Mystery 2 - The New Student
♤ KENZO ♤
Agang aga nag aaway nanaman ang magkapatid na si zoe at si zen.
"ANO NANAMAN YAN?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa, para mapatingin sila sakin. Parehas na masama ang tingin nila sa akin.
Hindi na ba sila sanay na lagi ko silang inaawat sa bawat bangayan nila, kulang na nga lang ay mag patayan na sila eh.
"Hayaan mo na sila, nakakapagod din kaya yang ginagawa mo kenzo" Biglang singit ni queen na abala sa kanyang cell phone. Isa pa to, batang bata sinisira kaagad niya ang kanyang mata grabe.
"Pati kenzo? Anong maaga? Hapon na tol, napuyat ka nanaman ba sa pag aaral mo? Pambihira naman kenzo kung ako sayo magpapakasarap ako. Wala namang aagaw sa pagiging top 1 mo" Ayan na naman po si pa good boy, hindi naman good boy.
"Wag mo akong itulad sayo zack, pati manager mo pinapatulan mo. Mahiya ka naman" Hindi siya magagalit bakit? Dahil totoo naman. Lumapit ako sa kanya para agawin sa kanya ang kinakain niya chips. Gutom na kasi ako eh. Magrereklamo sana siya ng mag salita si yanny.
Ang pinaka tahimik sa grupo. Iimik lang yan kapag may masama o magandang balita siyang sasabihin sa amin. Kaya lahat kami ay napatingin sa kanya kahit ang magkapatid na nag babangayan ay na patigil para makinig sa iba balita ni yanny.
"Alam ba ninyo na may bagong estudyante na lilipat?" Tanong niya sa amin kaya napatingin kaming lahat sa isa't isa para malaman kung alam ba ni isa sa amin ang tungkol duon.
Naghintay siya ng sagot mula sa amin at isa isa namin sinabi na hindi.
"So ano naman kung may lilipat?" Maarteng tanong ni hannah.
Kinilabutan nalang ako dahil sa biglang ngiti niya saamin. Alam ko na hindi lang ako ang kinilabutan.
"Magiging kaklase natin siya" Dahil sa sinabi niya ay biglang tumahimik ang paligid. Nagiisip at nagtataka kung bakit wala manlang nag sabi sa amin na may bago kaming kaklase kahit ang manager namin ay walang sinabi sa amin.
"Oh? Bakit kayo napatahimik bigla?" Napatingin kami kay lian dahil sa sinabi niya. Nakangisi siya ngayon sa amin at isa isa kaming tinignan.
"Natatakot na ba kayo ngayon? Na may maka alam sa sikreto ng bawat mizteroz?" Hindi ko alam kung ano ba ang ibig niyang sabihin. Pero may kutob ako na tungkol ito kay jelly hindi lang kay jelly at sa iba pang mga estudyanteng namatay na pinagbibintangan ay ang mga estudyante ng mizteroz. At isa na ako duon.
"H-ha? A-anong sinasabi mo lian? Anong sekreto?" Napabaling naman ang atensyon namin kay may na kakalabas lang ng kanyang kwarto. Siguro naman narinig niya na may bagong estudyante na lilipat dito, hindi naman siya lalabas kung hindi niya narinig ang lahat pati nadin ang salitang sikreto. Isa siya sa mga natroma dahil una siyang nakakita sa bangkay ni jelly at ayun ang masama dahil siya ang pinagbibintangan na pumatay kay jelly.
Hindi pa napapatunayan pero natatakot na siya sa mga banta na natatanggap niya galing sa ibang mga estudyante. Hindi lang naman siya ang pinagbintangan pati na din si jully, dahil lang sa sinabi niya kaninang umaga sa isang estudyanteng babae, kaya yun napagbintangan siya. Ang tanga din kasi ng babaeng yun laging pinapahamak yung sarili niya.
"Wag na tayong mag maang maangan pa. lahat naman tayo dito ay may sikreto, sikreto na ayaw ma bunyag. Kaya nga tinawag tayong mizteroz. Impossible naman na ang isa sa atin ay mapasali dito dahil walang sikreto diba" ayan na naman siya nakangisi na tila ba parang nanalo siya sa isang pustahan.
"Ano nanaman yang kalokohan na sinasabi mo lian? Tinatakot mo lang naman si May eh" Ayan nanaman po tayo, to the rescue si enzo ang lalaking may gusto kay May ngunit hindi naman siya gusto. Aray!
"Pero saglit, bat wala man lang nag sabi sa atin nito?" Biglang singit ni yamyam, kaya napaisip naman kasi sa sinabi niya.
"Sira ba kayo? The president of this school don't have any concern to us, dahil hindi lang tayo may mga sikreto pero isa din tayo sa pinaka mayaman na estudyante sa school na ito. Dahil ang mga magulang natin ay mga bigatin. So magagawa natin ang gusto natin gawin wala silang pakialam sa atin kahit ang pagpatay ngunit bawal magpahuli, dahil kung may maka alam ng sikreto ng isang estudyante ng mizteroz ay katapusan na ng buhay nila. That's the rules guy's, so let's all keep the secret to our self. Kung ano man ang sikreto na tinatago ng bawat isa. The school just need the money that our parents give to them" ayan na naman po si mister genius na si kyle. Matalino siya pagdating sa mga mystery na bagay o mga sekreto.
Iniisip ko nga kung alam ba niya ang mga sikreto ng mga estudyante na nasa bahay na ito. Oo aaminin ko may sikreto din ako at walang nakakaalam kung ano ito.
"Anyways guys wala naman nakakaalam ng mga sikreto ng bawat isa dito, alam naman ninyo ang rule na don't you dare to know the secret of the mizteroz student if you don't want to die. That is the rule na inisip nating lahat, at pumayag naman ang president. Wala naman kasi magbabalak na alamin ang sikreto natin diba? Wala naman kasing tao ibubuwis ang buhay nila para lang sa mga sikreto nating lahat" Grabe mangha na talaga ako sa kanya, kung naging matino lang siya pagdating sa pag aaral nasa kanya na ang top 1 na korona ko. Lagi nalang kasi siyang top 2, hindi ko nga alam kung bakit sa pag aaral hindi niya sineseryoso, sa bagay okay na din yun walang sagabal.
Lahat kami ay napa tingin dahil sa pag bukas ng pintuan. May isang babae na nakatayo sa may pintuan at may dala dalang maleta at isang bag. Siya na ba?
-----------------
♧ Mikke ♧
Grabe bat ang bigat ng pintuan to?
Nagtaka ako ng pagkabukas ko ng pagpasok ko sa loob ay nasa akin lahat ang atensyon nila? Ano tingin nila sa akin artista?
"Ahm... He-" hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko ay isa, isa na silang umalis. Wow grabe bastusan ang peg ganun ba?
Nakatingin ng masama sa akin si yanny, kilala ko siya, hindi lang siya ang kilala ko kundi lahat sila. Dahil nga diba sa ibinigay na impormasyon ni boss saakin.
Paano na ito, so nakapag usap na sila bago ako makarating? Grabe ha?!
Siguro kilala nila ang isa't isa para magkasundo sila ng ganito. Sino ba niloloko ko eh tatlong taon na nga pala silang magkakasama sa isang class room, pati siguro dito tatlong taon na sila.
Ano nga bang klaseng detective ako? Hindi man lang alam mga bagay bagay dito? Kasalanan ko ba na iyon lang nahagilap ko ang higpit kaya dito, kaya iyon kaunti lang ang nahagilap kong impormasyon halos lahat nga ay galing kay boss. Siguro nga malaki ang tinatago ng bawat estudyante ng mizteroz.
May biglang lumapit sa aking isang babae "Gusto mo tulungan na kita dyan?" Hindi ko alam kung anong dahilan para mapatingin silang lahat sa amin. Yung totoo anong meron?
Nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya kaya nag sige nalang ako sa kanya.
"Alam mo ba kung saan ang kwarto ko?" Tanong ko sa kanya.
"Kung hindi ko ba alam tutulungan paba kita sa gamit mo?" Philosopong ngunit nakangiti pa rin siya. Gaya ng inaasahan ko sa kanya. Tumigil na kami sa paglalakad, kaharap namin ngayon ang isang kulay gray na pintuan. Siguro eto na ang kwarto ko.
Binuksan niya ito para sa akin, kaya pumasok na kami sa loob. Nakakamangha ang laki ng kwarto hindi katulad ng dorm noong manager ko.
Sinarado niya ang pintuan at saka ibinaba ang aking gamit sa lapag, kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam ko at nararamdaman ko ang bawat kilos niya.
Agad ko siyang hinarap at kinuha ang kanyang dalawang kamay para hindi matuloy kung ano man binabalak niyang gawin sa akin.
Katulad ng inaasahan ko siya si Rose na nag aaral ng karate.
Napangisi nalang siya sa ginawa ko. Ng maramdaman kong kalmado na siya ay sabay kong binitawan ang kanyang kamay.
"Hindi na masama, ako nga pala si Rose" Nakangiting sabi niya sa akin. Ganon nadin ako nagpakilala ako sa kanya bilang Mizzy. Hinintay ko siyang lumabas at saka ako humiga.
Inalok niya akong bumaba para kumain ngunit tumanggi ako dahil busog pa ako, at napagod din ako sa byahe.
Mabait si rose ngunit kahit ganun ay may sikreto din siya na ika kagulat mo. Sikreto na ayaw mong malaman. Kailangan kong mag ingat dahil kahit anong oras pwedeng may mangyaring masama sakin sa loob ng mansyong ito.
To be Continue...
-------------
Edited March 22 2020
Just comment down below! Did you guys enjoy the second chapter?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top