Mystery 13 - Who are you?

◇ Mikke ◇

"Aba ineng ang tagal mo" pagrereklamo sa akin ni may. Kakalabas ko lang ay ayan na agad ang bungad niya sa akin.

"Wag kang oa ha hindi naman aalis ang pupuntahan natin, agang aga pa 7 palang. At isa pa pwede ka namang sumama duon sa iba ah" naka jogging pants lang ako ngayon tas white tshirt tas black na saklob. Mainit kasi eh.

"Ha? Eh wala naman silang balak pumunta eh. Kaya ikaw ang naisipan ko na yayain. Gumana naman ang plano ko hehehheehe kaysa yayain pa kita ay ano...hmmm... parang niloko kita ganon" at ang bruha nahiya pang sabihin. Pero bakit ayaw nilang pumunta? Hindi ba first time nila ito.

"Sorry ha, ayaw kasi nila na mapag bintangan sila if may mangyari na masama sa event. Gusto ko talagang pumunta kasi, namimiss mimiss ko na yung mga ganong bagay. Ilang taon na din kasi" Malungkot ngunit may ngiti sa mga labi niya, halata nga na gusto niyang pumunta.

Sino naman kasi hindi palalampasin ang ganitong bagay diba.

"Okay lang yun. Gusto ko rin naman makita kung ano bang klaseng event ang meron sila" sabi ko naman sa kanya. Kaya umalis na kami. Nakasuot din pala siya ng saklob. Para iwas atensyon mula sa mga estudyante. Hindi kasi nila alam na pwedeng umattend ang mga mizteroz kami lang kasi ang sinabihan. Pati ayaw ipaalam ng principal sa ibang estudyante na maaari kaming makilahok sa event, dahil may posibilidad na konti lang ang sumali, pero parang wala na din palang sumali.

Dahil lahat naman sila takot sa mizteroz.

"Totoo ba itong nakikita ko?" Bumungad sa amin ang magkabilang mga booth iba't ibang mga klase ito. Yung iba ay hindi pa tapos sa pagaayos. Mag uumpisa kasi ang program ng 7:45 mga isang oras na program pagkatapos noon ay bibigyan pa naman sila ng oras para ayusin na ang dapat ayusin sa kanilang booth.

Nakakamangha lang kasi na panay booth at parang mahigit 20? O higit pa. Kasama na din ang mga pagkain na booth. Pero hindi lang meron dito sa baba na booth pero sa ibang classroom den meron.

Mga nagka kaguluhan na estudyante. Hindi lang booth ang meron, meron ding mga design sa bawat gilid ng pathway

May napansin ako sa likod ni may, kaya agad ko siyang hinigit papunta sa akin.

"Muntikan kana duon" sambit ko. Dahil may dalawang lalaki na naghaharutan, hindi manlang nila napapansin kung may nababangga na ba sila.

"Salamat. So san tayo?"

"Pumunta muna tayo sa gym, ilang oras na lang at mag uumpisa na sila sa program kailangan nating makahanap ng upuan" sagot ko sa tanong niya. Kung papasyalan namin ngayon ang bawat booth ay siguradong wala kaming mauupuan mamaya sa gym.

--------------

◇ 3rd Person◇

  Isa isang nagising ang mga mizteroz mag 8 na ng umaga. 

Unang nagising si kenzo na ngayon ay nagbabasa sa kusina.

"Ano boy hindi ka pa rin ba titigil sa pag aaral, wala namang pasok ngayon eh" sabi ni kyle bilang pagbati sa kanya ng umaga. Tinignan lang siya ng masama ni kenzo at nag patuloy sa pagbabasa.

"Hindi ka ba nagtataka kay mizzy?" Napatingin si kenzo kay kyle dahil sa sinabi nito. Alam na niya ang pahiwatig ng binata sa sinabi sa kanya.

Isinarado na niya ang hawak na libro.

"Kung gusto mong malaman tungkol sa kanya, bat hindi na lang ikaw ang kumilos" seryosong sabi ng binata at sabay alis. Dahilan lang naman iyon ni kyle dahil gusto ng binata na alamin kung sino nga ba si mizzy.

Dahil sa kinikilos ng dalaga. At iba ang kutob ni kyle sa dalaga. Alam ni kenzo sa ginawa niya ay nainis si kyle. Hindi kasi magawa ni kyle iyun dahil maaari siyang mapahamak. At hindi siya sigurado sa kanyang kutob, kapag si kenzo ang gumawa ay hindi ito mapapahamak. Pero ayaw gawin ng binata dahil hindi naman ito interesadong malaman kung sino ba si mizzy.

"Ganan ka makaasta sa akin ha. Tignan natin" mahinang sambit niya sa kanyang sarili.

-------

Nasa kalagitnaan na ng program. Ang sunod na palabas ay ang isang grupo ng banda.

Masyadong excited ang dalagang si may, ganon nadin si mizzy. Matagal nadin ng muli siyang makakita ng isang banda, gustong gusto kasi ni mizzy ang musika lalo na ang instrumento ngunit kailangan niya itong bitawan muna dahil nga sa kagustuhan ng mga magulang niya para sa kanya.

Habang si may naman ay unang beses lang nyang makaranas ng isang banda na tutug tog.

Maigi nila pinagmasdan ang mga kalalakihan na papunta sa stage. Tila napunta ang atensyon ni mizzy sa isang binatang lalaki na mukhang siya ang vocalist ng banda.

Hindi maintindihan ng dalaga kung nakita na ba niya ang binata o kakilala ba niya ito. Familiar kasi ang mukha ng binata sa kanya, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

Nag umpisa nang magsalita ang binata ng bigla siyang kinabahan, na hindi niya alam ang dahilan. Hindi nalang niya ito pinansin at nakinig nalang sa performance.

"Everytime you walk into the room
Got me feeling crazy
Shock my heart boom boom
Any other boy would stare

But me, I look away
'Cause you making me scared
Tryin' not to breathe 1, 2, 3
Tryin' not to freak when you look at me
Gotta make a move but I freeze

You don't have a clue what you do to me

Girl, you make me shy, shy, shy
You make me run and hide, hide, hide
Feel like I get lost in time
Whenever you near me"

"Omg sino siya? Ang hot niya" naagaw ng pansin ng dalawang dalaga na nasa unahan ni mizzy ang atensyon niya dahil sa sinabi ng mga ito. Ayaw man aminin ng dalaga na tama sila at isa pa maganda ang boses ng vocalist nila.

Ibinalik nalang ng dalaga ang atensyon niya sa panonood ng mag tama ang kanilang mga tingin, nakaramdam ng kaba ang dalaga ng nakatingin sa kanya ang lalaking vocalista ng banda. Hindi niya alam kung bakit, ganon ang kanyang nararamdaman ng biglang ngumiti ito at biglang iwas ng tingin sa dalaga.

"Girl, you make me shy, shy, shy
I'm fightin' butterfli-fli-flies
Yeah, you make me lose my mind
Whenever you near me
Girl, you make me shy
Oh"

Hindi maipaliwanag ni mizzy ang kanyang nararamdaman ngayon.

"Okay ka lang?" Tanong ng kasama niya kaya napatingin siya kay may, at saka lang niya napansin na nag sisialisan na ang mga estudyante dahil tapos na ang program.

Hindi ipinahalata ng dalaga ang kanyang naram damang ka ba sa kasama niya. Umasta na lang siya na nagugutom na siya bakit ganun na lang ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Palabas na sila ng gym, ng may biglang umakbay kay mizzy. Kaya nagulat siya at naitulak ang binata na biglang umakbay sa kanya. Akmang susuntukin na niya ito ng makita niya ang mukha ng binata. Nagulat din si may sa ginawa ni mizzy sa lalaki. Hindi lang si May ang nakakita kundi iba pang mga estudyante.

Pasalamat sila at hindi namukhaan ng mga estudyante ang mukha ng dalawang misteroz dahil sa suot nila. Ang mga estudyante kasi ngayon ay naka uniform kahit may event sila required kasi sa kanila.

Ngumiti lang ang binita sa dalaga at sabay tawa, na ipi nagtaka ng dalawang dalaga.

"Mapagbiro ka talaga" ayan lang ang sinabi ng binata kay mizzy. Dahil sa sinabi ng binata ay hindi na pinapansin ng mga estudyante. Dahil ang akala nila ay isang simpleng lokohan lang ng isang barkada na taga labas, kahit na ang lalaking iyon ay ang vocalista na kumanta kanina.

At isa pa masyadong busy ang mga estudyante kaya wala pa silang oras sa ganang mga bagay.

Hinintay ni mizzy na makaalis ang ibang estudyate at saka nya tinignan ng masama ang binata na bigla nalang umakbay sa kanya kanina.

"Kilala ba kita?" Masungit na sabi niya sa binata.

"Long time no see" nakangiting sabi ng binata sa kanya, na mas lalong ipi nagtaka niya.

"Sorry baka nagkakamali ka lang. Hindi kasi kita kilala" pagtatanggi nito. Totoo naman na hindi niya kilala ang taong kaharap niya, kahit ba nararamdaman niya na familiar ito sa kanya.

"Ow? You forgot already? Dalawang beses nga tayo nag kita dito sa school eh" nagulat ang dalaga sa sinabi ng binata, dahil wala naman siyang maalala na nagkita sila noon.

"Ha? Kailan naman yun?" Na curious naman ang dalaga. Gusto niyang malaman kung kailan, sa ganon ay tama nga ang hinala niya na familiar ang taong kaharap niya.

Ngunit biglang naudlot ang sasabihin ng binata dahil tinawag na siya ng mga kaband mate niya. Nag paalam muna ito sa dalaga, at sinabing magkikita muli sila, na ikinatakot ng dalaga.

Hindi niya alam kung bakit at anong dahilan para matakot siya sa binata.

"Baka may sira lang yun sa utak. Wag mo na lang pansinin" sambit ni may, na nanunuod lang sa kanila kanina.

Sumang ayon nalang ang dalaga sa sinabi ni may. Kahit na gumugulo pa rin ang sinasabi ng lalaki sa kanya.

Naghanap na lang sila ng makakain dahil pareho na silang nakaramdam ng gutom.

--------------

Nasa kalagitnaan na ng pagbabasa si kenzo sa kanyang kwarto ng hindi siya mapakali, dahil sa sinabi ni kyle sa kanya.

Mas lalo gumugulo sa kanyang utak ang pagmumukha ng dalaga.

"Bakit ba kasi interesado siya kay mizzy?" Hindi naman siya noon gagalawin kung wala siyang ginawang masama duon sa tao. Pero ngayon na wala na akong ganang mag aral makalabas nalang. Oo nawawalan din ako ng ganang mag aral. Ayan ang nasasabi niya sa kanyang sarili.

Lumabas na siya ng mansyon. Para tumingin tingin, ng maka salubong niya si hannah.

"Akalain mo interesado ka pa rin pala sa mga ganong bagay" pagbati sa kanya. Mukhang kagagaling lang nito sa mga both, dahil sa rami ng dala niyang pagkain at mga laruan.

"Mag papahangin lang ako" sabi niya at sabay alis. Kasunod ni hannah si yanny. Tumango lang ang dalaga ganon nadin ang binata. Ganun kasi pag minsan pag bumabati sila sa isa't isa hindi uso ang ngumiti.

Katulad ni yanny at hannah ay nakasaklob din siya.

Maraming tao ang nagka kasiyahan sa kanilang ginagawa. Naalala ng binata ang dating buhay niya ng hindi pa siya isang estudyante ng mizteroz. Ganan din siya kasaya dati katulad ng mga taong nakikita niya.

Ngunit ngayon iba na ang takbo ng kanyang buhay. Hindi na pwedeng ibalik pa ang nakaraan niya, dahil may lamat na ito.

Nakapamulsa lang siya habang pinagmamasdan ang bawat booth. Pero hindi niya ina sahan na makakasalubong niya si mizzy at may, kahit alam niya na lumabas din ang dalawang ito. Dahil narinig niya ang pag uusap ng dalawang dalaga kanina sa loob ng mansyon.

Ngunit nagulat siya ng makita niya ang biglang paghalik ng binata kay mizzy. Hindi lang siya pati si may ay nagulat.

"What the heck. Ano tong nakita ko?!" Gulat na gulat na tanong niya sa kanyang sarili.

To be Continue....

--------------------------

Edited March 23 2020

Enjoywszt guyszt! 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top