Mystery 16 - Battles between 2 Detectives

♤ 3rd person ♤

Nakaupo sa lapag ang babae na nag buhos ng malamig na tubig kay mizzy, nangangatal habang hinihintay niya ang sasabihin ng taong kaharap niya ngayon.

Nasa isang classroom sila ngayon na hindi na ginagamit. Kinakabahan ang dalaga, hindi niya alam kung anong gagawin sa kanya  ng taong kasama niya ngayon.

"What the f*ck is that!" umalingawngaw ang boses niya sa loob ng classroom. Buti nalang ang bawat classroom ay soundproof. Nag umpisa nang umiyak ang dalaga dahil sa sinabi ng kasama niya.

"Ayan ang problema sayo, masyado kang takot! Kaya ka nahahalataan" Puno ng galit ang dalaga dahil hindi naging tagumpay ang plano niya. Ang akala niya ay maiinis niya at maipapakita sa iba kung ano talaga ang ugali ni mizzy ng isang estudyante ng Mizteroz.

Hindi kasi ito makapaniwala na isang friendly tao si mizzy, kung paano niya kinakausap ang hindi taga Mizteroz na student. 

Dahil sa takot ng dalaga na baka kung anong gawin sa kanya ni mizzy kahit ang sabi nito sa kanya na hindi siya gagalawin ay napagpasya niyang mag tanong sa kasama niya kahit natatakot din siya sa aura nito ngayon.

"Wa-wala naman si-siyang sigurong masamang balak sa akin diba?" Nangangatal na tanong niya, at saka siya humarap. Mas lalo siya kinabahan ng ngumiti ito ng malawak sa kanya.

Hindi maganda ang nararamdaman niya sa ngiti na iyon.

---------------

◇ Mikke ◇

Anong ginagawa niya dito?

Kaya ba nakita ko siya noong isang araw. Pero dito pa talaga sa section na ito.

Huh, hindi talaga siya magpapahuli. Ibinigay nga sa akin ang trabahong ito para tapusin ko. Tas bigla siyang eepal at mang aagaw ng trabaho ng ibang tao.

Ano pa ba aasahan ko sa kanya. Ganyan naman talaga siya noong una palang.

Napatingin ako sa kanya na katabi ngayon ni dex, nagulat ako ng bigla nalang niya akong itinuro. At saka ko lang na realized kung bakit. PE namin ngayon at mukhang hinahamon niya ako sa isang laro o ano mang meron sa PE.

Yup ganan siyang tao, lagi niya akong hinahamon kung saan saan.

"Siya po ang gusto kong makalaban" Sambit niya sa guro. Alam ba niya kung ano lalaruin namin ngayon?

Mukhang wala pang sinasabi ang guro ay nag salita kaagad etong babaeng ito. Dati kasi kapag PE namin ayon ang laging linya niya sa guro. 

Nag taka naman ang mga kaklase namin. Wala na naman siya sa katinuan kaya minsan hindi niya alam ang ginagawa niya, katulad ngayon.

"Sorry, what do you mean, and who are you?" Tanong ng guro sa kanya.

"Sorry about that mam, i'm a new transfer student. And i want to compete with that person if you have anything that you want us to play" ayan na naman siya sa pag eenglish. Namangha ata ang iba namin kaklase dahil sa pag eenglish nito at ang accent.

Nag research ba siya about sa section na ito? o talagang ata't lang siya na matalo ulit siya?

"I'm sorry, but there is no thing about playing in this section. I'm just here to watch you guys" so yup ang lalaruin namin for today is the first who will fall a sleep. Siguro naman makukuntento na siya sa sinabi ni miss.

"Sorry mam but i can't accept that, can you give me some reasons" Aba't talagang ayaw niyang mag paawat. Grabe na ang sira niya sa utak. Nag umpisa na mag bulungan ang mga kaklase namin.

Unang narinig ko ay si zack "Iba din ang babaeng ito" 

"May galit ba siya sayo?" Nagulat ako dahil may nag tanong sa akin. Sa pagkakaalam ko wala dapat akong katabi, kaso naalala ko nang dahil kay mizzy ay nagkaroon ako ng katabi. Ganito kasi puno na kasi sa unahan na line so sa line ko lang na nasa pinakang dulo, ang  hindi pa puna kasi wala ako katabi.

At ang bruha ayaw akong katabi, so ayon nangagaw siya ng upuan ng iba. At ang inagawan niya ay si top 1. Oo si top 1. Hindi ko alam kung bakit ba siya pumayag na agawan siya ng upuan.

Sasagutin ko ba siya? Oo siguro. Nagtatanong lang naman siya sa akin. And remember mikke kahit ba pag minsan suplado siya ay kailangan lang natin tanggapin ito and maging friendly.

"Siguro oo kasi pareho kami ng pangalan" Pabirong bulong ko sa kanya, at sabay tawa. Na hindi naman niya ikinatuwa.

"Shh.. Hindi ka man lang mabiro. Sa totoo lang hindi ko siya talaga kilala. And first time ko lang siya nakita" syempre hindi totoo, kailangan din nating magsinungaling. Ang kaso hindi na pala siya nakikinig at nagbabasa na naman siya.

"Alam mo, you might miss something important in your life, if you just study and study" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin iyon sa kanya. Lagi nalang kasi siya nag aaral sa kwarto o minsan mag isa lang siya, habang mga kaibigan niya nag papakasaya. Inaaya siya pero ayaw naman niya.

Napatigil siya sa pagbabasa at tumingin sa akin. I expected na titingin siya sa akin ng masama dahil sa sinabi ko.

Pero iba pala kaysa tumingin siya sa akin ng masama ay isa top 1 na walang kaemo emosyon ang kaharap ko ngayon.

"Huh? what is the important thing that i miss in life? when everything i have is gone" ngayon ko lang unang nakita na ganyan ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Napaisip ako saglit at walang lumalabas sa aking bibig. Napipi ata ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, nasaktan ko ba siya dahil sa sinabi ko o may masama duon sa sinabi ko?

Hinayaan ko na lang siya, dahil may proproblemahin pa ako. Etong babaeng ito na kanina pang nag rereklamo kay miss. Kahit ano naman gawin niyang reklamo ay hindi papayag si miss. Edi napagalitan siya ng principal diba.

--------------------

Ayun ang akala ko.

Bakit pumayag si miss huhuhuhu

Nasa field kami ngayon. At ang balak ni miss ay patakbuhin kami, i mean ako at si mizzy. Bakit kami lang dalawa, ayon ang hindi ko alam.

Nilapitan ko si miss para tanungin kung ano bang meron dito sa gagawin namin, i mean anong kapalit diba. Hindi naman pwedeng tumakbo kami and malalaman kung sinong nanalo para sa wala diba.

Diba?

Pero hindi niya ako pinansin.

I don't have any chose. Nanunuod ngayon ang lahat ng kaklase namin. Siguro kung may makakita man na estudyante sa amin ngayon na nasa field kami ay siguradong mag tataka. Habang nag reready si mizzy, napakamot nalang ako sa aking ulo. Nag ponytail ako, dahil ayokong may sagabal sa akin pag ako ay tatakbo. 

Lumapit sa akin si May na nag aalala.

"Sure ka bang gagawin mo iyan?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Oo, mukhang hindi siya titigil eh" sagot ko sa kanya.

"Wag kang mag alala hindi ako magpapatalo" isang ikot lang naman ang kailangan, at ang pinakang mahalaga ay dapat ako ang manalo.

-----------

♤ Zack ♤

"Kahit papaano ang hot rin pala ni mizzy" sabi ko sa aking sarili. Syempre may nakarinig.

"Ha? Bakit may kahit papaano? Digat sinabi mo kanina ang ganda ni mizzy. Tas ngayon may kahit papaano? Okay ka lang ba?" Pag rereklamo sa akin ni jully.

"Tae si mizzy kasi yung isang mizzy hindi yung maikli yung buhok" para bang nagulat siya sa sinabi ko.

"Ha? Anong ang hot? Tae kaba? O malabo na mata mo" bakit ba lagi syang may comment sa sinasabi ko. Makikinig na nga lang siya nag rereklamo pa.

"Anong hot sa kanya? Nag ipit lang hot na agad" napatingin naman kami ni jully duon sa nag salita, at si kenzo pala.

Nakakapanibago siya ah.

Napatingin kami sa isa't isa ni jully at saka kay kenzo. Napansin niya na nakatingin kami sa kanya.

"What?!" Taray ah.

"Para sa akin hot siya ngayon. Akalain mo ba na kapag nag ipit siya at ayusin yung malagubat niyang buhok eh magiging isang tunay na hot na babae" pagpapaliwanag ko kay jully. Pero tinginan niya ako ng masama.

"Lahat naman eh hot para sayo. Babaero ka eh" natatawang sabi niya sa akin. Tumawa nalang ako sa kanya, kahit hindi naman nakakatawa.

----------

♧ Kenzo ♧

Abala ako ngayon sa panunuod sa kanilang dalawa. Kung sino ba ang mananalo. Ng biglang may nag salita sa tabi ko.

"Baka matunaw naman siya" pagkatingin ko si lucy lang pala.

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko kasi gets yung sinabi niya.

Hindi siya nakatingin sa akin at nanunuod lang sa dalawa, habang nakahalumbaba sa kanyang hita.

"Wag ka nang tumanggi. Alam ko na naman eh"

"Alam mo ang alin?" Nakaramdam ako ng kaba. Dahil sa sinasabi niya, kaya iniba ko nalang ang topic.

"Sa ginagawa mo nyan maaari kang mapahamak. Alam mo naman yun diba"

"Sino tinatakot mo? Ako, eh kilala kita mula pagkabata. Kaya wag mo na akong takutin. Alam ko yang nararamdaman mo. Kung ako sayo, wag mong pigilan yan. Lagi ka nalang kasing ganang tao. Tinatago yung nararamdaman. Kahit minsan naman magpakatotoo ka at harapin mo yan" kung makapag salita akala mo naman close ko. Hindi ko nalang siya pinansin pa.

Para saan pa ba kung tatanggi ako eh totoo naman. Hindi ko alam, kung bakit at papaano nangyari ang lahat ng ito.

Hindi ko pa siya lubusan kilala pero she  makes me crazy, as in. Yung pagiging crazy ko sa kanya. Mga bagay na hindi ko ginagawa noon ay ginagawa ko ngayon and it's so stupid! Katulad ngayon dapat nasa mansyon ako at nag babasa.

Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko lalo't hindi ito ang oras para sa mga nararamdaman ko. At isa pa hindi ordinaryo ang mga buhay namin dito sa loob ng eskwelahan.

"Wag ka nalang maingay" yan nalang ang sinabi ko sa kanya habang nanunuod na din ako.

Mapagkakatiwalaan ko naman siya, katulad nga ng sinabi niya kanina sa akin. We know each other since we where kids.

-----------

◇ MIKKE ◇

Putek hindi pa kami nakakalhati ay pagod na ako. Buti nalang at nauuna ako.

Hindi ako pwedeng huminto, kailangan kong manalo. Kung hindi lalaki ang ulo ng isang ito. For sure iyon.

Mahirap na.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Sa bawat takbo ramdam ko ang pumapatak na pawis galing sa aking noo.

I won't stop

Sh*t kaunti nalang, at nangunguna parin ako. Hindi ko alam kung bakit eto pa ang pinili niya.

Eh alam naman niya na may asthma siya. Kaya eto ang nagpapabagal sa kanya.

Ng makarating na ako sa finish line ay agad akong gumilong sa damuhan at napahiga dahil sa pagod. Hinahabol ang hininga ko, nakakapagod. Wala tigil ang puso ko sa pagtibok ng mabilis.

Tirik man ang araw, pero hindi ito hadlang para humiga ako dito sa damuhan dahil sa pagod. Napapikit ako saglit. Wala akong narinig na hiyawan ng mga kaklase ko mukhang hindi sila natuwa na ako ang nanalo.

"Oy tumayo kana dyan at baka mapasukan kama ng kung anong ensekto sa katawan" dahil sa nag salita ay dahan dahan ko iminulat ang aking mata. Sa una ay hindi ko makita ng malinaw ng tumagal ay si dex pala ito.

"Okay lang" sagot ko sa kanya ng may bigla siyang inihulog sa akin. Magagalit na sana ako dahil nahulog ito mismo sa mukha ko, hindi naman masakit pero ng mapansin kong tubig pala ito. Kaya agad akong umupo at ininom ito.

Habang nainom ay napatingin ako sa mga nagtutumpukan na estudyante. Na mukhang mga kaklase ko.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Ng matapos kong ubusin ang tubig.

"Hindi makahinga si m-" nagtaka ako dahil bigla niyang pinutol ang sasabihin niya.

Napansin ko kaagad kung ano iyon. Sabi ko na ba at mangyayari ito sa kanya.

"Okay lang, wag kang mahiya. Anyways dalawa na ang mizzy sa classroom wala naman akong second name kaya z nalang" nakangiting sabi ko sa kanya at saka ako tumayo.

Hay... kapagod, umunat unat ako at saka ko nilapitan ang mga kaklase kong nag kakagulo na.

Nakahiga ngayon si mizzy sa damuhan na hindi makahinga ng maayos. Wala parin nurse na napunta. By the way my sariling nurse at doctor ang school na ito.

Hindi na ako nag dalawang isip pa at nilapitan ko na siya. Ako lang naman kasi makakatulong sa kanya ngayon, kapag hindi ko siya tutulungan baka malagutan na siya ng hininga.

Ilan sa mga kaklase ko ay nagulat sa ginagawa ko. Ipinatong ko si mizzy sa dibdib ko syempre yung ulo niya, para maabot ko ang kanyang mukha. Agad kong tinakpan ang bibig at ang kanyang ilong hanggang tatlong segundo at saka ko tinanggal. Apat na beses ko ito inulit, at sa wakas nakakahinga na siya ng maayos.

Inalalayan naman siya ng mga lalaki na makaupo, ng makahinga siya ng maluwag.

"Aba't doctor ata ang isang to ah" napalingon dahil duon sa nag salita.

Akala ko hindi na niya ako papansinin.

"Hindi sa pinsan ko lang iyon natutunan" sagot ko sa kanya. Kahit hindi naman iyon ang totoo.

Ang mahalaga ngayon okay na siya.

"Mizzy! Mizzy okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni may sa akin.

"Oo naman"

"Ang akala ko mahihimatay kana"

"Ha ako mahihimatay, nako malabo yan sa akin. Mahihimatay lang ako kapag nakita ko crush ko" pagbibiro ko sa kanya. Pero hindi ko naman alam na seseryosohin niya.

"Eh? Sino naman? Nasa section ba natin?" 

"I was just joking" nakangiting sabi ko sa kanya. Kaya natawa nalang siya in the way na parang pilit lang.

Ang mahalaga ngumiti siya kahit papaano. Alam ko na bawal dapat akong magalala ni isa sa kanila pero si May kasi naging mabait siya sa akin kahit papaano.

Kaya gusto ko siyang matulungan kasi this past few weeks sobrang tamlay na niya hindi katulad noong una na malungkot talaga siyang tao, pero to think na imposible na man na may taong malungkot araw araw diba.

Gusto kong malaman kung ano ka ba talaga May. Bakit ka naging ganang tao.

Na realized ko kasi na baka lahat sila katulad ni yanny na may pinagdaanan noon kaya napapunta dito hindi dahil sa pag patay kung hindi ano bang dahilan para gawin iyon.

Ano ba talaga ang dahilan.

And what is your real secret May?

To be Continue....

-------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top