Mystery 7 - Just relax

♡ Yanny ♡

Hindi ko ba alam kung bakit kailangan ko din gawin ito. Ano ang ibig kong sabihin ang paglabas ng mansyon namin na ang aming mga mukha ay parang namatayan totally totoo naman at si Mia yun, pero hindi ko naman siya close para malungkot at mag ka ganito ako diba.

Eto kasi ang gusto ni kyle na gawin namin pa mula ng mamatay si mia. Madaya at hindi ginagawa ni Gio, Rose, May at ni Mizzy ang ginagawa namin.

Si May hindi naman niya kailangan pang magpanggap dahil lagi naman siyang mukhang malungkot. At isa pa hindi naman ako si jully at si zoe para magpanggap, hindi naman ako kasing galing nila para umakting.

Pero wala naman akong magagawa, eto nalang kasi ang ambag ko sa kanila. Kahit na pag minsan sa akin nanggaling ang ibang impormasyon na binabalita ko sa kanila.

"Uy dito yanny" Tawag sa akin ni Mark, hindi siya taga Mizteroz sa ibang section siya. Kaano ano ko ba ang taong ito? boyfriend ko lang naman. Wow so gulat kayo na isang katulad ko na tahimik na babae ay nag ka boyfriend ng ganang kagwapo. Anong magagawa ko.

"Hello!" Bati sa aking ng mga kasama niyang mga kaibigan.

Ngumiti lang ako sa kanila bilang pagbati at sabay upo sa tabi ni mark. Hindi sila natatakot sa akin paano naman eh mga kaibigan ko din sila noon, pero ngayon hindi na. Oo kababata ko si mark, sa ganon paraan namin nakilala ang isa't isa at naging close.

Hindi ko nga alam kung bakit at paano namin nagustuhan ang isa't isa parang ang bilis kasi ng mga pangyayari na halos hindi na ako makapaniwala.

"Okay ka lang ba?" Napatingin ako sa kanya na parang nagulat. Nakangiti lang siya sa akin at nakatingin sa aking mga mata.

"Oo naman" Nakangiting sabi ko naman sa kanya at saka ako kumain.

----------------

"Uy yanny una na ako sa mansyon" Paalam sa akin ni hannah, tumango lang ako sa kanya bilang pagtugon.

Nandito ako ngayon sa tapat ng classroom ni mark. Pinag usapan namin kanina na lalabas kami ngayon, kaya hinihintay ko siya. Lagi kasi kaming maaga pinapalabas ng aming teacher, dahil nga sa section namin na Mizteroz.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng aming section sa iba? hindi ko alam, may sabi sabi na mga estudyante na nandito ay may mga nililihim na sikreto so ako may sikreto? Hindi ko alam hahahhaahha

Nakasandal ako sa pader sa tabi ng kanilang pintuan ng bigla itong mag bukas, ang akala ko ay teacher. Hindi pala at isa sa  mga kaklase ni Mark.

Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo at sabay ngiti.

"Yanny right?"Tanong niya sa akin. Naka cross arm na siya ngayon habang nakangiti. Parang may kakaiba sa ngiti niya, hindi ko alam kung ano yon.

Tumango lang ako sa kanya.

"Ah okay, pinapasabi sa akin ni mark na hindi na daw kayo tuloy. May gagawin pa kasi kami mamaya pagkatapos ng klase" Bakit kailangan pang siya yung mag sabi at hindi si mark. Ayoko sanang maniwala pero ayoko naman magkaron ng kaguluhan dahil sa akin. Kaya pumunta nalang ako sa mansyon, habang iniisip parin kung ano ba ang mahalagang bagay na gagawin nila.

Gusto kong kausapin si Mark para malaman kung totoo ba iyon?

Pagkabukas ko ng malaking pintuan ay sumalubong sa akin si lian na nakatayo lang at nakatingin sa akin, na aking pinag taka. Bigla naman siyang ngumisi at naglakad palabas ng may bigla ibinulong siya sa akin.

"Nako, nako pinaghintay ka nanaman sa wala" Kahit kailan wala siyang kwentang tao. Siya ang pinakang ayaw kong kaklase. Hindi ko nga alam kung anong trip niya at lagi niya akong iniinis. Hindi ko nalang siya pinansin.

Ganon naman lagi eh, pero totoo naman yung sinabi niya. Ilang beses na din akong pinaghihintay ni mark sa wala. Hindi ito ang unang beses.

Napansin ni hannah ang reaksyon ng aking mukha na alam na alam na niya kung anong ibig sabihin. Siya kasi yung kaibigan ko pamula bata hanggang ngayon na kasama ko. Kaya kilala na namin halos ang isa't isa.

Agad niya akong nilapitan at sabay tanong.

"Bakit kasi naghihintay ka parin kahit alam mo naman na hindi siya  mag papakita" Tinignan ko siya sa mga mata.

"Hindi siya si mark na kilala ko. Alam ko na may dahilan siya bakit ganon" Sabi ko sa kanya.

"Ha? Eh pagaawas na lang lagi ka na lang naghihintay pero pagdating sa lunch o kaya pag may kasama siya saka ka niya tinatawagan. Hindi kaya ginagamit ka lang niya yanny?"

"H-hindi totoo yan" hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Pang ilang beses na ba ito nangyari sa akin. Hindi ako makinang tao pero pagdating kay mark nagiging marupok ako.

Niyapos lang ako ni hannah kaya wala na akong magawa kundi ang ilabas ang kalungkutan na aking nararamdaman.

-------------

♤ Mikke ♤

Ang ganda naman ng view ko dito. Para nanunuod lang ako ng isang madramang movie. Hayst..... yanny, ang talino mo pero nagpapakatanga ka sa isang tao.

Alam mo naman ang totoo pero ayaw mong tanggapin kasi hindi mo kaya.

Sino naman kasi ang hindi masasaktan sa ganon diba, yung taong mahal mo na ang akala mo mahal kadin yun pala ginagamit ka lang.

Yup alam ko na ang isang yanny na tahimik na babae ay may boyfriend. Hepsss wait lang hindi porket tahimik ay ibig sabihin na wala siyang ginawa, meron siyang ginawa noon. Kaya nga ang ibang estudyante ay natatakot sa kanya.

Napansin ko din iyon kapag nakain sila sa canteen kasama ang boyfriend niya.

Sino naman kasi hindi matatakot sa kanya diba? Kapag ganyan pala ang tinatago niyang sikreto opsss hindi nga pala sikreto iyon, dahil alam naman ng lahat at siya, siya lang ang hindi nakakaalam nito.

"Uy! Anong ginagawa mo diyan?" Napa angat ako ng aking ulo dahil duon sa nag salita. Uy si top 1, si kenzo ang tinutukoy ko.  Napag isipan ko na top 1 nalang ang itawag ko sa kanya.

"Nakaupo" sagot ko sa kanya.

"Oo alam ko, hindi ako tanga. Bakit kasi dyan ka nakaupo sa lapag. Nakaharang ka kasi sa daanan. Duon sa sa first floor ang raming upuan duon" eto ang rami pang sinasabi ayaw nalang akong deretsyahin, na umalis ganon. Pag ba top 1 kailangan laging mahaba yung sinasabi? o complete sentence? 

Bago pa ako maka baba ay bumati ako sa kanya. Muntik ko nang makalimutan.

"Hello!" Nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi na naman niya ako pinansin. Okay lang, wala naman akong paki eh.

Ano kayang magawa ngayon?

Hindi naman pwedeng lumabas ako baka kasi masarhan ako ng mga ito. Isa ko pangi proproblemahin kung san ako matutulog. Syempre mga walang hiya, kaya ang mga kasama ko dito.

Papunta sana ako sa likod ng mapansin ko si May na kakarating lang. Agad ko siyang nilapitan at nag hi. Mukhang pagod na pagod siya na hindi ko alam ang dahilan.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin, kahit halata parin na hindi.

"San ka pala galing?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Sa libingan" napaisip ako bigla dahil sa sinabi niya. Libingan? Anong libingan?

Magtatanong pa sana ako ng bigla siyang hinigit ni zen. Tinignan naman ako ng masama ni zen, ano nanamang ginawa kong mali?

Hayst....

---------------

♧ Lian ♧

Ano na namang ginagawa niya? Ayan na naman siya sa pag iyak.

Umupo ako sa kabilang side ng duyan. Hindi niya ako tinignan at patuloy pa rin siya sa pag iyak.

"Ba-bakit ganon siya sa akin?" Ayan nanaman siya sa linyang yan.

"Kalimutan mo na kasi siya yanny, may iba pang tao na nagmamahal sayo. Hindi mo makita dahil masyado mong pinaikot ang mundo mo sa kanya" Kahit anong pilit ko naman sa kanya laging si mark. Si mark lang ang laman ng puso at isip niya. Kahit nasasaktan na siya, siya pa rin ang pipiliin niya.

"Wa-wala akong magagawa lian" Naawa na ako sa kanya. Niyapos ko nalang siya para huminahon siya. Pero umiwas lang siya sa akin at sabay alis.

Lagi nalang, lagi nalang niya ako hindi napapansin. Ako yung laging nasa tabi niya pero ayun ang puso't isip niya nasa i-isang tao lang na kahit kailan hindi maibabalik sa kanya ang pagtingin.

Nandito lang ako laging naghihintay at umaasa para sayo yanny. Sana mapansin mo iyon.

--------------

♤ Mikke ♤

Hayst isang lalaki na kahit kailan ay hindi siya mapapansin ng kanyang minamahal dahil ang tao ito ay inalay na ang puso't isip niya sa i-isang tao na kahit kailan ay hindi na ito mapapansin.

Bakit kasi nagtitiis ka sa kanya lian?

Ang sarap pala nilang pagmasdan, lalo tuloy ako naiinganyo sa mga pinapalabas ng bawat isa ng Mizteroz. Sino kaya susunod sa kanila? Hmmm...

Kaninong sikreto kaya ang malalaman ko? Hehehehheheh

Makaalis na nga dito nasira na kasi ang tulog ko. Ang akala ko pa naman tahimik sa lugar na ito mukhang hindi. Sumagi sa aking isipan ang sinabi ni boss na all of the Mizteroz are killer except to Gio and Rose, pero it does not mean na totoo nga na killer ang mga mizteroz kailangan ko din malaman kung totoo yun. Hindi pwedeng mag base lang ako sa mga information na binigay sa akin ni boss.

Kailangan ko rin malaman kung saan nakatayo ang libingan na tinutukoy ni May.

Hindi ko na kasi na itanong sa kanya kung saan ba iyon. May kailangan kasi akong malaman.

----------

Ah alam ko na si sir! Baka alam niya.

Pagkatapos ng klase ko ay hinanap ko kaagad siya. Wala kasi siya sa faculty. So ilang minuto ako paikot ikot sa paghahanap at sa wakas ay nahanap ko na din siya.

Kaso laking gulat ko ng kausap niya si yanny, at isa pa bakit kayapusan niya si yanny?

Agad ako nag tago para hindi nila ako makita. May hindi pa ba ako nalalaman tungkol kay sir?

Hindi kaya girlfriend ni sir si yanny?
Hmmm....

Tanga mo talaga mikke! Matanda na si sir parang anak na niya si yanny. Pero anong meron?

To be continue......

-----------------

Edited March 23 2020

HELLOOOWWWW GUYSSSSSS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top