Mystery 6 - Let's be Crazy
◇ Kenzo ◇
Napapataas na lang ang kilay ko at halos maputol ko na ang hawak kong ballpen dahil duon sa lintik na napaka ingay sa labas.
Agang aga ang ingay.
Agad akong lumabas at si Mizzy pala ang maingay. Ano ba ang pinagsasabi niya?!
Dahil sa inis ko ay sinigawan ko siya.
"BAKIT DITO KAPA LUMIPAT SA SCHOOL NA ITO? AT SA SECTION PA NAMIN!?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ayun pa ang nasabi ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at nakangiti pa. Huh?!
"Secret" nakangiting sabi niya sa akin na aking ikinagalit. Tanga ba siya?
"Tinatanong kita ng maayos tas yan sasabihin mo?!" Sigaw ko ulit sa kanya, pero nakangiti lang siya sa akin.
"Ay?! Eh sagot ko naman yun ah" nakangiting sabi niya sa akin.
"Bakit ano bang sagot ang gusto mong sabihin ko?" Pagdagdag niya sa una niyang sinabi sa akin. Iniinis talaga ako ng isang to no?! Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko mukha wala na mag iingay pa.
--------
♤ Mikke ♤
Kasabay ko ngayon kumain ng agahan si May. Patapos na ako ng may itanong ako sa kanya.
"Hindi kaba natatakot sa akin?" Tanong ko sa kanya? Syempre in a way na hindi nakakatakot no. Friendly asking, ganon lang.
Napatigil naman siya saglit at tumingin sa akin ng seryoso.
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Dahil sa ako daw ang pumatay kay mia?" Nagtatakang sabi ko sa kanya pero pabiro naman.
Sandali ang katahimikan at saka siya nagsalita.
"Ako din naman napagbintangan na pumatay kay jelly" Malungkot na pahayag niya sa akin.
"Ha? Sino si jelly? Kaklase ba natin yun?" Kunwari hindi ko alam ang tungkol duon. Gusto ko lang makakuha ng impormasyon sa ganitong paraan.
"Pati pumatay? Patay na ba siya?" Dagdag ko sa sinabi ko kanina. Hindi ko alam kung magbibigay ba siya sa akin ng impormasyon, wala naman kasing masama kung magtatanong ka diba.
"Hindi siya taga dito, manager siya ni jully" biglang nag seryoso ang kanyang mukha.
"Bakit ka naman pagbibintangan diba? eh hindi mo naman kilala ang taong yun" mapagkunwaring nag aalala ako sa kanya, yung tipong naawa ako dahil sa kalagayan niya.
"Nong araw kasi ng mamatay si jelly magkikita sana kami pero ilang oras akong nag hintay sa kanya pero wala siya. Dumating ang sumunod na araw nadatnan siyang patay sa lugar kung saan dapat kami magkita" Malungkot na saad niya sa akin. Bakit pala, sino naman kasi hindi mapagbibintangan kung ganon.
"hmm... hahahahaha bat parang ang daming namamatay" Pabirong sabi ko sa aking sarili, syempre ang akala ni May sa kanya ko sinabi iyon.
Tinignan niya ako ng maigi, na aking pinag taka. Ano na naman iniisip nito?
"Uy! bilisan mo na dyan at baka malate pa tayo" Pagpapaalala ko sa kanya, kaya natauhan naman siya. Hindi na niya inubos pa ang kanyang pagkain dahil napansin niya kung anong oras na.
"Hala! late na tayo" Natatarantang sabi niya at sabay higit sa akin palabas ng kusina.
--------------
Sa bawat estudyante na madaanan namin ay nginingitian ko, alam ko naweiweirduhan sila sa aking ginagawa, kahit ako naman. Pero wala akong magagawa, kung iisipin ko lang ng iisipin ang tungkol sa bangkay ni Mia ay wala akong makakalap na impormasyon.
Kung ganito ang ugali na ipakita ko sa mga tao dito, alam ko na may makukuhang impormasyon.
"Alam mo bang natatakot na sila sayo" Napatingin naman ako duon sa kasama ko.
"Kanina kapang ngiti ng ngiti kung sino man makasalubong natin" Nagrereklamo ba siya sa akin?
"Ashh... Eto ang kj mo alam mo ba iyon? Bago ako, kaya gusto kong makipagkaibigan sa kanila" Pagrereklamo ko sa kanya.
"HA? Nakikipagkaibigan? Okay ka lang ba?" Nagtatakang sabi niya sa akin.
"Bakit, may masama ba doon?" Pagkukunwaring nagtataka ako sa sinabi niya.
"Mizzy you are a Mizteroz student" Sabi niya sa akin na parang gusto niya akong matakot.
"So anong meron?" Para akong isang bata na walang kaalam alam kung ano iyon.
"Ha? seryoso kaba?" Gulat na gulat na sabi niya sa akin. Nagulat naman ako ng bigla niya akong higitin sa isang lugar na walang tao.
"Mukhang seryoso ka nga" Sabi niya sa akin at nagsimula na siyang magpalakad lakad sa unahan ko.
"Papaano ka ba napunta sa section namin ni hindi mo alam kung ano ang Mizteroz?" Bakit parang nagaalala siya, sa akin? I don't know kung anong pinapalabas niya ngayon sa akin pero kailangan kong mag ingat.
"Ang Mizteroz student ay binabalot ng mga misteryong estudyante, kaya ibig sabihin meron kang sikreto pero dapat alam mo ang limits and rules ng isang mizteroz. Grabe hindi ko alam kung nag kamali ka ata ng section, pero nakakapagtaka bat hindi ka man lang nataranta ng mapagbintangan nila na ikaw ang pumatay kay Mia?" Seryoso ba siya? Hindi ba siya nag iisip sa ginagawa niya at kinikilos niya ngayon?
Dahil kami lang sa lugar na ito at maaaring patayin ko siya dahil sa mga impormasyon na gusto niyang malaman sa akin diba pag Mizteroz ka ayaw mong may makaalam ng sikreto mo, kaya papatay ka para hindi mabunyag kung sino ka man. Pero syempre hindi ako katulad nila pero parang iba ang tingin niya sa akin, para dalhin niya ako sa lugar na ito at kami lang.
Ngumiti lang ako sa kanya at sabay sabing " Bakit ako matataranta dahil sa napagbintangan ako na pumatay kay Mia eh hindi naman totoo iyon" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"So gusto kong mawala iyon sa isipan ng mga estudyante sa paraang pakikipagkaibigan ko sa kanila sa ganong paraan malalaman nila kung sino talaga ako" Dagdag ko sa una kong sinabi sa kanya.
"Huh, sabagay hindi pa kita kilala"
"Tayo nang pumunta sa classroom at baka mahuli pa tayo sa last subject natin" Pagaaya ko sa kanya na umalis na. Ngumiti siya sa akin at saka kami umalis.
-----------
◇ Kenzo ◇
"Ano na hindi ba natin iwewelcome ang new Miztero student?" Tanong sa akin ni Zack. Gusto lang naman niya mamanyak eh.
"Ha? Eh ano tingin ninyo duon kay Mia, diba pinagbintangan siya so yun na yung pawelcome sa kanya ng Mizteroz" Sagot naman ni zoe sa tanong ni zack. Bakit ganon nalang si zoe kung mabanggit ang pangalan ni Mia? Parang wala lang sa kanya ang pagkamatay ng tao. Ang akala ko ba magkaibigan sila pero bakit nag iba ata si zoe.
Sa bagay isa din naman mapagpanggap ang taong ito ngunit namimili lang siya ng araw at tao para magpanggap siya, hindi katulad ng isa diyan si jully.
"Bobo ka ba? Eh kasalanan na naman niya yun eh kung hindi kasi siya masyadong nag pahanga edi sana hindi siya mapagbibintangan" sabi ni jully kay zoe, at nabobo pa talaga yung tao. Saglit nga lang bakit ba nandito ako dapat nag aaral ako ngayon sa aking kwarto.
Bakit kasi may nalalaman pa silang pa welcome welcome, eh ang akala ko ba hindi nila papansinin yung tao.
"Maawa naman kayo duon sa tao" Napatingin naman sila duon sa nag salita.
"Ha? Bat kami maaawa sa kanya? Okay ka lang ba May?" Pagrereklamo sa kanya ni Zen.
"Parang hindi ikaw yan May" Nakangising sabi ni Gio.
"Paano ba magiging ganyan ang babaeng yan eh halos araw araw na niyang kasama si what is her name again?" Maarteng sabi ni hannah na kunwarang iniisip ang pangalan ni Mizzy.
"Mizzy!" Sigaw sa kanya ni lian.
"Oy! Tama na iyan. Para saan pa ba ang pag wewelcome sa kanya ang akala ko ba ayaw ninyo sa kanya?" Hayst kunwari pa ang enzo na ito, to the rescue nanaman siya kay May.
"Hindi kasi ibig sabihin ng welcome eh yung mabait na welcome syempre welcome na ikakagulat niya and in the same time ikakatakot niya" Nag salita ang mapagpanggap na si jully. Nakangiti siya na parang isang mangkukulam na naghihintay ng kanyang mabiktima.
"Ikaw ba kenzo baka may naisip ka?" Nabaling ang kanilang mga atensyon sa akin at naghihintay na sa aking sasabihin.
"Ewan ko sa inyo nag sasayang lang kayo ng oras. Sige na aalis na ako mag aaral pa kasi ako" Seryosong sabi ko sa kanila at saka ko sila iniwanan. Papunta ako sa aking kwarto ng makasalubong ko si mizzy na saktong kakalabas lang ng kanyang kwarto. Ngumiti na naman siya sa akin.
Oo na naman dahil pag nakakasalubong ko siya lagi na lang niya ako nginingitian, hindi lang ako pati nadin yung ibang mga estudyante.
"Hello!" Bati niya sa akin, Dating gawi hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya.
-----------------
Nasa canteen kami ngayon ni lian ng may mapansin ako. Siya nanaman? Anong ginagawa niya?
"Uy ano bang tinitignan mo?" Pagrereklamo niya at tinignan niya kung saan ba ako nakatingin.
"Oh? Ano na namang kalokohan ang ginagawa niya?" natatawang sabi niya sa akin.
Ano kayang binabalak niya?
----------------
♤ Mikke ♤
"Salamat iha" Pagpapasalamat sa akin ng matandang babae na aking tinulungan sa kanyang bitbitin.
"Walang anuman po" Nakangiting sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng binigyan niya ako ng cake, isa pala siyang tagapamahala ng canteen. Hindi ko sana ito tatanggapin pero magagalit daw siya, kaya napilitan ako kunin ito.
Mukhang masarap naman yung cake na ibinigay niya sa akin. Nakangiti ako habang pinagmamasdan yung cake, palabas na ako ng canteen ng maka salubong ko si Gio. Nginitian ko siya, katulad lang ng mga nakaraan. Ngingiti sa kanila tas sabay hello. Hindi ako umaasa na papansinin nila ako.
Pero nagulat ako ng sinundan ako ni Gio. Tinignan ko lang siya, syempre nakangiti ako.
"Hindi kaba natatakot na baka may lason yan?" Seryosong sabi niya sa akin. Anong meron sa kanya ngayon?
"Bakit naman ako matatakot?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
at sabay tanong. "Gusto mo ba? hati tayo" Alok ko sa kanya. Hindi siya sumagot at iniwan lang niya ako.
Si Gio at si Rose isa sila sa Mizteroz na hindi kinakatakutan o iniiwasan ng ibang mga estudyante. Dahil sa mga mukha nilang desente, at isa pa ilang taon na sila dito pero wala silang ni isang nasasalihan na gulo o kahit ano na makakasira sa kanilang pangalan.
Hindi ko din alam kung totoo nga, dahil kung totoo nga bakit nandito pa sila? It's so strange.
Kahit sa boss ko wala akong nakuhang information na nakapatay na sila.
To be continue.....
-----------------
Edited March 22 2020
Enjoy reading guyst!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top