Mystery 3 - Trouble
Grabe naman wala man lang nang gising saakin. Yan tuloy magisa ako sa mansyong ito.
Napakabait nila, hay nako. Napapakamot na lang ako sa aking ulo habang bumaba ng hagdan nasa second floor nga pala ang kwarto ko.
Ang akala ko ba umalis na sila? Bakit parang may tao sa kusina. Tinignan ko kung sino ba ang tao sa kusina, si Kenzo pala.
Parehas kaming napatingin sa isa't isa pero ako na yung umiwas, mahirap na baka kung anong salamangka ang gagawin niya sa akin.
Tinignan ko nalang yung refrigerator kung may makakain ba ako, pero walang laman at mukhang sinadya nila na ubusin ang laman nito.
"Ikaw yung bago diba?" Napalingon ako sa kanya dahil sa tinanong niya sa akin. Umoo nalang ako bilang pagtugon sa tanong niya. Abala pa rin kasi ako sa paghahanap ng pagkain, kahit anong hanap ko ay wala talaga. So papasok na walang laman ang tiyan? Game hahahaha
Ng mabaling naman ang atensyon ko sa kanya, dahil nakaupo siya ngayon sa lamesa at may kinakain siya. Grabe naman to hindi man lang mang aalok? Titigan lang ang peg.
Hay... makaalis na nga at baka malate pa ako sa klase. Hindi pa ako naka kalabas ng kusina ng bigla na naman siyang umimik.
"You think you're one of us huh?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong gusto niya ipahiwatig si sinabi niya?
Hindi ko man makita ang kanyang mukha ay alam ko na nakangisi siya ngayon.
--------------
Kahit ngayon napapaisip nalang ako sa sinabi niya. So it's means ba na kailangan kong patunayan sa kanila na may sikreto ako na katulad nila? But i have.
Ay ang hirap naman nilang pakisamahan. Eto na ba ang classroom namin?
Atat na atat na akong makapasok sa loob dahil sa mga tingin ng mga estudyante. Iba kasi ang uniform ng mga mizteroz sa ibang estudyante. Kaya alam na nila na isa akong mizteroz at sure akong ako ang laman ng news nila ngayong umaga.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan para silipin kung may guro na ba, at buti naman ay wala pa. Kaya pumasok na ako sa loob. Nagsitahimikan silang lahat at tignan ako. Sanay na ako sa mga tingin na iyan. Talagang hinintay pa nila akong makaupo.
Ngunit nagkakamali sila na mahuhulog ako sa patibong nila. I'm detective kaya alam ko na ang mga pinaplano ng mga taong ayaw sa akin. Agad akong lumipat ng ibang upuan, hindi lang naman ayun ang bakante. Dahil alam ko na mahuna lang ang upuan at ang lamesa naman ay may glue.
Nag bulungan naman sila, na parang may ginawa akong mali.
Inilabas ko nalang ang notebook ko para magsulat ng mga impormasyon na aking nakalap, hindi dapat nilang makita to pero wala akong magawa eh boring at wala pang teacher pati isa pa. Mga codes lang naman ang sinusulat ko.
Syempre codes na ako lang ang nakakaintindi.
Ilang minuto ang lumipas ng may lumapit sakin. Isang matangkad na babae.
"Bakit ka nakaupo sa upuan ni kenzo?!" Maarteng sabi na, na may pagka sungit. So upuan pala ni kenzo to, mukhang kakarating lang niya dahil ngayon lang niya ako sinabihan.
"Wala pa naman siya kaya dito muna ako. Lilipat nalang ako kapag nandiyan na siya" Syempre kailangan nating maging mabait kahit ang sasama ng ugali nila.
"Hindi pwede yun!" Mataray niyang sabi sakin.
"Bakit? Ikaw ba si kenzo? Hindi naman diba, kaya wala kang karapatan na sabihin iyan sakin" Nakangiting sabi ko sa kanya. Pero parang sumobra na ako dahil bigla nalang namula ang kanyang pisngi na para bang napahiya siya sa sinabi ko.
"WALANGYA KA!" At duon na umalingawngaw ang isang malakas na sampal. Nagulat nalang ako dahil sinampal niya ako, ang mga mizteroz naman ay nag hiyawan sa ginawa niya.
Wa-wala pang nakakasampal sakin, kahit ang mga magulang ko hindi pa ako nasasampal. Hawak hawak ko parin ang pisngi kong na sampal. Napatayo ako at tila dumilim ang aking paligid, ang akala niyo ma gagawa ninyo ang gusto niyo sa akin pwes hindi. Hindi ako isang mga manika ng mizteroz.
Halakhak parin siya ng halakhak, tila ba nanalo siya ng lotto habang ang mga mizteroz ay tuloy parin sa hiyawan.
Naging seryoso na ako, ang kamay ko na nasa pisngi ko kanina ay ibinaba ko na. Nakatingin na ako sa kanya, tingin na tila walang emosyon.
Ngumisi ako ng dahan dahan, dahilan para tumahimik sila at siya.
"Tapos kana?" Malamig na tanong ko sa kanya. Walang sagot ang aking narinig mula sa kanya. Tila ba nagtataka sila ngayon saking kinikilos. Ako na nga yung mabait pero sobra na sila. Lalo na ang isang ito, hindi tatalab sakin ang katapangan mo.
"Alam mo bang ikaw lang ang unang nanampal sakin" Isa isa kong binibitawan ang mga salita sa kanyang harapan na parang bang wala na ako sa katinuan ko. Ganito ako kapag napuno na ngunit hindi pa, hindi ko pa nailalabas ang pinakang sagad ko.
Ngumisi siya sakin. "A-anong pakialam ko" gusto talaga niya akong subukan. Gusto ko man gumanting ngunit hindi pwede masisira ako.
"Ano nga ba? Subukan mo ulit gawin yun sakin Mia, makikita mo ang hinahanap mo" mataray na sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang aking bag na nasa upuan at saka lumabas ng class room. Padabog akong naglalakad papunta sa principal office, hindi ako magsusumbong ano ako isip bata ganon?
Magtatanong lang ako kung pwedeng humingi ng isa pang extrang upuan sa classroom ng mga mizteroz.
Dahil sa galit ko ay iba na pala ang kina katok ko, ang akala ko hanggang ngayon ay pintuan pa rin ang kinakatok ko yun pala ulo na ng isang tao.
"Aray ko naman" Hindi siya galit dahil sa ginawa ko. Nakangiti lang siya sakin habang hawak hawak ang kanyang ulo, na napagtripan ko.
Saka ko lang na realize ang ginawa ko kaya ilang ulit akong nag sorry sa kanya, napatawa naman siya dahil sa inasta ko.
"Okay lang yun, mukhang lutang ang utak mo ngayon ah" nakangiting sabi niya sakin, at saka siya umalis. Grabe isa ba siyang anghel? Nawala kaagad ang inis ng ulo ko ng makita ko lang siya. Grabe kung may ganon lang sanang estudyante ang mizteroz edi happy na ako. Haysss ano batong sinasabi ko, makapasok na nga sa loob.
--------
♤ KENZO ♤
Ano pa nga ba aasahan ko kay Mia, nagawa niya yun. Kitang kita sa mukha ni mizzy na gusto na niyang patayin si Mia. Pero ang nakakapagtaka ay papaano? Paano niya nalaman ang pangalan ni mia?
Pumunta na ako sa aking upuan para mag aral ng lumapit naman sakin si Mia.
"Grabe kadin no" Sabi ko sa kanya, kahit hindi ako nakatingin sa kanya.
Wala akong naririnig mula sa kanya kaya tinignan ko siya, nakatulala siya na parang ang lalim ng iniisip.
"Huy!"
"Ano ba!" Nagulat naman siya sa aking ginawa.
"Kinakabahan ka na ba?" Tanong ko sa kanya, na kanya namang ikinagulat.
"H-ha?" Ang akala mo naman hindi niya alam ang tinutukoy ko.
"Paano kung gumanti siya sayo?"
"Bakit naman siya gaganti?" Kita sa kanyang mata ang takot. Natatakot siya dahil lang sa kadahilanan ng kanyang sikreto.
"Malay natin" nakangising sabi ko sa kanya at saka ako lumapit sa kanyang tenga, para bumulong. "Baka ayan na ang karma mo" at saka muli akong ngumiti sa kanya, dahilan para umalis siya.
Alam ko ang rules naming mga mizteroz na wag mong subukan alamin ang sikreto ni isa ng mizteroz student kung ayaw mong mamatay. Kahit kami, na isang mizteroz, bawal namin alamin ang sikreto ni isa sa mga kaklase namin. Dahil kahit anong oras pwede kang mamatay.
Pero sa posisyon ko, hindi pwede dahil top 1 student lang naman ako. Kung sino man kasi ang estudyante na top 1 ay kahit anong impormasyon o sikreto ang gusto niyang malaman ay pwede, pero nasa kanya kung paano niya gustong malaman ang sikreto ng mga mizteroz at take note kapag may nalaman ka o binalak mong alamin ang sikreto hindi ka mapapahamak, dahil bawal kang galawin ni isa sa mizteroz.
Kaya kahit anong impormasyon o sikreto ay pwede kong malaman.
Wala naman akong pakialam sa mga sikreto nila, hindi ko naman kasi kasalanan sa bawat galaw nila ay nandoon ako. Siguro si tadhana na talaga ang may gusto na nandoon ako sa mga pangyayari na karumaldumal na ginagawa ng mga mizteroz student.
Napansin ko na bigla nalang tumahimik ang buong klase kaya napaangat ako ng aking ulo, na abala sa pag-aaral. Bakit naman pala eh, may teacher na pala.
Pero anong ginagawa niya dito? Ang akala ko ba wala na siya dito? Napatingin nalang ako sa kinauupuan ni olive, gulat na gulat siya ngayon. Dahil nasa harap lang naman namin ngayon ang teacher na pumatay daw kay sam. Kung siya nga talaga ang pumatay.
Mukhang maraming mangyayari ngayong buwan ah? Hindi pa natatapos ang 1st sem mukhang may mawawala nanaman.
To be continue....
---------------
Edited March 22 2020
Just comment down guys! Enjoy reading
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top