Mystery 8 - Yanny
♤ Mikke ♤
Hinintay ko na matapos nila ang pag dradrama. Hindi ko ito palalampasin, pag nalaman ni boss ang ginagawa niya matutudas siya.
Mas lalo siyang maiipit sa school na ito, nagiisip kaya siya sa ginagawa niya?
Ilang minuto pa at saka umalis si yanny at iniwan si sir. Papunta sa direksyon ko si sir. Nakatago parin ako. Kaya ng malapit na si sir sa pinagtataguan ko ay saka ako lumabas. Nagulat siya ng makita niya ako, dapat nga ako yung magulat dahil sa mga nakita ko kanina.
"Ipaliwanag ninyo ang mga nakita ko" deretsyahang sabi ko sa kanya wala nang paligoy ligoy pa. Hindi tuloy siya mapakali at palingon lingon siya na parang may hinahanap.
"A-ano pinagsasabi sasabi mo?" Tumatanggi pa eh kitang kita naman ng dalawa kong mata.
"Nakita ko ang lahat, lahat" seryosong sabi ko sa kanya. Napaisip siya saglit at saka napabuntong hininga nalang.
"Paano bayan nahuli mo kami" natatawang sabi niya. Pero hindi ako tumawa o ngumiti manlang. Ngayon ay tinignan niya ako ng seryoso at sabay sabing.
"Kailangan mo nang mamatay?" At sabay ngisi niya sa akin. Pero seryoso parin ako. Tanga ba siya? Dahil lang sa nakita ko papatayin niya ako? Edi na lagot siya kung ganon.
"Wag kang mag joke sir, sabihin nalang po ninyo yung totoo"
Tumingin lang siya sa akin at sabay kamot ng kanyang ulo.
---------
♤ Sir Marko ♤
Hindi ko akalain na ganito kaaga niya malalaman ang tungkol sa amin ni yanny.
Pinaupo ko siya at binigyan ng maiinom. Nandito kami ngayon sa dorm ko. Syempre ang mga guro may sari sariling dorm na binigay ang school.
Bawal kasi sa labas ng school kami tumira, yun ang rules. Eto nga pagdala ko na nga ng estudyante sa dorm ko bawal, buti na nga lang at wala yung guard na nagbabantay.
"Mag start kana magpaliwanag" Napapatingin nalang ako sa kanya na para bang siya yung senior ko tas ako yung junior niya, kung makapag salita eh parang hindi mas matanda kausap nya pati isa pa teacher pa rin niya ako kahit magkakilala kami. Hayst wala naman akong magagawa.
"Handa ka na ba sa malalaman mo?" Tanong ko sa kanya, seryosong tango lang ang tinugon niya sa akin.
--------------
YANNY PAST LIFE 4 YEARS AGO
♡ Yanny ♡
"Grabe napaka cute niya" Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan yung crush ko na naglalaro ng basketball. Nandito ako ngayon sa second floor para maganda ang view ko.
"Uy baka matunaw na yan!" Nagulat naman ako duon sa nag salita at si sam pala.
"Ano ba! Muntik na akong mapa sigaw ay, wag mo nga akong gulatin sa susunod" Pagrereklamo ko sa kanya at ibinaling ko na ulit ang atensyon ko sa aking crush.
Pag katingin ko sa gym ay wala na pala yung crush ko. Ano bayan, ang bilis naman nila matapos. Tinignan ko ng masama si sam, dahil sa pagistorbo niya sa akin.
"Oh? Ano ginawa kong masama?" Gulat na gulat na tanong niya sa akin. Tinignan ko lang siya ng masama habang na tayo ako, sa aking pagka kaupo.
"Wala, wala" pag mamaangan ko sa kanya.
"Eto, alam mo naman na kung hanggang tingin ka lang hindi ka niya talaga mapapansin. Kung ako sayo magpakilala ka" Wow nag salita si ateng, porket may boyfriend. Hindi ganun kadali yun.
"Okay na ako hanggang sa tingin lang. Mas lalo akong aasa kapag nakilala niya ako at mas nakilala ko siya. Ayoko ng ganon" sabi ko sa kanya at sabay ngiti, mapait na ngiti.
Oo gusto kong mapansin niya ako. Pero mapapansin nga niya ako, pero hindi yung feelings ko para sa kanya. Kaya wala din.
"Ikaw bahala"
"Ano ba ginagawa mo dito?" pag iiba ko ng topic.
"Ah oo nga pala bago ko makalimutan tawag ka ni sir marko ayieee" May pa ayiee pa ang ulaga. Porket laging tinatawag ako, kung ano kaagad pumapasok sa utak niya. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya naging kaibigan, baliktad yung utak eh.
Nakapamulsa ako habang naglalakad papunta sa faculty. Ano nanaman ang kailangan sa akin ni sir? Paper works nanaman ba?
Malapit na ako sa faculty ng makita ko si Mark, kaya bumati ako sa kanya. Ngunit hindi man lang ako pinapansin at direderetsyo lang sa paglalakad. Ano bayan, barino nanaman? May period? Ano babae lang ang peg?
Hindi ko nalang siya pinansin pa at pumasok na ako sa loob. Pwede ko naman siya makausap mamaya, nasa isang dorm lang naman kami eh. I mean nasa iisang building lang naman kami.
Pagka pasok ko sa loob ay sumalubong kaagad sa akin ang napakakapal na papel. Ang akala ko ipapaayos nanaman sa akin ni sir young pala ipa pamimigay ko sa mga kaklase ko.
Napabuntong hininga nalang ako habang nag lalakad sa may hall way. Ang akala ko pa naman wala akong gagawin ngayon yun pala mali ako. Oo sobrang simple lang itong pinapagawa sa akin pero nakakainis lang kasi ang layo ng aming building kung nasaan ako ngayon.
Ang bagal ko pa naman mag lakad pag tinatamad ako. Ah... Naalala ko na, siguro bakit ganun si mark kanina ay dahil sa nakuha niyang marka sa subject ni sir?
Hmmm...hindi naman siguro kasi tinuruan ko naman siya? May naintindihan kaya siya sa mga tinuro ko? o wala?
Ewan ko.
Sa aking paglalakad ay bigla akong kinabahan ng makita ko siya, hindi gaano kalayo sa aking kinatatayuan. The heck, yung puso ko nag wawala. Omg! Hindi maaari ito kalma lang yanny, magka salubong lang kayo.
Don't worry hindi ka niya kilala, ikaw lang ang nakakakilala sa kanya. So kalma self.
Sobrang lapit na namin, ilang seconds nalang ayan na.....ayan na.... malapit na ng biglang.
"YANNY!" Napapikit nalang ako dahil duon sa walang yang sumigaw ng pangalan ko. Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Huh? Sam! napakagaling na bata.
Hindi pa nakontento at ilang beses pa niya sinigaw ang aking pangalan habang dahan dahan siyang lumalapit sa akin. Sa bawat bigkas niya sa aking pangalan ay pagpikit din ng aking mga mata.
Pinakawalang kwentang kaibigan naman ang babaeng ito. Buti nalang at derederetsyo lang sa paglalakad yung crush ko kasama ang isa lalaki. Hindi siya lumingo sa amin, kahit sa kaibigan ko. Mukhang walang pakialam sa paligid niya.
Haysss buti naman.
"Ano yun!" Naiinis na sabi ko sa kanya.
"Samahan mo ako sa school board" nakangiting sabi niya sa akin. Akala mo naman sasamahan ko siya.
After 15 minutes...
A-anong ginagawa ko dito? Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ko siya sasamahan eh.
"Ano bang meron dito?" Tanong ko sa kanya. Habang siya naman ay hindi mapakali na ewan. Natatae ba siya? Eh dapat pala sa cr siya nag pasama sa akin at hindi dito.
"Iannounce na nila" Na eexcited na sabi niya sa akin. ha?
"Ang alin?" Tinignan lang niya ako ng masama. Parang tanga naman to oh! Nagtatanong yung tao eh.
"Yung film natin, na ginawa natin last last week!" Wow grabe kung makasigaw abot hanggang duon sa gate. Ah naalala ko na, yung lintik na film na iyon. Paanong lintik? Eh paano naman kasi yung poster ba namin wala yung pangalan ko. Grabe lang no nahiya yung mga kagrupo ko na butaw.
Ang film kasi namin is about sa kahit ano, basta kami ang bahala. Camera man lang naman ako duon. Grabe yung pagod ko sa pagka camera man tas hindi nilagay ang walang young leader namin yung pangalan ko sa poster. Yup kailangan ng poster para mai pakilala sa iba ang aming gawa na film.
May botohan kasi naganap last last week at ngayon malalaman kung sino panalo. Tas kung sino ang limang film na mananalo edi papanoorin namin. Grabe diba kawawa naman yung lima pang grupo na hindi mapipili.
Kasi hindi ipapalabas. Bakit ganun na lang kaya ang ibang estudyante sa film na halos mag 10 na ng gabi ay nag shooshooting parin, at kami yun. Grabe diba! Ang oa kasi ng leader namin sa kaoayan ayon at nakalimutan ang pangalan ko at take note pangalan ko lang ang nakalimutan.
Nakakainis kaya hindi nakita ni crush, kung anong film yung akin. Sabagay hindi naman ako kilala nong tao kaya wala din.
"Ayan na ayan na!" Napapasigaw habang hinahampas ang aking braso. Ang oa akala mo naman nanalo kung saan eh.
Nagsimula ng mag kagulo ang iba pang mga estudyante at sabay sabay sila nag silapitan duon sa board aalis na sana ako para hindi map asali sa git gitan. Ay hindi ko man lang inakala na hawak pala ng walanyang sam ang aking uniform kaya yun higit me. Tas sabay bitaw ba ng bruha sa uniform ko kaya, naiwan ako sa kalagitnaan ng digmaan.
Palabas na ako sa digmaan ng may isang napakagaling na estudyante ang tumulak sa akin. Grabe naman akala mo hindi makikita yun ah! Kaya yun ako si lampa nagdagasa, ayun ang akala ko dahil napasubsob ako sa isa pang estudyante.
Napahawak ako saglit sa ulo ko, para icheck kung gumagana pa at okay naman ang lahat wala nag bago sa utak ko mahina parin, ang akala ko pa naman tatalino ako. At saka ako tumingin duon sa nasubsuban ko.
The heck! Dahil sa gulat ko ay napaatras ako.
"Okay ka lang?" Totoo ba ito? O isang panaginip lang?
Hinawakan ko siya sa kanyang pisngi, dahil ang lapit niya sa akin. Ngunit inalis ko kaagad ang aking kamay ng magising ako sa katotohanan na hindi pala ito isang panaginip.
Grabe yanny?! Anong gagawin mo ngayon?
To be continue.....
----------------------
Edited March 23 2020
Don't forget to like and comment guysttt!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top