Mystery 14 - So there is a new student
♡ Mikke ♡
"What the heck!" Napasigaw ako dahil sa ginawa niya.
"Ano bang problema mo ha!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Dahil kinuha lang naman niya yung first kiss ko. Nakaagaw ng pansin ang pagsigaw ko, pero hindi na lang pinansin ng mga tao. Kahit ata ang paghalik niya sa akin ay wala atang naka pansin, at maganda kung ganon.
Ngumiti lang siya sa akin na aking ikinainis. At may bigla akong naalala.
"I-ikaw yun! Naalala ko na. Ang akala ko mukha kang anghel na nahulog sa langit hindi pala. Isa kang malaking mapagpanggap na tao!" Sigaw ko sa kanya. Ngayon naalala ko na kung saan ko siya nakita. Siya yung nakita ko noon yung napagkamalan kong pintuan yung ulo niya.
"Buti naman naalala mo na ako" nakangiting sabi niya sa akin. Pero nausok parin ang aking ilong. Bakit ba kasi hindi ko man lang nakita iyon o naramdaman na may isang walang hiya na papalapit sa akin at gagawin iyon!
"Kung hindi pa kita hahalikan eh hindi mo na ako maalala pa" aba't nangaasar ba siya. Gusto ko siyang sakalin. Sobrang kapal ng mukha mo.
"Alam mo-" naputol ang sasabihin ko dahil sa isang sigaw na umalingawngaw.
"Ahhhhh!!!" Napalingon ako kung saan galing ang sigaw naiyon at napa kunot ang aking noo.
Kainis!
Napa takbo kaagad ako. Wala man lang paa-paalam kay may. Narinig kong sinigaw niya ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.
Napahinto ako saglit sa pagtakbo dahil hindi ko na marinig ang sigaw. Tinignan ko ang paligid ko, wala nang tao dito sa kinatatayuan ko na aking pinag taka. Saan galing ang boses na iyon?
Napalingon ako dahil sa isang anino na nakita ko.
"Sino nandyan?" Tanong ko, ng biglang naglaho ang anino.
"Umalis kana hanggat maaga pa" At muli akong napalingon, ngunit walang tao. Ano ba ang nangyayari sa akin?
"Looks who's here" napalingon ako sa aking likod. Tatlong babae, nakatingin ng masama sa akin. Sino naman ang mga to?
"Do i know you?" Tanong ko sa kanila. Hindi sila naka uniform at parang taga labas sila.
"So your the new kid huh" nakangiting sambit niya sa akin. Hindi ko masyadong kita ang kanilang mukha dahil sa liwanag. Pero alam ko na babae sila, dahil sa boses nila.
"Sorry hindi ko kayo kilala" paalis na sana ako ng bigla akong harangan ng isang babae. Na kasama nila. Laking gulat ko ng makita ko ang kanyang mukha. So they are the three princesses, huh. Yup i know them now. Nakita ko na kasi ang kanilang mukha.
"Bawal tumakas" nakangiting sambit saakin ni amy. Napakinot na lang ang aking noo. Ano ba gusto nila sa akin? Sa pagkakaalam ko sila yung tatlo na pinayagan makalabas ng eskwelahan kahit na isa sila sa mizteroz. Oo parang nag bakasyon sila, at hindi ko naman inakala na babalik pa sila.
"Okay, anong gusto ninyo sa akin?" Matapang na tanong ko sa kanila.
"Eh madali ka palang kausap eh" sambit naman ni aliz sa akin.
"Okay, tama na yan girls. She's good" mas lalo akong nag taka dahil sa sinabi ni lucy. Ano daw? I don't get it. So ito pala ang tinutukoy ni boss na three weird princesses. Bat pala eh kasi ang weird ng pag iisip nila.
Iniwan na lang nila ako dito mag isa. Grabe ganon ganon nalang?
So sila din siguro may pakana noon kanina sa akin. Napailing nalang ako dahil naalala ko yung sinabi nila sa akin.
At saka ko napagtanto na hindi ko alam kung nasaan ba ako.
-----------
♧ Rose ♧
"Nabalitaan naman ninyo ang nangyari kay mia?" Tanong ko sa kanila. Kasama ko ngayon ang tatlo bakasyonista na mizteroz at si queen na nag cecell phone parin. Pero nakikinig naman yan kahit ganyan siya.
"Yup, kaya bumalik kami eh" sagot ni lucy.
"Kahit anong gawin namin, hindi namin kayang makawala dito" sabi naman ni amy.
"Pati isa pa hindi na kami nag taka. Lahat naman tayong mizteroz ay dito na mamamatay. Remember the curse?" Lahat kami ay napatingin kay lucy dahil sa sinabi niya pati si queen na abala sa kanyang pag ce cell phone ay napa tigil para tingnan si lucy.
"Yes a curse that can't be erased. Habang tumatagal, dumadagdag ng dumadagdag ang mizteroz pero nababawasan din" ayan ang mas nakakatakot sa posisyon namin ngayon. Dahil hindi naman lahat ng mizteroz may ginawang kasalanan like killing someone, may iba na napagbintangan yung iba naman iba ang kanilang sikreto. Pero kahit anong gawin nila i mean namin we can't escaped this place, because once you enter there is no turning back and you should know who is the true killer of mizteroz student.
At isa pa hindi namin alam kung kailan kami biglang mawawala.
"Anyways, ano palang balita duon sa bago?" Tanong ni lucy sa akin.
"Si mizzy ba? Okay lang naman siya. Wala naman kakaiba sa kanya na kailangan naming pagdudahan. Pero alam niya parang katulad nyo siya ang weird niya din eh" sagot ko sa kanya. Ganon ko kasi nakikita si mizzy, pati paano naman kasi hindi ko siya ma sasabihin na weird eh totoo naman eh.
"Yes she's weird like us" sambit niya at sabay ngiti. Hindi ko alam kung anong nasa utak niya para mapangiti siya.
"Nakita na ba ninyo siya?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Para kasing kilala na nila si mizzy ng lubusan. Eh kakabalik lang nila ngayon.
"Ah oo nakita nanamin siya kanina. Sa una palang alam ko na makakasundo natin siya" para bang sure na sure siya sa sinasabi niya. Eh sa pagkakaalam ko ayaw ng ibang mizteroz kay mizzy. Hindi ko alam kung bakit, pero baka natatakot lang sila, na katulad ko. Pero i don't hate mizzy.
"Anyways mas lalo tayong mag ingat ngayon, lalo't dinadagdagan tayo" Pagpapaalala sa amin ni lucy.
-----------
◇ Zack ◇
Nasa garden ako ngayon dahil hinihintay ko ang bagong manager ko. Kinausap kasi ako noong dati kong manager. Hindi na daw niya kaya, kaya palitan ko na daw siya. Madali naman akong kausap. At isapa madali din akong mag sawa.
Nakakasawa din pala ang paglaruan sila.
"Are you mister zack?" Someone is talking at my back so i turn around. Isang matangkad na babae, at mahaba ang buhok.
"Ah.... oo" ayan lang ang nasabi ko sa kanya. Napatulala kasi ako dahil sa taglay niyang ganda.
"I am your new manager, Mizzy" nagulat ako hindi dahil sa ganda ng kanyang ngiti kundi ang kanyang pangalan.
"Mizzy?" Tanong ko muli sa kanya.
"Ah oo bakit may problema ba sa pangalan ko?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Wala, wala magkaparehas lang kasi kayo ng pangalan noong kaklase ko. Anyways new student ka ba dito?" Pag iiba ko ng topic. Ngayon ko lang kasi siya nakita dito. I know sobrang laki ng school namin para makilala ko ang bawat estudyante the thing is wala kasi nakakalagpas sa akin kapag maganda yung tao and to think she's pretty para hindi ko ma pansin kaagad diba.
"Yes" maikling sagot niya sa akin.
----------
◇ Yanny ◇
"Hindi ko alam na matatagalan ka sa akin" sabi ko sa kanya Nasa isang pribadong building kami ngayon ng school. Hindi ko naman inakala na siya pala yung pumapatay, hindi kasi halata sa mukha niya. Yes my idea ako na siya but to think it's fun to play with the killer, pati isa pa kulang pa ang patunay na siya nga.
"Hays buti nalang at wala pa akong nasasabi sa kanila" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Ha? What are you saying? Diba may mali sa utak mo? And that's so really poor kaya hindi muna kita inuna. Mas magiging masaya kasi kapag ganon diba, ngunit nag kamali ka ng ikinilos mo kanina" napangisi nalang ako sa kanyang sinabi.
"I'm not stupid you know. And i have a secret, do you want to know. Anyways here's a short story" paninimula ko at sabang ngiti ng malawak sa kanya. Para naman kabahan siya. To think na kahit hindi niya ipahalata ang kaba niya ay kita pa rin ito sa mga mata niya.
"May dalawang estudyante na bigla na lang pumasok sa eskwelahan na ito bilang mga mizteroz, nakakapagtaka diba? So sudden there is a rules that just pop up. Yung tipong mas lalong magtataka ang mga estudyante sa ating mga mizteroz. But we don't have the right to change or erased that rules. You know why? Because we are prisoners and you guys are just puppets that they just play around huh? How stupid is that right. Anyways ano nga naman magagawa ninyo? you guys are just puppets, sumusunod kayo kasi... people like you can't afford to go in school like this" matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya. I'm not stupid that just waiting to die in this stupid school.
Hindi ko nga manlang inakala na susuko ang mommy ko sa akin. I just don't know what happen next ng maging mizteroz student ako. It's just my life turn around so fast. But anyways it's my fault.
----------
♡ Mikke ♡
Huh?
"Uy, uy pansinin mo naman ako" so ganito siya ka kulit? At isa pa bakit ko ba siya katabi?
"Pwede bang manahimik ka nalang" naiiritang sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi niya ako kinukulit. At ang nakakainis pa nito ay isa siyang mizteroz student. Bakit ba kasi sa lahat lahat ng tao ay siya pa yung lumipat. And to think, wala sinabi sa akin si boss na meron ding lilipat na mizteroz student maliban lang sa akin.
"Dex, tigilan mo na nga yang si mizzy" to the rescue naman si may. At ayan na nag umpisa na silang mag bangayan.
"Mizzy tawag ka ni miss!" Napatingin ako sa may pintuan dahil sa tumawag ng pangalan ko, si aliz pala. Siguro pag uusapan namin ni miss ang tungkol sa nangyari noong isang araw.
Noong event kasi noong school. Diba naligaw ako noon dahil sa sumigaw na babae, na akala ko ay si yanny. Yun pala hindi. Paano ko nasabi na si yanny, here's the thing. Noong napag alaman ko na naliligaw ako ay nakasalubong ko si lian na natakbo. So tinanong ko siya pero hindi niya ako pinansin.
Kaya no choose ako kundi sundan siya. So ayun, sa pagsunod ko sa kanya ay nadatnan ko si yanny na nakahiga sa lapag at isang tao na nakamaskara. Agad nilapitan ni lian si yanny. Hindi niya pinansin ang nakamaskara. Kaya ng makita ako ng nakamaskara ay sabay takbo niya, sinundan ko siya. Kahit na delikado. Ngunit nakatalon siya na aking ikinagulat dahil nasa fifth floor kami ngayon ng building.
Ngunit bago siya tumalon ay tinignan niya ako.
Huli na ang lahat kaya pinuntahan ko nalang sinda yanny. Buhat buhat na ni lian si yanny.
"Anong nangyari sa kanya" tanong ko sa kanya. Ngunit tinignan lang niya ako ng masama.
"Bakit kaba ganan ha! Lian!" Nainis na ako. At punong puno na sa kanya, dahil sa ugali niya. Napatigil siya sa paglalakad at tinignan muli niya ako.
"Wag na wag mong susubukan alamin ang misteryong nagaganap sa section na ito, kung gusto mo pang mabuhay" sambit niya na may pananakot at saka niya ako iniwan dala dala si yanny.
So ayun ang nangyari sa araw na iyon. Kahit na wala nakakaalam sa nangyari at kung nasaan ako noon. Pero may naka alam parin at ang cctv na nasa lugar na iyon.
Pero hindi ko sure kung hindi nga kay yanny ang boses na sumigaw, may chance na maaaring may malay si yanny noong narinig ko ang sigaw na iyon.
--------
Tama nga ang hula ko ayun ang pinagusapan namin ni miss jane, ngunit ang nakakapag taka ay kung bakit gusto niyang manahimik ako sa aking nakita at wag ipag sabi sa aking mga kaklase. Alam ko naman ang bagay na iyon, pero kung paano niya sabihin sa akin ay parang natatakot siya na hindi ko maipaliwanag ng maayos.
Pabalik na ako sa aking classroom ng bigla akong napatigil sa paglalakad at napalingon dahil duon sa nag salita.
"Kamusta kana?" matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin na maslalong ikinagulat ko.
Bakit nandito siya?
To be Continue....
--------------
Edited March 23 2020
Whats ups guysss
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top