, sabi kasi ng mga estudyante na mga mamamatay tao daw ang mga student na nasa section na iyon, kaya wag mo nang subukan pa na kalabanin sila kung gusto pang mabuhay. Hindi ko alam kung totoo pero okay na yung umiiwas ka, mahirap na baka nga totoo diba.

Hindi ko nga alam kung bakit may mga estudyante na mizteroz na mga ganon nga na pinapasok pa sa eskwelahan na ito, tas take note bawal silang lumabas ng academy kaya nga binigyan sila ng isang malaking bahay para duon sila tumira. Buti nga pumayag ang mga magulang nila eh. Kung si mommy yun nako baka mag wala na iyon.

Napatigil ako saglit sa paglalakad at napalingon ng maalala ko na sa labas kami kumain at nakita namin sila. Diba bawal silang lumabas? Nakakapagtaka. Pero wala ako sa posisyon para alamin kung bakit lumabas sila. 

To be continue.....

-------------

Edited March 23 2020

Uy uy uy na enjoy mo ba ang pagbabasa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top